Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Si Maria ay isang batang babae na nakatira sa kabundukan kasama ang kanyang

ama na Si Ernesto, hindi sila malapit sa isa’t isa dahil simula pagkamatay ng ina ni
Maria ang asawa ni Ernesto tila bang nawalan ng kulay ang kanilang mga buhay.
Sila ay mayroong pananim sa kanilang kinalulupaan kaya naman tuwing biyernes
hanggang linggo ay pumupunta si Maria sa bayan na nasa ibaba ng bundok upang
doon magtinda ng mga gulay na kanilang tinatanim.

Dumating ang biyernes at kaka-uwi lamang ni Maria galing sa eskwelahan kaya


siya ay naghahanda na para mag tinda, sakto naman na dumating ang kanyang ama
na dala ang mga gulay na ibebenta nila. “Sakto at nakauwi kana Maria heto ang
mga gulay na hugasan ko na ang mga iyan” sabi ni Ernesto sa kanyang anak, “Sige
‘tay alis na po ako, sisiguraduhin ko na ma bebenta ko ang lahat ng ito” wika ni
Maria habang siya ay paalabas ng bahay.

Nang makarating si Maria sa bayan nagsimula na siya magtinda sa mga bahay


bahay, pagkatapos niyang mag benta pumunta naman siya sa bahay ng kanyang
kaibigan na si Clara, “Uy Maria ginagawa mo rito naubos na mga paninda mo?”
tanong ni Clara kay Maria “Oo, tsaka na isipan ko na dumaan dito dahil maaga pa
naman tsaka nag tira rin ako ng ilang gulay para sa inyo” “Heto po tita” pag bigay
ni Maria sa Ina ni Clara “Naku maraming salamat hija napakabait mo talaga”
“Walang anu man po, sobra po kasi yung dala ko kaya sa inyo na po iyan” wika ni
Maria.

Lumipas ang ilang oras at nagpasya na si Maria na umuwi, habang siya ay


naglalakad napansin niya na tila may sumusunod sa kaniya kaya naman binilisan
niya maglakad “Lord huhu wag niyo naman ako takutin ng ganto” sabi ni Maria na
kala mo ba’y nagdadasal, huminto naman siya ng may marinig na tunog sa
damuhan “Sino yan, may tao ba dyan” takot na pag sabi ni Maria habang
lumilingon-lingon siya sa paligid nawala naman ang kanyang takot ng makita ang
itim na pusa “ay pusa lang pala hahaha cute mo naman sayang hindi kita maiuuwi
eh” sabi ni Maria habang hinahaplos ang itim na pusa “babye na cat dalhan nalang
kita ng pagkain bukas” nakangiting sabi niya papaalis sa kanyang kinaroroonan.
Kinabukasan nang si Maria ay magising hinahanap niya ang kanyang ama at
nagtaka kung bakit siya ay wala pero hindi nya ito masyado pinansin at naisip na
baka nasa bayan lamang. Naalala niya ang pusa kahapon kaya kumuha siya ng
tinapay at lumabas, nang makalabas si Maria siya ay nagulat sa kanyang nakita.

Nakita niya ang itim na pusa na may dugo sa kanyang bibig sa ibabaw ng kanyang
ama na nasa lapag puno ng dugo na parang inatake at napatay ng pusa ngunit hindi
mo talaga ito matatawag na pusa ang bagay na diumano ang pumatay sa kanyang
ama dahil ito ay mas malaki at nakakatakot kaysa sa isang ordinaryong pusa.
Sa gusto man nyang lapitan at tulungan ang kanyang ama hindi niya ito magawa
dahil sa kung ano man ang hayop na naroon, siya ay di makagalaw sa takot at galit
na kanyang nararamdaman dahil sa nangyari sa kanyang ama wala siyang magawa
kung hindi humagulgol lamang sa kanyang kinatatayuan. Naisipan niya na
magdasal at dasalin na ang lahat ng ito ay panaginip lamang.

“ O Panginoon ko ano ba ang nagawa ko at kailangan niyo akong parusahan ng


ganito, gagawin ko ang lahat wag lang mamatay ang aking ama siya lang ang
natitirang kasama ko sa buhay na ito” mangiyak-iyak na pagdarasal ni Maria
ninanais na lahat ay mawala at magising siya kasama ang kanyang ama sa isang
hapagkainan masayang nag kwe-kwentuhan. Dumilat si Maria ng matapos ang
kanyang pagdarasal at mayroong ilaw na kumikinang na napagkaliwanag na halos
siya’y mabulag.

“Maria” may mahinang tumatawag


“Maria”
“MARIA” sigaw naman
Nagising si Maria sa lakas na sigaw at nagtataka kung bakit siya ay nakahiga
lumingon lingon siya at gulat na nakita ang kanyang ama, dali naman niyang
niyakap ang kanyang ama na may halong iyak.
“Buhay po kayo”
“Bakit naman ako hindi buhay, gusto mo ba ako mamatay” nagtataka at pabirong
sabi ni Ernesto
“Hindi po, nanaginip po kasi ako na wala na kayo…” malungkot na sabi ni Maria
“Wag kang mag alala nandito lang ako anak hindi kita iiwan”
“Mahal na mahal ko po kayo itay” umiiyak na sabi at lalong hinigpitan ang yakap
“Mahal din kita anak, tara na tumayo kana dyan at kumain na”
“Sige po susunod po ako” sabi habang pinupunasan ang kanyang luha at inayos
ang kanyang sarili, nang makalabas siya sa kanyang kwarto naupo siya sa
hapagkainan at nag simulang kumain kasama ang kanyang ama.

You might also like