Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION
MATATALAIB BUNO ELEMENTARY SCHOOL
Matatalaib, Tarlac City

Banghay Aralin sa Filipino IV

I. LAYUNIN
1. Nasusuri ang opinyon at katotohanan sa pahayag;
2. Naibibigay ang pagkakaiba ng katotohanan sa opinyon; at
3. Nakapagpapakita ng lakas ng loob na makilahok sa mga gawain o paligsahan sa
loob o labas ng paaralan.

II. Paksang-aralin: Opinyon o Katotohanan


Sanggunian: Filipino – Ikatlong Markahan – Modyul 7, MELCs F4PB-IIIf-19
Kagamitan: Activity Pack, Activity Card
Integrasyon: Agham, Arts, Araling Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakatao

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
Panalangin
Pag-awit
Pagbati
Pagtala ng lumiban sa klase
Pagpapaalala ng mga alituntunin sa silid-aralan

B. Balik-aral
Ang guro ay magpapakita ng dalawang larawan, tablet at cellphone,

1. Ano ang ipinapakita sa dalawang pangkat ng larawan?


2. Alin sa dalawa ang mas gusto mo?
3. Bakit ito ang napili mo?
4. Paano mo mapapatunayan na mas maganda ang iyong napili?
5. Kung ikaw ay bibigyan ng magulang mo ng gadget, ano ang gusto mong gadget?
C. Paghahabi sa layunin ng aralin
Basahin ng malinaw ang mga pangungusap at tukuyin kung ito ay TAMA o MALI
1. Ang mata ay ginagamit natin upang makikita ang mga bagay-bagay.
2. Si Pangulong Duterte ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas.
3. Mabilis tumakbo ang kabayo.
4. Sumisikat ang araw sa silangan.
5. Maalat ang asukal.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION
MATATALAIB BUNO ELEMENTARY SCHOOL
Matatalaib, Tarlac City

D. Pangganyak
Basahin ang maikling usapan

Mga tanong:
1. Sino ang nag-uusap?
2. Ano ang kanilang pinag-uusapan?
3. Anong magagalang na salita ang ginamit ng tauhan sa usapan?
4. Bakit nag-aalinlangan si Ben na sumali sa paligsahan?
5. Alin sa mga pahayag sa usapan ang nagsasabi ng katotohanan?
6. Alin naman sa mga pahayag sa usapan ang opinyon?

E. Pagtatalakay

Ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng isang ideya o pangyayaring


napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at may matibay na ebedinsya. Narito ang
ilan sa mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan.
1. Batay sa pag-aaral, totoong....
2. Mula sa mga datos na aking nakalap, totoong...
3. Ayon sa mga dalubhasa....

Mga halimbawang katotohanan batay sa maikling usapan:


 Ang paligsahan sa chess ay magaganap sa susunod na linggo
 Dito sa gym ng paaralan natin gaganapin
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION
MATATALAIB BUNO ELEMENTARY SCHOOL
Matatalaib, Tarlac City

Ang opinyon naman ay pananaw ng isang tao o pangkat tungkol sa kanyang


paniniwala o prinsipyo. Ito ay isang paniniwala lamang ng isang tao batay sa
kanyang nakita, narinig o nadama. Narito ang ilan sa mga ekspresyong
nagpapahayag ng opinyon.
1. Sa akin palagay ...
2. Sa tingin ko ay...
3. Kung ako ang tatanungin...
4. Para sa akin...

Mga halimbawang opinyon batay sa maikling usapan:


 Sa palagay ko po, hindi ako mananalo kapag sumali ako.

F. Pagpapayamang Gawain
Tandaan:
Sa pagpapahayag ng opinyon ay hindi maiiwasan ang pagsalungat o pagsang- ayon.
Bawat isa ay may kani-kaniyang opinyong dapat nating igalang o irespeto ito man ay
pabor sa atin o hindi. Kailangang maging magalang at malumay sa pagbibigay ng ating
mga opinion upang maiwasan ang makapanakit ng damdamin. Pag-aralan sa ibaba
ang mga hudyat na ginagamit sa pagsalungat at pagsang-ayon sa pagpapahayag ng
opinyon.
Katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng isang ideya o pangyayaring
napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at may matibay na ebedinsya.
Opinyon naman ay pananaw ng isang tao o pangkat tungkol sa kanyang
paniniwala o prinsipyo.

G. Panlinang na Gawain
Panuto: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng mukhang nakangiti kung ito ay
nagpapahayag ng pagsang-ayon at mukhang malungkot kung hindi sang-ayon.
1. Lubos akong nanalig sa sinabi mong maganda ang buhay dito.
2. Ayaw kong maniwala sa mga taong nagsasabing higit na maganda ang buhay ngayon
sa noon.
3. Hindi totoo ang paniniwalang iyan, napakahirap ang mabuhay sa mundo.
4. Talaga palang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay. Huwag natin silang
tularan.
5. Maling-mali ang kanyang tinuran. Walang katotohanan ang pahayag na iyan.

H. Pangkatang Gawain
Hatiin ang klase sa tatlong grupo.
Panuto para sa unang pangkat:
Basahing mabuti ang bawat pangungusap na nasa kahon. Mula sa mga pangungusap na
ito ay piliin ang mga pahayag na katotohanan at opinyon. Gawin ito sa kwaderno. Ibahagi
sa klase ang iyong mga sagot.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION
MATATALAIB BUNO ELEMENTARY SCHOOL
Matatalaib, Tarlac City

Panuto para sa ikalawang pangkat: Suriin ang mga pangungusap. Isulat ang X sa hanay
na nagpapakita kung katotohanan (K) o opinyon (O)
K O
1 Sa palagay ko, ang bahaghari ay binubuo ng siyam na
kulay
2 Maynila ang kapital ng Pilipinas
3 Si Mayor Cristy Angeles ang mayor ng Tarlac City
4 Lahat ng Pilipino ay mahilig sa lechon
5 Pinakamasayahin ang mga Tarlaqueños
6 Ang Pilipinas ay binubuo ng tatlong isla: Luzon, Visayas,
at Mindanao
7 Ang pusa ay tumatahol
8 Ang isang daan pisong pera ay kulay ube

Panuto para sa ikatlong pangkat: Suriin ang bawat pangungusap. Isulat ang O kung sa
palagay mo ito ay opinyon at K kung ito ay katotohanan. Isulat ang sagot sa manila paper
1. Batay sa pag-aaral nakakahawa ang sakit na COVID-19
2. Para sa akin mas masarap ang manga kaysa sa saging
3. Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan edad labimpitong taong gulang hanggang limampu’t
siyan na taong gulang lamang ang maaring mabakunahan.
4. Sa aking palagay, mas mabisa ang bakuna galling sa Amerika kaysa sa China
5. Mula sa mga eksperto ang pananatili sa bahay ay nakakaiwas na mahahawaan ng
sakit na COVID-19

I. Paglalahat
Ano ang ibig ipahayag ng katotohanan? Ng opinyon?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION
MATATALAIB BUNO ELEMENTARY SCHOOL
Matatalaib, Tarlac City

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin at tukuyin kung ang pangungusap ay opinyon o katotohanan. Isulat ang
sagot sa kwaderno.
1. Para po sa akin, ang mga basurero ang pinakamahalagang katulong sa ating
pamayanan.
2. Sa palagay ko si Ana na ang mananalo sa patimpalak na ito.
3. Sa tingin ko ang konsensiya ay nakamamatay.
4. Sa susunod na sabado ang kaarawan ng kapatid ko.
5. Lahat ng buhay ay humihinga.
6. Ang mata ay ginagamit natin upang makikita ang mga bagay-bagay.
7. Si Pangulong Duterte ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas.
8. Mabilis tumakbo ang kabayo.
9. Sumisikat ang araw sa silangan.
10. Maalat ang asukal.

V. Takdang-aralin
Panuto: Sumulat ng iyong Opinyon tungkol sa kasalukuyang isyu ng ating bansa
ngayon, ang Covid19. Dugtungan ang nasa ibaba. Isulat ang sagot sa kwaderno.
1. Sa akin pong palagay ang COVID-19 ay
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
2. Para po sa akin ang COVID-19 ay
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

Prepared by:
Noted:
GALURA, VIOLY B.
Teacher I ANCY F. SABADO PhD
Principal IV

You might also like