Professional Documents
Culture Documents
Baldo FIL103 Talumpati
Baldo FIL103 Talumpati
Baldo FIL103 Talumpati
MAMA
Sa ating guro, Bb. Janine Stephanie Racelis, sa mga kapwa ko mag-aaral ng Batsilyer sa
Agham sa Komunikasyong Pangkaunlaran at sa lahat ng tagapakinig ng talumpating ito, isang
mapagpalang araw sa ngalan ng pag-unlad sa ating lahat.
MAMA. Salitang lagi nating tawag-tawag mula sa pagkabata o minsan nga’y isa sa mga
unang salitang namutawi sa ating mga labi. Salitang nagbibigay ng kaginhawaan at kasiyahan sa
ating puso’t hagap. Kaya ngayon, ako’y inyong bigyang pagkakataon na ialay itong talumpati sa
aking ina at sa ating mga ina na kailanma’y hindi lumisan sa ating tabi.
M. Mabalasik. Hindi dahil siya ay may pagka strikta o di kaya naman ay madalas ay
nililimitahan ang aking kilos ngunit mabalasik ang aking ina sa buhay. Siya ang isa sa
pinakamatapang na babae na kilala ko. Siya ang babaeng nagluwal sa aming anim na
magkakapatid at ang babaeng nag-aruga nang walang humpay upang kami ay lumaking maayos.
Siya ay isang mabalasik na babae na hindi mapapantayan ng kahit sinoman para sa akin.
A. Adlaw. Higit sa lahat siya ang adlaw, araw, liwanag o kung ano mang salita na maiisip
ninyo. Siya ang bumuhay sa pangarap ko, ang nagsilbing ilaw sa daang tila kay dilim at wala
nang pag-asa.
Kaya nais kong ialay ang awiting ito sa kaniya. (Awit: Pangarap Kong Panagrap mo ni
Zephanie Dimaranan).
Ngayon, lahat ng ito ay tila hanggang pangarap na lamang sapagkat sa kaniyang paglisan
sa mundong ito ay ang pagdilim ng aking paligid, ang pagkaligaw sa alapaap at ang pagkahina sa
harap ng mga suliranin. Ngunit, hindi ko hinahayaang maging hadlang ang pagkawala niya sa
aking pagpapatuloy sa buhay sapagkat alam ko na nais niyang magpatuloy ako at magtagumpay
sa landas na aking tinatahak.
Kaya sa araw na ito, nais kong ibigay ang pinakamataas na karangalan sa aking ina at sa
ating mga ina na walang sawang sumuporta sa atin. Mabuhay tayong magtatapos at mabuhay sa
lahat ng ating mga magulang.