Professional Documents
Culture Documents
Baldo Fil103 Tula
Baldo Fil103 Tula
Baldo
BSDEVC2101
“Usbong”
Mula sa isang buto
Ang Pagsisimula ko
Gamit ang aking kamay
Pinunla, isang buhay
Sa paglipas ng araw
Biglang aking natanaw
Para bang nahihiya
Na sumilip sa lupa
Halama’y namulaklak
Ako’y napahalakhak
Dahil kaunti na lang
Siyang hihintaying habang
Pumikat at minulat
Magiliw na nag-unat
Ito na nga ang araw
Na may bungang tatanglaw
Pagtingin sa halaman
Kitang-kita ang laman
Mga bungang mapula
At puno ng sustansiya
Ito’y aking pinitas
Tinikmang kumakaripas
Lasang-lasa ang sarap
Siyang tumimo sa hagap
-Wakas-