LP Mga Uri NG Pang-Abay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino

Ika-limang Baitang

I.

Layunin:

1. Natutukoy sa bawat pangungusap ang pang-abay na ginamit at ang uri nito.

2. Nagagamit ang mga uri ng pang-abay sa pangungusap.

3. Naipapaliwanag ang pagkakaiba ng bawat uri ng pang-abay.

Paksang-Aralin Aralin: Uri ng Pang-abay Kagamitan: Powerpoint Presentation, Cartolina, Video clip.
Sanggunian:

Pamamaraan A. Pagbati

B. Panalangin

C. Pagtala ng Lumiban sa Klase

D. Pagtsek ng Takdang-Aralin

E. Balik-Aral

Itanong:

Ano ang pang-abay?

F. Pagganyak Pangkatang Gawain:

Pangkatin ang klase sa tatlo. Magpakita ng isang video clip at sasagutin ang mga sumusunod na tanong
ng guro. (Batang sumasayaw VIDEO CLIP)

Itanong:

a. Paano sumayaw ang bata?

b. Saan sumayaw ang bata?

c. Kailan sumayaw ang bata?

G. Pagtatalakay

Pang-abay

Ang pang-abay ay nakikilala dahil sa kasama ito sa pandiwa, pang-uri o isa pang pang-abay na bumubuo
ng parirala.

. Naglalarawan sa pandiwa, pang-uri o sa iba pang pang-abay. Halimbawa:

1. Malayang mamumuhay ang mga mamamayan.

Halimbawa:
1. Malayang mamumuhay ang mga mamamayan.

Mga Uri ng Pang-Abay

1. Pang-abay na Pamanahon

Nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.

nang, sa, noong, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang Halimbawa:

1. Kailangan ka bang pumasok nang araw-araw.

kahapon, kangina, ngayon, bukas, sandali at iba pa

Halimbawa:

Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal.

araw-araw, taon-taon, oras-oras at iba pa

Halimbawa:

Dinidilig araw-araw ng masipag na hardinero ang malawak na damuhan sa

paaralan.

2. Pang-abay na Panlunan

Tumutukoy sa pook na pinangyayarihan o pangyayarihan ng kilos ng pandiwa.

kay o kina

Kapag kasunod ay pantanging ngalan ng tao.

sa Kapag kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip.

kay + pangngaalang pantanging ngalan ng tao

Halimbawa: Tumawag siya kay Fely upang ipagbigay-alam ang nangyari.

kina + pangngaalang pantanging ngalan ng tao Halimbawa: Nagpaluto ako kina Aling Ingga ng masarap
na keyk para sa iyong kaarawan.

sa + pangngalang pambalana

Halimbawa: Maraming masasarap na ulam ang

itininda sa kantina.

sa + pangngaalang pantangi na di ngalan ng tao Halimbawa: Maraming nagsasaliksik sa U.P., sa Ateneo


at sa PNC tungkol sa wika.

sa+panghalip na panao

Halimbawa: Ninawagan sa amin ang mga nasalanta ng bagyo.


. sa + panghalip pamatlig

Halimbawa: Nagluto sa ganito ang kanyang ina.

Maaring sundan ng pariralang pusisyunal na pangngalan at ng. Halimbawa: Nakita ko ang hinaharap mo
sa likod ng kabinet.

3. Pang-abay na Pamamaraan

aglalarawan kung paano naganap o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa o ng ang
kayariang hango sa pandiwa.

Kinamayan niya ako nang mahigpit.

Panandang na/-ng

Halimbawa:

Bakit siya umalis na umiiyak?

Tumawa siyang parang sira ang isip.

H. Paglalapat

Papangkatin ang klase sa tatlo at sasagutin ang pagsasanay na ibibigay ng guro. Panuto: Ilagay ang mga
pang-abay sa tamang kahon na kinabibilangan nito.

Kay

Sandali

Mula

Sa hospital

Mahigpit

Kagabi

Kahapon

Nang

Araw-araw

Dahan-dahan

Ngayon

Umpisa

Sa simbahan

Mahigpit

Kina
Na/-ng

I. Paglalahat

Bukas

Hanggang

Mabagal

a. Ano ang uri ng pang-abay?

b. Anu-ano ang mga pinagkaiba ng mga ito? c. Magbigay ng halimbawa ng pang-abay at gamitin ito sa
pangungusap.

IV.

Pagtataya

Panuto: Isulat sa patlang ang titik PR kung ang pang-abay na may salungguhit ay pangabay na pamaraan,
PN kung ito ay pang-abay na pamanahon, o PL kung ito ay pang-abay na panlunan.

1. Tuwing alas singko ng umaga gumigising si Aling Dina.

2. Naglalaba ng mga damit si Aling Dina araw-araw. 3. Nakita ko siyang bumili ng sabong panlaba sa
tindahan.

4. Matiyagang pinapaputi niya ang mga uniporme ng kanyang mga anak.

5. Si Ate Lorna ay naghahanda ng almusal sa kusina.

6. Masarap magluto ng tapsilog si Ate Lorna.

7. Tumungo sa hapag-kainan ang buong mag-anak. 8. Darating na mayamaya ang mga bata mula sa
paaralan.

9. Naglakad nang matulin ang magkapatid.

10. Dali-daling tumakbo si Alicia sa kanyang inay

V.

Takdang-Aralin

Panuto: Isulat ang tamang uri ng pang-abay ang mga sumusunod:

1. Niyakap ni Aling Dina nang mahigpit si Alicia.

2. Nahalata ni Alicia ang merienda sa ibabaw ng mesa. 3. “Nagkaroon kami ng maikling pagsusulit
kanina," sabi ni Alicia.

__4. "Naunawaan mo ba nang mabuti ang leksiyon?" tanong ni Aling Dina.


_5. Pumunta muna si Allen kina Jack dahil may hihiramin siyang aklat.

6. Nagsisimba ang buong pamilya tuwing Linggo.

7. Binibisita nila ang kanilang lolo at lola buwan-buwan.

8. Nakatira ang lolo at lola nila sa isang subdibisyon sa Barangay ng San

Martin.

9. Masayang nakipagkuwentuhan si Lolo Pedring sa kanyang mga apo.

10. Nangako ang mga bata na tatawag sila sa telepono bukas.

You might also like