Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang pangarap ay hindi nakukuha agad-agad.

Ito ay nagsisimula sa
isang pagpaplano tungkol sa mga bagay na gusto nating mangyari sa ating
buhay. Ang plano na minsa’y nanggagaling sa pagkakaroon ng inspirasyon
mula sa ibang tao upang pagtibayin ang inyong paniniwala na balang araw
ay matutupad lahat ng inyong panaginip.Hindi madaling abutin ang mga
pangarap. Marami kang pagdadaanan at marami kang pagsubok na
haharapin. Diyan masusukat ang iyong katatagan at pagtitibayin ang inyong
pananampalataya. Madali lang mangarap. Isip at imahinasyon ang ginagamit
para makita natin kung anong mga posibleng mangyari bukas, sa isang
linggo, sa isang buwan o sa isang taon. Lahat ng kagustuhan natin ay
lumalabas at yun ang nagiging dahilan upang maka buo ng isang
pangarap.Walang sumusuko sa mga taong nangangarap.

Kahit gaano kahirap abutin basta gusto mong maisakatuparan ang


lahat, gagawin mo ang sinisigaw ng iyong puso’t isipan. Kung pursigido
kang abutin lahat lahat, pwes kumilos ka. Walang mangyayari sa taong
tamad. Ang buhay ay maikli lang at ang layunin nating lahat ay
maisakatuparan ang lahat ng ating plano sa ating buhay. Kung papaano mo
aabutin, diskarte mo na lang.Ang pangarap ay kaakibat ng hiling. Ito ay
sinasama natin sa ating panalangin. Kung positibo kang mag-isip, alam mo
at panatag ka sa sarili mong matutupad lahat ng pangarap mo sa tamang
panahon. Kumilos ka lang at wag susuko. Wag kalimutan magbalik tanaw sa
mga taong naging susi para makahakbang ka sa hagdan ng iyong pangarap.

Ang mga oportunidad na dumarating sa inyo ay wag talikuran.


Kunin niyo ito! Malay niyo ito ang maging susi para mas mapalapit ka sa
pag-abot mo ng pangarap. Manatiling positibo. Unahan mo ng magagandang
pangitain ang mga bagay na gusto mo pa lang mangyari.Alam nating
mahirap ang pagdadaanan natin bago natin maabot ang ating mga pangarap.
Pero hindi dahilan yun para pangunahan tayo ng takot, pagsuko, at kawalan
ng tiwala sa sarili. Sarili mo lang ang kalaban mo kaibigan. Kung
magpapatalo ka sa negatibong takbo ng isip mo, sigurado akong walang
mangyayari sa pangarap mo.Pag nangarap ka ngayon, hindi yan matutupad
kinabukasan. Ang pangarap ay natutupad paunti-unti depende sa sitwasyong
inyong tinatahak. Depende sa diskarteng ginagawa mo at depende rin ito sa
iyong pagsisikap.Magkaroon ng mabuting puso, lahat ay darating sayo sa
tamang panahon.

You might also like