Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

GABAY SA ARALIN – FIL.

11 PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA


PANANALIKSIK

I.TEKSTONG IMPORMATIBO

Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon. Ito ay naglalayong magbigay ng
impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa. Ang mga
impormasyon o kabatirang inilalahad ng may-akda ay hindi nakabatay sa kanyang opinyon kundi sa
katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa.
Karaniwang may malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat o kaya’y nagsasagawa ng
pananaliksik o pag-aaral ukol dito. Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga
pahayagan o balita, sa mga magasin, aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng ensiklopedya,
gayundin sa iba’t ibang websites sa Internet. Naglalahad ng mga bagong impormasyon, bagong
pangyayari, bagong paniniwala, at mga bagong impormasyon ang tekstong impormatibo. Layunin nitong
magbigay ng mahalagang impormasyon upang alisin o linawin ang mga agam-agam na bumabalot sa
isipan ng mambabasa kaugnay sa isang paksa o isyung tinatalakay. Ang mga kaalaman ay nakaayos nang
sunud-sunod at inilalahad nang buong linaw at may kaisahan.

MGA ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

Layunin ng may-akda

Maaring magkakaiba ang layunin ng may akda sa pagsulat ng tekstong impormatibo: mapalawak ang
kaalaman ukol sa isang paksa, maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag, matuto ng
maraming bagay ukol sa ating mundo, o mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba’t ibang uri ng insekto o
hayop at iba pang nabubuhay.

Pangunahing Ideya

Hindi katulad ng tekstong naratibo, dagliang inilalahad ng tekstong impormatibo ang pangunahing ideya
sa mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi o tinatawag na
organizational markers na nakatutulong upang agad na makita at malaman ng mga mambabasa ang
pangunahing ideya ng babasahin.

Pantulong na Kaisipan

Mahalaga ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan o mga detalye. Nakatutulong ito na
mabuo sa isipan ng mga mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.

Mga istilo sa pagsulat, kagamitan/ sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin:

Paggamit ng mga nakalarawang interpretasyon

Halimbawa: Paggamit ng larawan, guhit, dayagram, tsart, timeline at iba pa upang higit na mapalalim
ang pang-unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong impormatibo.

Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto

Ito ay ang paggamit ng mga estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin, nakahilis, nakasalungguhit o
paglagay ng “panipi” upang higit na madaling makita ang mga salitang binibigyang- diin sa babasahin.
Pagsulat ng mga Talasanggunian

Inilalagay ng mga manunulat ang mga aklat, kagamitan, at iba pang sangguniang ginamit upang higit na
mabigyang-diin ang katotohanang naging batayan ng mga impormasyong taglay nito.

URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO

Paglalahad ng totoong pangyayari / kasaysayan

Ito ay uri ng tekstong impormatibo na naglalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang
panahon o pagkakataon. Maaring ang pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng manunulat
tulad ng balitang isinulat ng mga reporter ng mga pahayagan o mga pangyayaring may historical
account.

Pag-uulat pang-impormasyon

Ang uri ng tekstong impormatibong ito ay naglalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon
patungkol sa tao, hayop iba pang bagay na nabubuhay gayundin sa mga pangyayari sa paligid.
Halimbawa: Teknolohiya, Global Warming, Cyberbullying.

Pagpapaliwanag

Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang
bagay o pangyayari. Halimbawa: Siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo.

Halimbawa ng tekstong Impormatibo

CYBERBULLYING

Sa makabagong panahon kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, isang uri ng pambubuska ang
nabibigyang-daan nito; ang cyberbullying o ang pambubuska sa kapwa gamit ang makabagong
teknolohiya. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagpapadala ng mensahe ng pananakot, pagbabanta, o
pagtataglay ng masasamang salita maging sa text o e-mail; pagpapalaganap ng mga nakasisirang
usapusapan, larawan, bidyu, at iba pa sa e-mail at sa social media; pag-bash o pagpapaskil ng mga
nakasisira at walang batayang komento; paggawa ng mga pekeng account na may layuning mapasama
ang isang tao; pag-hack sa account ng iba upang magamit ang sariling account ng tao; sa paninira sa
may-ari nito; at iba pang uri ng harassment sa pamamagitan ng teknolohiya. Ang mga ito’y karaniwang
nagbubunga ng pagkapahiya, pagkatakot, o kawalan ng kapayapaan sa nagiging biktima nito. Naririto
ang ilan sa mga epekto ng cyberbullying: mga senyales ng depresyon, pag-inom ng alak o paggamit ng
ipinagbabawal na gamot, pagliban o pag-iwas sa pagpasok sa paaralan, pagkakaroon ng mababang
marka sa paaralan, pagkawala ng tiwala sa sarili o pagkakaroon ng problema sa kalusugan at pagiging
biktima rin ng harapang bullying.

Ayon sa ulat sa Googe Trends, ikaapat sa mga bansa sa buong mundo kung saan may pinakamaraming
naghanap ng impormasyon ukol sa cyberbullying noong 2013 ay ang Pilipinas. Isa itong indikasyon na
ang isyu ng cyberbullying ay isang makatotohanang pangyayari sa ating bansa. Bagama’t sa kasalukuyan
ay wala pang opisyal na istadistika ang Pilipinas patungkol sa cyberbullying. Sa bansang Amerika ay
naitala na nasa 9% ng mga mag-aaral sa Grade 6 hanggang 12 ang nakaranas ng cyberbullying noong
2010 at 2011. Samantalang noong 2013, tumaas sa 15% ang mga mag-aaral sa Grade 9 hanggang 12 na
nakaranas ng cyberbullying.
II.TEKSTONG DESKRIPTIBO

Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng mga impresyon at kakintalang likha ng pandama. Sa
pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig, paningin, at panlasa, itinatala ng sumusulat ang
paglalarawan ng mga detalye na kanyang nararanasan.

LAYUNIN

Ito ay naglalayong makapaglahad ng kabuuang larawan ng isang bagay, pangyayari o kaya naman ay
makapagbigay ng isang konseptong biswal ng mga bagay, pook, tao, o pangyayari.

MGA ELEMENTO (DALAWANG PARAAN NG PAGLALARAWAN)

1. Karaniwang Paglalarawan – tahasang inilalarawan ang paksa sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga


katangian nito gamit ang mga pang-uri at pang-abay. Inilalahad sa tekstong ito ang mga pisikal na
katangian ng inilalarawan sa pamamagitan ng obserbasyon.

2. Masining na Paglalarawan – ito ang malikhaing paggamit ng wika upang makabuo ng kongkretong
imahe tungkol sa inilalarawan. Tinatangka nitong ipakita, iparinig, ipaamoy, ipalasa at ipadama ang isang
bagay, karanasan o pangyayari.

URI NG PAGLALARAWAN

Subhektibo – ang manunulat ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi


nakabatay sa katotohanan

Halimbawa: Sa gulang na dalawampu ay maaaninag sa binata ang kasipagan dahil sa matipunong


pangangatawan at magaspang na palad na pinanday ng kahirapan.

Obhektibo – may pinagbabatayang katotohanan.

Halimbawa: Ang perpektong kono ng Bulkang Mayon ay isang tanawing binabalik-balikan ng mga
turistang nagmumula pa sa iba’t ibang panig ng bansa at mundo. Itinuturing itong pinakaaktibong bulkan
sa bansa.

Basahin ang isang halimbawa ng tekstong deskriptibo.

Ang Karanasang ‘Di Ko Malilimutan

Jheru Alselmo Mendoza

Lahat tayo ay may karanasang di makakalimutan - karanasan sa pag-ibig, sa kaibigan, at sa pamilya.


Kailan nga ba tayo unang umibig? Kailan ba tayo unang nasaktan? Ano bang alaala ang lubos na
nagdulot ng sakit sa atin? Kailan ba tayo naging masaya? Naalala mo pa ba? Sa dami ng mga bagay na
aking naranasan, kulang pa yata ang isang libro para maikuwento ko nang buo ang simpleng buhay ko.

Ang aking pamilya ay malaki pero simple lang ang aming pamumuhay. Lagi kaming magkakasama noon.
Nagtatawanan at nagkukulitan kahit may problemang nararanasan. Kinakaya namin anumang unos ang
dumating dahil lagi kaming magkakasama. Sabi pa ng aking mahal na ina noon, ayos lang daw maghirap
kami at magdildil ng asin basta kompleto at magkakasama kaming lahat. Nasabi niya ito dahil maaga
siyang nahiwalay sa kanyang pamilya noon. Bata pa lamang siya ay naranasan na niyang mabuhay nang
mag-isa. Mahirap daw ang nag-iisa sa buhay. Malungkot daw. Kaya para sa akin, siya ang pinakamagaling
na ina sa buong mundo kasi maayos niya kaming napalaki kahit nag-iisa na lamang siya ngayon. Ang
aking ama naman ay siyang mabait at mabuting ama. Mahal na mahal ko siya kahit minsan napapalo
niya ako dahil nakakainom siya ng alak.

Lumipas ang ilang taon na palaging masaya ang aking pamilya. Ngunit lingid sa aming kaalaman, isang
malaking problema ang parating sa aming buhay na ganap na sumubok sa aming katatagan. Sampung
taong gulang pa lamang ako noon at nasa ikaanim na baitang, nang malaman ng manggagamot na may
kanser sa atay ang aking ama. Nagulat kami sa nalaman naming balita. Gayunpaman, pinilit naming
maging masaya para sa aming ama dahil ayaw naming makita niyang nalulungkot kami para sa kaniya.
Kahit paano ay mabawasan ang nararanasan niyang paghihirap at kalungkutan.

Ilang buwan na ang lumipas pero hindi namin siya maipagamot dahil sa kakulangan sa pera. Lumala
nang lumala ang sakit niya at bumagsak ang dating masigla niyang katawan dahil nangayayat siya nang
husto. Ika-tatlumpu ng Hunyo 2004, ipinagdiriwang namin ang kaniyang kaarawan. Nagluto ang aking
ina. Kaunti lang ang handa, kami lang ang nagdiwang at nagsalu-salo. Ang ama ko ay masaya noong araw
na iyon ngunit nararamdaman ko na parang malungkot siya. Hindi niya pinapakita sa amin iyon dahil
gusto niyang maging masaya kami sa araw na iyon.

Ang saya talaga ng araw na iyon para sa akin ngunit iyon na pala ang huling kaarawan ng aking ama.
Tatlong araw ang lumipas, iniwan na niya kami. Wala na siya. Namatay na ang aking ama. Napaluha na
lang ako habang tinitingnan ko ang bangkay niya. Pero naalala ko ang sabi niya sa akin noon; “Anak,
huwag kang iiyak kapag nawala na ako, ha.” Kaya noong libing niya ay hindi na ako umiyak at tinanggap
ko na lang na wala na siya at hindi na siya mahihirapan dahil kung saan man siya naroon ay masaya na
siya sa piling ng Dakilang Ama.

III.TEKSTONG PERSUWEYSIB

Isang uri ng teksto na umaapela o pumupukaw sa damdamin ng mambabasa o tagapakinig upang


makuha ang simpatiya nito at mahikayat na umayon sa ideyang inilahad.

MGA LAYUNIN

1. Manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto.

2. Umapela o makapukaw ng damdamin sa mambabasa upang makuha ang simpatiya nito at mahikayat
na umayon sa ideyang inilalahad.

3. Manghimok o mangumbinsi sa pamamagitan ng pagkuha ng damdamin o simpatiya ng mambabasa.

MGA KATANGIAN

1. May subhetibong tono

2. Personal na opinyon at paniniwala ng may-akda

3. Karaniwang ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda para sa eleksiyon, at pagrerekrut
para sa isang samahan o networking
ELEMENTO NG PANGHIHIKAYAT AYON KAY ARISTOTLE

1. Ethos: Ang Karakter, Imahe, o Reputasyon ng Manunulat/ Tagapagsalita Ang salitang ethos ay
salitang Griyego na nauugnay sa salitang etika ngunit higit itong angkop ngayon sa salitang
“Imahe”. Ginamit ni Aristotle ang ethos upang tukuyin ang karakter o kredibilidad ng
tagapagsalita batay sa paningin ng nakikinig. Ang elementong ethos ang magpapasiya kung
kapani-paniwala o dapat pagkakatiwalaan ng tagapakinig ang tagapagsalita, o mambabasa ang
manunulat. Madaling mahikayat ang mga tagapakinig kapag ang tagapagsalita ay kilalang may
pag-uugali, maayos kausap, may mabuting kalooban, at maganda ang hangarin.

Halimbawa: Ang isang Artistang nanghihikayat ng mga turista upang bisitahin ang isang isla sa
Pilipinas.

2. Logos: Ang Opinyon o Lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/ Tagapagsalita Ang salitang


Griyego na logos ay tumutukoy sa pangangatwiran. Nangangahulugan din itong panghihikayat
gamit ang lohikal na kaalaman. Tumutukoy rin ito sa pagiging lohikal na nilalaman o kung may
katuturan ba ang sinasabi upang mahikayat o mapaniwala ang tagapakinig na ito ay totoo. Sa
ating lipunan, malaki ang pagpapahalaga sa lohika at pagiging makatwiran ng mga estratehiya
gamit ang mga retorikal na pangangatwirang pabuod (Deductive) at pasaklaw (Inductive).

Halimbawa: Ang isang taong nanghihikayat na bumili ng kanilang sabon dahil ang sabon na iyon ay
makakaputi.

3. Pathos: Emosyon ng mambabasa/ Tagapakinig Pathos ang elemento ng panghihikayat na


tumatalakay sa emosyon o damdamin ng mambabasa o tagapakinig. May kakayahan ang tao na
gumawa ng sariling desisyon dahil mayroon siyang pag-iisip at lahat ng ginagawa ng tao ay
bunga ng kaniyang pag-iisip. Subalit hindi niya nakikita na malaki rin ang impluwensiya ng
emosyon kagaya ng galit, awa, at takot sa pagdedesisyon at paghuhusga. Emosyon ang
pinakamabisang motibasyon upang kumilos ang isang tao.

Halimbawa: Ang pagsasalaysay ng isang kuwentong makaantig ng puso tulad ng galit o awa ay isang
mabisang paraan upang mahikayat silang pumanig sa manunulat.

PROPAGANDA DEVICES

Ang panghihikayat sa taong bumili ng isang produkto o iboboto ang isang kandidato ay isang bagay na
dapat ay masusing pinag-iisipan. Kung mapapansin, ang mga patalastas sa telebisyon, sa mga diyaryo, at
magasin ay kinakailangang makapukaw ng atensiyon upang mapansin. Ang mga eksperto sa likod ng
mga propagandang ito ay may mga ginamit na propaganda device.

Ating alamin kung ano-ano ito:

1. Name-Calling- Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang puna o taguri sa isang produkto o
katunggaling politiko upang tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa mundo ng politika.
Halimbawa: Ang pekeng sabon, bagitong kandidato
2. Glittering Generalities- Ito ay ang magaganda at nakakasilaw na pahayag ukol sa isang
produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa.
Halimbawa: Mas nakakatipid sa bagong Tide. Ang iyong damit ay mas magiging maputi. Bossing
sa katipiran, bossing sa kaputian.
3. Transfer- Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang
kasikatan.

Halimbawa: Pagpromote ng isang artista sa isang hindi sikat na brand

4. Testimonial- Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o
produkto.

Halimbawa: Ang isang taong nagpapatunay na siya ay pumuti dahil sa ginamit niyang sabon sa
pamamagitan ng pagpapakita ng ebidensiya. Kapag eleksyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya
ang kandidato na huwag ding kakalimutan ng sambayanan ang kanyang kapartido.

5. Plain Folks- Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilala o
tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto, o serbisyo.
Halimbawa: Ang kandidato tuwing eleksyon ay hindi nagsusuot ng magagarbong damit at pinapakita
nila na nagmula at galing rin sila sa hirap.

6. Card Stacking- Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi
binabanggit ang hindi magandang katangian.

Halimbawa: Lucky Me, Pinapakita dito ang magandang dulot nito sa pamilya, ngunit sa labis na
pagkain nito, nagdudulot ito ng sakit sa bato at UTI.

7. Bandwagon- Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali
sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na.

Halimbawa: Buong bayan ay nag-e- LBC peso padala na.

IV.TEKSTONG PROSIDYURAL

Ang tekstong prosidyural ay naglalahad ng serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang
matamo ang mga inaasahan. May pagkakataon sa ating buhay na nais nating matutunan kung paano
gagawin ang isang bagay, halimbawa-ang wastong pagluluto ng adobong manok.

Nagsasaad din ito ng impormasyon o mga direksiyon upang ligtas, mabilis, matagumpay, at maayos
na maisakatuparan ang mga gawain.

Mga Gamit ng Tekstong Prosidyural

1. Pagpapaliwanag kung paano gumagana o pagaganahin ang isang kasangkapan batay sa manwal
na ipinakita.

2. Pagsasabi ng hakbang kung paano gagawin ang isang bagay o gawain.

3. Paglalarawan kung paano makakamit ang ninanais na kalagayan sa buhay.

Halimbawa ng mga sulatin o akdang gumagamit ng Tekstong Prosidyural

• manwal sa paggamit ng kasangkapan o mekanismo

• resipi

• gabay sa paggawa ng mga proyekto


• mga eksperimentong siyentipiko

• mekaniks ng laro

• mga alintuntunin sa kalsada

V. TEKSTONG NARATIBO

Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan,
nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula
simula hanggang katapusan. Pangunahing layunin ng ganitong uri ng teksto ang makapagsalaysay ng
mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o say. Gayundin naman, ang naratibo ay
nakapagtuturo ng kabutihang-asal, mahahalagang aral, at mga pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng
kahalagahan ng pagiging mabuti at tapat, na ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay laban sa kabutihan,
ang kasipagan at pagtitiyaga ay nagdudulot ng tagumpay, at iba pa.

Ang mga mambabasa ay direktang isinasama ng manunulat ng isang tekstong naratibo at nagiging saksi
sa mga pangyayaring kanyang isinasalaysay. May iba’t ibang uri ng naratibo tulad ng maikling kuwento,
nobela, kuwentong-bayan, mitolohiya, alamat, tulang pasalaysay tulad ng epiko, dula, mga kuwento ng
kababalaghan, anekdota, parabula, science fiction, at iba pa. Iba’t ibang uri subalit may iisang
pagkakapareho: ang bawat isa’y nagkukuwento.

Mga Katangian ng Tekstong Naratibo


May Iba't Ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of view) sa Tekstong Naratibo

Unang Panauhan—Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang
nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip.

Ikalawang Panauhan—Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa


kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito
gaanong ginagamit ng mga manunulat sa kanilang pagsasalaysay.

Ikatlong Panauhan—Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang taong walang
relasyon sa tauhan kay’a ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siva. Ang tagapagsalaysay
ay tagapag-obserba lang at sa labas siya ng mga pangyayari. May tatlong uri ang ganitong uri ng
pananaw:

o Maladiyos na panauhan—Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga


tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang
iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.
o Limitadong panauhan—Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga
tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.
o Tagapag-obserbang panauhan—Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman
ng isip at damdamin ng mga tauhan. Tanging ang mga nakikita o naririnig niyang
mga pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang kanyang isinasalaysay.

Kombinasyong Pananaw o Paningin—Dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang
pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung
saan ang mga pangyayari ay sumasakop sa mas mahabang panahon at mas maraming tauhan ang
naipakikilala sa bawat kabanata

Paraan ng Pagpapahayag ng Diyalogo, Saloobin, o Damdamin sa Tekstong Naratibo


1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag
Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang
diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi. Sa ganitong paraan ng pagpapahayag ay
nagiging natural at lalong lumulutang ang katangiang taglay ng mga tauhan. Higit din nitong naaakit ang
mga mambabasa sapagkat nagiging mas malinaw sa kanya ang eksaktong mensahe o sinabi ng tauhan at
ang paraan ng pagkakasabi’y naghuhudyat din sa uri ng damdaming taglay kaysa kung lalagumin o hindi
direktang sasabihin ng tagapagsalaysay.

Halimbawa:

“Donato, kakain na, Anak,” tawag ni Aling Guada sa anak na noo’y abalang-abala sa ginagawa at hindi
halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan. “Aba’y kayganda naman nireng
ginagawa mo, Anak! Ay ano ba talaga ang baIak mo, ha?” Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at
inakay papasok sa munti nilang kusina..

2. Di direkta o Di tuwirang Pagpapahayag


Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong
uri ng pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng panipi.

Halimbawa:

Tinawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain na habang ito’y abalang-abala sa ginagawa at
hindi halos napansing nakalapit na paU ang ina sa kanyang kinalalagyan. Sinabi niyang kayganda
ng ginagawa ng anak at tinanong din niya kung ano ba talaga ang balak niya.
Natatawang inakbayan ni Donato ang at inakay papasok sa munti nilang kusina.

Mga Elemento ng Tekstong Naratibo


Ang isang katangiang taglay ng lahat ng tekstong naratibo ay ang pagkukuwento kaya naman taglay ng
mga ito ang mahahalagang elementong lalong magbibigay daan sa nakalilibang, nakaaaliw, at
nakapagbibigay-aral na pagsasalaysay. Sa mga elementong ito rin makikita kung paano naihahabi o
pumapasok ang mga tekstong deskriptibo.

1. Tauhan
Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan. Ang dami o bilang ng tauhan ay dapat
umayon sa pangangailangan. Mahirap itakda. ang bilang ng tauhang magpapagalaw sa tekstong
naratibo ang pangangailangan lknang ang maaaring magtakda nito. May dalawang paraan sa
pagpapakilala ng tauhan—ang expository at ang dramatiko. Expository kung ang
tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan at dramatiko naman
kung kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag. Ang
karaniwang tauhan sa mga akdang naratibo ay ang sumusunod:

a. Pangunahing Tauhan

Sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula simula hanggang sa
katapusan. Karaniwang iisa lamang ang pangunahing tauhan. Ang kanyang mga katangian ay
ibinabatay sa tungkulin o papel na kanyang gagampanan sa kabuoan ng akda.

b. Katunggaling

Tauhan Ang katunggaling tauhan o kontrabida ay siyang sumasalungat o kalaban ng


pangunahing tauhan. Mahalaga ang papel ng tauhang ito sapagkat sa mga tunggaliang
nangyayari sa pagitan nila, nabubuhay ang mga pangyayari sa kuwento at higit na napatitingkad
ang mga katangian ng pangunahing tauhan.

c. Kasamang Tauhan
Gaya ng ipinahihiwatig ng katawagan, ang kasamang tauhan ay karaniwang kasftna o kasangga
ng pangunahing tauhan. Ang pangunahing papel o tungkulin niya ay sumuporta, magsilbing
hingahan, o kapalagayang-loob ng pangunahing tauhan.

d. Ang May-akda

Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay lagi nang magkasama sa kabuoan ng
akda. Bagama’t ang namamayani lamang ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay laging
nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor.

Ayon kay E.M. Forster, isang Ingles na manunulat, may dalawang uri ng tauhan ang maaaring makita sa
isang tekstong naratibo tulad ng:

1. Tauhan

 Tauhang Bilog (Round Character)—Isang tauhang may multidimensiyonal o maraming


saklaw ang personalidad. Tulad ng isang tunay na katauhan, nagbabago ang kanyang
pananaw, katangian, at damdamin ayon sa pangangailangan. Ang isang tahimik at
mapagtimping tauhan, halimbawa, ay maaaring magalit at sumambulat kapag hinihingi ng
sitwasyon o pangyayari sa kuwento at pangangailangang magbago ang taglay niyang
katangian at lumutang ang nararapat na emosyon o damdamin.
 Tauhang Lapad (Flat Character)—Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang
katangiang madaling matukoy o predictable. Madaling mahulaan at maiugnay sa kanyang
katauhan ang kanyang mga ikinikilos at maituturing na stereotype tulad ng mapang-aping
madrasta, mapagmahal na ina, tin-edyer na hindi sumusunod sa magulang, at iba pa.
Karaniwang hindi nagbabago o nag-iiba ang katangian ng tauhang lapad sa kabuoan ng
kuwento.

Sinasabi rin ni Forster na kinakailangang makita ang dalawang uring ito ng tauhan sa
tekstong naratibo. Bagama’t madaling matukoy o predictable ang tauhang lapad ay hindi
niya iminumungkahi ang pagtatanggal sa ganitong uri ng tauhan sa pagsulat ng akda upang
masalamin pa rinnito ang tunay na kalakaran ng mga tauhan sa ating mundo.
2. Tagpuan at Panahon
Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda kundi
gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap
ang mga pangyayari tulad ng kasayahang daM. ng pagdiriwang sa isang kaarawan, tffl(ot na umiiral dahil
sa malakas na hampas ng hangin at ulang 61a ng bagyo, romantikong paligid sanhi ng maliwanag na
buwang nakatunghay sa magkasintahang naghahapunan sa isang hardin, matinding p4od ng
magsasakang nag-aararo sa ilalim ng tirik na tirik na araw, kalungkutan ng pamilyang nakatunghay
habang ibinababa sa kanyang huling hantungan ang isang minamahal, at iba pa.

3. Banghay
Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo
upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.

Makikita sa ibaba ang karaniwang banghay o balangkas ng isang naratibo:

 Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakikilala ang mga tauhan, tagpuan,
at tema (orientation or introduction)
 Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan partikular ang
pangunahing tauhan (problem)
 Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng aksiyong gagawin ng
tauhan tungo sa paglutas sa suliranin (rising action)
 Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang kasukdulan (climax)
 Pababang pangyayaring humahantong sa isang resolusyon o kakalasan (falling action)
 Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending)

Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbensiyonal na simula-gitna-wakas. May mga akdang hindi
sumusunod sa ganitong kalakaran at tinatawag na anachmny o mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa
tamang pagkakasunod-sunod. Mauuri ito sa tatlo:

 Analepsis (Flashback)—Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.


 Prolepsis (Flashforward)—Dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang
sa hinaharap.
 Ellipsis—May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na
nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.
4. Paksa o Tema
Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo. Mahalagang
malinang ito nang husto sa kabuoan ng akda upang mapalutang ng may-akda ang pinakamahalagang
mensaheng nais niyang maiparating sa kanyang mambabasa. Dito rin mahuhugot ang mga
pagpapahalaga, mahahalagang aral, at iba pang pagpapahalagang pangkatauhang nagagamit sa
mabuting pamumuhay at pakikisalamuha sa kapwa.

Halimbawa ng Isang Tekstong Naratibo (Maikling Kuwento)


Mabangis na Lungsod
ni Efren R. Abueg

VI.TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng tekstong naglalayong makapagbigay ng argumento o


katwiran patungkol sa isang bagay, paksa, o isyu. Ang may-akda ay maaaring pumili ng panig na
ilalaban, at mabibigyan ito ng kalayaang maipaglaban ang panig.

Ngunit, importanteng mapagtanto ang responsibilidad ng mga may-akda na makapaghanay ng mga


ebidensiyang lohikal at makatotohanan na nakuha niya base sa kanyang pananaliksik, karanasan, at
obserbasyon.

Mahigit na nakatutulong ang masinop na pananaliksik ng datos at pag-oorganisa nito sa paraang


kronolohikal o maliliit na punto patungo sa malalaki upang lubusang maintindihan at mahinuha ng mga
mambabasa ang rason sa pagpili ng panig na kinabibilangan ng may-akda.  

Ang tekstong argumentatibo ay nahahati sa dalawang bahagi: 

Proposisyon

Ito ang ‘thesis statement’ o ang paksang ibibigay sa unahan ng may-akda upang magbigay ng kuwarto
para sa diskurso at argumento. Maaring sumang-ayon o sumalungat ang may-akda. Sa mga planadong
debate’t argumento naman, kinakailangang planado ang paksang pagtutunggalian upang maiwasan ang
kalituhan at hindi pagkakaintindihan. Ang mga pahayag na “Dapat maipatupad ang same sex marriage
dito sa Pilipinas“, “Ang abortion ay dapat maging legal sa Pilipinas“, at ang “Ang rape ay kasalanan ng
mga rapist at wala sa damit ng biktima” ay pawang mga proposisyon.

Argumento

Dito matatagpuan ang pagsang-ayon o katwiran sa unang inilahad na proposisyon. Sa elementong ito
naihahanay ang mga lohikal at balidong mga ebidensyang nakalap. Sa seksyong ito mahihinuha ng
mambabasa kung kapani-paniwala ba ang may-akda o hindi. 
May limang katangiang natatangi sa isang mahusay na pagkakagawa ng tekstong argumentatibo: 

Mapanahon at May mabigat na kahalagahan sa lipunan – Sapagkat ang proposisyong pagdedebatehan


ay siguradong isang paksa na malalim na pag-aaralan at isasaliksik ng mga may-akda, nilalayong ang
paksang pipiliin ay mga paksang napapanahon at may direktang epekto sa lipunang kinabibilangan ng
lahat. Sa gayo’y madadagdagan ang mga mulat na mamamayan at mas rarami ang mga Pilipinong
makapagbibigay ng kaalaman sa mga hindi maalam na kababayan. Nagreresulta ito ng mas mabuti at
matiwasay na Pilipinas. 

Maikli pero malaman ang proposisyon – Sa kadahilanang ang proposisyo’y dapat nakalagay sa unang
talata ng teksto, kinakailangang maliit lamang ang parte ng tekstong ito upang maintindihan ng
mambabasa ang tesis na pinaglalabanan. Kinakailangan bawat salitang binibitawan nito’y may dalang
bigat at kahulugan na makapagdadagdag sa rason ng tesis.

Maayos na pagkasunod-sunod ng mga talata – Importante ang lohikal na pagkasunod-sunod ng mga


talata upang makuha ng mga mambabasa ang koneksyon at ang halaga ng mga puntong nais maipabatid
ng may-akda. Hindi mainam ang magbukas ng panibagong argumento sa susunod na talata at
pagkatapos ay susunod ang pangsuporta sa unang argumento sa susunod na talata. Sinisira nito ang
‘flow of thought’ ng mga mambabasa at mas makapagdudulot ng masama kaysa sa maganda.

Malinis na transisyon sa mga talata – Kung hindi lohikal o konektado ang mga magkasunod na talata,
mas magbibigay ito ng kalituhan. Kinakailangang malinis at malinaw ang transisyon sa mga talatang
inilalagay upang mailagay sa tamang kondisyon ang isip ng mambabasa. Kung hindi lilinawin ang
transisyong ginawa ng mga talata ay puwedeng maiwan ang isip ng mambabasa: habang ang talata’y
nagpapaliwanag sa ikatlong punto’y iniisip parin ng mambabasa ang unang puntong inilatag sapagkat
walang indikasyon o malinis na transisyon sa pagitan nito. 

May batayan at matibay ang mga argumento – Sa partikular na tekstong ito’y mas importante ang mga
impormasyon nakalap sa mga sangguniang may kredibilidad kaysa sa iniisip ng may-akda. Kinakailangang
ang mga argumento’y detalyado, walang halong haka-haka, mapanahon, at may koneksyon sa paksa.

Halimbawa ng tekstong argumentatibo:

1. Droga, Masama nga ba? 


2. Naniniwala ka ba sa Forever?

You might also like