Untitled

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kahulugan ng Wika

Henry Gleason(Austria at al 1999) -Ayon sa kanya ang Wika ay masistemang balanagkas ng


sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa pamamaraang Arbitraryo.
Arbitraryo-isang kasunduan sa pagitan ng mga tao sa isang kultura hinggil sa kahulugang ibinigay sa
mga salita.
Bernales et al(2002)- mababasa ang kahulugan ng wika bilang proseso ng pagpapadala at
pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaring berbal at di berbal.
Mangahis et al.( 2005)- binanggit na may mahalagang papel ginagampanan ang wika sa
pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi
sa pagkakaunawaan.
Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra ( 2000)- ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang
pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makipag-usap ang isang grupo
ng mga tao.
Bienvenido Lumbera (2007)- na parang hininga ang wika. Gumagamit tayo ng wika upang kamtin
ang bawat pangangailangan natin.
Alfonso Santiago- Wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap, damdamdamin,
kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunugan, moralidad, paniniwala at mga kaugalian ng
tao sa lipunan.
Mga kalahagahan ng wika

 Instrumento sa komunikasyon
 Ginagamit ang komunikasyon hindi lamang sa palitan ng Mensahe kundi maging ang
pagkatuto at pagkalat ng karunungan at kaalaman sa mundo.
 Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagyayabong at pagpapalaganap ng kultura ng bawat
grupo ng tao.
 Kapag may sariling wika ang isang bansa ay nangangahulagang Malaya.
 Wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at tagapaglaganap ng mga karunugan at kaalaman.
Lingua Franca- Ang wikang ginagamit ng 2 taong may magkiabang wikang kinagisnan o
nakasanayan.
Katangian ng Wika
1. Ang wika ay masistemang balangkas- Binubuo ng makabuluhang tunog na isinaaayos sa
paraang arbitraryo.
- Ito ay napapalooban ng mga proseso
2. Ang wika ay arbitraryo- isang kasunduan sa pagitan ng mga tao sa isang kultura hinggil sa
kahulugang ibinigay sa mga salita.
3. Ang wika ay dinamiko- Ito ay nagbabago ng mga salita at kahulugan dulot ng panahon.
Wika at Dayalekto
Wika- Ito madalas ginagamit ng karamihan. Marami ang nasasakupan nito.
Mga pangunahing wika sa Pilipinas;
-Tagalog, Sinugbuanong-bisaya,Ilokano,Hiligaynon,Samar-leyte, Pangasinan, at Bikol.
Dayalekto- Isang varayti ng isang wika. Ito ay ginagamit sa isang particular na lugar. Kakaunti
lamang ang gumagamit nito. Hal: tausog, Yakan, Chavacano atbpa.
Uri ng wika
1. Dayalek-Ginagamit sa isang particular na lugar
2. Sosyolek- Ito ay uri ng wikang naayon sa profesyon o trabaho at estado ng buhay ng isang
tao. Ito ay may 2 kategorya;
- Pormal ( ito ay promal na salita na ginagamit ng mga pormal na tao. Halimbawa sa
paaralan, opisina atbpa.
- Di-pormal( Ginagamit ito sa mga lansangan o kalye. Hal: Mustah poh!, Chica(pagkain)
3. Idyolek- Ito ay tumutukoy sa yunik o kakaibang pamamaraan ng pagsasalita ng isang tao.
Hal; “Magandang Gabi bayan! Ni Noli de Castro
Bernakular-Unang wikang natutunang ng isang tao sa kanyang tahanan. Ito ay tinatawag din
Mother tongue .
Bilingguwalismo- ito ay tumtukoy sa dalawang wika.
Multilingguwalismo- Pantay na kaalaman sa paggamit ng maraming wika.
Unang Wika-wikang unang natutunan ng isang bata sa kanyang mga magulang.
Pangalawang Wika- Matapos matutunan ang unang wika, dito papasok ang pangalawang wika.
wikang natutunan niya sa paaralan. Hal: Ingles at Filipino
Wikang Pambansa- Ang wikang opisyal ng isang bansa. Sa Pilipinas Filipino ang wikang Pambansa.
Wikang Panturo- Ang ginagamit na wika sa paaralan.
Panahon ng kastila
Prayle- ang umayaw na ituro ang wikang kastila sa mga Pilipino sapagkat ayw nilang malaman ng
mga Pilipino ng kanilang binabalak.
Katolismo-ang pangunahing layunin ng pananakop ng mga kastila.
Baybayin- Ito ang sinaunang Sistema ng pagsulat ng mga ninuno noon. Ito ay binubuo ng 17 titik. 14
na katinig at 3 patinig.
Doctrina Christiana- ang kauna-unahang aklat na nailimbag sa panahon ng kastila. Ito ay naglalaman
ng mga aral sa simbahan, relihiyon at ibpa.

Panahon ng Rebolusyong Pilipino


Ilustradong Makabayan- sila ang nagmamahal sariling bayan. Nagsipag-aral upang matamo ang
mithiing makakatulong sa pagkakaroon ng pagbabago sa pamamahala ng mga kastila. Nais din
nilang iparating ang kanilang mga hinanaing. Tulad nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano
Lopez Jaena at Antonio Luna.
Kilusang propaganda- Samahang itinayo ng mga ilustradong Makabayan.
Propagandista- tawag sa mga kasapi o myembro ng kilusang propaganda.
La Solidaridad- isang pahayagan ng mga propagandist ana kung saan lahat ng kanilang sulatin dito
inilathala. Wikang Kastila ang kanilang ginagamit.
Katipunan- ang samahang binuo ni Andres Bonifacio sa pilipinas.
Kalayaan- ang tawag sa pahayagang ginamit ng mga katipunero sa pagsulat ng kanilang sulatin.
Wikang tagalog ang kanilang gamit na wika.
Konstitusyun ng Probisyunal ng Biak na Bato 1897- nagsasaad na wikang tagalog ang wikang
opisyal.
Panahon ng Amerikano
Treaty of Paris- Kasunduan sa pagitan ng kastila at amerikano hinggil sa pamamahala sa pilipinas
noong Dec. 10, 1898. Ibinenta ng Kastila ang Pilipinas sa mga Amerikano sa halagang 20 milyon
dolyar.
Batas sa Watawat- Ipinagbabawal ang mga Pilipino na iwagayway ang Bandila ng Pilipinas.
Batas ng sedisyon- na nagbabawal ng pagsulat ng anumang sulatin tungkol sa pagiging Makabayan
at paglalaban sa pamahalaang amerikano.
Panahon ng Hapon

You might also like