Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Cyril Benoit T.

Sisnorio 03-19-2023
BSCE 1A

Kagandahan ng Kalikasan sa aming Lungsod

Sa ating kapaligiran ay mayroon tayong karanasan na kung saan ay


natunghayan nating ang kagandahan ng kalikasan. Karamihan sa mga lugar
ngayon ay may magagandang tanawin na maaari ay gawa ng tao, natural na
likha ng kalikasan, o kaya pagtulong-tulong ng dalawa. Dahil sa karamihan na
ng mga ito ay meron din tayong di napapansin na kagandahan na makikita
lamang natin araw-araw, maaaring ito ay nasal abas lamang na inyong mga
bahay, o kaya sa daan habang ikaw ay naglalakad papunta sa iyong
paaralan. Tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa ating mga karanasan na
kung saan ay lalo nating ikinalulugod ang kagandahan ng kalikasan. Ikaw?
Ano ba ang iyong karanasan?
Sa lungsod ng Malagandis sa Zamboanga Sibugay ay may isang talon
na may nakakatawang pangalan. Tagbilat o Taga-bilat, pinangalan ito dahil
ang lalim sa ilog nito ay madalas daw hanggang sa ari lamang ng babae na
kung sa Bisaya ay “bilat”.
Sa paglipas ng panahon ay naging sikat ang talon na ito at naging
negosyo na din sa mga tao na nakatira doon. Bago ka makapasok doon ay
magbayad ka muna, pagmakapasok ka na ay maaari kang magrent ng
cottage kung saan para may magandang tambayan kayo at makapaglagay na
rin ng mga gamit at pagkainan. Sa may bandang labas ay may sari-sari store
na kung saan makabili ka ng mga inumin at meryenda.
Noong napuntahan naming ang talon na iyon, ako ay napamangha
dahil bukod sa kagandahan sa tanawin nito ay napakapresko din ng hangil sa
kadahilanan na malayo ito sa siyudad at bihira lang ang mga sasakyan dito.
Bawat galaw natin ay nakakaapekto sa ating kalikasan. Kung nais
natin panatiliin ang kagandahan nito ay dapat mapagbatid tayo sa kung ano-
ano ang maaring maging kahinatnan nito. Sa karanasan kung iyon ay bukod
sa kagandahan na aking napansin ay nakakalungkot rin na nakikita mo talaga
na onto-onti din itong nasisira dahil sa mga basura.
Kahit sa pinakamaliit na basura na iyong itinapon ay maaaring
magbunga ng malaking problema sa ating kalikasan. Dapat palagi natin
isaisip ang mga maaaring maging bunga ng ating kilos kaya dapat gawin
natin palagi kung ano ang tama at nakakabuti sa ating kalikasan dahil tayo
lang din ang makinabang.

You might also like