Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REPUBLIC COLLEGES OF GUINOBATAN, INC.
G. Alban Street, Iraya, Guinobatan, Albay
E-mail Address: republiccolleges@yahoo.com
CP No.:0946-419-3153

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 9


IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

Pangalan: _____________________________ Petsa: _________________


Taon at Pangkat: _______________________ Guro : _________________

PANUTO:
Basahin ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop nasagot at isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____ 1.Ang mabuti ay:


a. paggawa ng tama c.pagbuo ng sarili
b. pagsunod sa batas d.pagsunod sa Diyos
_____ 2. Ang likas na batas na moral ay:
a. nilikha ni Tomas de Aquino c.inimbento ng mga pilosopo
b. nauunawaan ng tao d.galing sa Diyos
_____ 3. Tama ang isang bagay kung:
a. ito ay ayon sa mabuti c. makapagpapabuti sa tao
b.walang nasasaktan d. magdudulot ito ng kasiyahan
_____ 4. Ang tama ay pagsunod sa mabuti:
a. sa lahat ng panahon at pagkakataon
b. ayon sa sariling tantya
c. angkop sa pangangailangan at kakayahan
d. nang walang pasubali
_____5. Ano ang totoo para sa karapatan, kasunduan, kabutihan at kawanggawa?
a. Ito ay mga bagay na pansarili lamang
b. Ito ay mahahalagang bagay para sa lahat ng nilalang
c. Ito ay mahalagang bagay na nararapat na mayroon ang bawat tao
d. Ito ay magdudulot ng pagkakapantay-pantay sa tao
_____6. Ang pagiging may pananagutan, mapagpalaya at may pagpapahalaga sa dignidad ay ____.
a. Inaasahang magawa at maisakatuparan ng tao para sa sarili at sa lipunang kanyang ginagalawan
b. Maaaring maging hadlang upang maging isang mabuting mamamayan
c. Magpapatunay na ikaw ay karapat-dapat na mabuhay
d. Ang magdadala nang isang masaganang pamumuhay
_____7. Ano sa mga sumusunod ang hindi gaanong importanteng batayan ng pagkatao at halaga ng
tao?
a.konsensya b.dignidad c.katwiran d.kilos-loob
_____8. Ang ____ ay mga prinsipyong gumagabay sa pananaw ng tao tungkol sa pagtrato ng kaniyang
kapwa, at sa dignidad niya bilang tao.
a. katwiran b. konsensya c. karapatang pantao d.karunungan
_____9. Ang lahat ng tao’y isinilang na____ at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan.
a. Malaya b.may kilos-loob c.konsensya d.may katwiran
_____10. Alin sa mga sumusunod ang hindi nangangahulugan ng salitang paggawa?
a. isang bagay na hindi matatakasan at kailangang harapin sa bawat araw.
b. isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinal, pagkukusa at pagkamalikhain.
c. isang pagkilos nahindi nababatay sa kaalaman
d. malaking bahagi ng pagkatao na kailangang isagawa nang may pananagutan.
_____11. Siya ang may akda ng Laborem Ezrcens na nangangahulugan na ang paggawa-pangkaisipan
man o manwal, anoman ang kaniyang kalikasan o kalagayan, na makatao ay nararapat
para sa tao bilang anak ng Diyos.
a. Pope John Paull II c. Pope John XXIII
b. Max Scheler d. St. Augustine
_____12. Isang organisasyong pinasimulan ni Tony Meloto na naglalayong tumutulong sa pagbibigay ng
bahay na matitirhan para sa mga mahihirap.
a. PAGIBIG Funds c. Gawad Kalinga
b. Housing Foundation Inc. D. Tahanan Para sa Lahat
_____13. Ang mga sumusunod ay layunin ng paggawa maliban sa isa:
a. maipagmalaki ang kakayahan at karunungan
b. kumita ng salapi na kailangan upang matugunan ang pangunahing pangangailangan
c. makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya
d. maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan.
_____ 14. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng pakikilahok maliban sa:
a. Ang pakikilahok ay maaring tawaging bayanihan, damayan o kawanggawa.
b. Ang pakikilahok ay tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapwa.
c. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong
kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
d. Ang pakikilahok ay isang malayang pagpili. Hindi maaring pilitin o pwersahin ang tao upang
isagawa ito.
_____ 15. Ito ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang
mula sa kaniyang kapwa.
a. Bolunterismo b. Dignidad c. Pakikilahok d. Pananagutan
_____ 16. Alin sa mga sumusunod ang benepisyo ng bolunterismo?
a. Nagkakaroon ng kasiyahan ang isang tao kapag siya ay naglilingkod.
b. Nagkakaroon siya ng panahon na higit na makilala hindi lamang ang iba kundi pati na ang kanyang
sarili.
c. Nagkakaroon siya ng personal na paglago.
d. Lahat ng nabanggit.
_____ 17. Anu-ano ang dapat Makita sa isang tao na nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
a. Kayamanan, Katanyagan, Talento
b. Pagkakawang-gawa, Pagkakaisa, Pagmamahal
c. Panahon, Talento, Kayamanan
d. Pagkamalikhain, Talento, Pagmamahal
____ 18. Paano natututunan ang likas na batas moral:
a. binubulong ng anghel c. basta alam mo lang
b. tinuturo ng magulang d. sinisigaw ng konsensya
_____ 19. Ang mabuti ay:
a. laging tama c. minsan tama
b. iba-iba sa tao d. pare-pareho sa tao
_____ 20. Ang mga batas ng lipunan ay nilikha upang:
a. protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan
b. ingatan ang interes ng marami
c. itaguyod ang karapatang-pantao
d. pigilan ang masasamang tao
_____ 21. Alin ang hindi kabilang na dahilan kung bakit mayroong batas?
a. magkaroon ng kaayusan
b. mabilis na makamit ang kaunlaran
c. mailigtas ang mga tiwali at corrupt na tao
d. mapangalagaan ang karapatan ng tao
_____ 22. Ano ang pinakapundamental na batas na hinihinging magulang sang-ayon sa likas na batas
moral?
a. batas ng tao c. mahalin ang sarili
b. batas ng Diyos d. Ten Commandments
_____23. Nakita mo ang iyong nakatatandang kapitbahay na pinapalo ang kanilang pusa sa
kadahilanang itinakbo nito ang pagkain nila na nasa hapag- kainan.
a. Kukuhanin ko ang pusa at kakalingain ko ito sa aming tahanan.
b.Kukuhanan ko nang video ang pangyayari at ia-upload sa Youtube.
c. Aawatin ko ang aming kapitbahay bago pa niya lalong masaktan ang pusa.
d. Papanoorin ko lang ang pangyayari.
_____24. Isang lalaking de-kotse, pinagagalitan ang isang matandang drayber dahil sa maling
pagparada nang tama ng kanyang dyip. Habang pinagsasalitaan nang hindi maganda ang
matandang drayberay naroon sa tabi niya ang kanyang paslit na apo.
a. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan.
b. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis upang mamagitan sa kanila.
c. Pupuntahan ko ang lalaki at pagsasabihan sila na tumigil na.
d. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan.
_____25. Kayong magkaka-eskuwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na binatilyo na
hindi maikakailang may kapansanan sa paglalakad. Napansin mong walang bakanteng
lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw at gutom na.
a. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming lamesa habang naghihintay siya ng
malulugaran.
b. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan sa aking mga kaibigan.
c. Tatawagin ko ang pansin ng isa sa mga service crew para maglaan ng lugar sa binatilyong
may kapansanan
d. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyo habang naghihintay siya ng
mauupuan.
_____26. Kapag ang isang tao ay mabuting nakikipag-ugnayan sa kapwa niya, magdudulot ito ng
a. kaligayahan, kapayapaan at pagkakaisa
b. mas malalim na pagkakaintindihan
c. karunungan
d. wala sa nabanggit
_____27. Ang isyung ito ay madalas na nangyayari sa probinsya kung saan ang lupang alam nila na
pamana ng kanilang mga ninuno ay pilit na inangkin ng mga mayayamang negosyante.
a. Terorismo c. Pagkamkam ng Lupa
b. Pang-aabuso d. Diskriminasyong Pangkasarian
_____28. Pagbibigay o paglalagay ng kategorya o kahulugan ang isang tao o bagay
a. diskriminasyon c. pang- aabuso
b. stereotyping d. wala sa nabanggit
_____29.Ano ang obheto ng paggawa?
a. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang
makalikha ng mga produkto
b. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha
c. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto
d. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto
_____30. Paano nasasabi na ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang
pamilya, sa lipunan na kaniyang kinabibilangan at sa bansa?
a. Kapag hindi iniisip ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.
b. Kapag kinakailangang isama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatutulong sa kaniyang
kapwa.
c. Kapag kinakailangang ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at
magsilbi sa kapwa.
d. Lahat ng nabanggit
_____31. Paano kinikilala sa ibang bansa ang Pilipino sa larangan ng paggawa?
a. May mabagal na pagkilos at di pulidong pagtatrabaho
b. May kasipagang angkin, hindi matatawarang talino at labis na pagmamahal sa paggawa
c. May mataas na pagtingin sa sarili na ibinabatay sa trabahong nababagay sa kanila
d. Sumusunod sa tamang oras ng pagpasok, pagpapahinga at pagtatapos sa paggawa
_____32.Sa paanong paraan nagiging hindi makabuluhan ang paggawa?
a. kapag ang tao ay tinitingnan ang paggawa bilang tunguhin (goal) at hindi daan (means) sa
pagkamit ng tunguhin.
b. kapag ang pagbibigay ng iyong lahat ng panahon at pagod sa paggawa ay hindi nagwawaglit
sa pag-aalay nito para sa kapurihan ng Diyos.
c. kapag ibinibigay ng tao ang lahat ng kaniyang makakaya sa paggawa upang kaniyang
matamasa ang bunga ng kaniyang pinagpaguran.
d. kapag nakikita at nauunawaan ng tao ang katuturan ng kaniyang paggawa
_____33.Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang
kaniyang pangunahing pangangailangan. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
b. Tama, dahil hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.
c. Mali, dahil hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa.
d. Mali, dahil mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa bago ang
sarili.
_____ 34. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong
kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. Ito ay mahalaga sapagkat:
a. Maisasakatuparan ang isang gawain na makatutulong upang matugunan ang pangangailangan
ng lipunan.
b. Magagampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan.
c. Maibabahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
d. Lahat ng nabanggit
_____ 35. Ang pakikilahok ay hindi minsanan lamang. Ito ay dapat isang patuloy na proseso hanggat
kaya mo at mayroon kang kayang gawain para sa ikabubuti ng iyong lipunan.
a. Tama, dahil mula dito nabibigyan ng saysay ang iyong pagiging tao na nilikha ayon sa wangis ng
Diyos.
b. Tama, dahil nakikibahagi siya sa lipunan bilang aktibo kasapi nito at ginagawa niya ito bilang
pampalipas oras.
c. Mali, dahil ang mga tao kapag nakuha na ang kanilang nais o pakay ay humihinto na sa kanilang
ginagawa.
d. Mali, dahil ang tao na naglilingkod o tumutulong dahil mayroong silang hinihintay na kapalit.
_____ 36.Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng pakikilahok at bolunterismo?
a. Tuwing hapon pagkatapos ng klase ay tinuturan ni Marian ang mga batang hindi nakapag-
aaral sa kanilang lugar upang matutong bumasa at sumulat.
b. Si Dingdong ay pumupunta sa bahay ampunan ng mga bata upang alagaan ang mga ito
tuwing bakasyon.
c. Tuwing eleksyon ay sinisigurado ni Daniel na bumoto at piliing mabuti ang tunay na karapat-
dapat na mamuno.
d. Sumali si Kathryn sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay sapagkat nais niyang makiisa sa
layunin nitong mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng kaniyang mga kapit-bahay.
_____ 37. Hindi makakalahok si James saBrigada Eskwela ng kanilang paaralandahil kinakailangan
niyang alagaan ang kanyang lola na maysakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa
paglilinis tulad ng walis at sako na paglalagyan ng basura. Ano kayang antas ng
pakikilahok ang ipinakita niJames?
a. Impormasyon c. Sama-samang Pagkilos
b. Sama-samang pagsuporta d. Pagsuporta
_____ 38. Ang pagiging makatao ay:
a. ang pagsaklolo sa iba c. pagpanig sa tao
b. ang pagiging matulungin sa kapwa d. pagsunod sa utos ng Diyos
_____ 39. Piliin sa mga sumusunod ang tamang panukala:
a. Nagpapalit ang likas na batas moral sa paglipas ng panahon.
b. Iba-iba sa mga iba-ibang kultura ang likas na batas moral.
c. Isa lang ang likas na batas moral para sa lahat.
d. Isa lang ang likas na batas moral na may iba-ibang pag-aanyo.
_____ 40. Piliin sa mga sumusunod ang hindiayon sa likas na batas moral:
a. Pagkaltas ng SSS, Pag-ibig, at buwis sa mga manggagawa.
b. Pag-utos sa mga magiging ina na regular na magpatingin sa doctor.
c. Pangungulit sa bata na maligo.
d. Pagpipilit sa mga tao na magsimba
_____ 41.Ano ang pagkakaiba ng mabuti at tama?
a. Ang mabuti ay angkop at ang tama ay preskripsyon.
b. Ang mabuti ay ikasisiya ng marami at ang tama ay iilan lamang
c. Ang mabuti ay pare-pareho at ang tama ay magkakaiba.
d. Ang mabuti ay kilos tungo sa pagbubuo ng sarili at ng ugnayan at ang tama ay pagpili ng
mabuti batay sapanahon, kasaysayan at sitwasyon.
_____ 42.Bakit pinakamahalaga ang pagiging makatao?
a. Upang hindi ituring na hayop.
b. Upang ingatan at payabungin ang tao.
c. Upang mapakinabangan ang tao.
d. Upang ituring na pinakamataas ang tao.
_____ 43.Ano ang ibig sabihin ng First Do No Harm na unang hakbang sa pagtupad sa mabuti?
a. Iniisip ang ikabubuti ng iba. C. Iniisip ang pag-unlad ng sarili.
b. Huwag manakit at makasakit. D. Gawin ang tama at nararapat.
_____ 44. Alin ang hindihalimbawa ng mga paglabag sa karapatang pantao:
a. Police brutality c. Human Trafficking
b. Land Grabbing d. Gender Equality
_____45. Ang karapatan ang may kaakibat na____.
a. tungkulin c.dignidad
b.konsensya d.kilos-loob
_____ 60.Mahalaga ba ang pakikilahok at bolunterismo ng isang kabataan?
a. Oo, dahil lahat tayo ay may kakayahang tumulong.
b. Oo, dahil sa pakikibahagi nito ay makamit natin ang layunin na makatulong para sa ikabubuti
at ika-uunlad ng nakararami.
c. Hindi, dahil dahil pagsasayang lang ito ng panahon.
d. Hindi, dahil mas marami pang makabuluhang bagay na dapat pagtuunan ng pansin.

“Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa ang nagbibigay ng katuturan dito.”
(Anonymous)

You might also like