Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Isyu sa Pagtatanggal ng Asignaturang

Filipino sa Kolehiyo

Ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga bayani noong unang panahon ay ating ng nakakamit at
nakikita ngayon. Sa katunayan ay ginagamit natin ito sa araw-araw kahit na hindi natin ito binibigyan ng
pansin. Karamihan sa mga mamamayang Pilipino ay hindi alam na ang wikang Filipino ay isa sa mga
sagisag ng ating kalayaan mulka sa mga dayuhan. Ito ang pundasyon n gating bansa, ang nagpapatunay
na ito ay sariling atin. Sa pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, ano nga ba ang epekto sa
ating mga Filipino? Ito nga ba ay may magandang epekto o ito ang mgigigng dahilan upang hing
magkaintindihan ang mga ahensya na nangangasiwa sa edukasyon ng bansa laban sa mga taong nais
mapanatili ang asignaturang ito sa kurikulum ng kolehiyo?

Ang Commission on Higher Education o CHED ay isa sa mga nangangasiwa ng edukasyon sa


Pilipinas. Sila ay nagbibigay ng mga iskolarship at tulong pinansyal upang masigurong makapagtatapos
ng pa-aaral ang mga estudyante. Noong Agosto 2018, Buwan ng wika, sila ay nagapela sa Korte Suprema
na ipatupad ang CHED Memorandum Order no. 20 series of 2013 o pagbago sa General Education
Curriculum GEC na pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo at palitan ito ng asignaturang
hangul kung saan ang asignatura at wikang ito ay ginagamit ng bansang Korea. Ang asigfnaturang
Filipino ay tumatalakay sa pag-aaral ng tamang gamit ng wika, mga kayamanang literature n gating
bansa. Tulad ng mga akda ng mga batikang manunulat, at iba pang mga kalaman na kailangan natin
bilang Pilipino. Marami man ang tumutol sa pagtatanggal ng asignaturang ito, may ilan din namang
nagsasabi na kapakinabangan ito. Marahil ang iba ay hindi tutol sapagkat sapat na raw ang mga taong
ginugol natin upang pag-aralan ang asignaturang Filipino, samantala ang iba ay tutol sapagkat tayo raw
ay nasa Pilipinas at dapat lng na gamitin natin an gating sariling wika. Hindi lamang ang estudyante ang
apektado sa isyung ito, pati na rin ang mga guro na ang hawak na asignatura ay Filipino.

Bilang isang estudyante, kontra kami sa pagpapatupad ng CHED Memorandum Blg. 20 s. of 2013
na pagtatangagal ng asignaturang Filipino sa Kolehiyo. Wala kasing kasiguraduhan ang mga guro kung
ano ang sususnod na gagawin ang kawalan ng asignaturan g Filipino ay nagpapakiva n gating kawalan ng
oryentasyong makabayan sa edukasyon kahit sarili natin itong wika at malaking bahagi ito n gating pagka
Pilipino. Kailangang pag-aralan pa lalo ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino dahil bilang mga
maaapektuhan na mga guro at mag-aaral. Maigi na hindi tanggalin ang asignaturang Filipino sapagkat
makakasabay pa naman an gating bansa sa globalisayon ng hindi ito tinatanggal sa kolehiyo. Bilang
Pilipino kailangan natin itong bigyan ng respeto at paggalang sa ating pinanggalingang wika sapagkat ang
ating wika ay hindi pa lubos na napag-aaralan kahit na ito ay tinalakay na sa elementary at haykul.

You might also like