Parental Consent

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO

PAHINTULOT NG MAGULANG

Sa paglagda sa kasulatang ito, ako, si (Pangalan ng Magulang/Tagapangalaga


ng Tagatugon), ay nagbibigay ng pahintulot sa aking anak na si (Pangalan ng
Tagatugon), na sagutan ang talatanungan o pagsisiyasat/pakikipanayam ng
nagsisiyasat na si (Pangalan ng Tagapagsaliksik) mula sa
(Paaralan/Tanggapan). Nauunawaan ko na ang aking anak ay bahagi ng
pagsasaliksik na (Pamagat ng Saliksik) na may mga layuning: (Isulat ang mga
layunin ng Saliksik)
Nauunawaan ko na ang aking anak ay tutugon sa talatanungan o
pagsisiyasat/pakikipanayam sa lugar at panahong kumportable sa kanya at ang
tagapagsaliksik ay maaaring makipanayam sa kanya para sa higit pang kaalaman
na kakailanganin sa hinaharap.
Nauunawaan ko na ang aking anak ay napiling maging bahagi sa pananaliksik
dahil siya ay mag-aaral ng (Pangalan ng Paaralan/Institusyon)
Ang pagkalap ng mga datos ay malayang ipinahihintulot. Ipinagbigay-alam sa akin
na ang naturang pagkalap ng datos at impormasyon ay kusang-loob, hindi
sapilitan, at maaaring tumangging tumugon ang aking anak sa anomang
katanungan o magpasya na huwag nang ituloy ang proseso anomang oras.
Ipinaalam din sa akin na hindi ibibigay kaninoman ang alinmang kasagutan ng
aking anak at walang magaganap na pag-uulat sa pag-aaral na kikilala sa kanya
sa anumang kapamaraanan. Nalalaman ko rin na ang pakikilahok o hindi
pakikilahok ng aking anak o ang kanyang pagtangging tumugon sa talatanungan
ay hindi makakaapekto sa kanya o sa sinomang kasapi ng aming pamilya sa
paglilingkod na tatamasahin ukol sa serbisyong pang-edukasyon.
Sa pamamagitan nito ay ibinibigay ko sa mananaliksik ang pahintulot na gamitin
ang datos at impormasyon ng/ mula sa aking anak sa layunin ng pagsasaliksik na
ito. Nakasisiguro ako sa mga kaalamang makukuha mula sa talatanungan/
pagsisiyasat/ pakikipanayam/ focus group discussion/ obserbasyon ay gagamitin
alinsunod sa mga patakaran at pamantayan ng pagsasaliksik. Tangi sa riyan,
sumasang-ayon ako at ibinibigay ang aking pahintulot sa aking anak sa saklaw na
kailangan ng batas, na malikom, magamit at maiproseso ng mananaliksik ang
kabatirang pansarili ng aking anak sang-ayon sa Data Privacy Act of 2012.
Nauunawaan ko na ang kasarinlan ng datos, ang lawak at ang limitasyon.
Samakatuwid, inilalagay ko ang aking buong pagtitiwala at pananalig sa
tagapagsaliksik/ tagapangasiwa ng programa.
Nauunawaan ko na ang mga kalalabasan ng pananaliksik na ito ay ibibigay sa
amin sakaling kailanganin namin at makikipag-ugnayan sa tagapagsaliksik na si

Address: Luna St., La Paz, Iloilo City 5000


Tel./Fax No. (033) 320-1402 | (033) 320-0719 | (033) 320-0707 | (033) 327-2252
Website: http://www.depediloilo.ph | e-mail: iloilo@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO

(Pangalan ng Tagapagsaliksik) kung kami ay may mga katanungan hinggil sa


pag-aaral na ito o hinggil sa aking karapatan bilang kalahok sa naturang pag-
aaral. Ang tagapagsaliksik ay maaaring makausap sa pamamagitan ng kanyang
telepono bilang (Telepono Bilang) o kaya ay sa kanyang email: (Email)

________________________
Petsa

____________________________________
Lagda ng Magulang/ Tagapangalaga ng Tagatugon

__________________________
Lagda ng Tagapagsaliksik

Address: Luna St., La Paz, Iloilo City 5000


Tel./Fax No. (033) 320-1402 | (033) 320-0719 | (033) 320-0707 | (033) 327-2252
Website: http://www.depediloilo.ph | e-mail: iloilo@deped.gov.ph

You might also like