Wikawikawika

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Bago pa man dumating ang mga kastila, mayroon na tayong sariling sining at panitikan tulad ng

mga mito, epiko, bugtong, alamat, pamahiin at bulong. Mayroon na ring mga pananampalataya at ritwal
na kadalasang pinangungunahan ng isang babaylan. At higit sa lahat, mayroong babayin o ang
katutubong paraan ng pagsulat. Dumating ang mga kastila na may taglay na 3 Gs o ang God, Gold at
Glory, at sila ay naglalayong maipalaganap sa buong mundo ang Kristiyanismo. Dahil rito maraming
nadagdag, nabawas at nabago sa ating kultura kabilang na rin ang ating paraan ng pagsulat at paggamit
ng wika.
Para sa akin, napakayaman at napakakulay ng mga tradisyon at kultura ng Pilipinas. Ang
pananakop ng mga kastila ay may naitulong rin upang maging malawak at maunlad ang mga panitikan
natin ngayon kahit na sapilitan nila itong isinagawa gamit ang pananakot. Ang mga ito ay ipinamana sa
atin ng mga ninuno kaya dapat lang natin itong mahalin, alagaan at panatilihing buhay. Subalit, maganda
man ang paraan ng pagsulat natin ngayon, mas nagustuhan ko parin ang baybayin. Nagustuhan ko ito
sapagkat masmaganda ito sa ating paningin kaso medyo mahirap lang itong aralin at sulatin dahil
maraming kurba.
Dapat lang na ating ipagmalaki at mahalin ang ating sariling kultura dahil mahalaga ang mga ito
sa atin. Makatutulong ito upang mapanatili at mapagpatuloy pa ang buhay nito para mapakinabangan
natin ito sa susunod na mga henerasyon. Mapapakita natin ang pagmamahal at pagpapahalaga sa ating
mga kultura sa pamamagitan ng simleng pagrespeto at pagsali sa mga pagdiriwang ng mga selebrasyong
may kaugnayan rito.

You might also like