Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Binangonan Catholic College

Binangonan, Rizal

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang


pampanitikan ng mga bansang Kanluranin

PAMANTAYAN SA PAGGANAP:

 Nailalathala ang sariling akda sa hatirang pangmadla (social media).

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

 Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito


(F10PT-b-72)
 Nakikilala ang kasingkahulugan ng salita batay sa konteksto ng pangungusap
 Nasasagotnang maayos at tumpak ang mga tanong tungkol sa binasang dula
 Nailalahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng dula sa napakinggan/nabasang usapan
at pangyayari sa mga tauhan
(F10PT-b-72)
 Natutukoy ang mahahalagang detalye sa nabasa o napakinggang akda
 Naihahambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang bansa sa daigdig
(F10PB-lla-b-75)
 Naisusulat ng wasto ang sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura ng
ibang bansa (F10PB-lla-b-74)
 Nailalahad ang mahahalagang kaisipan kaugnay ng binasa
 Natatalakaay ang mga katangian ng dulang binasa
 Naiuugnay ang sariling buhay sa isang dula
 Natutukoy ang pokus ng pandiwang ginamit sa pangungusap
 Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa (tagaganap, layon, pinaglalaanan, at
kagamitan) sa pagsusulat ng sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura
kung ihahambing sa kultura ng ibang bansa (F10WG-lla-b-67)
I. Layunin

 Maunawaan ang mensaheng nais ipabatid ng may akda


 Makapagpahayag ng mga kaisipan ukol sa binasang nobela
 Maisabuhay ang aral na makukuha sa binasang nobela

II. Paksang Aralin

A. Panitikan: DULA “MACBETH”

B. Kagamitan: Aklat, PowerPoint Presentation


C. Sanggunian: Pinagyamang Pluma: Ikatlong Edisyon, pahina 186-209

Pagpapahalaga/Ebanghelyo.” Huwag kang padaig sa masama, kundi bagkus daigin


mo ng mabuti ang masama”.

Mga Taga-Roma 12:21

I. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral
A. Panimulang Gawain

 Panalangin Panginoon po naming Diyos, Salamat


po ng napakarami, Dahil ligtas mo po
kaming tinipon sa dakong ito Upang
makapag-aral po kami ngayon.
Ingatan mo po kaming lahat sa buong
panahon ng pag-aaral Sa inyo po lahat
ng kapurihan Hinihingi po namin ang
lahat ng ito Sa pangalan ni Hesus na
aming Dakilang Tapapagligtas.
Amen...

 Pagbati
Magandang hapon din po!
Magandang Hapon Grade 10 St. Rose of
Lima!

 Pagpuna sa paligid
Tingnan ang paligid. Damputin ang
mga kalat at ilagay sa inyong mga
bag para itapon mamaya.

 Pagtatala ng Liban
Maaari ko bang tawagin ang kalihim
ng klase para iulat kung sino ang
liban ngayong araw?

 Balik-aral

Bago tayo magsimula sa ating talakayan,


tayo muna’y magbalik-aral.

May ipapakita akong dalawang larawan,


Mahuhulaan niyo ba ang salitang mabubuo Dyosa , apoy , bulkan
na nasa larawan?

Ano ang nakaraan natin tinalakay? May


naalala ba kayo tungkol sa munting prinsipe? Si Pele, Dyosa ng Apoy at Bulkan

Mahusay!
 Paglinang Nakakasama ang labis na
 Mahalagang Tanong paghahangad ng kapangyarihan dahil
kapag masyado kang nakapokus sa
Bakit nakasasama ang labis na paghahangad paghahangad ng kapangyarihan ay
ng kapangyarihan? Ano ang maaaring nakakalimutan mo kung ano talaga
mangyari kung mapunta ang kapangyarihan yung mga bagay na mas mahalaga,
sa isang taong gahaman? maaari rin itong humantong sa pag-
aabuso ng kapangyarihan. Kapag sa
isang taong gahaman mapunta ang
kapangyarihan ay maaaring
makagawa ng kahindik-hindik na mga
krimen tulad na lamang ng pagpatay
ng tao para lamang makamit ang
kapangyarian na nais, magiging sakim
sa lahat ng bagay, mga pangarap na
magkaroon ng matiwasay at tahimik
na pamumuhay ay hindi na
magkakaroon, at iba pa. Ang isang
taong gahamam ay walang kasiyahan
sa buhay. Lagi na lamang niyang
aabusuhin ang kanyang
kapangyarihan para sa sariling
kapakanan.
 Pagganyak

Klase/mga anak may inihanda akong larawan


dito, tingnan niyong maigi at maari ba
ninyong ilarawan kung ano ito? Prinsipe, hari , magkukulam

Dula ni Macbeth

Tama! Ngayong araw ay tatalakayin natin


ang Dula na MACBETH. Na may kaugnayan
sa aking pinaka larawan sainyo.

 Pagkilala sa
may-akda/Akda/Gramatika

Si William Shakespeare Bininyagan noong


26 Abril 1564 sa Stratford-upon-Avon,
Warwickshire, West Midlands, Inglatera.
Siya ay isang makatang Ingles, mandudula,
at aktor, at malawakang kinikilala bilang
pinakamahusay na manunulat ng wikang
Ingles at preeminenteng dramaturgo ng
mundo.

Madalas siyang tinatawag na “pambansang


makata ng Inglatera”, at tinaguriang "Bardo
ng Avon". Ang mga akdang ekstante niya ay
kiabibilangan ng mga kolaborasyon, na may
mga 38 na dula, 154 na soneta, 2 mahabang
tulang salaysay, at iba pang mga berso

Ang mga dula niya ay naisalin na sa lahat ng


pangunahing buhay na wika at mas
tinatanghal ang mga ito kompara sa iba pang
mga mandudula.

 Kahulugan Dula

Ang Dula ayon kay Aristotle ay


isang sining ng panggagaya o pag-
iimita sa kalikasan ng buhay.
Ipinakikita nito ang reyalidad sa
buhay ng tao gayundin ang kanyang
mga iniisip, ininikilos, at isinasaad.
Ito ay ikinikilos at itinatangghal
upang magsilbing salamin ng buhay
na naglalayong makaaliw,
makapagturo, o makapag bigay ng
mensahe.
Sauco-Ito ay isang uri ng sining na
may layuning magbigay ng
makabuluhang mensahe sa manonood
sapamamagitan ng kilos .
Tiongson- Ang memises ang
pangunahing sangkap ng dulang
Pilipino. Ang Memises ay ang
pagbibigay buhay ng aktor sa mga
pangaraw-araw na pangyayari sa
buhay ng mga Pilipino. Ito rin ang
malaking pagkakaiba ngbanyaga sa
Pilipinong dula.

Mga Sangkap ng Dula


Ang dula ay mayroon ding mga
sangkap. Ito ay ang simula, ang gitna,
at ang wakas.

Simula - mamamalas dito ang


tagpuan, tauhan, at sulyap sa
suliranin.

Gitna - matatagpuan ang saglit na


kasiglahan, ang tunggalian, at ang
kasukdulan.
Wakas - matatagpuan naman dito
ang kakalasan at ang kalutasan.

Nilalaman/Introduksyon ng
Dulang Macbeth
Ito ay isang akdang sinulat ni
William Shakespeare na may temang
trahedya.
Isinulat ito noong naging hari ng
Inglatera si James I noong ika-17 na
siglo.
Ito ang pinaka-maikling dula ni
Shakespeare. Ito ay kalahati lang ng
haba ng isa pa niyang dula;Hamlet.
Maraming kababalaghan ang ini-
uugnay rito. Isa sa mga kwento ang
tungkol daw sa isang biglang
pagkamatay ng batang lalaking
gumaganap bilang Lady Macbeth sa
unang araw ng pagtatanghalsa
dula.Ito ay kilalang “Curse of
Macbeth”
May mga ginagawa ang artista upang
makaiwas sa kamalasang dala raw ng
dula. Una diyan ang pagtawag nila sa
dula ng “That Play” o “The Scottish
Play” upang maiwasan ang
pagbanggit ng pamagat ng tula.
Ang remedyo kapag nabanggit ang
pamagat ng dula ay ang paglabas
muna ng mga aongnakagawa nito,
pag-ikot ng tatlong beses, pagdura, at
pagmumura ng malakas.Ito’y isang
dulang naganap sa bansang Scotland.

Tauhan sa Dula

Macbeth-Thane ng Glamis; Thane ng


Cawdor; naging hari ng Scotland;
pumatay kay Haring Duncan sa
kagustuhan ng kanyang asawa.
Banquo-isang heneral at kaibigan ni
Macbeth sa bandang huli ay
ipinapatay lang naman ni Macbeth.
Manghuhula-may nakakatot na
itsurang tila mga bruhang hindi
nagmula sa daigdig ngmga tao; ayon
sa kanila:
Haring Duncan- kasalakuyang hari
ng Scotland at nagsabing gusto
niyang maghapunanat magpalipas ng
gabi sa kastilyo ni Macbeth.
Lady Macbeth-asawa ni Macbeth at
tumukso rito na patayin si Haring
Duncan, siya rinang nagplano ng
lahat para maging malinis ang
pagpatay.
Macduff-isang kabalyerong
pinagkakatiwalaan ng hari na
nakadiskubre sa bangkay
atnagsuspetsa sa totoong pagkamatay
nito.
Malcom-anak ni Haring Duncan at
tagapagmana ng kaharian,
nakatatandang kapatid niDonalbin.
Donalbain- Anak ng Haring Ducan
at kapatid ni Malcom
Mahaharlikang Scottish-nagluklok
kay Macbeth sa trono; pero sa huli ay
sinuportahansina Macduff at
Malcolm sa pagpatay kay Macbeth.
Mamamatay Tao-mga inutusan ni
Macbeth para patayin sina Banquo at
Fleance.
Fleance-anak ni Banquo na
nakatakas mula sa balak na pagpatay
sa kanilang mag-ama.

B. Paghawan ng Sagabal

ala ang kasingkahulugan ng salita mula sa


iba pang salita sa pangungusap.

Kilalanin ang kasingkahulugan ng salitang


nakasalungguhit mula sa iba pang salita sa
ikalawang pangungusap. Bilugan ang
salitang ito.

1.Si Macduff ay kumampi na sa hukbo ni


Malcolm

2.Hindi raw matatalo si Macbeth ng


sinumang isinalang ng isang babae

3.Ipinagutos ni Malcolm na sakupin ang


kastilyo ng Dunsinane kung saan nagkukuta
si Macbeth

4.Ipinagwalambahala lang ni Banqou ang


sinabi sakanya ng mga manghuhula.

5. Labis na nag-aalala si Macbeth nang


malamang paparating na ang mga sundalong
may dalang sanga ng mga punong birman.

C. Pagtalakay sa Aralin

1.Sino-sino ang mga tauhan sa kwento? Macbeth

Bonquo

Haring Duncan
Macduff

Fence

Lady Macbeth

Malcom

Donalbain

2.Sino ang kaibigan ni Macbeth na isa ring


heneral?
Banquo

3. Sino ang kasalukuyang hari sa Scotland


bago naging hari si Macbeth?

Haring Duncan

4. Sino ang pinili ng hari na tagapagmana ng


kaharian?

5. Ano ang gagawin ng hari sa kastilyo ni


Macbeth?

Ang pinili na maging tagapagmana ay si


Malcolm

Maghapunan at magpalipas ng gabi


D. Paglalahat

Bakit naging madali na kay Macbeth Naging madali ito sa kanya dahil
ang pumatay ng sinuman, maging nabulag siya sa labis na paghangad ng
babae o mga bata? Ano ang nawala o kapangyarihan at dahil narin sa
nabago sa kanya? sinasabi sa kanya ng kanyang asawa.

E. Paglalapat

 Mahalagang Tanong
Bakit nakasama ang labis na paghangad ng Nakakasama ang labis na
kapangyarihan? Ano ang maaaring mangyari paghahangad ng kapangyarihan dahil
kung napunta ang kapangyarihan sa isang kapag masyado kang nakapokus sa
taong gahaman? paghahangad ng kapangyarihan ay
nakakalimutan mo kung ano talaga
. yung mga bagay na mas mahalaga,
maaari rin tong humantong sa pag-
aabuso ng kapangyarihan. Kapag sa
isang taong gahaman napunta ang
kapangyarihan ay maaaring kahindik-
hindik na mga krimen tulad patay ng
tao.

 Pagpapahalaga/ebanghelyo

Huwag kang padaig sa masama,


kundi bagkus daigin mo ng mabuti
ang masama.

Mga Taga-Roma 12:21

II. Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at isulat ang tamang titik na sagot sa malinis na
papel.

Natutukoy ang mahahalagang detalye sa nabasa o napakinggang akda.

1.____Ang orihinal na posisyon ni Macbeth sa kaharian ay


A. Heneral at Thane ng cowdor C. Hari ng Scotland

B.Heneral at Thane ng Glamis D. Kanang kamay ng Hari

2.___Ipinarating ni Macbeth sa kanyang asawa ang mga pangyayari sa pamamagitan ng:

A. Isang Telegram C.Pagsasabi ng isang mensahero

B. Isang Tawag sa Telepono D. Isang liham

3.___Ang mensaheng ibinigay ng tatlong bruha manghuhula jay Banquo ay

A. Siya ang magiging Thane ng Glamis

B.Siya ang susunod na hari

C. Sa kanyang lahi magmumula ang tagapagmana ng korona

D. Siya ang magiging kanang kamay ng hari

4.___Ang pinili ng haring Duncan upang maging tagapagmana ng kaharian ay si

A.Macduff C. Malcom

B. Macbeth D. Banquo

5.___Ang ipinain ni Lady Macbeth upang mapagbintangan sa pagpatay kay haring Duncan ay

A. Sina melcom at Donalbain C. si Banquo at ang anak niya

B.ang dalawang gwardiya D. sina lennox at macduff


II. Takdang-aralin
Panuto: Basahin ang Susunod na mga akda.

Inihanda ni:

Lineth B. Cequena

Binigyang-pansin ni:

G. Arjie B. Ceňidoza

You might also like