Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Baitang 4

ANG KAKLASE KONG BALIKBAYAN


Ni: Argentina E. Orajay

Kumusta! Ako si Jin Young, isang Pilipinong Koreano. Ang tatay ko ay isang Koreano
samantalang ang nanay ko naman ay isang Pilipina. Tuwing bakasyon ay umuuwi kami sa
Korea. Dito ako isinilang sa Pilipinas. Nang dumating ang tatay ko galing Korea ay nagkasundo
sila ng nanay kong tuwing bakasyon at may okasyon ay uuwi kami sa Korea. Samatala, kung
may pasok naman sa paaralan ay dito ako sa ating bansa mag-aaral. Taon-taon ay bumabalik
kami sa Pilipinas kaya akoý tinatawag na “balikbayan” ng aking mga kaibigan. Sa unang araw
ng klase ay kakikitaan ko sila ng pananabik sa aking mga kuwento tungkol sa bansang Korea.
Sabi ng nanay ko, sila ay gumagamit ng dulang o mababang mesa noong sila’y nasa
probinsya pa. Sa Korea ay may dulang din kung saan kami nagsasalo-salo sa hapag-kainan. Sa
sahig kami nakaupo habang kumakain kami ng Kimchi at Gimbap. Mahilig ang tatay ko sa
Kimchi, Gimbap at Samgyupsal. Madalang kaming gumamit ng kutsara at tinidor. Chopstick ang
lagi naming ginagamit sa aming pagkain.
Kung hindi ninyo naitatanong higit pa riyan ang nais kong ikuwento. Dito sa ating bansa,
iminulat ako ng aking ina sa kung anong kultura mayroon tayong mga Pilipino. Palagi tayong
gumagamit ng po at opo, mayroon tayong iba’t ibang larong Pinoy tulad ng luksong tinik,
patintero at taguan. Ipinakita ko rin sa Korea ang diwa ng pagiging patas sa laro kahit ako ay
matalo pa.
Nakatutuwang isipin na ang magkaibang kultura ng aking mga magulang ay hindi naging
hadlang upang kami ay magkaunawaan at magmahalan. Pareho kong ipinagmamalaki ang mga
bagay o kaugaliang itinuro nila sa akin. May pagkakataong balikbayan ako sa Korea at gayondin
sa ating bansa subalit umaasa akong kahit sa paglipas ng panahon ay mananatili akong tapat sa
bansang nagdulot sa akin nang labis na kaligayahan tulad din ng mga kaibigan kong sila Pedro,
Marta at Tanya.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Ano ang pamagat ng maikling kuwentong iyong binasa?
A. Si Jin Young C. Korea
B. Ang Balikbayan kong Kaklase D. Balikbayan
2. Saang bansa nagbabakasyon si Jin Young?
A. Hapon . C. Korea
B. Amerika D. Italya
3. Kailan siya umuuwi sa Pilipinas?
A. tuwing Pasko C. tuwing Bagong Taon
B. tuwing pasukan D. tuwing kaarawan niya
4. Ano ang ibig sabihin ng dulang sa probinsya ng nanay ni Jin Young?
A. mababang mesa C. mababang upuan
B. mataas na mesa D. mataas na upuan
5. Anong magandang kaugaliang Pilipino ang binanggit sa kuwento?
A. pagmamano C. bayanihan
B. paggamit ng po at opo D. magiliw na pagtanggap sa bisita

You might also like