Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Ang Aginaldo ng mga 

Mago
ni O. Henry
Isinalin sa Filipino ni Menchu M. Lacsamana

Isang dolyar at walumpu’t pitong sentimos. Ito ang


lahat.  Ang animnapung sentimos nito ay barya.
Ang mga baryang matitipid na isa at dalawa sa
pamamagitan ng pakikipagtawaran sa tindero at sa
maggugulay at sa magkakarne hanggang mapahiya
dahil sa maling bintang at pagiging kuripot dahil sa
pahiwatig nito ng pakikipagtawaran.  Maikatlong
beses na binilang ito ni Della.  Isang dolyar at
walumpu’t pitong sentimos. At kinabukasan noon
ay Pasko.

            Malinaw na wala na siyang magawa kundi


ang sumalampak sa marusing na sopa at
magpalahaw ng iyak. Iyon nga ang ginawa ni Della.
Nagpapakita ito ng moral na pagninilay na ang
buhay ay puno ng buntong-hininga, pagsinghot
dahil sa pag-iyak at mga ngiti, datapwa’t ang nangingibabaw ay ang pag-iyak.

            Bagama’t ang ilaw ng tahanan ay sumisinghot dala ng pag-iyak, pinagmasdan


niya ang kanyang tahanan. Nagkakahalaga ang kanilang apartment ng walong dolyar
kada linggo. Hindi naman ito naglalarawan ng pagiging pulubi ngunit ito ang tiyak na
salita para sa nabubuhay sa pagpapalimos.

            Sa ibaba ng bukana ng bulwagan ay matatagpuan ang buson (letter box) na sa


wari’y walang mga sulat na natanggap at ang elektronikong buton na walang daliri ang
magkamaling magpatunog nito. Makikita rin dito ang kard na nagtataglay ng pangalang
“ Ginoong James Dillingham Young.”

            Ang mag-asawang Dillingham na nabubuhay noon sa kasaganaan ay


nakatatanggap ng tatlumpung dolyar kada linggo.  Ngayon, ang sahod na natatanggap
ay dalawampung dolyar na matamang nag-iisip ang mababang-loob at mahinhing si D.
Kapag umuuwi sa bahay si Ginoong James Dillingham ay tinatawag siyang Jim at
niyayakap siya ni Gng. James Dillingham Young, na ipinakilala na si Della. Lahat ay
mabuti.

            Natapos ang pag-iyak ni Della at hinarap ang kanyang mga pisngi at nagpulbos.
Tumayo siya sa may bintana at sinulyapan ang abuhing pusa na naglalakad sa abuhing

1
bakod sa abuhing likuran ng bahay. Kinabukasan ay Araw ng Pasko, at siya ay mayroon
lamang 1.87 na dolyar upang makabili ng pang-aginaldo kay Jim. Siya ay nagtabi ng
pera nang ilang buwan at ito lamang ang kanyang naipon. Ang dalawampung dolyar
kada linggo ay hindi sapat. Mas malaki ang mga gastusin kaysa sa kanyang inaasahan.
Mayroon lamang siyang 1.87 na dolyar upang bumili ng regalo para kay Jim. Maraming
masasayang oras ang kaniyang ginugol sa pag-iisip kung anong magandang aginaldo
ang kanyang maibibigay sa asawa. Isang aginaldong maganda at naiiba, at yari sa pilak-
isang bagay na karapat-dapat na ariin ni Jim.

May isang salamin sa pagitan ng mga bintana ng kuwarto. Maaaring nakakita na kayo
ng isang salamin sa 8 dolyar na apartment. May isang payat at maliksing tao ang
nagmamasid sa kanyang repleksyon. Si Della bilang balingkinitan, ay sanay na sa
ganitong uri ng sining.

Biglang pumunta siya sa bintana at tumayo sa harap ng salamin, kumikinang ang mga
mata, ngunit nawalan ng kulay ang kanyang mukha ng dalawampung segundo. Daglian
niyang inilugay ang kanyang buhok at hinayaan niyang bumagsak ito sa tamang haba.

            Ngayon, may dalawang mahalagang pag-aari mayroon ang Dillingham Youngs na


kanilang ipinagmamalaki. Ang isa ay ang gintong relo ni Jim na ibinigay ng kanyang
ama na pag-aari ng ama ng kanyang ama. Ang pangalawa ay ang buhok ni Della. Kung
ang reyna na si Sheba ay nakatira malapit sa kanilang apartment, hahayaan ni Della na
ilugay ang kanyang buhok sa bintana at patuyuin ito upang mabawasan ang mga alahas
at mga aginaldo ng kamahalan. Kung naging dyanitor naman si Haring Solomon, ang
lahat ng kanyang mga kayamanan ay ilalagay sa basement, parating titingnan ni Jim
ang kanyang relo upang orasan ang pagpunta ni Solomon, tingnan at hilahin ang balbas
nito dahil sa selos.

            Ang magandang buhok ni Della ay tulad ng lumalagaslas at makinang na tila


tsokolateng tubig. Hanggang tuhod ni Della ang haba ng kanyang buhok na
kinakabahan at nagmamadali. Natigilan ng ilang sandali at tumayo habang ang kanyang
luha ay tumulo sa pulang karpet.

            Suot niya ang kanyang lumang kulay tsokolateng dyaket, ang kanyang lumang
kulay tsokolateng sombrero, dali-dali siyang lumabas ng pinto at pumunta sa lansangan.

            Huminto siya at binasa  ang karatula: “Mne. Sofronie. Magandang Buhok na Iba-


iba ang Uri.” Tumakbo si Della at pinuntahan ito. Halos hinahabol niya ang kanyang
hininga, siya ay nagsalita. “Madame, Malaki, masyadong maputi, malamig, hinahanap
ko si Sofronie.”

            “Bibilhin mo ba ang aking buhok?” tanong ni Della.

2
            “Bumibili ako ng buhok,” sagot ni Madam. Tanggalin mo ang iyong sombrero at
nang makita ko ang iyong buhok.”

            Nilugay ni Della ang buhok na kulay tsokolate.

            “Dalawampung dolyar,” sabi ni Madam, itinaas ng kanyang kamay ang buhok.

            “Madali, ibigay mo na sa akin, “wika ni Della.

            Ang sumunod na dalawang oras ay ginugol ni Della sa paghahanap ng regalong


ibibigay niya kay Jim.

            Natagpuan din niya sa wakas. Sadyang ginawa iyon para kay Jim. Walang katulad
ito sa kahit saang tindahan, at ito’y kanyang sinuring mabuti. Ito ay isang pilak na
kadena na simple at malinis ang pagkakadisenyo, nagsasabi ng kahalagahan nito. Mas
mahalaga pa ito kaysa sa relo. Sa pagkakakita pa lamang niya ay alam na niyang ito ay
para kay Jim. Tulad siya nito. Katahimikan at kahalagahan ang paglalarawan ng dalawa.
Dalawampu’t isang dolyar ang ibinayad niya at ang naiuwi na lamang niyang salapi ay
87 sentimos. 

            Ito ang nagbibigay ng kahalagahan sa relo. 

            Nakauwi na si Della. Naglagay siya ng rollers sa ulo at nagtrabaho agad sa


pagkumpuni ng mga sirang gamit. Malaking gawain ito, mga mahal na kaibigan-
dambuhalang gawain.

            Pagkatapos ng apatnapung minuto, ang kanyang ulo na natakpan ng maliliit na


kulot na bumagay sa kanya tulad ng pagbubulakbol ng batang lalaking nag-aaral.
Tiningnan niya ang kanyang repleksyon sa salamin nang matagal, maingat, at kritikal.

            “Kung hindi ako papatayin ni Jim, sabi niya sa kanyang sarili, “bago niya akong
tingnang muli, sasabihin niya na kamukha ko ang mga babaeng koro ng Coney Island.
Ngunit ano ang aking gagawin-oh! Ano ang magagawa ko sa isang dolyar at walumpu’t
pitong sentimos?”

            Ika-pito na ng gabi at nakagawa na ng kape at ang kawali ay nasa kalan handa


nang magluto ng ulam.

            Hindi nahuhuli si Jim sa pag-uwi. Dinoble ni Della ang kadena sa kanyang kamay
at umupo sa sulok ng mesa na malapit sa pintuan na kung saan dumadaan si Jim.
Narinig niya ang tunog ng sapatos nito sa pag-akyat sa hagdanan sa unang palapag, at

3
sa unang pagkakataon namutla siya. Isa sa kanyang mga gawain ang umusal ng
maikling panalangin tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw at ngayon siya’y
bumulong: “Panginoon, gawin mo nawa na isipin niya na maganda ako.”

            Bumukas ang pinto, pumasok si Jim at ipininid ito. Ang payat niya at seryosong
tingnan. Kawawang nilalang, dalawampu’t dalawang taong gulang pa lamang siya-
upang pasanin ang pagpapamilya. Nangangailangan siya ng bagong amerikana at wala
siyang guwantes.

             Huminto si Jim, hindi siya makagalaw sa amoy pugo. Nakatuon ang kanyang
mga mata kay Della, di mabasa ang kanyang ekspresyon at natakot si Della. Hindi ito
galit, pagkamangha, o di-pagsang-ayon, hindi takot, o kung anumang sentimiyento na
hindi niya napaghandaan. Nakatitig si Jim sa kanya at ang kakatwang ekspresyon sa
mukha nito.

            Pinuntahan ni Della si Jim.

            “Jim, mahal  ko,” ang umiiyak na sabi ni Della, “Huwag mo akong tingnan ng


ganyan. Pinaputulan ko ang aking buhok at ibinenta dahil hindi ako mabubuhay
ngayong Pasko kung hindi kita mabibigyan ng regalo. Hababa rin ang aking buhok-
huwag mong alalahanin.  Kailangan kong gawin ito. Mabilis na hahaba ang aking buhok.
Maligayang Pasko, Jim! Maging masaya tayo. Hindi mo alam kung gaano kaganda ang
aking regalo sa iyo. “

            “Pinagupit mo ang iyong buhok?” tanong ni Jim, na hindi niya mapaniwalaan ang
kanyang nakita.

            “Pinaputol at ibinenta ko”, sabi ni Della. Hindi mo ba ako magugustuhan tulad ng


dati? Ako ito. Kahit na walang buhok, di ba?

            Tiningnan ni Jim ang kwarto nang may pagtataka. “Sinabi mong nawala ang
iyong buhok? “sabi ni Jim.

            “Hindi mo na ito kailangang hanapin pa,” sabi ni Della. Ibinenta ko na, sinasabi
ko sa iyo-naibenta at wala na.  Bisperas na ng Pasko. Maging mabuti ka sa akin, dahil
napunta ito sa iyo. Maaaring ang mga buhok ko sa ulo ay mabibilang,” dagdag niya na
may halong pagmamahal, “ngunit walang sinuman ang makabibilang ng aking
pagmamahal sa iyo. Maaari ko na bang ilagay ang karne, Jim?”

            Mula sa pagkabigla ay waring nagising si Jim. Niyakap niya si Della. Sa sampung


segundo ay ibaling natin ang ating paningin sa ibang direksyon. Walong dolyar sa isang
linggo o isang milyon sa isang taon- ano ang kaibahan? Ang isang marunong sa

4
Matematika o may talino ay magbibigay sa iyo ng maling sagot.  Nagdala ang mga mago
ng mga mamahaling regalo, ngunit hindi tayo tulad nila. Ipapaliwanag ito sa pagtatapos
ng kuwento.

            May kinuha sa kanyang amerikana si Jim na pakete at inihagis iyon sa mesa.

            “Huwag kang magkakamali tungkol sa akin,” sabi niya. Walang uri ng gupit ng
buhok o pag-ahit o shampoo ang magpapabago ng aking pagtingin sa aking asawa.
Ngunit makabubuting buksan mo ang aking regalo at makita mo kung bakit ganito ang
aking naging reaksyon kanina.

            Mapuputi at nanginginig na mga daliri ang sumira sa tali at papel. Isang


masayang sigaw ng kaligayahan, at alas! Kapalit nito ay ang histerikal na pagluha at
pagtangis, na nangangailangan ng lahat ng kapangyarihang aluin ng may-ari ng
apartment.

            Nakatambad ang mga Suklay- isang set ng mga suklay, tagilid at likod, na
hinahangad ni Della sa bintana ng Broadway. Magagandang mga suklay, mula sa
purong kabibe ng pagong, may mga alahas- kakulay ng buhok na naglaho. Mamahaling
mga suklay, alam ni Della at ito ang ninanais ng kanyang puso na nawalan na siya ng
pag-asang makamit. At ngayon, sa kanya na ang mga ito- ngunit ang kanyang buhok na
paglalagyan ng adorno ay wala na.

            Niyakap niya ang mga ito sa kanyang dibdib, at tiningnan niya ng kanyang
nagdidilim na mga mata at ngumiti at nagsabi: “Madaling humaba ang aking buhok,
Jim!

            Tumalon si Della na tulad ng isang pusa at umiyak, “Oh, oh.”

            Hindi pa nakikita ni Jim ang kanyang magandang regalo. Hawak ni Della sa


kanyang bukas na palad. Ang mahalagang metal ay kumikinang na nagbibigay ng
repleksyon ng malinaw at masiglang espirito.

 “Nasa uso ba, Jim? Hinalughog ko ang buong bayan upang hanapin ito. Naubos ang
maraming oras upang makita ko lamang ito.  Akina, ibigay mo sa akin ang iyong relo.
Tingnan ko kung ano ang magiging itsura nito diyan sa relo mo.”

Sa halip  na sumunod, humiga sa sopa si Jim at inilagay ang kanyang mga kamay sa
ilalim ng kanyang ulo at ngumiti.

5
            “Dell,” ang sabi niya, “itago muna natin ang ating mga regalo. Napakaganda kung
gagamitin lamang bilang regalo. Ibinenta ko ang aking relo upang makakuha ng perang
pambili ng iyong suklay. At ngayon, maikli na ang iyong buhok.”

            Ang mago, na iyong alam, ang mga pantas na marurunong- na nagdala ng


kanilang mga aginaldong alay sa sanggol sa sabsaban. Sila ang nag-imbento ng
pagbibigay ng mga aginaldo kung Pasko. Palibhasa’y mga marurunong, ang kanilang
mga handog ay di pasusubaliang pinag-isipang mabuti, na maaaring makipalit sakali
mang magkaroon ng pagkakatulad. At narito ako na inilalahad ang pangyayari sa
dalawang hangal na mga nilalang sa apartment na nagsakripisyo para sa isa’t isa sa
pinakadakilang kayamanan ng kanilang tahanan. Ngunit sa huling salita ng mga
marurunong ng panahong ito na ang nagbigay ng mga aginaldo sa lahat ay ang
dalawang nilalang na siyang pinakamarunong sa lahat. Sa mga nagbigay at sa mga
tumanggap ng mga aginaldo, sila ang pinakamarunong. Kahit saan, sila ang
pinakamarunong. Sila ang mga mago.

You might also like