Panukalang Proyekto

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

1|Page

I. Titulo ng Proyekto:

A U ( Alyansa’tUgnayan ng Kabataan)
Mula kay Jayreign Mae Faustino

55 Victoria Street

Barangay Sauyo

Quezon City

Ika-11 ng Nobyembre taong 2022

Haba ng panahong gugugulin: Isang buwan

Ang Alyasa’tUganayan ng Kabataan ay hindi lamang itinuturing pangalan ng organisasyon kundi


isa ring malaking proyekto na magiging daan para sa tuwid at maayos na landas ng kabataan.
Marahil lingid sa ating kaalaman na ang isa ang mga kabataan sa kinakaharap na problema ng
Pilipinas. Ang organisasyon at proyekto na ito ay mag bibigay gabay sa mga kabataan kung
paano at ano ang tama.

Ang A U ay inaasahang magaganap sa araw ng 11, buwan ng Nobyembre at taong 2022 upang
maging magandang salubong sa hinihintay ng lahat na Pasko at isa ring magandang pangunahin
na aktibidad sa darating na bagong taon. Ang pagsasagawa ng proyektong ito ay maaaring
tumagal hanggang isang buwan.

Ang organisasyon at aktibidad na ito ay bibigyang gabay ng ating mga butihing tagapag muno sa
Barangay Sauyo. Inimbitahan din ng organisasyong A U ang mga inaasahan na mga pinuno ng
mga kabataan sa skwelahan ng Unibersidad ng Pilipinas. Sila ang mag mumuno sa gagawing
pilian at mag a-anunsyo sa mga patakarang ginawa ng A U.
2|Page

II. Nilalaman
Titulo ng Proyekto …………………………………………………………………………. 1

Abstrak ……………………………………………………………………………………... 3

Konteksto .…………………………………………………………………………………... 3

Katwiran ng proyekto ……………………………………………………………………… 4

Pagpapahayag sa Suliranin ………………………………………………………….. 4

Prayoridad na pangangailangan …………………………………………………..... 5

Interbensyon ……………………………………………………….………………..... 5

Mag iimplementang organisasyon ……………..…………………………………..... 5

Layunin …………………………………………………..………………………………..... 6

Target ng benepisyaryo …………………………………………………………………..... 6

Implementasyon ng proyekto …………………………..………………………………..... 6

Iskedyul ……………………………………………………………………………..... 6

Alokasyon ………………………………………………………………..…………..... 7

Badyet ………………………………………………………………………………..... 7

Pagmonitor at Ebalwasyon …………………………………………………..……..... 8

Pangasiwaan at Tauhan ……………………………...……………………………..... 8

Lakip
3|Page

III. Abstrak:
Sa katagang ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan, maaari padin itong buhayin at patibayin sa
tulong ng mga ilalapat na proyekto, aktibidades, at mga mungkahi na tutulong sa pagsasaayos
ng lagay ng mga kabataan. Maaaring isipin ng nakararami na ang kabataan ngayon ay wala ng
pag-asa dahil sa mga kabilaang tukso na nag bibigay ng masamang impluwensiya sakanila.
Ngunit, ang panukalang proyekto na ito ay nag sagawa ng masistematiko at pormal na layunin
upang unti-unting matulungan ang mga kabataan sa mga suliraning kanilang patuloy na
hinaharap sa buhay at gayundin ang kanilang mga magulang.

Ang A U (Alyansa’tUgnayan) ay may planong aktibidades na kung saan ang mga kabataan ay
matuturuang maging malapit at interesado sa mga bagay na makakabuti sakanila at mailalayo
sila sa kahit ano mang pahamak o gulo na magdudulot ng kasiraan sakanila bilang isang bata o
bilang isang indibidwal.

IV. Konteksto:
Maluwag sa kaalaman ng lahat na ang salitang kabataan ay katumbas ng salitang “youth” sa
wikang ingles na kung saan dito nakapaloob ang mga indibidwal na mayroong edad na 19 at
pababa. Mula sa palaging naririnig sa mga mas nakaka tanda at mga nakikita sa mga sinauna
pang pag-aaral, ayon kay Dr. Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Ngunit kung
titignan ang kasalukuyang panahon ngayon, iilan na lamang sa mga kabataan ang mayroong
pagiisip na tulad ng meron kay Dr. Jose Rizal. Sa pag o-obserba, marahil makakapag isip ang
iilan na lumalabo na ang katagang ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan ng dahil sa ibat-ibang
dahilan.

Ang isa sa mga dahilan kung bakit nawawala sa landas ang mga kabataan ay dahil sa masamang
impluwensiya ng mga hindi nire-rekomendang produkto tulad ng alak. Marami sa kabataan ang
nalululong sa bisyo ng pag-iinom. Ayon sa pag-aaral ng Alcohol Res Health (2020), dahil sa
4|Page

lumalalang problema tungkol rito, ang mga eksperto ay nagsasagawa na ng mga pangunahing
aksyon upang tugunan ang suliranin na ito.

Ang pag buo ng aktibidades at mga plano para sa kabataan ay isang mabuti at higit na mabisang
paraan upang tuluyan ng buwagin ang koneksyon ng mga kabataan sa bisyo ng pag-iinom. Ang
mga planadong plataporma ay magiging mabisang daan sa pag ligtas at gawing mas malusog pa
ang mga kabataan sa bansang Pilipinas. (Academies Press, 2020).

V. Katwiran ng proyekto
1. Pagpapahayag sa Suliranin

• Paglayo ng loob ng mga kabataan sa nararapat nilang tinatahak.

• Maagang pagka lulong sa hindi tamang aktibidades.

• Tumataas na bilang ng krimen na dulot ng mga kabataan.

• Pagkawalang respeto ng mga kabataan sa nakakarami.

• Pagiging bigo ng mga kabataan sa pag tupad ng kanilang pangarap sa buhay.

• Pagsasawalang bahala sa mga taong nasa paligid.

Isa ang Barangay Sauyo sa nakikitaan ng iba’t ibang krimen, at karamihan pa ng


gumagawa ng bisyo ay mga kabataan. Talamak o madalas na nakakagawa at nakikitaan ng mga
krimen na karaniwang hindi naaasikaso at kinakalimutan na lamang. Isa rin sa mga problemang
lumilitaw ay ang kakulangan ng ebidensya sap ag-iimbestiga.

Sa kabila nito, isa sa mga suliraning kinakaharap ng Barangay Sauyo ay ang kakulangan
sa pag-disiplina at atensyon na nais ng kabataang nakagagawa ng bisyo mula sa mga
nakakasalamuha nila. Sa kadahilanang habang walang gumagabay sa kanila ay mas lumalala at
tumataas ang bilang ng mga kabataang nagkakaroon ng bisyo, maaaring dulot ito ng
pagsasawalang bahala ng mga ninanais nilang tumulong sa kanila. Karagdagan pa, hindi lamang
sa nasabing barangay ito nakikita o madalas nagkakaroon ng ganitong suliranin, kundi sa iba rin;
ang kawalan ng katiyakan sa kalusugan at kaligtasan ng kabataan, lalo na sa sunod sunod na
bisyo na kanilang nasusubukan. Kaya naman, maraming magulang ang nababahala para sa
kanilang mga anak at walang magawa kundi hayaan na lamang ito.
5|Page

2. Prayoridad na pangangailangan

• Matugunan ang mga lunas sa mga posibleng sakit sa kalusugan ng mga kabataan dahil sa
bisyo.

• Maibalik ang mga nararapat na gawain ng isang kabataan.

• Gawing mas kaaya aya sa mga kabataan ang mga aktibidades na isusulong.

• Lutasin ang mga posibleng dahilan ng pagkawalang respeto ng mga kabataan.

• Bigyan ang bawat kabataan ng magandang aral para sa magandang kinabukasan.

3. Interbensyon

Ang proyektong ito ay gagamitan ng pangunahin stratehiya na kung saan ang mga opisyales ng
organisasyon A U ay gagawa ng isang sarbey questionnaires na pinapalooban ng mga tanong na
nasasagot lamang ng “Oo”, “Hindi” at “Pwede”. Ang mga tanong ay pinili na kung saan ito ay
konektado sa suliraning kailangang tugunan ng mabisang solusyon.

4. Mag iimplementang organisasyon

Ang A U (Alyansa’tUgnayan) ay isang organisasyon at proyekto na maaaring asahan sa pag


tugon sa mga suliraning kinakaharap ng mga kabataan upang ito ay maitama. Dumaan sa
maiging pagsusuri at proyekto na ito bago ito tuluyang kumpiramahin at ipasa bilang proyekto
sa napiling baranggay. Ang A U ay pinapalooban ng mga maaasahang mga pinuno na
nakakaalam sa pag tuklas ng mga posibleng solusyon para sa espesipikong problema sa
kabataan.
6|Page

VI. Layunin
Sa pag sasagawa ng proyekto na ito, hindi magiging mabisa ang mga nakapaloob rito
kung walang maayos at sistematikong layunin. Ang proyekto at organisasyong
Alyansa’tUgnayan ay layuning matugunan ng mga espesipikong solusyon ang mga nasabi at
naobserbshan na problema na makikita sa mga kabataan sa napiling baranggay. Ito ay may
layuning lapatan ng aktibidades na kung saan ang mga kabataan ay may maraming matutunan
at maisasabuhay nila ang mga aral na nakuha nila sa proyekto. Layunin nitong magsilbing

VI. Target ng benepisyaryo


Ang proyekto at organisasyon na ito ay gagawa ng mga solusyon na tutugon sa problemang
kinakaharap ng mga sumusunod;

• Kabataan, sila ang pangunahin benepisyaryo ng proyekto na ito upang tuluyan nang gumanda
at umayos ang buhay na mayroon sila at mabalik ang mga karapat-dapat na ginagawa ng isang
kabataan.

• Magulang, sila ay matutulungan din ng proyekto na ito dahil posibleng malagay sa maayos na
estado ang kanilang minamahal na mga anak at tuluyang mawala ma ang problemang
dinadamdam ng mga ito.

• Pinuno ng mga youth fellowship, mas magkakaroon sila ng mga ideya kung paano nila
masasagawa ng maayos ang kanilang programa para sa mga kabataan.

• Mga mananalisik sa hinaharap, matutulungan sila ng proyekto na ito upang dagdagan pa ang
mga kaalaman sa kanilang gagawing pagsisipi na naaayon sa paksa na ito.

VII. Implementasyon ng proyekto

Iskedyul:

Sa unang aktibidad, ang mga naimbitahang lider ng mga kabataan sa Unibersidad ng Pilipinas
ay magsasagawa ng eleksyon sa kabataan sa napiling baranggay upang sila ang magiging
tagapag muno ng kabataan sa barangay.

Sa pangalawang aktibidad, ang mga napiling mga lider sa baranggay ay padadayuhin sa isang
pormal na pagpupulong.
7|Page

Sa pangatlong aktibidad, isasagawa na ang unang aktibidad na pamumunuan ng mga napiling


lider ng kabataan sa barangay na kung saan ang lahat ng kabataan ay aanyayahang gumawa o
magpasa ng mga tinatangi nilang aktibidad na gawin sa loob ng kanilang barangay.

Sa pang-apat, pagkatapos mag pasa ng mga mungkahi, ito ay kokolektahin ng mga lider at
ilalagay sa ginawang “drop box” at itatago ang mga mungkahing ginawa.

Sa pang lima, ang pinaka lider ng A U ay bubunot sa nasabing “drop box” ng unang aktibidad na
gagawin ng mga kabataan sa barangay.

Alokasyon:

• Sweldo para sa mga lider ng kabataan

• Mga premyo na maaaring makuha ng mga kabataan sa pagka panalo sa espesipikong


aktibidad.

• Pagkakaroon ng mga suplay na maaaring mag udyok sa mga iba pang kabataan na lumahok
sa mga aktibidades.

Badyet:

• Kagamitan para mga napiling aktibidad

= 25,000

• Iba pang kagamitan o “props” para sa gagawing programa

= 13,000

• Sweldo para sa mga lider

= 700 (bawat lider) (5)

Kabuoang total ng gastos = 41,500

Inaasahang kita galing sa mga “sponsor”

= 45,000 to 50,000

BADYET
• Kagamitan para mga • Iba pang kagamitan • Sweldo para sa mga • Sweldo para sa mga
8|Page

napiling aktibidad o “props” para sa lider lider


gagawing programa

= 25,000 = 13,000 = 700 (bawat lider) (5) = 41,500

INAASAHANG KITA GALING SA MGA “SPONSOR”


= 45,000 to 50,000

Ang mga kikitain ay para lamang sa mga kabataan ng napiling barangay.

Pagmonitor at Ebalwasyon:

Ang pagmomonitor ay isasagawa ng dalawang miyembro ng A U na kung saan sila ang naka
talaga sa pag obserba kung kailan magandang gawin ang aktibidad na napili. Sa Ebalwasyon
naman ay may dalawa ring inaasahan tao ang gagawan ng ebalwasyon na kung saan kailangan
nilang mai-rekord ang mga kaganapan sa programa o isinasagawang aktibidades. Ang apat na
napiling taga pag monitor at ebalwasyon ay gagamit ng manwal at computer software upang
maisagawa ng tama ang kanilang tungkulin.

Pangasiwaan at Tauhan:

Ito ay pangangasiwaan ni Jayreign Mae Faustino

Lakip:

Ang panukalang proyekto na ito ay maaaring makita ng naka buod sa ginawang “Infographics”
nga mga miyembro. (insert infographics or link)

You might also like