Balita Pamatnubay at Palabantasan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 97

PAGSULAT

NG
BALITA
1
Katuturan ng Balita

Ang balita ay napapanahon at


makatotohanang ulat ng mga
pangyayaring naganap na,
nagaganap at magaganap pa
lamang. Ito ay maaaring maibahagi
sa pamamaraang pasalita, pasulat
at pampaningin.

2
Mga Salik na Mahalaga

1. mga pangyayari o detalye nito


2. kawilihan
3. mambabasa

3
Kahalagahan ng Balita
1. Nagbibigay Impormasyon
Ang kababaihang regular na natutulog nang
mas kakaunti pa sa pitong oras gabi-gabi ay may
mas mataas na panganib sa pagtaas ng presyon
ng dugo, ayon sa isang bagong pag-aaral.
Natuklasan ng mga mananaliksik na Briton
na sa mahigit 10,000 adults na isinailalim sa
pag-aaral sa loob ng limang taon, ang
kababaihang gabi-gabing natutulog ng anim na
oras o mas konti pa ay may mas malaking
posibilidad na tumaas ang presyon ng dugo
kaysa sa mga babaeng natutulog nang maayos.

4
2. Nagtuturo

Ang relaxation techniques ay


isang mabuting paraan para labanan
ang stress at mapanatili ang magandang
kalusugan.
Subukin ang mga sumusunod na
para tulungan kang magrelaks:
>Pasiglahin ang kalamnan sa
pamamagitan ng masahe.
5
3. Lumilibang
Siyempre naman, nag-aalala
ako nang malaman ko na kinagat
ng pusa si Gladys Reyes sa
presscon ng My Only Love.
Nakakaloka ang pusa dahil gumawa
ito ng sariling eksena para
mapansin siya.

6
4. Nakapagpapabago

Matapos na masangkot sa
anomalya ang mga pulis ng Manila
Police District-Station Anti Illegal
Drugs, inutos ni Manila Mayor Alfredo
Lim ang pagbalasa sa 11 police station
ng Manila police District (MPD).

7
Mga Katangian ng Balita
a. Ganap na kawastuhan - kawastuhang
paktuwal: tunay na pangyayari, katumpakan
ng pangkalahatang impresyon; kaayusan ng
mga detalye, tamang pagbibigay diin, hindi
magulo o masalimuot ang diwa.
Dead on arrival sa ospital ng
Makati ang 34 anyos na si Lourdes De
Guzman sanhi ng pagkabasag ng bungo
at pinsala sa katawan matapos na
salpukin ng dump truck ang kanilang
van kahapon ng madaling araw sa
Makati City.
8
b. Katimbangan – inilahad ang mga
datos na walang kinikilingan sa alinmang
panig na sangkot.

Inamin ni Geronimo na siya mismo ang may


kasalanan dahil nagulat siya nang biglang sumulpot
ang van. Iginiit din niya na naka green light kaya
tuloy-tuloy siya.
Sinalungat naman ng isang taxi driver na si
Joeffrey Olmagiz, 28, ng Holy Spirit, Quezon City,
ang pahayag ng driver ng dump truck. Sinabi niya na
kasunod siya ng sasakyan ni Saguisag at naka- green
light sila.

9
c.Makatotohanan–ang mga impormasyon
ay tunay at aktuwal at hindi gawa-gawa
lamang.
Ayon sa ulat dakong alas- 12:30 ng
madaling araw kahapon nang maganap ang
insidente sa gate ng bahay ng biktima ng
naturang lugar.
Nabatid na naglalakad pauwi ang biktima
matapos na makipag-inuman sa ilang
kapitbahay at nang papasok sa kanilang gate
ng bahay ay biglang sumulpot ang suspek
mula sa isang madilim na bahagi hawak ang
di-mabatid na kalibre ng baril.

10
d.Kaiklian- ang mga datos ay inilahad
nang diretsahan, hindi maligoy.

e. Kalinawan

f. Kasariwaan

11
Mga sangkap ng Balita

Ang sangkap na tinutukoy sa isang


balita ay ang katangiang taglay ng isang
pangyayari na maaaring makapagbigay
ng kasiyahan sa mambabasa.

12
Mga Sangkap ng Balita

1. Kapanahunan – ang pangyayari’y


kagaganap o katutuklas lamang.
Napapanahon pa rin ang balita kung ang
pangyayari ay matagal nang naganap ngunit
ngayon lamang natuklasan.

2. Kalapitan - Mas interesado ang mga


tagapakinig o mambabasa na malaman ang
nangyayari sa kanilang paligid o pamayanan
kaysa sa malalayong lugar.
13
3. Katanyagan – nakaaakit at
nakatatawag pansin kung bantog o kilala
ang paksa ng balita

4. Di-karaniwan, Pambihira
Mga bagay na pambihirang mangyari
gaya ng isang lalaking napabalitang
nagdadalantao o ng isang taong patay
na nabuhay at nang makita niyang nasa
loob siya ng ataul, siya ay namatay uli
dahil sa takot.
14
5. Tunggalian

Ito ay tumutukoy hindi lamang


sa laban ng tao laban sa kapwa
tao, maaari rin itong pakikibaka ng
tao laban sa kalikasan o ng tao
laban sa kaniyang sarili.

15
6. Pamukaw-Damdamin o
Kawilihan

Ito’y umaaantig ng damdamin


at kaukulang reaksyon ng
mambabasa upang siya’y paiyakin,
pagalitin, pahangain atbp.

16
8. Pagbabago at Kaunlaran

Anumang pagbabago at
kaunlarang nangyayari sa
pamayanan ay maaaring
paksain ng balita tulad ng
pagpapatayo ng mga bagong
gusali, kalsada, pamilihang
bayan at iba pa.
17
9. Bilang o Estadistika -
Halimbawa nito ay ang mga ulat ukol
sa pananalapi, resulta ng eleksyon at
iba pa.

10. Pangalan - Tumutukoy sa mga


pangalang nasasangkot sa balita
tulad ng mga nakapasa sa mga
board examinations. Kung marami
ang pangalang nakalathala na
nasasangkot sa balita, dumarami rin
ang mga mambabasa.
18
11. Hayop
Halimbawa nito ay ang mga bagong
inakay ng Philippine Eagle mula sa itlog
na nabuo sa pamamagitan ng artipisyal
inseminasyon.

12. Kalamidad
Kapag nagkaroon ng malakas na
bagyo, lindol, pagputok ng bulkan at iba
pa, karaniwang pinapaksa ng balita ang
mga pinsalang dulot nito.
19
Mga Uri ng Balita
A. Ayon sa istilo ng pagkalahad ng
datos

1. Tuwirang Balita
Diretsahan ang pagkahanay ng
mga datos at ginagamitan ng
kombensyonal o kabuuang
pamatnubay.

20
Halimbawa ng Tuwirang Balita
Hinagupit ng malakas na buhawi noong hapon ng Huwebes
ang dalawang bayan sa Saranggani at Timog Cotabato at nag-iwan ng
dalawang patay at mahigit na 40 sugatan.
Ayon sa ulat sa tanggapan ng Civil Defense, binugbog ng
buhawing ito ang limang barangay sa bulubundukin ng Malapatan,
Saranggani noong ika-4:00 ng hapon at nakaiwan ng isang patay na
di-kilalang lalaking magsasaka.
Makalipas ang isang oras, isa na namang buhawi ang
nanalasa sa mga Barangay Liwayway at Benitez sa Banga, Timog
Cotabato na nagwasak ng limang tahanan at sumira sa malawak na
palayan at maisan.
Sinabi ni Alkalde Alfonso Singcoy sa The Star na 70 pamilya
ang inalisan ng tahanan ng buhawi makaraan ang malakas na ulan ng
mumunting yelo.
Ayon sa kanya, ang pag-ulan ng yelo na di-karaniwang
phenomenon ay naganap sa mga sityo ng Maliang at Aspang sa
Poblasyon at sa Sityo Kibu, barangay Tuyan na pawang nasa mataas
na lugar noong mga ika- 2:30 n.h.
Sinabi ni Singcoy na matapos na umulan ng yelo na tumagal
nang mahigit isang oras, sumunod naman ang buhawi na dumurog sa
maraming tahanan sa lugar ding nabanggit.
21
2. Pabalitang Lathalain
Hindi diretsahan ang paglalahad ng
datos at ginagamitan ng makabagong
pamatnubay.

22
Halimbawa ng Balitang Lathalain
Lubhang makasaysayan ang ika-24 ng Oktubre sapagkat sa
araw na ito, Martes, isinilang ang Mga Nagkakaisang Bansa, ang
kapisanang binubuo ng mahigit na isang daan at tatlumpu’tt limang
malalayang bansa na naglalayong pangalagaan ang katahimikan ng
daigdig nang malunasan o mapigilan ang pagsisiklab muli ng isang
digmaang pandaigdig.
Bilang paggunita sa kahalagahan ng araw na ito, ang Mataas na
Paaralang Osmena, sa pangunguna ng Kapisanang UNESCO, ay
nagdaos ng isang makulay na parada na nilahukan ng mga mag-aaral na
nakasuot ng iba’t ibang kasuotan ng mga bansang kaanib sa
kapisangang pandaigdig.
Bawat klaseng kalahok sa parada ay may taglay na bandila ng
bansang kanilang kinakatawan.
Ang paradang may mahigit na isang kilometro ang haba ay
dumaan sa mga lansangang nakapaligid sa paaralan.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, ang Kapisanang UNESCO
ay nagpabatid sa madla kung ano ang Mga Nagkakaisang Bansa at kung
paano ito makatutulong sa kapayapaan sa daigdig.
23
B. Ayon sa lugar na pinangyarihan

1. Lokal na Balita
Kung ang kinasasaklawan ng pangyayari
ay sa pamayanang kinabibilangan o tinitirhan ng
tagapakinig o mambabasa.

a. pambarangay d. panlalawigan
b. pambayan e. panrehiyon
c. panlunsod f. pambansa

2. Balitang Pang-ibang Bansa

24
C. Ayon sa pinagbabatayan o pinagkukunan

1. Batay sa aksyon
Ang manunulat / mambabalita
ay naroon mismo sa lugar na
pinangyarihan ng aksyon o
pangyayari.

25
Balitang Batay sa Aksyon
Mahigit na 200 mag-aaral sa paaralang Nolasco ang
lumahok sa “Operasyong Tanim’ na itinaguyod ng Paaaralang
Lungsod ng Maynila na ginanap noong Setyembre 2.
(pamatnubay, tampok na pangyayari)
Nakasuot damit-pantrabaho at may dala-dalang gamit sa
pagtanim ang mga mag-aaral. Kasama ang mga guro, ay
nagparada sila mula sa paaralan hanggang sa North Bay Blvd.
bago isinagawa ang pagtatanim. (pangalawang datos)
Dalawang kamang lote ang inilaan para sa paaralan at ito
ay kanilang binungkal at tinamnan ng tudling ng kamoteng kahoy
at kamoteng baging. Nagpunla rin sila ng buto ng sitaw, kalabasa
at petsay. (pangatlong datos)
Ang mga batang lumahok sa pagtatanim ay pinagpangkat-
pangkat.
Sabay-sabay na isinagawa ang pasinaya sa apat na
purok ng Maynila. Ang kinatawan ng Maynila na si Kgg. Martin
26
Isidro ang nanguna sa nasabing gawain. (pang-apat na datos)
2. Batay sa Tala
Kung ang pinagbabatayan ng balita
ay mga talang nakalap mula sa
talaan ng pulisya, ospital at iba pang
ahensya.

27
Balitang Batay sa Talang Nakalap

Matagumpay at matahimik na naidaos ang Araw ng


Edukasyon sa Linggo ng mga Kabataang Lalaki at Babae sa
Paaralang Araulllo noong Disyembre 14. Ang lahat na nahirang
ay maayos at matagumpay na gumanap ng kani-kanilang
tungkulin. (pamatnubay)
Ang gumanap sa tungkulin ng punong-guro ay si Araceli
Quiambao at sa pangalawang punong-guro ay si Salvacion
Domingo. (dagdag pang datos)
Samantala, sa Sangay Yangco naman, ay naging
pangulong guro si Rene Santos. Ang pagiging tagapagpatnubay
ay ginampanan ni Anabelle Campos. (dagdag pang datos)
Naging kapuri-puri ang mga gurong mag-aaral na pawang
tumupad ng kani-kanilang tungkulin at gayon din ang mga mag-
aaral na angpamalas ng kanilang paggalang sa bawat mag-aaral
na nagturo sa kanila bilang pagdiriwang sa Araw ng Kabataan.
(dagdag pang datos)
28
3. Batay sa Talumpati
Kung ang pinagkukunan ng
datos ay ang talumpati ng mga
kilalang tao.

29
Balitang Talumpati
“Pinupuri ko ang inyong masidhing pag-akay sa mga kabataan
tungo sa wasto at timbang na paghubog ng kanilang kaisipan, katawang
pisikal at diwang ispiritwal. Subalit walang kabuluhan ang inyong
pagsusumikap kung hindi ninyo iaalay ang inyong pagpapakasakit sa
Maykapal, sa sangkatauhan at sa bayan.” (pamatnubay na tahasang sabi)
Ito ang pahatid ni Dr. Paraluman Espejo, tagapamanihala ng mga
Paaralang Lungsod ng Maynila sa mga bagong itinalagang pamunuan ng
Kapisanang Hi-Y, Setyembre 25 sa YMCA Forum Hall, Youth Center, Manila.
(Buod ng 5Ws)
“Ituring na ang bawat mag-aaral ay isang potensyal na lider ng
bayan sa kinabukasan. Ang bawat isa sa kanila ay nilikha sa larawan ng
Panginoon. Walang batang ipinanganak na tunggak. Akayin sila at ituro
ang wastong daan,” ang payo ng tagapamanihala. (tuwirang sabi)
Ayon kay Dr. Espejo, malaki ang pananagutan ng mga guro sa
maunlad, marangal at kapaki-pakinabang na kinabukasan ng mga
kabataan. (di-tuwirang sabi)
“Ang inyong malasakit sa kanila ay lubhang napakahalaga,” ang
dugtong pa niya. (tuwirang sabi)
Ang itinalaga ay sina G. Carlito Reyes, pangulo; G. Prospero
Mendoza, pangalawang pangulo; Bb. Concordia Dayrit, kalihim;at si G.
Ceciliano Jose Cruz, tagasuri. (iba pang datos)
30
4. Batay sa pakikipanayam
Kung ang mga datos ay nalikom sa
pamamagitan ng pakikipanayam sa mga taong
sangkot o may alam sa pangyayari.

31
D. Ayon sa pagkakaayos o pagkakaanyo
sa pahina

1. Balitang may iisang tala


Tumatalakay sa iisang pangyayari lamang

32
Balitang Iisang Tala

Dalawang katao ang nasawi, tatlo ang nasakatan at


tatlong gusali ang natupok sa isang sunog noong Oktubre
17 sa Perla St., Lungsod ng Pasay, sanhi ng nagliyab na
kawad ng kuryente sa kisame ng Ever Pharmacy.
Kinilala ng pulisya ang mga nasawi: Jose Ramos, 46,
may-ari ng Ever Pharmacy at si Maria Moncada, 16, ang
kanyang utusan.
Ang mga nasaktan, ayon din sa pulisya ay sina Juan
Corpuz, 18; Romeo Taruc, 21 at si Dante Aquino 25
pawang manggagawa.
Ang mga natupok ay ang Ever Pharmacy, Go Chong
sari-sari Store at ang Ramos Grocery. Tinataya na ang
kabuuang halagang napinsala ay aabot sa 50 milyung piso.
Ang apoy ay nasugpo ng bombero pagkalipas ng
33 tatlong oras.
2. May maraming talang itinampok
Naglalahad ng higit sa isang pangyayari
na naganap sa iisang araw at halos
magkaparehong oras.

34
Balitang Maraming Itinatampok
Tatlong sunog ang naganap sa Metro Manila: sa Perlas St., Lungsod ng
Pasay, Oktubre 17; sa 16-B Paz St., Paco, Maynila sa araw ring yaon at sa 24 San
Roque St., Pandacan, Maynila, Oktubre 21.
Dalawang katao ang nasawi, tatlo ang nasakatan at tatlong gusali ang
natupok sa Pasay. Kinilala ng pulisya ang mga nasawi: Jose Ramos, 46, may-ari
ng Ever Pharmacy at si Maria Moncada, 16, ang kanyang utusan.
Ang mga nasaktan, ayon din sa pulisya ay sina Juan Corpuz, 18; Romeo
Taruc, 21 at si Dante Aquino 25 pawang manggagawa.
Ang mga natupok ay ang Ever Pharmacy, Go Chong Sari-sari Store at ang
Ramos Grocery. Tinataya na ang kabuuang halagang napinsala ay aabot sa
kalahating milyung piso. Ang apoy ay nasugpo ng bombero pagkalipas ng tatlong
oras.
Samantala, ang bahay naman ng Piskal Roman Santos sa Paco,
nagkakahalagang P600, 000 ang nasunog. Hanggang sa kasalukuyan hindi pa
nababatid ng may kapangyarihan ang pinagmulan ng sunog at wala pang ulat
tungkol sa mga taong nasaktan.
Ang naging biktima ng sunog sa Pandacan ay ang pamilya si G. Juan
Vasquez. Napag-alaman na ang apoy ay galing sa isang sumabog na kalang de-
gas.
“Tinangka naming sugpuin ang apoy sa pamamagitan ng fire extinguisher
ngunit kami’y bigo,” ang salaysay ni Gng. Vasquez.
Ang maagang pagdating ng bombero ang nakapigil sa pagkalat ng apoy
35
sa mga kapitbahay.
3. Balitang Kinipil- ito naman ang balitang
pinaikli, binuod na lamang upang mapagkasiya sa
maliit na ispasyo. Karaniwan sa mga pinaikling
balita ang nagbuhat sa isang mahalagang balita,
ngunit bunga ng kakulangan sa ispasyo ay pinaikli
na lamang para sa kabatiran ng higit na
nakararaming mambabasa.

36
Balitang Kinipil

Nanawagan ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya


para sa isang agarang tigil-putukan sa Gitnang Silangan at
kinondena ang excessive military operations ng Israel sa
Lebanon, Gaza at West Bank.
Sinabi ni Malaysian Prime Minister Abdullah Ahmad
Badawi, ang chairman ng Association of Southeast Asian
Nations (ASEAN), na ang lumalalang sitwasyon ay malaking
banta sa pandaigdigang kapayapaan at seguridad.
“The United Nations Security Council should take action
to call for an immediate ceasefire, deploy a United Nations
peacekeeping force to implement the ceasefire and prevent an
invasion of Lebanon,” pahayag ni Abdullah sa pagbubukas ng
taunang pagpupulong ng foreign ministers ng ASEAN sa Kuala
Lumpur. (Balitang Kinipil ng Ang Balita, Hulyo 26, 2006)
37
4. Dagliang Balita (Flash) – Pinakabuod
ng bagong mahalagang balita na kailangang
mailathala kaagad ngunit huli na para
mailathala ang buong balita. Maaaring
tapos na ang pag-aanyo ng pahina o kulang
ng espasyo para rito.

“Former Soviet Premier Nikita Kreusvhev has died, the London


Evening News reported today.
The newspaper said the seventy-seven year old
Kruschev has died after suffering third heart attack at his
country home outside Moscow.”

Kabilang din sa uri ng balitang flash ang isang


ulo ng balita na nasa unang pahina, ngunit ang
38
istorya ay nasa ibang pahina.
5. Balitang pangkatnig
Maikling balita na isinulat ng hiwalay
ngunit kaagapay sa kaugnay na
pangunahing balita.

6. Bulitin
Habol at karagdagan sa mahalagang
balita at inilagay sa pangmukhang pahina na
nakakahon at nasa tipong mariin.

39
Halimbawa ng Bulletin
Ganito ang kaanyuan ng Bulletin.
Una, isang malaking ulat sa isang opisyal na kabalitaan hinggil sa
kasalukuyang pangyayaring pinag-uukulan ng pansin ng madla (-ang
pagputok ng Bulkang Mayon)
Ikalawa, isang pahayag tungkol sa mga bagong plano na
isasagawa sa hinaharap (plano sa pagtataas ng butaw na tuwisyon, ang
binabalak na pagbabago ng simula ng pasukan)
Ikatlo, isang malaking monograph, lalo na ng isyung pinalabas ng
mga samahang publiko-samahan ng mga tsuper, KMU, samahan ng mga
magsasaka at iba pa upang maghatid sa mamamayan ng gagawin nilang
malawakang pagpoprotesta laban sa mga negosyante ng gasolina dahil
sa ginagawa nilang walang tigil na pagtataas ng halaga.
Dahil sa kahalagahan ng pangyayari, ipinalalabas agad ang
bulletin upang ipaalam agad sa mamamayan sa lalong madaling
panahon, kaya’t karaniwan ito ay nasa pahinang pangmukha ng
pahayagan o kaya’y nakasiningit sa mga itim na titik na karaniwang
nakakahon pa sa teksto ng punong balita.
40
Ang Pamatnubay

Pamatnubay ang tawag sa una at


pangalawang talata ng balita. Nagsisilbi
itong pang-akit sa mga mambabasa dahil
ito ang pinakabuod ng balita. Sa akdang
lathalain o pabalitang lathalain, ito ay
maaaring isang salita, parirala,
pangungusap o isang talata.

41
Mga Uri ng Pamatnubay

1.Kombensyonal o Kabuuang Pamatnubay


2.Panimulang Pambalarilang Pamatnubay
3.Pamatnubay na Di Kombensyonal o
Makabagong Pamatnubay

42
Mga Uri ng Pamatnubay

1. Kombensyonal o Kabuurang
Pamatnubay

Sinasagot nito ang mga tanong


na Ano?, Sino?, Saan?, Kailan?,
Bakit at Paano?

43
Mga Uri ng Kombensyonal na
Pamatnubay

1. Pamatnubay na Ano
Kung ang pinakatampok sa balita ay
ang pangyayari.

Halimbawa:
Isang lindol ang yumanig sa lalawigan
ng Sorsogon at Masbate na ikinamatay ng
tatlong tao at ikinasira ng mga bahay at
gusali kahapon ng madaling araw.

44
2. Pamatnubay na Sino
Kung higit na pinakatampok ang tao o
organisasyong kasangkot sa pangyayari

Halimbawa:
Si Joey Lina Jr, ang nahirang na
punong patnugot ng The New Horizons at
katulong na patnugot ng Ang Bulalakaw-
mga pampaaralang pahayagan ng Mataas
na Paaralan ng Osmena.

45
3. Pamatnubay na Saan
Kung higit na mahalaga ang lugar na
pinangyarihan kaysa sa gawain o tao na
kasangkot dito.

Halimbawa:
Sa Bulacan ginanap ang 2015
National Schools Press Conference na
dinaluhan ng mga batang manunulat sa
buong bansa.
46
4. Pamatnubay na Kailan
Hindi gaanong gamiting pamatnubaydahil
ginagamit lamang ito kung higit na mahalaga ang
petsa kaysa sa iba pang aspekto ng mga
pangyayari.

Halimbawa:
Hanggang sa Abril 18 na lamang ang palugit
na ibinigay ng BIR para sa pagbabayad ng buwis sa
taunang kita.

47
5. Pamatnubay na Bakit
Kung ang dahilan o sanhi ng pangyayari ang
pinakamahalaga.

Halimbawa:
Upang mapalawak at madaling
maipaabot sa mga mamamayan ang mga
serbisyo ng pamahalaan, inilunsad ng
Sangguniang Panlunsod ng Quezon sa pamumuno
ni Mayor Sonny Belmonte ang “City Hall sa
Barangay.

48
6. Pamatnubay na Paano
Kung ang kaparaanan ng pangyayari ang
pinakamabisang anggulo na dapat itampok.

Halimbawa:
Nagkunwaring mga pari, limang
lalaking nakasuot abito ang nakapasok sa
bangko at ito’y sapilitang ninakawan.

49
Sa pagpapasya kung aling uri ng
kombensyonal na pamatnubay ang
itatampok,dapat munang alamin ng
manunulat kung aling anggulo ng balita ang
higit na mahalaga. Kapag parehong
matimbang ang Ano at Sino, unang
itatampok ang Sino dahil higit na
mahalaga ang tao kaysa sa mga bagay at
pangyayari.

50
2. Panimulang Pambalarilang Pamatnubay

a. Sugnay na Pasanhi (dahil kay, gaya ng, palibhasa,


paano, mangyari, kasi, kundangan, alang-alang sa )
Dahil sa maraming reklamo tungkol sa nawawalang
aklat, pinasara ng guro ang aklatan.

b. Sugnay na Pasubali (kung, kapag, kundi, pagka,


disin, sakali, sana)
Kung di papayag ang pangulo ng PTA na bumili ng
mga bagong kompyuter para sa patnugutan, mapipilitang
magdaos ang mga mag-aaral ng isang pambenipisyong
sayawan.

51
c. Sugnay na Patakda (habang, bago, simula
nang at samantala)
Samantalang pinaghahandaan pa lamang
ng mga mag-aaral ang nakatakdang
pagtatanghal, binayaran na sila kaagad ng
kanilang tagapangasiwa.

d. Sugnay na Paninsay (kahit na, bagaman,


gayon)
Bagaman lalabing-anim na taon
lamang si Rosa David, siya’y napili ng
paaralan na lalahok sa Binibining Pilipinas.
52
e. Sugnay na Pangangalan-binubuo ng sugnay na di
makapag-iisa na ginagamit na simuno o tuwirang layon.

Na dinagsaan ng mga manonood ang pagtatanghal


ng “Malakas at Maganda” sa PNU ay pinatunayan ng
maraming araw ang pagpapalabas nito.

f. Pariralang Pawatas (pandiwa, um, mag)

Ang tumulong sa mga batang mamamahayag ang


pangunahing layunin ni G. Teodoro Valencia, kayat ang
Teodoro Valencia Foundation ay nagbibigay ng iskolarship
sa mga nagwawagi sa pambansang paligsahan sa
pamamahayag.

53
g. Pariralang Pandiwari –pandiwang ginagamit na pang-uri

Handang-handang agawin ang korona, kaya’t ang mga


manlalaro ng Paaralang Osmena ay araw-araw na nag-iinsayo
para sa nalalapit nasagupaan.

h. Pariralang pang-ukol – (sa, ukol sa, hinggil sa, tungkol sa,


para sa)
Para sa kapakanan ng mamamayan, sinikap ng pangulo
ng kapisanan na mapaunlad ang kalagayang pangkabuhayan
ng pamayanan.

i. Pariralang Pangngalang Diwa – pandiwang may unlaping


pag
Ang pagpapalinis at pagpapaganda ng purok ay ang
tanging layunin ng punong-guro.
54
3. Makabagong Pamatnubay
Ginagamitan ng pangganyak na
panimula ang akda upang akitin ang
mambabasang basahin ang kabuuan
nito. Karaniwang ginagamit ito sa
pagsulat ng Pabalitang Lathalain.

55
Mga Uri ng Makabagong Pamatnubay
1. Panggulat - Kalimitang ito ay isang
pangungusap na maikli, hiwalay sa talata na
sinusundan ng buod ng ibang impormasyon.
Kampeon ng NSPC!
2. Pinangyarihan o Sanligan- Ito ay mga
pangungusap na naglalarawan ng pangyayari at
ang pook na pinangyarihan ay higit na
nakakatawag ng pansin kaysa sa mga taong
kasangkot.
Ang PNU ay mistulang naging munting
karnabal noong Sabado nang ito ay magdiwang ng
kanyang isang daang taong pagkakatatag.
56
3. Tahasang sabi
“Malaki ang nagagawa ng pagkakaisa.” Binigyan diin
ito ni Gng. Alegria Flora, punong-guro ng PNU Laboratory
School sa pulong ng mga guro at mga magulang tungkol
sa pagsugpo “sa drug addiction.”

4. Tanong
Sino ang magiging Bb. Pamantasang Normal sa
susunod na kapistahan? Ito ay malalaman bukas pagkatapos
ng bilangan ng mga balota.

5. Paglalarawan
Puting-puti ang kasuotan, tangan-tangan ang mga
diploma, ang 597 na nagsisispagtapos ay masasayang
nagmartsang pababa ng entablado habang tinutugtog ng
rondalya ang “Aida March.”
57
6. Pagkakaiba
Higit na marami ang nakapasa ngayon sa NEAT
kaysa noong isang taon.

7. Parodya o Nakatatawad Panulad


“Tubig, tubig sa lahat ng dako, ngunit wala ni
isang patak na maiinom.” Ito ang karanasan ng mga
naninirahan sa Tondo nang binaha ang buong
Maynila at nawala ng tubig ang MWSS.

8. Pontse – isang napakaikili ngunit mabisang


pamatnubay.
Araw ng tagumpay!
58
9. Kasabihan o Kawikaan –
Kung gaano ang ama, ay ganoon din ang anak. Si
Warren Cruz, isang binatang katatapos lang ng abogasya,
ay nanguna sa pagsusulit sa batas gaya rin ng kanyang
ama na nakamit ang pinakamataas na marka noong 1967
bar examination.

10. Isang Salita.


Sugod!
Ito ang utos ni G. Rene Romero sa mga batang
iskawt nang tinangka nilang akyatin ang Bundok Arayat.

11. Kapaligiran – Lagay ng Kalooban


Sa pamamagitan ng awitan, sayawan at tugtugan,
maligayang ipinagdiwang ng mga guro, magulang at mag-
59 aaral ang ika-20 taong pagkakatag ng kanilang paaralan.
12. Tukoy mula sa Mitolohiya, Panitikan o
Kasaysayan

Kagandahang Venus, katalinuhang Athena at


pang-akit ni Cleopatra ang mga pambihirang
katangiang taglay ni Bb. Jessa Cruz, IV BSE kaya
napili siyang Bnibining Intramurals ng Physical
Education Department.

13. Maikli’t Hiwa-hiwalay na Parirala o mga Salita

Krimen, demonstrasyon, adiksyon, polusyon!


Pagsama-samahin ang mga ito ay mababatid mo
kung anong uring lungsod ang Maynila.
60
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Mabisang Pamatnubay:

1. Gumamit ng payak na pangungusap

2. Huwag isulat ang lahat ng kasagutan sa mga


tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan, Paano at Bakit sa
isang pangungusap lamang, kung ito ay makasisira
sa kaisipan ng talata at makalilito sa mambabasa.
Alalahaning ang pangalawang talata ay pangalawang
pamatnubay rin.

61
3. Iwasan ang pag-uulit ng mga sugnay,
parirala at mga iba pang katulad nitong
gramatikong kayarian.

62
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita

1. Isulat kaagad ang balita matapos makalap.

2. Itala ang mga datos ayon sa pababang


kahalagahan.

3. Unahing itampok ang pinakamahalagang


datos bilang pamatnubay.

63
4. Ibigay ang buong pangalan ng taong
awtoridad o pinagkunan ng datos at
kaniyang katungkulan. Sa muling
pagbanggit sa kanya ay gamitin na
lamang ang G. at apelyido ng lalaki at Bb.
o Gng. at apelyido ng babae o anumang
titulo na angkop sa kanya.

64
5. Iwasang magbigay ng opinyon sa balita.
6. Maging tumpak sa paglalahad ng datos.
7. Gawing maikli ang talata.
8. Gumamit ng mga payak na salita.
9. Gawing maiikli ang pangungusap at pag-
iba-ibahin ang haba nito.

65
10. Gamitin ang pangungusap na tukuyan
kaysa sa balintiyak.

11. Isulat ang tuwiran at di tuwirang sabi sa


magkahiwalay na talata.

12. Ilahad ang dalawang panig ng mga taong


sangkot sa balita.

13. Gawing pasalita ang bilang 1 hanggang 9


at gawing tambilang ang 10 pataas.

66
Kaayusan ng Balita
Ang kaayusan ng paglalahad ng mga
datos sa balita ay sumusunod sa baligtad na
piramide tulad ng nasa ibaba:

67
Ang kaayusang baligtad na piramide ay
nakatutulong sa mga sumusunod na
dahilan:

1.Napapadali ang pagbabasa. Karaniwan sa


mga mambabasa ay abala, kung kaya ang
paglagay ng mga mahahalagang datos sa
unahan ng balita, ay nakapagpapatipid sa
kanila sa panahon, dahil sa pamatnubay pa
lang ay nakukuha na nila ang buod ng
istorya.

68
2. Napapadali ang pag-aayos ng ispasyo,
dahil kung kulang ang ispasyo, maaari nang
putulin ang huling bahagi ng balita na hindi
nawawala ang mahalagang datos nito.

3. Napapadali ang pagsulat ng ulo ng balita


dahil sa unang dalawang talata na
naglalaman ng mahahalagang datos ay
maaari nang mapagkunan ng itatampok sa
ulo ng balita.

69
Mga Tuntunin sa Pagtatalata ng Balita

1. Ang talata ay hindi sumusobra sa 75 na


salita.

2. Ilagay ang mahahalagang datos sa


unahan ng talata.

3. Iwasan ang paggamit ng mga


magkatulad na mga salita o mga sugnay sa
simula ng magkasunod na talata.

70
4. Huwag ilagay ang tahasang sabi at buod
nito sa isang talata.

5. Ang isang pangungusap na talata ang


pinakagamitin sa balita ngunit kung hindi
maiiwasan ang paggamit ng mahigit sa isang
pangungusap, hindi ito dapat na sumobra sa
3 pangungusap.

71
6. Isaayos ang mga talata ayon sa pababang
kahalagahan upang kung kukulangin sa
ispasyo ay maaaring putulin ang mga huling
talata na hindi naaapektuhan ang nilalaman
nito.

72
Pamantayan sa Paghahanda ng Sipi
1. Makinilyahin nang may dalawang patlang
ang lahat ng sipi.
2. Gamitin ang karaniwang sukat ng papel.
3. Simulan ang balita mula sa 1/3 ng pahina
pababa sa unang pahina. Simulan ng dalawang
dali mula sa itaas ang karugtong ng balita sa
susunod na pahina.
4. Mag-iwan ng isang daling palugit sa
magkabila at sa ibaba ng pahina sa lahat ng sipi.
73
5. Sa isang sulok sa itaas gawing kaliwa ay isulat
ang pananda sa balita sa unang pahina (slugline)
– pangalan ng pahayagan o logo, ang nilalaman
ng balita, pangalan ng reporter at ang petsa gaya
ng:
The New Horizons
eleksyon (bilugan ito)
Warren Cruz
2 12 2011
Sa mga susunod na pahina, isulat lamang
ang paksa at ang b ilang ng pahina.
Halimbawa: eleksyon (…2)

74
6.Sa ibaba ng lahat ng pahina,
maliban sa huli, isulat ang
“pa”(more) at kulungin.
7.Sa ibaba ng huling pahina isulat
ang # o 30 at kulungin din.

75
MGA SALITANG MAAARING GAMITIN
BILANG PAMATNUBAY

Hinirang Binigyang-diin
Pinili Nakiramay
Kinondena Nanalo
Binalaan Binuksan
Nakamit Napili
Nanumpa Naragdagan
Nagwagi Nahalal
Nanawagan Isinaayos
Nagwagi Natamo
76
Pinangunahan Hindi nasiyahan
Tinutugis Bumisita
Muling nagkaisa Itinanghal
Inilunsad Sisikapin
Ipinagdiwang Inihayag
Nanguna Nangako
Itinaguyod Nakuha
Kinoronahan Pinamahalaan
Idinaos Itinaguyod
Pinarangalan Inalayan
Tumanggap Napag-alaman
Hiniling Napili

77
Napagwagian Nagbigay
Naisakatuparan Inaasahan
Ginawaran Nasabat
Nasakote Ipinahayag
Isiniwalat Nagkaroon
nag-uwi Naglaan
Naghandog Itinatag
Namahagi Binatikos

78
BATAYANG AYOS O KAYARIAN NG BALITA
Karaniwang Balita

Kasukdulan
Kahalagahan
2
Datos

79
Tuwirang Balita

Ginapi ng Torres Goldies ang Laurel Greenies kagabi sa


Torres High School Oval dahil sa lalong magaling na paglalaro, 65-60
(pamatnubay)
Ang koponanag Torres ay binubuo nina Antonio Oropesa,
captain ball; Rodelio Romero, forward; Cecil Baun at Raul Cruz,
guards. (dagdag na paliwanag na “Sino?”)
Ang laro ay ginanap sa gabi ng Setyembre 10 kaugnay sa
pagdiriwang ng Araw ng Barangay. Ito ang kauna-unahang pagkatalo
ng Greenies sa larong pampurok. (dagdag na ulat ukol sa “Kailan?”
at “Bakit?”)
Maingat ang paglalaro ng Goldies. Hindi sila nagbubuslo
hanggang hindi sila malapit sa basket. Nagpasigla sa mga manlalaro
ng magkabilang panig ang sigawan at hiyawan ng mga nanonood.
(Dagdag na ulat sa “Paano?”)
Kahit na ang pangunahing iskor ay 65-60, may mga
pagkakataon na ang lamang ng Goldies ay umaabot sa 10 puntos.
(dagdag pang paliwanag)
80
Batay sa mga Talang Nakalap

Pamatnubay

Datos 2

Datos 3

Datos 4

81
Balitang Batay sa Talang Nakalap

Matagumpay at matahimik na naidaos ang Araw ng


Edukasyon sa Linggo ng mga Kabataang Lalaki at Babae sa
Paaralang Araulllo noong Disyembre 14. Ang lahat na nahirang
ay maayos at matagumpay na gumanap ng kani-kanilang
tungkulin. (pamatnubay)
Ang gumanap sa tungkulin ng punong-guro ay si Araceli
Quiambao at sa pangalawang punong-guro ay si Salvacion
Domingo. (dagdag pang datos)
Samantala, sa Sangay Yangco naman, ay naging
pangulong guro si Rene Santos. Ang pagiging tagapagpatnubay
ay ginampanan ni Anabelle Campos. (dagdag pang datos)
Naging kapuri-puri ang mga gurong mag-aaral na pawang
tumupad ng kani-kanilang tungkulin at gayon din ang mga mag-
aaral na angpamalas ng kanilang paggalang sa bawat mag-aaral
na nagturo sa kanila bilang pagdiriwang sa Araw ng Kabataan.
(dagdag pang datos)
82
Batay sa Kilos

Pamatnubay

Datos 2

Datos 3

Datos 4

83
Balitang Batay sa Aksyon
Mahigit na 200 mag-aaral sa paaralang Nolasco ang
lumahok sa “Operasyong Tanim’ na itinaguyod ng Paaaralang
Lungsod ng Maynila na ginanap noong Setyembre 2.
(pamatnubay, tampok na pangyayari)
Nakasuot damit-pantrabaho at may dala-dalang gamit sa
pagtanim ang mga mag-aaral. Kasama ang mga guro, ay
nagparada sila mula sa paaralan hanggang sa North Bay Blvd.
bago isinagawa ang pagtatanim. (pangalawang datos)
Dalawang kamang lote ang inilaan para sa paaralan at ito
ay kanilang binungkal at tinamnan ng tudling ng kamoteng kahoy
at kamoteng baging. Nagpunla rin sila ng buto ng sitaw, kalabasa
at petsay. (pangatlong datos)
Ang mga batang lumahok sa pagtatanim ay pinagpangkat-
pangkat.
Sabay-sabay na isinagawa ang pasinaya sa apat na
purok ng Maynila. Ang kinatawan ng Maynila na si Kgg. Martin
84
Isidro ang nanguna sa nasabing gawain. (pang-apat na datos)
Balitang Ukol sa Sakuna

Pamatnubay

Ulat sa Namatay
Nasaktan
Napinsala

Aksyon
Salaysay
Datos pa

85
Balitang Ukol sa Sakuna

Tatlong katao ang nasawi at apat ang malubhang nasaktan nang


ang kanilang sinasakyang bus ay bumangga sa isang poste sa Kilometro 70
sa Dau Express, Lungsod ng Angeles. (pamatnubay)
Ang mga nasawi na kinilala ng pulisya ay sina Rosa David, 45 ng
Mabalacat Pampanga; Ramon Miclat, 17 ng Capas Tarlac at si Mario Guinto,
50 ng Dau, Pampanga. (ulat sa mga namatay)
Ang mga nasakatan ay sina Belen Reyes, 18; Mario Santos, 21 at
Cenon Lagman 17, pawang mag-aaral sa Holy Angel Academy, Lungsod ng
Angeles at si Dr. Carlos Tobias, 70, may-ari ng Tobias Clinic sa nasabing
lungsod. (ulat ng mga nasaktan)
Ang mga nasawi ay dinala ng may kapangyarihan sa Punerarya
Ramirez sa Angeles, samantala , ang mga nasaktan naman ay isinugod sa
pagamutang-bayan.
Ayon kay Cerilo Buan, isang sakay na dentista, ang bus na pag-aari
ng Philippine Rabbit na may plate number na 666 ay matuling tumatakbo
patungong Tarlac nang ito ay nasiraan ng preno.
Pilit na inihihinto ng drayber na si Jesus Pating ang bus, ngunit ito
ay rumaragasang sumalpok sa poste at tuluyang tumaob,” ang sabi ng
dentista. (aksyon salaysay, datos)

86
BalitangTalumpati o Panayam

Tuwirang Sabi o di-tuwirang sabi

Tuwirang Sabi

DS

TS

Pinagsamang TS at DTS

Konklusyon
87
Balitang Talumpati
“Pinupuri ko ang inyong masidhing pag-akay sa mga kabataan
tungo sa wasto at timbang na paghubog ng kanilang kaisipan, katawang
pisikal at diwang ispiritwal. Subalit walang kabuluhan ang inyong
pagsusumikap kung hindi ninyo iaalay ang inyong pagpapakasakit sa
Maykapal, sa sangkatauhan at sa bayan.” (pamatnubay na tahasang sabi)
Ito ang pahatid ni Dr. Paraluman Espejo, tagapamanihala ng mga
Paaralang Lungsod ng Maynila sa mga bagong itinalagang pamunuan ng
Kapisanang Hi-Y, Setyembre 25 sa YMCA Forum Hall, Youth Center, Manila.
(Buod ng 5Ws)
“Ituring na ang bawat mag-aaral ay isang potensyal na lider ng
bayan sa kinabukasan. Ang bawat isa sa kanila ay nilikha sa larawan ng
Panginoon. Walang batang ipinanganak na tunggak. Akayin sila at ituro
ang wastong daan,” ang payo ng tagapamanihala. (tuwirang sabi)
Ayon kay Dr. Espejo, malaki ang pananagutan ng mga guro sa
maunlad, marangal at kapaki-pakinabang na kinabukasan ng mga
kabataan. (di-tuwirang sabi)
“Ang inyong malasakit sa kanila ay lubhang napakahalaga,” ang
dugtong pa niya. (tuwirang sabi)
Ang itinalaga ay sina G. Carlito Reyes, pangulo; G. Prospero
Mendoza, pangalawang pangulo; Bb. Concordia Dayrit, kalihim;at si G.
Ceciliano Jose Cruz, tagasuri. (iba pang datos)
88
PALABANTASAN SA PAHAYAGANG FILIPINO

1.Gamit ng tuldok

a. Alisin ang tuldok sa mga daglat ng pangalan ng tanggapan,


paaralan, organisasayon
PTA, MLHS,KWF, UP, NBI,CHED

2. Alisin ang tuldok kung ang halaga ay mababa sa piso


P1.50 (hindi piso at limampung sentimo)
99 Sentimo (hindi P0.99)

3. Gumamit ng tuldok, hindi parentesis, sa numero ng enumerasyon


Dalawang bagay ang ipinadadala:
1. hindi (1)
2. hindi (2)

89
2.Gamit ng kuwit
a.Gumamit ng kuwit sa
1.Paghihiwalay ng pagkakakilanlan sa pangalan ng tao
Manuel Villar Jr., Presidente ng Senado
2.Paghihiwalay ng mga pananalitang pasalungat na
pinangungunnahan ng mga pangatnig na ngunit, datapwat, kung
hindi at iba pa
Mayaman sila, ngunit hindi sila maligaya.

b. Huwag gumamit ng kuwit


1.Sa paghihiwalay ng pangalan sa daglat na Jr at kauri
Rafael Recto Jr.
Jose P. Laurel III
2.Sa mga edad, mga distansya, mga sukat atbp.
72 taon 9 na buwan 25 araw
96 na km 503 metro
3.Sa pagitan ng dalawang pangalan, na ang isa ay nagpapakilala ng
ikalawa
Ang tanyag na manunulat, Nick Joaquin ay mahilig sa
90
pagsulat ng mga tanging lathalain sa Ingles.
3. Gamit ng kolon
a. Gumamit ng kolon sa pagpapakilala ng serye ng mga bagay-bagay.
Nahirang sa pamunuan ng Board of Elders sina: Dr. Arturo Guina,
Tagapangulo; Atty. Ferdinand Dumalao, Pangalawang Tagapangulo; Dr.
Narciso V. Matienzo, Kalihim; Dr. Poyen Pini, Ingat -yaman.

4. Gamit ng semi-kolon
a. Gumamit ng semi-kolon sa paghihiwalay ng serye ng mga pangalang may
kanya-kanyang tungkulin o mapagkikilanlan.

5. Gamit ng gatlang
a. Gumamit ng gatlang sa pangungusap na may (mga) kuwit, ang gatlang ay
maaaring gamitin upang ihiwalay ang parenthetical expression
Dumalo kami sa pulong, ngunit si G. Mariano– ang taong maaaring
makapagbigay-linaw sa mga pangyayari– ay hindi nakarating.

b.Gumamit ng gatlang sa pagitan ng mga numero na nagpapakilala ng mga


numerong masasaklaw
Marso 2—15 (Ang ibig sabihin ay mula Marso 2 hanggang Marso 15)

91
6.Gamit ng Gitling
a.Gamitin ang gitling sa tambalang pangangalan
Direktor-Heneral

b.Gamitin ang gitling sa pagulat ng salita ng mga


praksiyon
tatlong-kapat

c.Gumamit ng gitling sa pagitan ng katagang di at


nilalapian nitong pang-uri, pandiwa, atbp
di-maganda
di-makalaro

d.Gumamit ng gitling kapag may nawawalang kataga sa


pagitan ng dalawang salita
lakad-pagong (lakad ng pagong)
92 kilos-mayaman (kilos ng mayaman)
e. Gamitin ang gitling kapag ang isang tanging ngalan ay
inuunlapian
maka-Duterte
taga-Valenzuela

f. Gamitin ang gitling kapag ang kani- kaniyang kahulugan ng


dalawang salitang pinagtatamabal ay di nawawala, bagama’t ang
tambalan ay nagkakaroon ng pangatlong kahulugan.
Barong- Tagalog
sising-alipin

g. Gamitin ang gitling sa pagitan ng unlaping ika- at tambilang o


oras, gayon din sa pagitan ng panlaping pinka- at pangalan.
ika-7:00 pinaka-haligi
ika-6:35 pinaka-pinto

h. Huwag gamitin ang kuwit sa mga numerong may praksyong


kasama
Maglalaban mamayang gabi sina Bobby, 113 at 112 1/4
93
7.Gamit ng panaklong
a. Gamitin ang panaklong sa mga paningit na mga salita sa loob ng
isang titulo
Santa Cruz (Laguna) Chinese Chamber

b.Gamitin ang panaklong sa pagpapakilala ng partido sa pulitika at


lalawigan o kapwa nito, ng isang pinunong pampamahalaan, sa
pinaikling paraan
Rep. Rodolfo Albano III (LAMP, Isabela)

c.Gamitin ang panaklong sa mga paningit ng tahasang sabi na hindi


aksaman sa sinabi
“Ang proposal nilang (AMA at Photokina) iniharap ay wala
sa istandard,” sabi niya.

d.Gamitin ang panaklong upang ipakita ang hinahalipan (antecedent)


Nag-utos siya (Pang. Gloria Macapagal Arroyo) sa
Sandatahang Lakas ng Pilipinas na durugin ang lahat ng mga
terorista sa bansa.
94
8.Gamit ng Panipi
a.Gumamit ng panipi
1. Sa pamagat ng talumpati
Ang kanyang talumpating binigkas na “Pagtuturo ng
Wikang Filipino sa Iba’t Ibang Perspektiba sa Bagong Milenyo,”
ay kailangang maipadala agad ni Dr. Nita P. Buenaobra sa La Salle
University bago dumating ang buwan ng Marso 2000.

b. Ang panghuling bantas-panipi ay laging inilalagay pagkatapos


ng kuwit o tuldok, e.g. mga “daga’” “aso” at “manok”. Gayon din,
ang panghuling bantas-panipi ay inilalagay pagkatapos ng mga
pananda na pananong, pandamdam, kolon, semi-kolon at gatlang
kung ang mga bantas na iyon ay bahagi ng siiping bagay, e.g.

a. Ang tanong niya, “Nakausap mo ba si Executive Secretary


Ermita?”
kung hindi, ang huling bantas-panipi ay dapat na ilagay sa
hulihan o pagkatapos ng nasabing bantas, e.g.

a. Ang sinabi ko ay “Hindi”.


95
3.Gumamit din ng panipi sa paghihiwalay ng palayaw
sa buong pangalan, ngunit kapag ang palayaw ay
ginagamit bilang buong pangalan, hindi na ito
ginagamitan ng panipi.Pangulong
Joseph “Erap” Estrada
Pangulong Erap Estrada

b.Iwasang gamitin ang panipi sa mga pamagat ng


pelikula, pamagat ng aklat, pintura, pangalan ng
pahayagan, magasin, bapor o mga hayop.

Ang mga pahayagan sa Filipino na Pilipino Star


Ngayon, Ang Balita, Tumbok, at Tanod ay mga
pahayagang tabloid.

96
Mga Sanggunian:

Cruz, Ceciliano-Jose. 2003. Pamahayagang


pangkampus sa bagong milenyo.
Manila: Rex Book Store.

Matienzo, Narciso V. at Matienzo, Rosalina C.


2007. Ang bagong pamahayagan sa
Filipino. Mandaluyong City: National
Book Store.
97

You might also like