Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Group 2

Baldos
Nudalo
Deguito

Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito


I. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at bilugan ang
letra ng tamang sagot.
1. Paano nabuo ang isang kabihasnan?

A. Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ang kapaligiran.


B. Kapag may pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura, at sistema ng
pagsulat.
C. Kung mayroong paglaki ng populasyon at napapangkat ang tao ayon sa
kakayahan.
D. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan,
uring panlipunan, sining, arkitektura, at sistema ng pagsulat, at
masalimuot na relihiyon.

2. Ang mga sumusunod ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o


pagbabago sa paglipas ng panahon. Alin sa mga sumusunod ang TAMA?

A. Mesolitiko, Neolitiko, Paleolitiko, Metal


B. Neolitiko, Metal, Paleolitiko, Mesolitiko
C. Metal, Paleolitiko, Mesolitiko, Neolitiko
D. Paleolitiko, Mesolitiko, Neolitiko, Metal

Naitala ang mga salik sa pagbuo ng kabihasnan

3. Si King Raul ay namuno sa isang kabihasnan na kung saan siya ay tagapag-


ugnay sa mga malawakang proyekto, nagpapairal ng batas, nag-oorganisa ng
sistema at dipensa at iba pa. Alin sa mga salik sa pagbuo ng kabihasnan
nabibilag ang pahayag?

A. Pag-uuring panlipunan
B. Masalimuot na Relihiyon
C. Espesyalisasyon sa paggawa
D. Organisado at sentralisadong pamahalaan
4. Si Reyza ay nabibilang sa isang relihiyon na kung saan gumagawa sila ng ritwal
at sinasamba nila ang hindi lamang isa, kundi maraming dyos at dyosa. Alin sa
mga salik sa pagbuo ng kabihasnan nabibilang ang pahayag?

A. Pag uuring panlipunan


B. Masalimuot na Relihiyon
C. Espesyalisasyon sa paggawa
D. Organisado at sentralisadong pamahalaan

5. Si Jane ay nagtatrabaho sa isang kompanya. Itinakda siya sa isang gawain


lamang, kaya naman, hindi niya dapat gawin ang gawain ng iba. Alin sa mga
salik sa pagbuo ng kabihasnan nabibilang ang pahayag?

A. Pag-uuring panlipunan
B. Masalimuot na Relihiyon
C. Espesyalisasyon sa paggawa
D. Organisado at sentralisadong pamahalaan

6. Si Ishan ay mahusay sa pagplano ng bahay at gusali. Magaling din siya sa sining


at mahilig magplano sa paggawa ng mga bagay. Sa anong salik sa pagbuo ng
kabihasnan nabibilang ang pahayag?

A. Sistema ng pagsusulat
B. Espesyalisasyon sa paggawa
C. Organisado at sentralisadong pamahalaan
D. Mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining at arkitektura

7. Baybayin ang paraan ng ating mga ninuno noon upang makapagtala ng


mahahalagang impormasyon at ito rin ay ginagamit upang maisulat ang kanilang
lingguwahe noon. Anong salik sa pagbuo ng kabihasnan nabibilang ang
pahayag?

A. Sistema ng pagsusulat
B. Espesyalisasyon sa paggawa
C. Organisado sa sentralisadong pamahalaan
D. Mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining at arkitektura
Natatalakay ang ebolusyon ng tao mula sa teorya ni Charles Darwin
II. Panuto: Pagsunod-sunorin ang ebolusyon ng tao mula sa teorya ni Charles Darwin
sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang (1-5) at ang bilang 1 para sa pinakaunang
pangyayari at 5 para sa pinakahuli.

______Ang ramapithecus ay isang uri ng ebolusyon ng tao ngunit ito ay isang ape na
may kakayahang makatindig at makagawa ng simpleng bagay. Meron din itong
ngiping hawig sa kasalukuyang tao at nabuhay ang mga ito sa isang kapiligirang
tropical, malawak na dumahang may ilang puno.
______Isa sa mga ebolusyon ng tao ay ang australopithecus africanus, ito ay isang
ekstintong maagang hominid na nabuhay milyong taong nakakalipas at sa mga
panahong ito natutuhan narin nila ang mga komplikadong kombinasyon ng tunog
na siyang simula ng pagsasalita.
______Ang homo habilis ay isa sa mga ebolusyon ng tao na nangangahulugang “able
man o handy man” dahil sila ang species ng hominid na marunong gumawa ng
kagamitang bato tulad ng sibat at batong magaspang.
______Ang homo erectus ay kilala bilang ang pinakaunang mga tao na nagkaroon ng
mga parte ng katawan na malapit sa estruktura ng mga tao ngayon. Natuto na
silang maglakad ng nakatayo upang mas mainam na makapaglakbay at
makahuli ng mga pagkain. Sila din ang pinaka-unang tao na naka diskubre ng
apoy upang pang luto ng kanilang pagkain.
______Ito ay isa sa mga ebolusyon ng tao kung saan sila ay tinatawag na “wise
person” na gumagamit ng mga simbolikong pang-komunikasyon para mailahad
ang kanyang nadarama at makapag palitan ng mga kaalaman o ideya.

III. Panuto: Unawain at sagutin ang mga sumusunod na tanong sa loob ng 2-3
pangungusap.

Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito


1. Ano-ano ang mga katangian ng kabihasnan? Pumili ng dalawa at ipaliwanag ito.
(4 puntos) Nilalaman- 3 Organisasyon- 2 Pagka-orihinal- 1
Naibibigay ang kahulugan ng ebolusyon
2. Base sa iyong sariling pananaw, ano ang kahulugan ng salitang ebolusyon?
Ipaliwanag ang sagot. (4 puntos) Nilalaman- 2 Organisasyon-1
Pagka-orihinal- 1
Naihahambing ang kabihasnan at sibilisasyon
3. Sa anong aspeto magkakaiba at magkakatulad ang kabihasnan at sibilisasyon?
(3 puntos) Nilalaman- 2 Organisasyon- 1
Naihahambing ang mga yugto ng ebolusyon ng tao, ang mga Hominid, mga
katangian at kakayahan ng mga ito.
4. Sa iyong pananaw, ano-ano ang pagkakaiba at pagkakatulad sa bawat yugto ng
ebolusyon ng tao? Ipaliwanag ang sagot. (4 puntos) Nilalaman- 2
Organisasyon- 1 Pagka-orihinal- 1

5. Sa anong paraan ginagamit ng mga Hominid ang kanilang mga katangian at


kakayahan upang mamuhay noong sinaunang panahon? (3 puntos) Nilalaman- 2
Organisasyon- 1

You might also like