Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

San Marcos Multi Purpose Cooperative

Ika-32 Taunang Pangkalahatang Pagpupulong


March 26, 2023 (Sunday)
San Marcos Elementary School

Sa atin pong Chairperson,/ Chairman Jose T. Agripa,/ sa ating Vice Chairman G. Joseph P.
Carangan,/ sa lahat ng officers at bumubuo ng Board of Directors,/ gayundin sa lahat ng
miyembro ng San Marcos Multi-Purpose Cooperative,/ isang mapagpalang Linggo po sa inyong
lahat.

Isang karangalan po/ na ang inyong lingkod/ ay maging bahagi ng inyong ika-32 pangkalahatang
pagpupulong./ Mula sa pagkakabuo ng inyong samahan sa ating simbahan/ at inirehistro sa
Cooperative Development Authority noong July 2, 1991/ ay malayo na po ang inyong narrating/
at marami na rin po ang inyong natulungang miyembro ng inyong kooperatiba./ Palakpakan po
ninyo ang inyong mga sarili/ sa patuloy nating operasyon sa kabila ng pagsubok na dulot ng
pandemya./ Mula sa inyong mga taunang proyekto/ katulad ng Koop Zumba,/ pamimigay ng
Hygiene kit for kinder students,/ Bingo Bonanza,/ mga programang pangkabuhayan o livelihood
programs/ at marami pang community service/ ay pinatunayan ninyo/ na ang inyong pagtulong
ay hindi lamang para sa inyong mga miyembro/ kundi para din sa ating mga kabarangay./ Tunay
na hindi matatawaran ang inyong dedikasyon/ at pagseserbisyo na walang hinihintay na
kapalit./

Ang tagumpay po ng SMMPC/ ay bunga ng inyong pagkakaisa,/ damayan/ at pagkakaroon ng unawaan


ng bawat isa./ Patuloy po tayong mag impok/ at maging responsableng miyembro ng kooperatiba./
Mabuhay ang San Marcos Multi-Purpose Cooperative!/

Chairman, baka naman po pwede akong miyembro ng inyong kooperatiba?/ (Pause) Muli,/ ako po ang
inyong Ninong Kevin Pagdanganan,/ kaisa nyo po sa paghahangad ng pag-unlad ng ating barangay./
Maraming salamat po/ at pagpalain kayo ng Dakilang Lumikha!

You might also like