Midterm Output - Revised

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Noong ika’y nabubuhay Rizal iyong nasilayan ang edukasyong walang maayos na sistema-

dahil sa diskriminasyon ng mga banyaga, kaya ikaw ay lumaban at humiling ng reporma.


Iyong mga akda ang siyang silbing patunay na ang edukasyon ay hindi naibabahagi ng patas.
Mga mahihirap na Pilipino ay hindi nabibigyan ng tyansang matuto dahil sa kanilang antas.

Maaaring habang binabaybay mo ang bawat pasilyo at pinagmamasdan ang iyong paaralan-
bigla kang namulat sa kawalan ng katarungan, bulok na pamamalakad at pait ng kaganapan.
Edukasyon na dapat ay natatamasa ng lahat ay tila mga mayayaman lamang ang nakakakuha-
samantalang ang mga mahihirap ay nananatiling bilad sa araw, pagod, uhaw, at alila ng kastila.

Nakakadurog ng puso kung iisipin na hanggang ngayon edukasyon ay nananatiling pribilehiyo.


Mga opisyal na nakaupo sa tuktok tila ba mga tenga’y barado at sarado sa mga salat na Pilipino.
Mga pampublikong Pamantasan na inilaan para sa kapos palad ay nagiging para sa mayaman-
habang mga dukha’y patuloy ang pagsusumikap araw-gabi magkaroon lamang ng kaalaman.

Mga walang pinag-aralan ay patuloy na naabuso at nalalamangan dahil sa maling katotohanan.


Talamak rin ang pananamantala sa mga hindi marunong bumasa at sumulat ng mga gahaman.
Naniniwala ako na upang walang manatiling mangmang, edukasyon ay dapat gawing karapatan-
sapagkat ito ang daan upang mawakasan ang pang-aapi ng mga gahaman sa ating mamamayan.

Nabanggit mo Rizal sa iyong akda na ang edukasyon ay siyang maituturing na kapangyarihan-


at kakayahang labanan ang mapang-aping sistema at umiiral na nakakalasong kamangmangan.
Mula ng ikaw ay namulat sa katotohanan, naniwala kang eto ang susi sa maayos kinabukasan.
Sa sistemang patas maaaring totoo nga na ang susunod na henerasyon ang pag-asa ng bayan.

Ipinapangako ko Rizal, na ang iyong iniwang aral ay ang aking pang hahawakan at bibitbitin.
Magandang kinabukasang ipinaglaban mo para sa kabataan ay aking bubuhayin at paiiralin-
Bilang isang guro kaisa mo ako sa iyong panawagan, at walang papanigang kung sino man.
Iaalay ang buong puso at pagkatao upang ibahagi ang lahat ng kaalaman sa mga kabataan.

LIBERTY 3 NUMBER 3

After reading all of Rizal’s work, I realized that as a Filipino Citizen we should not be afraid to
fight for the greater good. We should not be scared and we should value our education because
this will help us fight any kind of oppression because people who is aware of the truth and
know their rights as a citizen will never suppressed, because the weapon that you can use and
will never be stolen, is your knowledge and education. As a future social studies teacher I
intend to assist many more young people in becoming aware of what is right, I will do my best
to provide them with knowledge about society, politics and economics that they can apply in
their daily lives.

You might also like