Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IX, Zamboanga Peninsula
Sangay ng Lungsod Zamboanga
MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG PASONANCA
Lungsod ng Zamboanga

PETSA: Ika-23 ng Marso, 2023


BAITANG AT SEKSYON: Baitang 10 - Climaco (2:10PM - 3:00PM)
Baitang 10 - Agan (4:05PM - 4:55PM)

Pagkatapos ng 50 minutong talakayan, ang 75% na bilang ng mga mag-aaral ay


I. LAYUNIN
inaasahang makamtan ang pagkatuto sa mga sumusunod;

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahahalaga sa mga akdang


Pangnilalaman pampanitikan ng Africa at Persia.
B. Pamantayan Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa
sa Pagganap batay sa binasang akdang pampanitikan.
a. Natutukoy ang iba’t ibang ekspresiyon na ginagamit sa pagpapahayag ng
C. Pamantayan damdamin
ng Pagkatuto/ b. Nagagamit ang wastong mga pahayag sa pagbibigay-kahulugan sa damdaming
Layunin nangingibabaw sa Dakilang Bayani: Rizal o Bonifacio F10WG-IIId-e-74
c. Nakabubuo ng pangungusap na nagagamit ang mga ekspresiyon sa pagpapahayag
ng damdamin.
Araliin 3.6: Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali (Epiko mula sa Mali, West
II. NILALAMAN Africa) Mula sa Sundiata: An Old Epic of Mali ni D.T. Niane salin sa Ingles ni G.D.
Pickett Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora, pahina 313-315
III. SANGGUNIAN

1. Gabay ng Guro  Gabay Pangkurikulum at Panitikang Pandaigdig


 Filipino 10 : Panitikang Pandaigdig, pahina 313-315
2. Mga Kagamitan  Kartolina, pandikit, at iba pang IM’s
IV. PAMAMARAAN GURO MAG-AARAL

1. Panimulang A. PANALANGIN
Gawain -Bb. Gaco, maaari mo bang pangunahan ang - Mahal na Panginoon kami
panalangin? po ay nagpapasalamat sa
lahat ng mga biyayang
ipinagkaloob niyo po sa
amin. Patnubayan ang pang-
araw-araw naming gawain,
iligtas kami sa anomang uri
ng kapahamakan. Ito ay
hinihiling namin mula sa
B. PAGBATI inyong anak na si Hesu
Kristo, Amen.
-Magandang araw sa lahat!

-Bago kayo umupo, nais kong ayusin ninyo ang


inyong mga sarili at pulutin ang mga basurang - Magandang araw po Bb.
nakakalat sa sahig. Maaari na kayong umupo. Daigan

-Salamat po Bb.
C. PAGTALA NG LIBAN

-Isasauli ko sa inyo ang inyong index card at lagyan


ng petsa ngayon palatandaan na kayo ay dumalo sa
araw na ito.

D. PAMAMAHALA SA SILID- ARALAN


(Isusulat ang petsa sa index
- Bibigyan ng puntos ang bawat mag-aaral na card)
makasasagot sa mga tanong.

E. BALIK-ARAL

Gabay na tanong:

1. Ano ang iyong natutuhan sa epiko ng - huwag sumuko sa


sinaunang mali? alinmang pagsubok sa buhay
sapagkat ang mundo ay
bilog, at maraming pwedeng
magbago.

2. Bakit laganap pa rin ang pangungutya sa - sapagkat maraming mga


mga taong may kapansanan sa mundong tao ang takot na
ating ginagalawan ngayon? manghimasok at ipagtanggol
ang mga inaapi, kaya akala
ng mga inaapi ay tama ang
F. PAGLALAHAD ginagawa nila.

Gabay na tanong:

2. Pagganyak, 1. Sa inyong palagay, bakit nagkakaroon ng - dahil ang tao ay may iba’t
Paglalahad at pagtatalo sa isang usapin? ibang pananaw at
Paglinang ng paniniwala.
Talasalitaan
2. Bakit hindi tayo dapat laging tama sa lahat ng - sapagkat, mayroon tayong
pagkakataon? mga pananaw na kung
minsan ito ay subhektibo
kaya tayo ay hindi nagiging
patas sa pagbibigay ng ating
opinyon.
3. Estratehiya Malayang Talakayan
GAWAIN

- Babasahin ng guro ang akdang Dakilang Bayani:


Rizal o Bonifacio? Ni Maricel T. Nucup

Ang argumentong ito ay naging pangkaraniwan na.


Ito’y matagal nang isyu na paulit-ulit nang
tinitimbang: sino nga ba ang dakilang bayani ng
Pilipinas si Jose Rizal o Andres Bonifacio? Pareho
silang may prinsipyo at hangarin- ang ipaglaban ang
karapatan ng mga Pilipino at kamtin ang kalayaan
ng Inang- bayan. Kanino ka papanig?

Maka-Bonifacio: Kung ako ikaw kaibigan,


papanigan ko si Bonifacio sapagkat lumaban siya at
nagbuwis ng dugo. Kung babasahin natin ang
kuwento ng “Sigaw ng Pugad Lawin,” makikita mo
A. ACTIVITY/ ang kaniyang katapangan, handa talaga siyang
GAWAIN ibuwis ang buhay alang-alang sa bayan.

Maka-Rizal: Subalit kaibigan tila ika’y


nagkakamali. Hindi tamang sabihin na tapang
lamang ang puhunan sa pagiging bayani. Si Rizal ay
gumamit ng tapang at katalinuhan. Ito ang
naghuhumiyaw sa kaniyang mga hindi mabilang na
akdang isinulat. Kailangan ko pa bang isa-isahin ang
kaniyang obra? Kaya, higit na mabuting sang-
ayunan mo na ang aking paniniwala.

Maka-Bonifacio: Maghinay-hinay ka, ika’y


mapapahamak sa matalim mong pananalita. Si Rizal
ay puro salita lamang at kulang sa gawa.
Inaanyayahan kitang mataman akong pakinggan. Si
Bonifacio ay sumulat din naman ng mga akdang
pumukaw sa puso ng kapwa katulad ng “Pag-ibig sa
Tinubuang Lupa.” Kayat masasabi kong nagtataglay
siya ng talino sa kabila ng kakulangan ng pormal na
edukasyon. Mas karapat-dapat tanghaling bayani si
Bonifacio dahil sa maalab siyang napanday ng
karalitaan.

Maka-Rizal: Huwag kang masyadong magtiwala,


baka ika’y mahulog sa balong malalim. Bagaman si
Dr. Jose Rizal ay lumaki sa karangyaan, puspos pa
rin ang kaniyang buhay ng mga makabuluhang
karanasan. Nasaksihan niya sa iba’t ibang panig ng
mundo ang bunga ng karahasan kayat ayaw niyang
maganap din ito sa sariling bayan at pinili niyang
daanin sa mahinahong paraan ang pagharap sa
suliranin ng bayan. Ito ang itaga mo sa bato,
kailanman hindi siya mapapalitan bilang dakilang
bayani.

Ipinunto ng isang panig ang paglabang walang dugo


at ang kabila’y paglabang madugo, gayundin ang
epekto ng pagiging maralita at may-kaya sa
paghubog ng pagkatao ng isang bayani. Kayo na ang
humusga kung sino ang tunay na bayani sa isip, sa
salita, at gawa: Si Rizal ba o si Bonifacio?

TALAKAYAN:
Ano-ano ang iba’t ibang ekspresiyon na maaaring
gamitin sa pagpapahayag ng layon o damdamin?

1. Pagpapayo at/o pagmumungkahi


 Kung ako ikaw
 Ano kaya
 Mas
 Siguro makabubuting
 Higit na
 Inaakala kong mas

2. Pag-aanyaya o pag-iimbita/panghihikayat
 Halika
 Gusto mong sumang-ayon
 Inaanyayahan

3. Pagbababala na maaaring may kasamang


pananakot (mahalaga ang intonasyon sa pahayag)
at/o pag-aalala (may sitwasyong inilalarawan.
Halimbawa:
Babalang may kasamang pananakot
 Huwag kang sinungaling; kung hindi lagot ka
sa akin!

Babalang may kasamang pag-aalala


 Mapanganib iyan, kaya tingnan ang
tinatahak.

4. Panunumpa at/o pangangako


 Pangako
 Sumpa man
 Itaga mo sa bato
 Tamaan man ako ng kidlat

5. Pagsang-ayon at pagsalungat
 Tama
 Ganyan din ang aking palagay
 Mali
 Walang
 Ikinalulungkot ko ngunit
Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang mga salitang nagpapahayag - kung ako ikaw; subalit;


ng damdamin ang ginamit sa akdang maghinay-hinay ka; at
Dakilang Bayani: Rizal o Bonifacio? huwag kang masyadong
B. ANALYSIS/ magtiwala.
PAGSUSURI

2. Anong damdamin ang ginamit sa - pagpapayo; pagsalungat;


ekspresiyon na “Kung ako ikaw kaibigan”, pagbababala na may
“Subalit Kaibigan”, “Maghinay-hinay ka”, kasamang pananakot;
at “Huwag kang masyadong magtiwala”. pagbababala na may
kasamang pag-aalala.
Gabay na Tanong:

1. Ano-anong ekspresiyon sa kasalukuyang - sa kasalukuyang


henerasyon ang madalas gamitin kapag sila ay galit? henerasyon, ginagamit ang
Sa tingin niyo, saan ito nagsimula? mga malalaswa o bastos na
salita bilang ekspresiyon,
tulad ng: gago, bwiset,
tangina, at marami pang iba.
At ang pinagmulan nito ay
ang pangongopya mula sa
ibang bansa tulad ng
America at iba pa.

2. Sa inyong palagay, tama bang sanayin ang sarili - hindi, sapagkat ang mga ito
sa paggamit ng mga makabagong ekspresiyon sa ay hindi tamang asal at hindi
pagpapahayag ng damdamin? Ipaliwanag. magandang pakinggan.
Bagaman ito ay ginagamit
bilang ekspresiyon lamang,
hindi tayo dapat masanay sa
paggamit ng mga ganitong
salita sa pagpapahayag ng
ating damdamin.

- Kung iisipin, ang mga salitang inyong nabanggit


C. ABSTRACTION/
ay wala sa listahan ng ekspresiyon ng pagpapahayag
PAGLALAHAT
ng damdamin, ngunit ito ay ginagamit na ngayon.
Tulad ng salitang gago, bilang hindi pagsang-ayon
sa isang pahayag na malimit ginagamit ng mga
kabataan ngayon. Ngunit ito ay dapat hindi gawing
normal at katanggap-tanggap sapagkat ito ay hindi
maganda pakinggan.
Panuto: Bumuo ng pangungusap na ginagamit ang
mga ekspresiyon na nagpapahayag ng damdamin.

Pangkat I.
1. Magbigay ng halimbawa ng pangungusap na may
damdamin na nagpapayo.
2. Magbigay ng halimbawa ng pangungusap na may
damdamin na nanghihikayat.

Pangkat II.
3. Magbigay ng halimbawa ng pangungusap na may
damdamin na nag-aalala.
4. Magbigay ng halimbawa ng pangungusap na may
D. APPLICATION/ damdamin na nanunumpa.
PAGLALAPAT
- Malayang makasasagot ang
mag-aaral.
Pangkat III.
5. Magbigay ng halimbawa ng pangungusap na may
damdamin na sumasang-ayon.
6. Magbigay ng halimbawa ng pangungusap na may
damdamin na sumasang-ayon at di-sumasang-ayon.

Pangkat IV.
7. Magbigay ng halimbawa ng pangungusap na may
damdamin na nangangako
8. Magbigay ng halimbawa ng pangungusap na may
damdamin na nananakot.

MASUSING SAGOT:

PAG-ANYAYA
- Halika
Panuto: Pumili ng mga ekspresiyon na mga salita, -Tara
at ilagay sa wastong kahon.
PAGBABALA
Mag-ingat ka Pangako Mamatay pa - Mag-ingat ka
ako - Lagot ka
Lagot ka Siguro mas Higit na
V. EVALUATION/ Tama Subalit Halika PANUNUMPA
PAGTATAYA Tara - Pangako
-Mamatay pa ako
PAG- PAGBAB PANUN PAGPAP PAGSANG-
ANYAYA ALA UMPA AYO AYON/PAGSAL PAGPAPAYO
UNGAT -Siguro mas
-Higit na

PAGSANG-
AYON/PAGSALUNGAT
-Subalit
-Tama
Panuto: Iuulat ang mga sumusunod na may kalakip
na halimbawa o larawan. Maaaring sumangguni sa
site na ito
https://www.scribd.com/presentation/446327594/M
GA-ELEMENTO-SA-PAGGAWA-NG-MOVIE-
TRAILER-pptx#
VI. TAKDANG-
Pangkat I.
ARALIN/
KASUNDUAN 1. Istorya - tumutukoy sa konsepto ng trailer.
2. Storyboard - sketch ng bawat eksena.

Pangkat II.
3. Sinematograpiya - Tumutukoy sa kung paano mo
maipapakita ang eksena sa pelikula. Kailangan
naaayon sa lugar ang bawat eksena .
4. Direktor - Nakasalalay sa kanyaang pagiging
malikhain ang pelikula sapagkat siya ang
nagdedesisyon at nagpaplano sa magiging kabuuan
ng pelikula.

Pangkat III.
5. Disenyong Set - Mga ginagamit na tagpuan sa
pelikula
6. Camera Operator - Tagakuha ng eksena o aktwal
na eksena o shooting sa pelikula.

Pangkat IV.
Hakbang sa paggawa ng Movie Trailer

Inihanda nina: BB. JANE HONEY ROSE S. DAIGAN


PRESERVICE TEACHERS

Ipinasa kay: BB. MICHELLE M. INTO


CRITIC TEACHER

You might also like