Laging Handa E.sp

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Pagtuturo

ng
Edukasyon sa Pagpapakatao III

I. Layunin

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. natutukoy ang mga kalamidad o sakuna ,
b. nakagagawa ng disaster presentation para maging handa sa oras ng kalamido o sakuna
at;
c. napapahalagahan ang magandang dulot ng pagiging handa sa oras ng sakuna o
kalamidad.

II. Paksang- Aralin

a. Paksa: Pagiging handa sa kaligtasan


b. Sanggunian: Grade III, ESP Kagamitan ng bata pp. 186-190
DRRM Module
c. Kagamitan: larawan ng lindol, baha, sunog, bagyo at landslide, cartolina

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Pagganyak
Maglalaro ang mga bata ng Halo Letra. Aayusin ng mga bata ang letra para
makabuo ng isang salita tungkol sa mga sakuna o kalamidad.

B. Panlinang na Gawain

1. Pagtatalakay
Basahin ang mga salita na nabuo sa Halo Letra. Magkakaroon ng malayang
talakayan tungkol sa mga kasagutan ng mga bata.

2. Gawin Natin
Aatasan ang mga bawat pangkat na tulungan si Mikkel na piliin ang tamang
bagay sa oras ng sakuna o kalamidad.

3. Paglalahat
Tatanungin ang mga bata kung ano ang pinag-aralan nila sa aralin.
Paano ka makakatulong para maging handa sa oras ng kalamidad o sakuna?

4. Pagpapahalaga
Tatanungin ang mga bata kung ano ang magandang naidudulot ng pagiging handa
sa oras ng sakuna o kalamidad.

C. Pangkatang Gawain

Papangkat- pangkatin ang mga bata. Hahatiin sa anim na grupo ang mga bata.
Aatasan ang mga bata ng maging kasapi ng Disaster Rangers at bibigyan sila ng
kulay.

Simulan ang gawain sa pagsasabi ng isang maikling kuwentong


inihanda para sa mga mag-aaral. Ikuwento ng isang
karanasang may kinalaman sa paghahanda sa oras ng sakuna o
kalamidad sa inyong lugar.
Sa isang liblib bayan ng Luklukan ay nagkakagulo na ang mga tao. May
balitang kumakalat na may darating na isang napakalakas na bagyo na may
kasamang malakas na hangin at ulan. Maraming nagsasabi na ito ay isang
storm surge o tinatawag nilang daluyong tulad ng nangyari sa mga lalawigan
ng Samar at Leyte.
Dahil sa balitang ito, agad na tinawag ng Punong Bayan ang kanyang
Disaster Rangers upang pag-usapan ang tamang paghahanda upang
maiwasan ang malaking pinsala na puwedeng idulot ng bagsik ng isang
daluyong. Ngunit marami pang puwedeng mangyari maliban sa daluyong. Kaya
muli silang nagplano ng mga dapat gawin bilang paghahanda sa anumang
lindol, tsunami, sunog, landslide, at pagbaha.

Inatasan ng Punong Bayan ang mga Disaster Rangers upang tulungang


maghanda ang mga mamamayan sa posibleng pagdating ng ibat ibang
sakuna.

Disaster Rangers Red – tagapagbalita upang makaligtas sa baha


Disaster Rangers Blue – tagapagbalita upang makaligtas sa landslide
Disaster Rangers Yellow – tagapagbalita upang makaligtas sa
tsunami
Disaster Rangers Green – tagapagbalita upang makaligtas sa lindol
Disaster Rangers Black – tagapagbalita upang makaligtas sa dulot
ng bagyo
Disaster Rangers White – tagapagbalita upang makaligtas sa sunog

Disaster Rangers – mga tagapagtanggol o tagapagligtas na


tumutulong upang maging handa ang mga tao sa sakuna,
kalamidad, o di-inaasahang pangyayari.

Magpagawa ng isang disaster presentation na kung saan ay darating ang mga

ranger para magbigay ng tips at para sila’y maging handa sa panahon ng

kalamidad o sakuna. Iwawasto ang presentasyon ng mga bata gamit ang rubric.

Pamantayan 15 puntos 10 puntos 5 puntos


Kooperasyon Lahat ng miyembro Isa o dalawang Tatlo o higit sa
ay nagpapakita ng miyembro ang hindi miyembro ang hindi
pagkakaisa sa nagpakita ng nagpakita ng
paggawa ng aktibidad pagkakaisa sa pagkakaisa sa
paggawa ng aktibidad paggawa ng aktibidad
Disiplina Lahat ng miyembro Isa o dalawang Tatlo o higit sa
ay nagpakita ng miyembro ang hindi miyembro ang hindi
disiplina nagpakita ng didiplina nagpakita ng disipilna

Presentasyon Lahat ng miyembro Isa o dalawang Tatlo o higit sa


ang hindi nagpakita miyembro ang hindi miyembro ang hindi
na aktibo sa nagpakita na aktibo sa nagpakita na aktibo sa
pagpresenta pagpresenta. pagpresenta.

IV. Pagtataya
Lagyan ng tsek ( / ) kung tama ang isinasaad sa pangungusap at ekis ( X ) kung mali
naman ito. Isulat ito sa patlang.

_____1. Pagdadala ng payong para hindi mabasa sa ulan.


_____2. Makinig sa radyo o manuod sa telebisyon upang malaman ang bagong impormasyon
ukol sa bagyo.
_____3. Kung sakaling may sunog, dapat alam ang daan papuntang fire exit o ligtas na daan.
_____4. Manatili sa bahay kapag tumataas na ang tubig baha.
_____5. Para makaiwas sa sunog, hayaan ang posporo, lighter ar kandila kung saan naaabot ng
mga bata.
_____6. Maging handa sa posibilidad na paglikas.
_____7. Kapag may lindol umiwas sa mga bagay na madaling mabsag, mabibigat at maaring
bumagsak.
_____8. Maligo at maglaro sa tubig baha upang makaiwas sa anumang sakit.
_____9. Magpanik habang lumilindol.
_____10. Maging handa sa anumang sakuna o kalamidad na darating.

V. Takdang Aralin

Sumulat ng isang panuntunan para sa pagiging handa sa anumang sakuna o kalamidad.

Pereda, Evelyn C.
Teacher III

You might also like