Professional Documents
Culture Documents
Module 4 Ang Paglalarawan Tekstong Deskriptibo
Module 4 Ang Paglalarawan Tekstong Deskriptibo
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Nasusuri ang iba’t-ibang uri ng binsang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa at daigdig.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan
sa bansa.
CODE: F11PT – IIIa – 88 F11PU – IIIb – 89 F11PS – IIIb – 91
I. MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO (LEARNING OBJECTIVES) :
1. Natatalakay ang iba’t-ibang paraan at uri ng paglalarawan;
2. Nakikilala at nasusuri ang mga halimbawa ng tekstong naglalarawan;
3. Nakapipili ng angkop na mga salitamg naglalarawan;
4. Nakasusulat ng maikling tekstong naglalarawan; at
5. Nakabubuo ng isang photo essay.
II. PANIMULA (INTRODUCTION)
Mula sa paglalarwan sa sarili, mahalaga rin na kilalanin ang uri ng lipunan kaligirang
ginagalawan. Sa pamamagitan ng paglalarawan, maaaring magbigay ng matalas na komentaryo
ang isang manunulat.
Sa susunod na aralin, palalawigin ang anyo, katangian at mga layunin ng isang tekstong
deskriptibo. Tunghayan kung paanong nagpipinta ng makulay na larawam ang manunulat gamit
ang mga salita.
Teodoro M. Luansing College of Rosario
Namunga, Rosario, Batangas
III. DEVELOPMENT
Ang Tekstong Deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar,
karanasan, sitwasyon at iba pa. Ang isang tekstong naglalarawan ay gumagamit ng iba’t-ibang uri
ng pandama na tumutukoy sa paningin, pang-amoy, pansalat, panlasa at pandinig. Taglay rin nito
ang tono o damdaming nangingibabaw sa kabuuan ng isang akda. Ang uri ng sulating ito ay
nagpapaunlad sa kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang partikular na
karanasan. Dagdag pa, nagbibigay ang sulatin na ito ng pagkakataon na mailabas ng mga mag-
aaral ang masining na pagpapahayag. Layunin ng sining ng deskripsyon na magpinta ng matingkad
at detalyadong imahen na makapupukaw sa isip at damdamin ng mga mambabasa.
• Ano iyon?
• Para saan iyon?
• Ano ang nagagawa?
• Ano ang nangyayari pagkatapos na magawa iyon?
Teodoro M. Luansing College of Rosario
Namunga, Rosario, Batangas
Sa aklat ni Rubin et. al. isinasaad na mahalaga rin na isaalang-alang ang mga sumusunod
na prinsipyo sa Pglalarawan:
1. Simulant sa depinisyon ng bagay na inilalarawan.
2. Ilahad ang tungkulin nito, ano ang ginagawa nito o para saan ito.
3. Ilarawan ang hitsura nito. Gumamit ng anolohiya sa mga bagay na komplikado at
mahirap ilarawan.
4. Gumamit ng mga ilustrayon ipang matulungan ang mga babasa na mabuo ang larawan
ng anyo, laki, dimension, hugis nito, kaugnay pa rin ng mga bahagi at kabuuan.
5. Ipaliwanag kung bakit ganoon gumalaw o magtrabaho ang bagay na inilalarawan.
6. Gamigin ang mga hakbang bilang 1 – 5 na nabanggit uoang ilarawan ang bawat
pangunahing bahaginng may mahalagang tungkulin at prinsipyo ng pagpapatakbo nito.