Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Reighmiel Cien B.

Caraig ARALING PANLIPUNAN 9

9- St. Mark

Business Brief

CRCC Foodtrip

Ang CRCC Foodtrip ay matatagpuan sa bahagi ng Talaga Proper, Mabini, Batangas.


Ito ay naitatag noong 2017 sa ilalim ng pag mamayari ni Ginoong Cedric Adrian Balita
na nakatira din sa Talaga Proper, Mabini, Batangas. Ang Fast Food Resto na ito ay
itinayo sa kadahilanang, may paaralan na nakatayo malapit sa kanilang pwestong pinag
nenegosyohan. Na obserbahan nila kung gaano karaming estudyante and
nangangailangan ng pagkain na pasok sa badget ng isang mag aaral. Naging malaking
tulong ito sa mga studyante at sa iba pang mga mamamayan ng aming barangay na
maka mura.

Sa kasalukuyan ang Fast Food Resto na ito ay may malaking pag babago kung
ikukumpara sa unang pagkakatayo ng kainan. Marami naring nag bago sa kanilang
serbisyo katulad ng deliveries, mayroon na ring mga bagong pagkain na naidagdag sa
kanilang menu. Sa kasalukuyan, and CRCC Foodtrip ay nasa ika- limang taon na sa
serbisyo at isa ako sa naka saksi ng kanilang pag lago. Masarap ang mga pagkain na
kanilang ihinahanda na pasok sa bulsa, maganda ang ibinibigay nilang serbisyo sa mga
kostomer na naging dahilan sa patuloy ng pag lago at matatag na negosyo.

Ang CRCC Foodtrip ay subok na sa malilinis na mga kagamitan at mga pagkain,


malinis ang mga mesa at maayos ang mga upuan. Bagong luto at mainit init pang
pagkain ang iyong matitikman rito. Kailangan na nilang mag dagdag pa ng mga pwesto
upang matikman ng marami ang kanilang masasarap na pagkain na hatid ni Ginoong
Cedric Balita.

Ang negosyong ito ay palagi kong nakikita at nabibisita sapagkat itoy aming katabing
bahay lamang.
(Ang naganap na pakikipanayam ay aking isinagawa ng birtwal, sapagkat nasa
bakasyunan ang may ari ng kainan)

Ito ang larawan ng CRCC Foodtrip. Aking pinsan ang may ari ng kainang ito kaya
naging masaya at komportable ang naganap na pakiki panayam. Makikita natin sa
larawan kung gaano ka aliwalas at kalinis ng kainan. Komportableng makaka kain ang
mga studyante at ang mga mamamayan rito.
REKOMENDASYON

Ang negosyo na kainan na katulad nito ,ay negosyong malaking tulong sa ekonomiya.
Mahalaga na ang mga kainan na katulad nito ay may mga permit upang legal ang
maging operasyon ng negosyo at naglalayon ng pagtugon sa mga pangangailangan ng
bawat mamayan tulad ng malinis at bagong pagkain.

You might also like