Pagsusuri Sa Akdang Moses

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagsusuri sa Akdang Moses, Moses ni Rogelio Sikat  

I. Pagkilala sa may Akda -Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sícat) (1939-1996)


ay isang Pilipinong piksyonista, mandudula, tagasalinwika, attagapagturo. Siya ay anak nina
Estanislao Sikat at Crisanta Rodriguez. Ipinanganak siya noong Hunyo 26, 1940 sa Alua,
San Isidro,Nueva Ecija, Pilipinas. Siya ang pang-anim sa walong magkakapatid. Si Rogelio
Sikat ay nagtapos na may Batsilyer ng Panitikan sa Pamamahayag mula sa Pamantasan ng
Santo Tomas at isang MA sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas. Ang tao sa likod ng
akdang "Moses, Moses" ay walang iba kundi si Rogelio R. Sicat. Siya rin ang lumikha ng
akdang "Sa Lupa ng Sariling Bayan". Ang mga bagay na nag-udyok sa kanya upang buuin
ang akdang ito ay ang mga taong patuloy na sumusuporta sa kanyang isinusulat at mga
naniniwala sa kanyang kakayahan. Naging inspirasyon din ang mga mambabasa at
makababasa nito sa hinaharap.

II. Uri ng Panitikan Ang “Moses, Moses” ay isang sikat na dulang trahedya. Ito ay
nagpapakita ng malulungkot na pangyayari o tagpo. Ang dula ay sadyang kinasangkapan
upang ipahayag ang hangad na hustisiya.

III. Istilo ng Pagkakasulat ng Akda - Naging epektibo ang akdang ito sa papakita ng mga
emosyon at suliranin ng mga tauhan sa lipunan. Naging pormal ang mga salitang ginamit at
wasto ang gramatika nito. Matatalinghaga rin ang ilang mga salita na ginamit sa akad.
Epektibo ang mga salitang ginamit sa akda. Madali naman itong naunawaan ng
mambabasa. Masining ang pagkakalikha ng akda at kaabang abang ang susunod
pangyayari sa kuwento. Umangkop sa panlasa ng mga mambabasa ang kuwento dahil
makatotohanan ito. 
Layunin ng may Akda - Ibig nito mapakita ang masasaklap na katotohanan tungkol sa
lipunan. Kasama rin ang kabuktutan ng pamahalaan kasama na rinang mga opisyal nito.
Ipinapakita rin nito ang mga kasawian sa buhay na hindi dapat takasan.

IV. Mga Tauhan sa Akda - Regina Calderon - 48, balo, isang maestro -       Tony  -
panganay niyang anak, estudyante -       Aida  - anak niyang babae, estudyante -       Ben -
16, bunso, estudyante -       Ana -  46, matandang dalaga, kapatid ni Regina -      Ang
Alkalde- nagpapaurong kay Regina ng kaso ng anakAng Konsehal- kasama ng alkalde
papunta sa bahay ni Regina Ang Pulis- kasama ng mayor at huhuli kay Tony
V. Tagpuan - Isang “Middle Class” na komunidad sa Rizal ; 1950’s
Ang akda ay naganap sa bahay ng pamilya ni Regina kung saan nagtungo ang alkalde
upang makipagareglo at upang hulihin ang anak ni Regina na si Tony. Sa bahay din
naganap ang pagbaril niya sa sarili niyang anak.

VI. Mga Kaisipan/ Ideyang Taglay ng Akda -      Nagtataglay ito ng mga kultura, kaugalian
at kalagayan ng lipunan natin ito. Lalo na sa usapin ng pulitika sa ating bansa. Mga
karahasan sa ating bansa at pati na rin ang paghihiganti ng mga taong nabiktima ng
pangyayaring ito . Sumasalamin din ito sa mga desisyon na nagagawa natin kung puno ng
galit ang ating mga puso. Karaniwan nakakagawa tayo ng maling desisyon na magpapalala
pa sa sitwasyon.
Layunin niya na iparating sa mga mambabasa kung ano ang nangyayari sa ating batas,
Hustisya, at karapatan bilang tao. Inilalarawan sa maikling kwento na kung gaano ka bagal
Ang hustisya. Na ito ay para lamang sa may pera at mahirap. Na kapag wala kang pera ay
Hindi mo makakamit agad agad ang hustisyang tinatamasa.

VII.  Tema o Paksa ng May-akda - Nagmumulat sa isyu ng lipunan ukol sa mga karimlan ng


pamahalaan at ang mga opisyal nito. Naglalayon din na maipakita ang hirap sa mga
problema. Ang suliranin laban sa sarili , lipunan at mga kapwa. Ang tema o paksa ng akda
ay tungkol sa pagkakaroon ng hustisiya ng isang ina para sa kanyang anak. Nakatuon din ito
sa kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang desisyon o pag-iisip ng maraming beses bago
kumilos ang isang tao at isagawa ang kilos o aksyon.

II. Nilalaman/ Balangkas ng Pangyayari - nagpapakita ng sistema ng pamahalaan sa ating


bansa. Ang paghihirap ng mga taong na nabibiktima ng gaintong gawain . Kasama rin ang
paghihiganti ng mga nasaktan at pagtatakip ng mga tao sa ganitong gawain. Paulit-ulit na
mangyayari ito kung patuloy ang paghihiganti at galit ang papairalin natin. Inutusan ni
Regina si Tony na ibili ng gamot si Aida ngunit lingid sa kaalaman ng ina ay dala pala ni
Tony ang baril ng ama. Umaga na umuwi ito at umaming nakapatay. Pinasuko ng ina ang
anak. Nang dumating ang mga pulis ay agad hinuli si Tony at sinipa palabas ang binata.
Dahil sa nakitang pananakit, binaril na lamang ng ina ang anak na siyang ikinamatay nito. Sa
ganitong pangyayari, dinala sa presinto si Regina upang papanagutin sa kanyang kasalang
pagpatay sa anak.

IX.  Ang Tatlong Bisa


Bisa sa Kaisipan - Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa mga problemang
kinakaharap ng lipunan lalo na ang kawalan ng hustisya. 
Bisa sa Damdamin - Lubhang nakakaawa ang nangyari kay aida. ginahasa siya ng anak ng
mayor nila at hindi siya nabigyan ng hustisya. Ganoon din ang nangyari noong namatay ang
kanilang ama. Nakaklungkot ang katapusan ng kwento dahil sa aksidenteng napatay ni
Regina ang kanyang anak na si Tony at siya pa ay nakulong
Bisa sa Kasalanan - Dapat tayong maging patas sa lahat ng bagay at harapin ang mga
parusa na hatid ng ating mga maling gawain. At lagi nating tandaan na ang paghihiganti ay
hindi katumbas ng hustisya. 

X. Buod Napabalita na pinagsasamantalahan ng anak ng alkalde si Aida na anak ni Regina.


Humingi ng tawad ang alkalde at hiniling na iurong ang kaso isinampa ng pamilya, tumanggi
sila dito. Nanaig din kay Tony na ipaglaban ang kaso dahil na rin sa pagkamatay ng kanyang
ama.Lalo silang nabahala dahil patuloy na pakikipagrelasyon ni Aida sa anak ng alkalde,
kailangan niya na ren ng “tranquilizer” upang mapakalma siya. Isang araw nga ay nanaginip
siya na si Tony ay pilit na pinapainom ng lason ang anak ng alkalde. Ilang sandali lang ay
nabalitaan nila na pinatay ni Tony ang binata. Hinabol siya ng mga pulis , inagaw naman ni
Regina ang baril mula sa anak. Tinutukan si Tony ng mga pulis pero hinarangan ito ng ina
ngunit biglang inagaw ng anak ang baril. Ngunit hindi sinasadya na mabaril ni Regina ang
mismong anak niya at nahuli ito ng mga pulis.

Pagsusuri: Sa Hustisya, dapat ay walang mayaman at mahirap. May pera ka man o wala,
karapatan Nating makamit ang hustisya kapag tayo ay naargabyado nang kung sinong tao.
Dapat din ay Huwag nating ilagay sa ating mga kamay ang batas. Iwasan nating marumihan
ang ating Pangalan.

You might also like