Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

BIONOTE NI HARVY JAY MANJARES ALTEZA

Si Ginoong Harvy Jay M. Alteza ay nagtapos sa kursong Bachelor of


Science in Civil Engineering noong 2027 sa Unibersidad ng Pilipinas.
Siya ay isa sa mga nagtapos na may parangal bilang Cum Laude na
may General Weighted Average na 1.5. Ang kanilang Tesis ay kinilala
bilang pinakamahusay sa taong iyon. Kabilang nito, siya ay ginawaran
at kinilala ng Philippine Institute of Civil Engineers bilang isa sa mga
pinakamahusay na estudyanteng inhinyerong sibil sa Pilipinas. Siya rin ay isa sa mga nakakuha ng
pinakamataas na marka sa Licensure Examination. Sa kasalukuyan, siya ay isa nang ganap na
inhinyerong sibil. Siya ay isa sa mga head engineer sa JGC Philippine Inc., isa sa mga tanyag na
kompanya sa bansa. Ilan sa mga proyektong nasa ilalim ng pangalan niya at ilan pang inhinyero ay mula
sa publikong sector at mga pribadong kompanya. Isang napakagandang tagumpay ng trabaho ni Ginoong
Alteza ay ang kanyang naging kontribusyon sa matagumpay na pagpapatakbo ng malaking proyektong
pang-imprastruktura, ang pagtatayo ng high-speed railway system sa Pilipinas. Bilang isa sa mga head
engineer ng proyekto, siya ay naging kritikal na bahagi sa pagpapahalaga sa disenyo, plano, at
pagpapatupad ng proyekto, na naging dahilan upang masiguro ang tamang oras na pagkumpleto nito at
pagiging ligtas para sa lahat. Dahil sa proyekto, mas napabuti ang transportasyon at konektibidad sa
bansa, na nakatulong sa maraming tao at komunidad.

You might also like