Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Wika ang kasangkapan para sa materyal na pag-unlad.

Maging sa iba’t – ibang larangan katulad ng mga sumusunod:

WIKANG FILIPINO SA LARANGAN


HUMANIDADES
Ang humanidades ay tumutugon sa isang pangkat ng mga palagay at
saloobin na nakatuon sa pagpapahalaga sa buhay.Kung susuriing mabuti,
wika ang may pinakamalakirrg papel na ginagampanan sa larangang ito
— ang Humanidades. Sangayon, higit nang malawak ang saklaw nito
sapagkat maaari nang talakayin ang kultura, pagpipinta, musika,
estruktura, at iba pa makataong sining at ang mabuti at wastong
pagtugon dito. Sa tulong ng wika, higit nating mapalalawak ang
larangang ito, pati na ang ating sarili at higit tayong nagiging maingat at
magalang sa paniniwalang likha ito at gawi ng ibang tao.

WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG AGHAM


AT TEKNOLOHIYA
Sa pagbabago ng panahon at lipunan, normal lamang na sumabay ang
wika sa mga pagbabago't modernisasyonng lipunang gumagamit nito. lto
ang hamon ng pagpasok ng bagong siglo sa mga tagapagturo at
tagapagpalaganap ng wikang Filipino. Kailangang magamit ang Filipino
sa pagtuturo at pagsusulat sa larangan ng Agham, Matematika, at
Teknolohiya. Ayon sa kanila, ang paggamit ng wikang Filipinio ay
nagdudulot ng mahusay, mabilis, at mabisang pag-unawa sa mga
asignaturang siyentipiko at teknikal.
Kamakailan lamang, napatunayan sa Third Global Math and Science
Study o TIMSS na higit na epektibo ang pagtuturo ng Agham at
Matematika sa wikang katutubo sa isang bansa.

WIKANG FILIPINO SA LARANGANG


PANLIPUNAN (Batas at Politika)
Wika ang pangunahing kasangkapan sa pag-uugnayan sa pagitan ng
namamahala Ang pamahalaan at ng pinamamahalaan o ang mga
mamamayan. Dahil dito, dapat gamitin ang wika sa komunikasyon ng
bayan para magkaunawaan. Sa larangang ito, ang daloy o proseso ng
komunikasyon ay dalawa ito ang paghahatid ng mensahe o atas ayon sa
nasa batas at ang tugon o sagot ng bayan. Kung gayon, dapat gamitin
ang wikang Filipino sa batas at politika. Dapat ding maging lengguwahe
ng hukumanang wikang ito. Tandaan nating habang mangmang ang
bayan sa batas, hindi mangingimi ang mga tao sa paggawa ngkabuktutan
at katiwalian — mga bagay na hadlang sa ninanais nating kaunlaran.
Samakatwid, susi ang wikang Filipino sa politika ng batas, sa
pagpapalaganap ng katarungan, at pagsugpo sakrimen na lumalaganap sa
administrasyon ng batas at politika. Ang layuning magkaisa ang ating
lahi sa ilalim ng katarungan at karangalang mahango ang mga
nabubuhay sa karalitaan, kawalang-muwang, at kawalan ng pagkakataon
upang sila man ay maging sangkap ng isang pamayanang pampolitika ay
magaganap lamang kung ang ating mga batas ay maisasalin sa wikang
Filipino at ang wikang ito ay gagamiting wika sa mga hukuman at sa
mga batasan kung saan ginagawa ang batas.

WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG


NEGOSYO AT INDUSTRIYA
Tayo ay pumapasok na sa bagong siglo. Ito ang daigdig ng cyberworld.
Nasa paligid natin ang mga site, Web, email, fax machine, at iba pang
kagamitan tungo sa mabilis na daluyan ng komunikasyon.
Ingles ang lengguwahe sa pandaigdigang ugnayan sa negosyo at
industriya. Ito rin ang lengguwahe sa internet. Ingles ang wikang
ginagamit ng mga mangangalakal sa pakikipag-ugnayan sa mga banyaga
at malalaking negosyante.
Ngunit sa sinasabing daigdig ng the internet at sa darating na panahon,
magkakaroon ng worldwide language at isang wika ang gagamitin sa
buong mundo. Ayon kay John Naisbitt sa aklat na Worldwide Oddity,
totoong magkakaroon ng isang wika tungo sa sinasabing worldwide
town.
Sa kabilang dako habang umuunlad ang iisang worldwide language ay
lalong pahahalagahan ng bawat bansa ang kanilang identity o sariling
pagkakakilanlan. Higit na pag-uukulan ng kahalagahan ang public
character. At hindi magkakaroon ng isang worldwide money related
cash dahil ang salaping ililimbag o gagawin ng bawat bansa ay
maglalaman ng kanilang sariling wika, sariling bayani, sariling
kasaysayan, at kultura.
Sa ganitong konsepto, totoo ang sinabi ni Brother. Andrew Gonzales na
mahalaga talaga ang wikang Filipino sa negosvo at industriya. Kahit na
sa daigdig ng the internet, ng mga babasahin tungkol sa larangang
pangkabuhayan, at mga iba pang may kinalaman sa negosyo at kalakal,
Filipino rin ang iiral at mangungunang wika ngayon at sa darating na
panahon, aniya.
Sa pagdagsa ng mga itinatayong industriya sa ating bansa, kukuha't
kukuha ng mga manggagawang Pilipino. Karamihan dito ay iyong mga
hindi nakaabot ng mataas na antas ng pag-aaral, ngunit nakauunawa
naman ng kaunting Ingles. Ngunit upang higit na mapakinabangan sila
sa mga itatayong industriya, kailangang turuan sila ng mga bagong
kakayahan sa paglikha ng mga produkto.
Dito papasok ang mga ekspertong Pilipino na mamumuno at magtuturo
ng mga kaalaman sa mga manggagawa. At dahil nga pinagtutuonan ng
pansin sa kasalukuyan ng mga itinatayong industriya sa bansa ang
pandaigdigang pamantayan ng anumang produktong lilikhain, hindi
Ingles kundi Filipino ang gagamitin upang turuan ang kanilang mga
manggagawa ng kakayahan at katalinuhan sa gawaing produkto.
Kaya kung titingnan natin ang mga halimbawa sa itaas na pahayag ay
mauunawaan natin kung paanong magiging kasangkapan ang wikang
Filipino sa pag unlad ng bawat larangan at lalo na ng ating bansa.

You might also like