Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Roselle Lyn S.

Lagdameo LIT03

BSED-Filipino 2B

Magpinsan

ni Amado V. Hernandez

Si Nestor ay isang lalaki na bago pa lamang nagbibinata, siya ay may lihim na pagtingin
sa kanyang pinsan na si Ligaya. Nakatanggap si Ligaya ng liham mula kay Nestor at habang
ito’y kanyang binabasa ay napapahalakhak siya. Sina Nestor at Ligaya ay parang magkapatid
noong sila ay mga bata pa lamang. Naghiwalay lamang sila dahil ipapasok na si Ligaya sa
kolehiyo. Marami ng araw at taon ang lumipas at muling nagkita ang dalawa ngunit
nagkakailagan at hindi magkatinginan. Nang malaman ni Nestor na binalewala ni Ligaya ang
panglima niyang sulat ay nagpasya na lamang siya na mag-aral at magsikap. Samantalang si
Ligaya ay patuloy sa kanyang pagkabulaklak ng lipunan. Pagkaraan pa ng tatlong mahahabang
panahon ay nakatapos din si Nestor sa pagkamanggagamot, isang batang batang manggagamot
na ningingitian ng pag-asa at pinatatapang ng matmis na pangarap. Nabalitaan ni Nestor ang
kaawang-awang kalagayan ni Ligaya kaya dali-daling inihandog ang kanyang tulong.
Tinulungan niya si Ligaya na gumaling sa kanyang sakit. May dalawanng buwan pa lamang si
Ligaya sa itaas ng Baguio ay tumigil na agad ang paglura ng dugo. Laking pasasalamat ni Ligaya
kay Nestor at napagaling niya ito. Nag aminan ang dalawa ng kanilang lihim na pagibig sa isa’t
isa. Nabalitaan na lamang ng lahat sa kahanga-hangang siyudad pati na rin sa malamig na Baguio
ang luna de miel ni Ligaya at ni Nestor.
Roselle Lyn S. Lagdameo LIT03

BSED-Filipino 2B

ALOHA

ni Deogracias A. Rosario

Si Dan Merton ay isang Amerikanong mamamahayag sa Honolulu at siya ay nagtapos sa


Unibersidad ng Southern California sa Los Angeles. Lipi ng isang angkang milyonaryo sa
Hollywood, si Merton ay isang tunay na gentleman na wala nang sukat ipintas sa pakikiharap
kaninuman. Halos sundan siya sa kanyang kamarote ng kasama niyang mga debutante sa bapor.
Limang araw napala siyang naglalayag at hindi man lamang siya nainip. Dumating na siya sa
kanyang patutunguhan. Agad niyang binuksan ang kanyang traveling trunk at sa isa sa mga
kahon ay kinuha ang tarhetang bigay sa kanya ng kanyang ama nakinaroroonan ng pangalan ng
isang taong sasalubong sa kanya. Pagdating na pagdating niya roon ay agad siyang sinalubong
nang kaibigan ng kanyang ama at sinabitan sya sa leeg ng kwintas ng mga bulaklak na sariwa at
kilala sa tawag na lei at sa lugar na ito nakilala niya si Noemi sa Punahu School at naging asawa
niya ito. Disyembre na nang sila’y papauwi sa Los Angeles at isang araw na lamang at Pasko na.
Habang nasa loob sila ng kanilang suite de luxe sa bapor ay inisa-isa ni Merton kay Noemi kung
gaano magiging kasaya ang kanilang Pasko. Kinusa ni Merton na hindi ipaalam sa kayang ama
ang kanyang pagbabalik at ang ibig niya ay makagawa ng isang sorpresa. Dumating na ang oras
na kanilang hinihintay at naroon na sila sa Wellmington. Ang ama ay nagyakap at si Noemi ay
kinamayan ng kanyang biyenan. Nagkaroon ng party at si Noemi ay hindi nakikisalamuha
kinausap siya ng kanyang biyenan at bibigyan siya ng $25,000 para iwanan ang kanyang anak na
si Dan Merton ngunit hindi niya ito tinanggap. Pinakita ni Noemi ang kanyang kayang gawin, at
lumabas ay hindi na ang Noemi na gayak-Amerikana, kundi isang tunay na kanaka. Pagkatapos
nang lahat ng nangyari ay nasama ng maligaya sina Dan Merton at Noemi at biniyayan ng anak
at bininyagan nila ng ALOHA.
Roselle Lyn S. Lagdameo LIT03

BSED-Filipino 2B

Ang Kwento ni Mabuti

ni Genoveva Edroza-Matute

Isang guro na pangkaraniwan noon. Walang sinumang nag-ukol sa kanyang pananamit.


Hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga panunugutan sa paaralan. Walang masasabing
anumang pangkaraniwn sa kanya. Siya ay tinatawag naming si Mabuti kapag siya’y nakatalikod.
Ang salitang iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit sa mga
salitang hindi niya maalala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin.
Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan. Pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon
niya ako natagpuan. Ibig kong tumakas sa kanya at huwag ng bumalik pa kailanman. Sa bata
kong isipan ay binaling kong ito’y isang kahihiyan. Si Mabuti ay naging isang bagong nilikha sa
akin mula nang araw na iyon. Hindi sya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang pagkatao.
Ngunit bumanggit sya tungkol sa kanyang anak na babae. At ngayon ilang araw lamang nag
nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang
ama ng batang iyon marahil ay magiging isang manggagamot din balang araw, ay namatay at
ibinurol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at
ng kanyang anak.

You might also like