Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

BAKIT BABAE ANG NAGHUHUGAS NG MGA PINGGAN

Ni FILOMENA COLENDRINO
Mga Tauhan:Ka Ugong (HUGO)Ka Maldang
(IMELDA)Tikang (HOSTESS)Tano
(KUMPARE)Petot (SINTU-SINTO)Ka Tomas
(ALBULARYO)Timang (BUNTISING 8 BUWAN)Tatlong
Kapitbahay (MGA ASUNGOT)TAGAPAGSALAYSAY:
 Sa bayan ng Sta. Rosa, may mag-asawang
nagngangalang Hugo atImelda. Sa tuwing sila’y kakain, lagi na
lamang nilang pinag-aawayan ang paghuhugas ng mgapinggan.
Kung tatanggi si Hugo, kagagalitan naman siya ni Imelda. Kung
anu-anong pangalanang tinatawag niya kay Hugo, at kung huli’y
sasagot, tutugusin ni Imelda ang pobreng si Hugong walis tingting.
Tatakbo naman si Hugo sa bahay ng kumpare at doon
magpapalipas ng galitni Imelda. Nakasanayan nang tawagin ng
kanilang kapitbahay ang bugnuting si Imelda ng “KaMaldang” at si
Hugo ng “Ka Ugong”.Isang araw, matapos silang kumain...
KA UGONG:
 Ayoko ng maghugas ng mga pinggan.
KA MALDANG:
 At sino?!
KA UGONG:
 Ako Aba, aba, aba...!, buong umaga na akong nag-araro sa
bukid. Ayoko ngmaghugas ng isa pang pinggan. Sumosobra ka na
diyan.
KA MALDANG:
 At sino sa palagay mo ang maghuhugas ng mga pinggan?!
KA UGONG:
 Aba, e, di ikaw, sino sa palagay mo?! E, ang nasa aking lang
naman, dapat ikawang maghuhugas ng mga pinggan ngayon
sapagkat ikaw at ikaw ang asawa ko at iyongkatungkulan
ang gawaing bahay. Ikaw ang babae. At ikaw ang dapat
magtrabaho sa bahay.
KA MALDANG:
 At ano ang gagawin mo?! Matapos mo maitali ang kalabaw sa
damuhan paramanginain ay mahihiga ka lamang, mahirap ba
yon? Ako na nga nagluluto, naglilinis ngbahay, naglalaba ng
mga damit mo, pati na ang pagbubunot ng sahig at yang
pagsusulsi ngmga karsunsillo mong naglilimahid. Lahat ng
trabaho ng alila, inaako ko na. Tapos
ngayon,ayaw mong maghugas ng pinggan pinagkainan mo. 
Lintek na, abuso nay an sa akingpagkatao. Bakit nuong
nililigawan mo pa lang ako, ipinangako mo sa’kin ibibigay mo sa
akinang buwan at ito’y ikokorona mo sa aking ulo upang
maging reyna nang ating munting
palasyo. Sabi mo, susungkutin mo ang mga bituin sa langit at
iyong ihihikaw at ikwikwintassa aking leeg upang magniningning
ang aking kagandahan sa iyong paningin. O, ngayon anoang
napala ko? Luha at hinagpis. Nung kadalagahan ko, ang sabi mo
ako lang ang iyongpagkakatitigan at kakausapin upang maging
ganap ang iyong kaligayahan. Pero ngayon, sino,sino ang lagi
mong kinakausap at nilalambing. Wala ka nang pangangalaga sa
akin. Lintek ka!Mabuti pa yang kalabaw mo lagi mong kinakausap
at pinaliliguan araw-araw. Samantalangako di mo man lamang
napapaliguan. Mabuti pa yang talisain mo pinagmamayabang mo
saating mga kapitbahay, samantalang ako kapag kasama mo sa
pasyalan ay parang ikinahihiyamo na aku’y kasama at lagging
iniinsulto sa harap ng mga tao. Pwe! Ikaw, ikaw ang tamad
nalalake! Lintek ka! Ikaw ang bantugan. Tamad! Ngayon ka
mangatwiran at magmatapang! Akalamo siguro susuko ako sa iyo,
ha! Tingnan ko ngayon ang tapang mo! Aber, lumapit ka dito
atmatikman mo ang karinyo brutal ni Maldang!
KA UGONG:
 Teka! Teka! Maghunos dili ka! Hinahon lang! Teka na sabi eh, ano
ba! Ibaba momuna yang walis mo! Hintay! Huwag mo akong
hambalusin!
KA MALDANG:
 Lumabas ka diyan! Ipakita mo sa akin ang iyong pagkalalaki! Labas
diyan,duwag! Bahag ang buntot!
KA UGONG:
 Sandali lang! Huwag mo akong hambalusin. Makinig ka sa aking
sasabihin.Makinig ka. May naisip akong mungkahi na makakalutas
sa problema sa paghuhugas ngpinggan.
KA MALDANG:
 Lumabas ka riyan! At ipakita mo saakin ang tapang mo kanina!
Hindi iyangparang tutang bahag ang buntot sa takot at
nanginginig.
KA UGONG:
 Itabi mo muna yang hawak mong walis. Lika na.. ang tapang-
tapang dahil may hawak na sandata.
KA MALDANG:
 Ano? Ano kamo!
KA UGONG:
 Wala! Ang sabi ko, itabi mo muna yang hawak mong walis at nang
magkaintindihan tayo.
KA MALDANG:
 Sige, sige! Labas diyan! Damuho ka. O, ano ang sasabihin mo?
KA UGONG:
 Huwag na natin pag-awayan ang paghuhugas ng pinggan.
Magkasundo tayo,
angunang magsalita pagkatapos kong sabihin ang salitang “PUNG!
” ang siyang palagi nangmaghuhugas ng pinggan. Kahit na anung
salita mabanggit.
KA MALDANG:
 Ganoon lang?! Ang unang magsalita ang
siya nang maghuhugas ng mgapinggan araw-araw, lagi-lagi... pati
mga palayok at mga kawali?
KA UGONG:
 Tama! Kapag nagsalita ka, isa mang kataga sa’kin o kaninu man o
sa alin
man,pagkatapos kong sabihin ang salitang “PUNG”, ikaw na ang p
alaging maghuhugas ngpinggan... araw-araw.
 
KA MALDANG:
 A, madali lang yan! Maisasara ko ang aking bibig kahit isang lingo.
Ikaw,hindi! Kahit kalabaw nga kinakausap mo. Dahil batugan ka at
kalabaw ang pinagtitiyagaanmong kausapin.
KA UGONG:
 O, sige, Siya..siya! Handa ka na ba?!PUNG!
TAGAPAGSALAYSAY:
 At sila’y kapwa tumahimik. Nagtitigan sila, sa harapan ng mesa na
may hindi pa naghuhugas ng mga pinggan, baso at kutsara. Ayaw
nila alisin ang pagtitig sa isa’t isasa takot na baka magsalita ang isa
sa kanila. Nagtitigan na lamang sila. Nanatili silangnakaupo. Unti-
unting lumulubog na ang araw, ngunit patuloy pa rin silang walang
kibuan.Halos mamugto ang kanilang mga mata sa pagtitigan. Aba, 
biglang naluha ang dalawa.Basang-basa na ng pawis si Ka Ugong.
Pinagpawisan na rin ang nuo ni Ka Maldang. Biglangtumawag ang
kapitbahay na si Timang, buntis na walong buwan.
TIMANG:
 Mareng Maldang! Huy! Kumadre. Pareng Ugong Ugong! Huy!
Kumpadre! Mareng Maldang, pahiram naman ng plantsa!Wala
atang tao. Mareng Maldang! Kumpadreng Ugong! Aba! Si Timang
ito! Tao po!
Siguro nga walang tao. Pero bakit nakabukas ang pintuan at binta
na? Dati-rati namansinasarado nila ang pinto’t bintana kapag sila’y
umaalis ng bahay. Kukunin ko na lang angplantsa at saka ko na
lang isasauli. Wala naman sila
dito.Ano ang nangyari sa inyong dalawa?!
Kumpadre? Anong nangyari?!Ano angnangyari sa inyo, Mareng
Maldang?! Anong nangyayari sa inyo?
Magsalita ka KumadrengMaldang! Anong nangyari? Ano itong
nangyari sa inyo? Magsalita kayo! May nakain
ba kayongnakakalasobn? O nakapag-pipi kaya? Ano ito? O,
Diyos na mahabagin!
TAGAPAGSALAYSAY:
 Nahintakutan si Timang. Sa halip na kunin ang plantsa, tumakbosi
yang dali-dali palabas ng bahay. Ibinalita niya sa mga kapitbahay n
a may masamangnangyari kina Ka Ugong at Ka Maldang. Sa isang
iglap nagtitipon na sila sa bahay ni KaMaldang at Ka Ugong.
PETOT NA SINTU-SINTO:
 Ha! Ha! Ha! Si Kareng Maldang taratitat, ngayon biglangtumahimi
k! Ka Maldang! Ka Maldang bakit ikaw ngayon tahimik? Siguro,
bad bret ka noh?Bad bret! Bad bret! Baho hininga! Galit siya! Galit
matandang bad bret!
TANO:
 Huwag ka ngang maingay diyan! Kumpadreng Ugong, anong
nangyari sa iyo? Bakithindi ka makapagsalita? Paano na ang
talisain natin. May derby pa naman bukas! Bakitnanlilisik ang
iyong mga mata? Bakit hindi ba alam ni Kumadreng Maldang ang
pustahan parabukas?!
TIKANG (HOSTESS):
 Wat is happening tu yu, swethart?! Wat is di mater? Tok to mi!
Tok tomi! Do nut bi apfred op yur dambulang waswit. Mas bwuti
ako sa kanya. Anong nangyariditto? Baka nilason ka
nang mahaderang yan!
 
TIMANG:
 Pagdating ko kanina, ganyan sila ng aking maabutan. Hindi
nagsasalita at walangimik. Ano na ang nangyayari sa kanila?
TANO:
 Sa aking pakiwari ay nasasaniban ng masamang nilalang! Dali
kayo, tawagin ninyo
angalbularyo sa kabilang ibayo. Si Ka Tomas.. marunong yon nang 
mga salamakang itim,magtawas, magpaanak, manghilot at
magwasiwas ng mga masasamang espiritu. Dali kakayo!
TIKANG:
 O, hirs na di albularyo. Plis, Mang Kepweng, este, Ka Tomas,
yu kyur na may darlingUgs. Mek na da hukos-pokus. Darleng Ugs,
dunt wori, ay em hir at yur syid.
PETOT:
 Ha! Ha! Ha! Tikan, landi-landi! Tikan ako rin sik. Yakap mo rin ako.
Sige na! Ako, bebimo! O, kis mo bebi. Sige na!
TIKANG:
 Yak! Yakapin mo ang lelang panot! TSE!
KA TOMAS:
 Ala, magdala nga rin ng plangana na may tubig at ating malaman
kung ano angdumale sa magasawang ire. Alalaping-alalaping!
Tampayan! Kukurukuko paloma! Heto na...ire na, lumalabas
naaaaaaaaaa! Aha! May masamang espiritu nang lumulukob sa
kanila. Atitong kay Ka Maldang may matigas ang ulo. Napakatigas,
mapariwara! Kailangan paglabananko ito. Aking lalagayan ko ng
aking pinakamabisang sangkap ang aking panggamot!
Tagumpay ang aking gamut! Ngayon ipahid ko ito sa nuo nila Ka
Ugong at Ka Maldang. Nanlalaban angmasamang espiritu! Kapitan
niyo ng maigi! Masyadong malakas ang masamang espiritu!
Sige,kapitan nyong maigi! Talagang napakalakas ng masamang esp
iritu at kinuha nila angkaluluwa nina Ka Ugong at Ka Maldang.
Dapat maibalik natin ang kaluluwa nila dito sa atingmundong
ginagalawan. Ngayon ang ating dasal ay dapat bukal sa ating mga
kalooban upangmaibalik natin ang mga kaluluwa. Kung ano
man ang aking bibigkasin ay inyong uulitin. O,handa na ba kayo?
Huwag kayong patatalo! Kung ano man ang inyong masaksihan ay
gawa-gawa lamang yon ng masamang espiritu upang tayo’y iiwas 
nilas sa ating panalangin.Naiintindihan ba?
MGA KAPITBAHAY:
 Opo! Lahat po ay gagawain naming upang mailigtas po naming
ang amingpinakakamahal na Ka Ugong at Ka Maldang.
KA TOMAS:
 Simulan na natin! Ka Ugong! Magbalik
ka! Ka Maldang... magbalik ka! KaUgong... magbalik ka! Ka
Maldang... magbalik ka! ARAY! Hindi kasali yon! Lintek na, di
kasali yon. Lintek na, hindi kasama yon. O, sige, ulitin naten!
Mga kapitbahay. O, sige ulitin natin!Ka Ugong! Ka Maldang,
magbalik kayo sa ating daigdig.ARAY! Damuho kang bata ka!
KAPITBAHAY:
 Damuho kang bata ka!
KA TOMAS:
 Di kasama yon!
KAPITBAHAY:
 Di kasama yon!
KA TOMAS:
 Naku! Mababaliw ako sa mga lecheng ito.
KAPITBAHAY:
 Naku! Mababaliw SIYA sa mga lecheng ito!
KA TOMAS:
 Naisahan niyo ko dyan, a.
TIMANG:
 Syempre, naman ho. Iba na ang maingat.
KA TOMAS:
 Talagang matigas ang ulo ng mga espiritu at ayaw pang lubayan
sina Ka Ugong atKa Maldang, napakatindi ng lakas ng kanyang
pagsanib. Parang tuko kung makaakap sakaluluwa ni Ka Maldang.
Pero hindi ako bast-basta patatalo ng ganun-ganon na lamang.
Masmalakas yata ang aking kapangyarihan kesa sa espiritung itim.
Tingnan natin kung talagangwalang humpas ang kanyang lakas sa
aking anting-anting di pataranta. Galing pa ito sakabanal-banalang
bundok ng tralala, sa pusod ng yungib ng patotot. Dito ko
maipapakilalaang galling at bisa nito. O, teka, Pepot, damuho ka,
may makukuha ka bang sariwang tae ngkalabaw diyan?
PETOT:
 Opo, tignan ko po! Heto po!
KA TOMAS:
 Dyaskeng batang ere. E, bakit mo naman isunuong sa
pagmumukha ko. E,napakabantot pa naman!
PETOT:
 Kasi po, amoy tae rin po kayo ng kalabaw.
KA TOMAS:
 Ikaw naman, Tikang, maghanap ka nga diyan ng kahit anong
alcohol.
TIKANG:
 Heto po. May nakatago hung gin. Pero pwede na rin hung alcohol
‘to.
KA TOMAS:
 O, sya, pwede na rin yan. Teka, teka, hindi nga pala ito mabisa
kung walangisang patak ng ihi ng isang buntis. Tama, ihi ng isang
buntis.
TIMANG:
 Oy, oy, bakit ganyan ang tingin niyo sa akin. May masama kayong
binabalak no?Hoy! Buntis nga ako, pero, pero hindi pa ako naiihi
no! HINDI PA AKO NAIIHI, period.
TANO:
 Pero yan lang ang ating paraan para mailigtas natin ang mga
kaluluwa ni Ka Ugong atKa Maldang. Pilitin mo nang maihi. Hala
mo, kapag gumaling si Ka Ugong at makapag-derby kami bukas at
nanalo, may balato ka sa amin. Sige na! Sige na, pilitin mo. Yung
balato namingsayo eh, ibili mo ng plantsa. De, hindi ka
na manghihiram ng plantsa sa mag-asawa.
TIKANG:
 Plis lang, ef may darleng get wel, i gib yu may lipistik Gumaling
lang si akengdarleng. Ef dey winning da derby, gib nya ko plenty
moni at gib rin kita tobalats. Sige na, mekwi wi na.
TIMANG:
 O, sige na nga. Alang-alang sa ikabubuti nina Ka Ugong at Ka
Maldang, akingisasakripisyo ko at pipilitin ko ngayon maihi ng
wala sa oras. Hoy! Ang mga balato ko ha,huwag niyong
kakalimutan. Mahirap yata itong pinagagawa niyo sa’kin. E, saan
ako wiwiwi-wiAlang-alang sa kaluluwa nang aking pinakamamahal
na kapitbahay!
PETOT:
 Luka-luka! Alang-alang sa balato! Silaw sa kinang ng salapi.
 
PETOT:
 Pilit pa raw yan at ba’t ang dami... yak!
KA TOMAS:
 Ngayon, kumuha kayo ng isang kutsara. At sumabay muli kayo sa
akin. KaUgong, Ka Maldang. Magbalik na kayo! Ka Ugong,
magbalik ka na! Ka Maldang, magbalik kana! Ngayon...
KAPITBAHAY:
 Ngayon...
KA TOMAS:
 Hindi na kasali yon.
KAPITBAHAY:
 Hindi na kasali yon. Heto kasi ang kulit eh.
KA TOMAS:
 Tama na! Magsitahimik kayo!
KAPITBAHAY:
 O, tahimik na raw. Kasi naman ito... tahimik na.. no toking alredi
plis... isaradomo nga yang bibig mo... ang kulit mo talaga... o,
yan tahimik na nga. Tahimik... shoo...
KA TOMAS:
 TAHIMIK! Sisimulan ko muli ang orasyon... hmmmmmm, hmmm
mmm,hmmmmmm, ispiritik, ispiritok... ihi ng buntis, taeng
kalabaw, espiritu ng alcohol,, katas ngaking anting-anting... aking
ibibinsyon sa mga katawan lupa nila Ka Ugong at Ka
Maldang.Upang ating mabawi ang mga kaluluwang nasa kandili ng
kadiliman ng mga masasamangespiritu.
KA TOMAS:
 Bigyan liwanag ang mga kaluluwa nila Ka Ugong at Ka Maldang,
upang
maibaliksila sa ating daigdig. Iwawasiwas ko ang aking mabisang g
amut ng liwanag atmaalimpuwangwang kadiliman sa katawang
tao nina Ka Ugong at Ka Maldang. Bigyannawa nglinaw an gaming
pagbubuklod ng damdamin at pagkaka-isa upang ang mga
kaluluwa ng iyongmga hinirang ay manumbalik na.
KAPITBAHAY:
 Ang bantot! Ay, Amen pala! Pwe! Ang panghe talaga. Iba talaga
ang dating ngihi ng buntis.
KA TOMAS:
 Ayan, tumatalab na ang bisa ng aking gamut. Talagang
mabisa ang akingkapangyarihan sa mga masasamang espiritu.
Ngayon, kailangan natin na pagpahingahin silang walang
gumagambala! At sa kanilang muling pag-kabuhay, kailangan sila’y
mailibing ngisang gabi sa isang gabi sa ilalim ng lupa. Dahil mula sa
lupa, ang katawan ng tao ay
mulingmagbabalik. At sa muling pagbalik ng kanilang kaluluwa mu
la sa kadiliman ay atintatanghaling ang kanilang muling
pagkabuhay sa muling pagbukas ng bagong liwayway saating
pinakamamahal na Ka Ugong at Ka Maldang.
TANO:
 At tamang-tama para sa derby bukas.
KA TOMAS:
 O, ngayon, kumuha na kayo ng ataul para sa mag-asawang ito.
Hmmmm...hmmmm... Alalaping, alalapong tampayan.. tampayan
TANO AT PETOT:
 E, Ka Tomas, isa palang itong aming nakuha sa puninarya. Wala
daw estak.Bukas pa raw sila kukuha sa kabilang bayan. Kay Ka
Ugong muna natin ito ibigay at kaigaran
 
natin ilibing at nang mabilis muli ang kanyang pagkabuhay. Nang
makapag-derby na bukas.Saka na lang natin ilibing si Ka Maldang.
Tutal mataba naman yan. Hindi kaagad maagnas
atpuro sebo naman ang katawan nyan. Matatahimik pa an gating 
barrio sa ingay nyankapanandalian lamang.
KA TOMAS:
 Hindi pwedeng isa lang. Kailangan sabay sila. Para sa pagbabalik
ng kanilangkaluluwa ay sabay din. Teka, ang mabuti yata ay libing
natin ng sabay sa iisang ataul. Si KaMaldang ang nasa ilalim at
ipapatong natin sa ibabaw si Ka Ugong. Para sabay na ilibing
atsabay na rin ang kanilang muling pagkabuhay.
TIKANG:
 O, siya, ako na lang ang wil do da mek-ap. I wil mek syur na byuti
sila sa kanilangkamatayan. Dey wil luk byutipul, like sliping onli.
TANO:
 At ako naman bahala sa sakla at terembe.
TIMANG:
 At ako naman ang taga-kolekta ng tong.
PETOT:
 At ako, sasayaw at kakanta. Para masaya burol nila.
KA TOMAS:
 Anong burol ang pinagsasabi ninyo?! Wala nang burol-burol pa.
Ililibing na rinkaagad... ngayon. Para huwag nang maligaw pa ang
mga kaluluwa nina Ka Ugong at KaMaldang sa kanilang muling
pagkabuhay.
TANO:
 Sayang...
KA TOMAS:
 O, maghanap na kayo ng maiisuot nang mga ito.
TIKANG:
 Ekskus mi, ay mek ap na di patay, noh.
TANO:
 Heto! Nababagay kay Ka Ugong ang damit na ‘to.
TIMANG:
 At heto naman ang kay Ka Maldang. Teka, teka, bakit yata iba ang
amoy?
TANO:
 Tanga! Amoy ng naptalina ‘yan!
KA TOMAS:
 Sa tinagal-tagak ng panahon na aking pagkabalbularyo, ngayon
lamang akonakasaksi ng ganitong klase ng kulam. Sa pakiwari’y ko,
sila’y patay na. Tuluyan nang
iniwanng kanilang espiritu ang kanilang katawang lupa. Ang tangin
g magagawa natin upangmasugpo ang pagkalat ng kulam ay
agarang ilibing ang mag-asawa.
TAGAPAGSALAYSAY:
 Binuhat ng mga kapitbahay si Ka Ugong at inihiga na sa
kaniyangataul. Sa loob-loob ni Ka Ugong, siya na ang mananalo. Hi
ndi siya natatakot mailibing.Lalabas siya sa hukay pagkaalis ng mg
a kapitbahay. Tuwang-tuwa si Ka Ugong sa mganangyayari.
Tatakutin kong silang lahat pagbalik ko mula sa libingan.
Matamang nakiramdamsi Ka Maldang sa mga nangyayari kahit na
nakapikit ang kanyang mga mata. Natatakot
siyangmaaaring ipagpilitan ng albularyo na ilagay siya sa loob ng a
taul kung hindi pa siyamagsasalita. Inaasahan niyang tututol
si Ugong. Ngunit hindi niya narinig na tumutol si KaUgong.
TIMANG:
 Teka nga, at nang mapalitan Ka Maldang. Ayyyyy! Hitsura ng
balyena na dumilatnang aking burlesan. Ayyyy!!
KAPITBAHAY:
 Ang bangkay! Bumangon! Ka Maldang! Patay ka na! Patawarin
mo ako sa mganarinig mo sa akin. Hindi kp na sususyun pa si
Ka Ugong sa tupada! Patawad!
TIKANG:
 Ay! Ka Maldang! Patawad! Hindi ko na ulit aakitin si Ka Ugong!
Ayoko naman talagasa kanya. Kaya lang, kaya lang... sa akin kasi
niya binibigay ang pera tuwing siya ay nanalo satupada. Patawad!
Hu! hu! hu! Hinding-hindi na ako uulit.
KA MALDANG:
 Mga walanghiya kayo! Mga lintek! Kailan pa kayo nakialam sa
buhay ng
may buhay. Sige! Magsilayas kayo sa pamamahay ko. Mga peste! 
Mga walanghiya! Mgapakielamero! Layas! Layas! Mga damuho!
Layas! LAYASSSSSSSSSSS!!!!!!!
KA UGONG:
 IKAW! Ikaw ang unang nagsalita! Siya ang unang nagsalita! May
kasunduankami.. Mula ngayon, siya na ang maghuhugas ng mga
pinggan. Nanalo ako! Alam ko yatangmananalo ako! Mula ngayon,
hindi na ako ang maghuhugas ng pinggan. Siya, siya na angparatng
maghuhugas ng mga pinggan.
KA MALDANG:
 Walanghiya ka! Naisahan mo ako don! Kasi kayo, puro kayo mga
pahamak,mga pakielamero! Layas! Layas!
TAGAPAGSALAYSAY:
 At dito nagwawakas ang ating kwento. Kayo? Sa bahay niyo, sino
angnaghuhugas ng mga pinggan? ABER??
-WAKAS-

You might also like