Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Transcript ng Talumpati ni Grace Poe

Nang Magdeklarang tatakbo sa Pagkapangulo


(bahagi lamang)
Kulang po ang aking panahon ngayon upang ilahad ang kabuoan ng aking mga mithiin at adhikain.
Sa mga susunod na araw, ihahain ko po ang isang komprehensibong program ana nakasentro sa simpleng
prinsipyo at paniniwala: walang maiiwang Pilipino at walang maiiwang lugar sa Pilipinas. Sabay-sabay
tayong aangat at sama -sama tayong uunlad!
Noong tumakbo ang tatay ko, minaliit siya, sinabi na wala siyang karanasan, at hindi siya Pilipino.
Ngunit buong tapang niyang hinarap ang hamon at di niya inurungan ang pagkakataon na tumulong na
mapabuti ang buhay ng kapwa -Pilipino.
Ang kanyang katapatan, tapang, kabaitan ay naging inspirasyon at gabay sa akin. Ang nanay ko
naman sinabi niya: “Anak, sa lahat ng ingay ng politika, huwag mo walain ang iyong sarili.”
Ang aking buhay ay isang bukas na aklat.
Sino ang mag-aakala na ang isang sanggol na natatagpuan ay makatutuntong sa Senado. Salamat
sa pagkakataon na ibinigay ninyo sa akin.
Huwag ninyong kalilimutan. Magaling ang Pilipino. Mapagmahal, malikhain, at marunong gumawa
ng paraan.
Kaya nating marating ang ating mga mithiin para sa bayan kung masisipag, magmamatyag, at
siguraduhin na may tapat na gagabay saatin.
Dapat sama-sama tayo. Hindi kaya ng iisang tao.
Ang mangangako niya ay nagsisinungaling na.
Sa ating lahat nakasalalay ang magiging kuwento ng Pilipinas sa darating na panahon.
Sana po ay samahan ninyo ako sa pagpapanday ng maganda at makabuluhang hinaharap ng ating inang
bayang Pilipinas.
Ako po si Grace Poe. Pilipino. Anak, asawa, at ina, at sa tulong ng Mahal na Diyos ay inaalay ko sa inyong
lahat ang aking sarili sa mas mataas na paninilbihan bilang inyong Pangulo.

Panuto: Ipaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa.


1. Ano ang pakay ng sumulat ng talumpati?
_____________________________________________________________________
2. Sino ang inaasahan niyang babasa ng teksto?
_____________________________________________________________________
3. Isinaalang-alang ba niya ang babasa ng talumpati? Patunayan ang iyong sagot.
_____________________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, ano, anong damdamin ang naantig ng kanyang isinulat?
_____________________________________________________________________
5. Anong kaisipan ang nais ikintal ng may-akda sa babasa ng talumpati? Ipaliwanag.

You might also like