"Huling Pagkikita": Sa Panulat Ni: Riaze Leigh Kaye C. Gonzales STEM 11-Riemann

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“Huling pagkikita”

Sa panulat ni: Riaze Leigh Kaye C. Gonzales


STEM 11-Riemann

Walang impossible, iyan ang mga salitang pinanghawakan ko kahit


na siya ay nasa huling hantungan. Nandoon parin ang pag-asang babalik
siya. Simula pagkabata, lola’t lolo ko ang mga kasama ko, sila ang nag-
alaga, nagbihis, at humubog sa kung sino at ano ako ngayon. Masakit
isipin na sa murang edad minulat ako sa reyalidad ng buhay na hindi
lahat ng “love story” ay nauuwi sa “Happy Ending” ng pareho akong
iwanan ng aking mga magulang sa aking lola’t lolo, bagamat sila lang
ang bumuhay saakin, hindi nila kailanman pinaramdam saakin na wala
akong matatakbuhan, dahil sila ang nag padama saakin ng tunay na
pagmamahal. Marso taong 2017 ang pinaka malaking dagok sa buhay
naming lahat, na diagnose ang aking lola ng kidney failure, sa bawat
labas at pasok niya sa ospital wala akong ibang narinig kung hindi
“Mahal kita apo”. Ngunit sa kagustuhan ko na makita niyang matapang
at matatatag ako, na kahit bumitaw siya ay kakayanin ko, mas pinili
kong ilayo ang loob ko sakanya, mas pinili kong, mas pinili kong huwag
ipakita na nanghihina ako, pinilit kong huwag umiyak sa harap niya pa
magmukhang hindi ko na siya kailanman kailangan, dahil mas
mahihirapan at masasaktan lang kaming dalawa kung lalaban pa siya, sa
aking paglayo kaakibat nito ang paglaya ng taong minamahal ko.
Oktubre 4, 2017 umuwi ako sa bahay para hintayin silang dumating
galing ng ospital, bagama’t alam kong bibigay na siya, umaasa pa din
ako na baka sakaling kaya ko pang bumawi sakanya, baka kaya ko pang
lumakad sa entablado kasama siya, ngunit, sa muling pagdilat ng
kanyang mga mata, ang ang huling mga patak ng luha. 5 taon na ang
nakakalipas matapos ang huli naming pagkikita, hanggang ngayon baon
ko parin ang pagsisisi na sana sa bawat “Mahal kita” ay mas pinili kong
lumuha, sa bawat yakap ay pinili kong magpahinga, at sana mas pinili
ko siyang yakapin sa mga panahon na magulo na ang mundo.

You might also like