Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

TALUMPATI

Matagal na tayong naghahangad ng isang mabuting lider. Isang lider na taos-puso kung maglingkod.
Isang lider na bawat minuto, bawat segundo ay maasahan. Kaya’t sana sa darating na halalan, piliin natin ang
kandidatong talagang karapat-dapat na maupo sa pwesto.

Isang pinagpalang araw para sa ating lahat. Ako po si Cedric Mengote at ako’y naririto ngayon dahil sa
mensaheng nais kong iparating. Nawa’y buksan po natin ang ating mga puso’t isipan nang mas maunawaan ang
talumpating aking bibigkasin. Hindi naman siguro lingid sa atin ang eleksyon na gaganapin sa 2022 sapagkat
ngayon pa lamang ay ramdam na natin ang suporta ng mga tao sa mga kandidato. Makikita ito sa iba’t ibang
social media platforms lalo na sa facebook at twitter.

Ang eleksyon ay gaganapin sa ika-siyam ng mayo at ito ay anim na buwan na lamang. Natapos na ang
araw ng pagpaparehistro para sa mga botante. Kayo po ba ay umabot at nakapagparehistro? Kung kayo ay
rehistrado, binabati ko kayo sapagkat magagawa niyo ang isa sa inyong mga responsiblidad bilang mamamayan
ng isang demokratikong bansa, ito ay ang pagboto. Napakahalaga ng pagboto. Ito ay isang karapatan na
ibinigay sa atin upang malaya tayong makapili kung sino ang gusto nating mamuno sa ating bansa. Ito ang ang
magdidikta kung sino-sino ang mangangasiwa ng ating bansa sa isang mahabang termino.
Napakamakapangyarihan ng boto kaya’t dapat lang na maging matalino tayo sa paggamit nito. Ating kilatisin at
suriin nang maayos ang bawat kandidato bago natin ibigay ang ating buong suporta at tiwala. Huwag nating
hayaan na bilugin tayo sa matatamis na salita ng mga kandidatong kulang naman sa gawa. Huwag rin nating
hahayaan na angkinin ng mga kandidato ang ating boto kapalit lamang sa maliit na halaga. Sa darating na
eleksyon, sana’y ating irespeto ang mga pananaw at opinyon ng bawat isa at magkaisa para sa ikauunlad ng
ating bansa. At palaging tatandaan, nasa atin nakasalalay ang kinabukasan ng bayan dahil sa isa nating boto,
kapalaran ng bansa maaaring magbago. Maraming salamat po.

You might also like