Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

OFW

Ayun sa aking pananaliksik sa panahon ngayon, ang laging pumapasok sa isipan ng


tao na solusyon sa problema nila sabuhay ay ang pangingibang bansa. Pero ano nga
ba ang mga dahilan kung bakit nangingibang-bansa angmga tao ngayon?

Una ay ang:

Kahirapan - Dahil ang hangad ng mga tao ngayon kung bakit sila nangingibang-bansa
ay upang makahaon sa buhay.

Kakulangan sa Trabaho - Dahilan kung bakit nangingibang bansa ang mga tao, ang
kakulangan sa oportunidad na makakuha ng trabaho. 

Matugunan ang panganga-ilangan ng pamilya – Isa sa dahilan sa hindi matugunan


ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya, dahil hindi sapat ang kinikita nilang
pera kaya napipilitan silang mangibang-bansa.

Ito ay isa sa mga dahilan kong bakit maraming pilipino ngayon ang nangingibang bansa
para mag trabaho at kung bakit di nalang dito sa pilipinas mag trabaho. At

”ANG TINATAYANG BILANG NG MGA OFW o OVERSEAS FILIPINO WORKERSSA


IBAT IBANG PANIG NG MUNDO AY”

nasa “1,588,060 Manggagawang Pilipino” ganyan ka dami ang nag tatrabaho sa


ibang bansa upang matogunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya upang maka
ahon sa kahirapan, sapagkat

“ANG BILANG NA ITO AY NAITALA NOONG TAONG 2011” at mga “BANSANG


NAGING DESTINASYON NG ATING MGA OFW”

ay una ang “Saudi Arabia” pumapalawa naman ay ang “United Arab Emirates”
pangatlo “Singapore”, HONGKONG, QATAR, at ang panghuli ay ang “KUWAIT” ito
ang mga bansa na maraming Pilipino na nag tatrabaho sa ibang bansa.

“AT ANG KABUOANG REMITTANCE NG MGA OFW”

ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang kabuuang bolyum ng remittance ng


mga OFW ay tumaas kumpara sa nakalipas na taon na umabot sa 7.8 Billion dollars
ang halaga sa personal remittances o ipinapadalang pera ng mga overseas Filipinos
para sa unang bahagi ng taong 2018. Ayon sa (BSP) mas mataas ang nasabing halaga
ng 1.3 percent kumpara sa naitala noong nakalipas na taon.

“ AT ANG TINATAYANG BILANG NG MGA KABATAANG PILIPINONG NAIIWAN


NG KANILANG MGA MAGULANG NA OFW”

ay nasa “6.0 Million”

kabataang napag iwanan ng kanilang mga magulang upang mag trabaho sa ibang
bansa dahilan na hindi nila makasama ang kanilang mga magulang sakanilang tabi.

“ANG KARANIWANG NAGING PROBLEMA NG ATING MGA OFW SA


PAGTATRABAHO SA IBANG BANSA AY”

una nakakakuha ng amo na mapang api, nanakit at nangmamaltratong amo.

Nagkakaroon ng amo na hindi nagpapa sweldo at tinitipid sila sa pagkain.

Nagkakaroon ng mga katrabaho na hindi nila makasundo o pinag iinitan sila.


Nakakakuha ng amo na pinagtatrabaho sila ng lampas na sa oras ng kanilang trabaho.
Pagkakaroon ng amo na hindi binibigay ang kanilang Una mga binipisyo, at marami
pang iba.

Dito natin masasaksihan na hindi talaga biro o hindi talaga madaling mag trabaho sa
ibang bansa o maging isang OFW na mawalay ng matagal sa iyong pamilya lalo na sa
iyong mga anak, Oo nga gusto natin silang bigyan ng mas magandang buhay pero ang
mawalay sa kanila ay sadyang sobrang sakit, pagud at puyat din ang tinitiis ng mga
OFW para lamang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanilang mga mahal sa
buhay dito sa Pilipinas.

You might also like