Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

5

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 5:
Mga Naunang Pag-aalsa Laban sa mga
Espanyol
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Mga Naunang Pag-aalsa Laban sa mga Espanyol
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Kessey Maristine A. Socorro


Editor: Retchie F. Quiñones
Tagasuri: Josephine T. Sardan
Nieves S. Asonio
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Richie C. Naingue
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Carmelita A. Alcala EdD
Joelyza M. Arcilla EdD Rosela R. Abiera
Marcelo K. Palispis EdD Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay EdD Elmar L. Cabrera

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Alamin

Panimula
Natutunan mo sa huling aralin ang pananaw at paniniwala ng mga katutubong
Muslim sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan sa kamay ng mga dayuhan.
Sa aralin natin ngayon, malalaman mo naman ang iba’t ibang sector at
organisasyon na nakibaka rin para sa kalayan ng bayan.
Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Most Essential Learning Competency (MELC)

Natataya ang partisipasyon ng iba’t ibang rehiyon at sektor (katutubo at kababaihan)


sa pakikibaka ng bayan
(AP5PKB-IVf-4)

MGA LAYUNIN

1. Natatalakay ang partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sektor


(katutubo) sa pakikibaka ng bayan. (AP5PKB-IVf-4)
1.1 Pag-aalsang Pangrelihiyon
1.2 Pag-aalsang Pang-ekonomiko
1.3 Pag-aalsang Politikal
2. Naipapakita ang kabayanihan ng ating mga katutubong Pilipino sa
pakikibaka laban sa mga Espanyol sa pamamagitan ng pagbuo ng
tula o awit.
3. Napapahalagahan ang pagmamahal sa bansa at pagiging responsabling
mamamayan.

1
Subukin Paano mo ito ipinakita o
ipinadama? Bakit mo
naramdaman ito?

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong kuwaderno.

1. Ang pag-aalsa ni Dagohoy ang tinaguriang pinakamahabang pag-aalsa. Bakit


kaya nagtagal ito?
A. Marami siyang tauhan
B. Marami syang armas
C. Nahirapan ang mga Espanyol na tugisin
D. Hindi siya nawalan ng loob at pag-asa sa pakikipaglaban

2. Paano isinagawa ng mga Itneg ang kanilang pag-aalsa?


A. Malinis na paraan C. Pagpugot sa ulo ng mga pari
B. Hindi pagbayad ng buwis D. Pinatay ang Heneral

3. Ang sumusunod ay dahilan ng pagkakabigo ng mga unang pag-aalsa ng mga


Filipino laban sa mga Espanyol maliban sa isa___.
A. Topograpiya ng Pilipinas
B. Kakulangan sa pondo
C. Kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma
D. Kakulangan sa pagkakaisa

4. Pinamumunuan niya ang Basi Revolt sa Ilocos dahil sa paghihigpit ng mga


Espanyol sa produksyon at pagbenta ng pribadong sektor ng alak.
A. Pedro Alamzon C. Gabriela Silang
B. Pedro Ambaristo D. Hermano Pule

5. Ang mga sumusunod ay parte ng Pilipinas na nasakop ng mga Espanyol


Maliban sa_____.
A. Cordillera C. Laguna
B. Mindanao D. Cebu

6. Pinagtatrabaho ng mga Espanyol ang mga katutubo tulad ng paggawa sa


sasakyang pantubig, walang pahinga at ipinadadala sa malayong lugar.
Kumukolekta sila ng buwis sa mga bata, matatanda at sa mga alipin. Ano ang
ipinahihiwatig nito?
A. pang-aabuso sa mga katutubo
B. pagpatupad ng tuntunin
C. pagbibigay laya sa mga katutubo
D. pagdidisiplina sa mga katutubo

2
7. Ang mga sumusunod ay dahilan ng pag-aalsa maliban sa___
A. Hindi makatarungang polo y servicio
B. Tributo
C. Pamimigay ng mga lupain
D. Pagpatay

8. Ano ang kaparusahan sa mga pinunong hindi nagtagumpay sa pag-aalsa?


A. Binitay C. Inalipin
B. Pinagsabihan D. Pinalayas

9. Ang pagkamatay ni Diego Silang ay hindi naging sagabal upang matigil ang
layunin na masugpo ang pagmamalabis ng Espanyol. Ito ay pinagpatuloy ng
kanyang asawa na si _____
A. Gregoria Silang C. Marcela Agoncillo
B. Teresa Magbanua D. Gabriela Silang

10. Sino ang pinuno ng kauna-unahang naitalang Pilipino na nagpakita ng pagtutol


sa pananakop ng mga Espanyol?
A. Diego Silang C. Tamblot
B. Lapu-lapu D. Francisco Dagohoy

Balikan

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang pangugusap ay


nagpapakita ng pananaw at paniniwala ng mga Muslim at ekis (×) kung
hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

____1. Malaki rin ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kalayaan.


____2. Ang relihiyong Islam ay ang paraan din ng pamumuhay ng mga
Muslim kung kaya ito ay kanilang ipinaglaban.
____3. Ang pagsakop sa kanilang teritoryo ay nangangahulugan ng
malaking digmaan hanggang kamatayan.
____4. Tinalikuran nila ang kanilang relihiyon at tinanggap ang relihiyong
Katoliko.
____5. Ang pakikipaglaban ay pagpapakita ng kanilang pagtatanggol sa
kanilang kinagisnang relihiyon.
____6. Nais ng mga Muslim na magpasakop sa mga Espanyol.

3
____7. Mataas ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kanilang “pinuno” datu o
sultan gayundin sa kanilang pamahalaan, ang pamahalaang sultanato.
____8. Handa nilang isuko ang kanilang teritoryo sa kahit anumang kahinatnan
ng labanan.
____9. Malaki ang tiwala ng mga Muslim sa mga Espanyol.
____10. Ugali ng mga Muslim na hindi sila basta nakikipagkasundo.

Tuklasin
Basahin ang tulang “HIBIK NG MGA PILIPINO.”

HIBIK NG MGA PILIPINO


By: LUIS G. CULABA

Walang patid ang daloy ng luha araw at gabi


Bata man o matanda ay nawawalan ng ngiti
Sa hambalos ng matigas na buka ng sandata
Lalong nanginginig at ninanakawan ng pandama

Sadyang malupit ang pamununo ng Espanya


Buhay ng mga Pilipino ay tila walang kwenta
Ang sinumang maglakas loob tumutol
Tiyak na kamay at ulo mo ay putol

PAG-USAPAN NATIN

1. Ano-ano ang reaksyon ng mga Pilipino ayon


sa tula?
2. May dahilan ba ang kanilang hinagpis?

Handa ka na bang malaman kung bakit ganun ang


reaksyon ng mga Pilipino laban sa Espanya? Sa
araling ito, pag-aaralan natin ang partisipasyon ng
iba’t ibang rehiyon at sector sa pakikiba ng bayan.

https://www.google.com/url?sa=i&url=htt
ps%3A%2F%2Fwww.clipartkey.com%2Fvie
w%2FToTwb_girl-reading-clip-art-girl-
reading-
4
clipart%2F&psig=AOvVaw3eEhYNEBrTAcG
3_-
9jLGAs&ust=1620129139424000&source=i
mages&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCJjBy
Suriin
Ang Partisipasyon ng Iba’t Ibang Rehiyon at Sektor sa Pakikibaka ng Bayan
Ang pag-aalasa o paggamit ng armas ay unang naging pagtugon ng mga
Pilipino sa pagtrato sa kanila ng mga Espanyol. Tulad ng ginawa ni Lapu- Lapu
noong 1521, ipinasiya ng ibang mga Pilipino na tapatan ng dahas ang hindi
maayos na pagtrato sa kanila ng mga Espanyol. Magkakaiba ang mga
dahilang nagbunsod sa kanilang paglulunsad ng rebelyon. Narito ang mga
sanhi at bunga ng pag-aalsa ng iba’t ibang rehiyon at
sektor na naganap sa
kasaysayan. Ano ano ang naging partisipasyon
ng iba’t ibang rehiyon at sector sa
pakikibaka sa bayan?

Mga Pag-aalsang Politikal https://www.google.com/url?sa=i&


Pinalitan ng mga Espanyol ang mga datu at maharlika url=https%3A%2F%2Fwww.vectors
bilang pinakamataas na pinuno sa pamayanan. Ang mga babaylan at
katalonan ay tinanggalan ng kapangyarihan bilang mga pinuno ng aspektong
espirituwal. Dahil dito, nagsagawa ng mga pag-aalsa ang mga dating datu at
babaylan upang manumbalik ang kapangyarihan nilang mamuno sa kanilang
nasasakupan.
Pag-aalsa ni Lakandula (1574)
• Hindi pagtupad sa ipinangako sa kanila ni Gobernador-
Heneral Miguel Lopez de Legazpi na malibre sa
pagbabayad ng buwis at polo ang mga kaanak ni
Lakandula, ang huling hari ng Maynila.
• Tinanggal ang mga pribilehiyong ito nang palitan si
Legazpi ni Guido Lavezares bilang gobernador-heneral
ng Pilipinas.
Pag-aalsa ng mga Datu ng Tondo (1587-1588) https://tinyurl.com/yy
qzat2q
• Ninais ng mga datu-sa pangunguna nina Magat
Salamat, Martin Pangan, Juan Banal, at Pedro Balingit-na mabawing
muli ang kanilang kalayaan at karangalan.
• Maagang natuklasan kaya pinapatay o pinatapon sa ibang bahagi ng
bansa (hal. Mexico) ang mga nadakip na pinuno.

Mga Pag-aalsang Panrelihiyon


Dahil sa pagpalaganap ng mga Espanyol sa Kristiyanismo, maraming
Filipino ang tumalikod sa kanilang katutubong paniniwala at nagpabinyag
bilang mga Kristiyano.

5
Nasa ibaba ang iba pang pag-aalsang isinagawa ng mga katutubo
bilang protesta sa Kristiyanismo. Marami sa kanila ang pinugutan, tinuhog ang
ulo sa kawayan, at ibinandera ng mga Espanyol sa mga indio bilang babala
sa maari nilang sapitin kung sila ay lalaban sa simbahan.

Pag-aalsa ng mga Igorot (1601)


• Pagtutol sa pagbibinyag sa mga Igorot ng hilagang Luzon sa
Kristiyanismo alinsunod sa utos ni Gobernador-Heneral Francisco de
Tello de Guzman.
• Hindi nagtagumpay ang mga Espanyol na ipasailalim ang mga Igorot.

Pag-aalsa ni Bancao (1621)


• Pinamunuan ni Datu Bancao ng Carigara na lumaban sa Simbahang
Katolika ng Leyte.
• Katuwang ang babaylan na si Pagali (na gumamit umano ng “mahika”)
ay nagtayo ng mga dambana para sa mga anito, at hinikayat ang ilang
bayan na sumapi sa kanila at makilahok sa pag-aalsa.
• Nasupil ang kanilang rebelyon at pinugutan ng ulo
si Bancao.

Pag-aalsa ni Tamblot (1621-1622)


• Pagtutol ng mga Boholano sa Kristiyanismo sa
pamumuno ng dating babaylan na si Tamblot.
Isinagawa ito unang araw ng pista ni St. Francis
Xavier.
• Nasupil ang pag-aalsa sa pagsapit ng Bagong
Taon ng 1622.
https://tinyurl.com/yxvywth2

Pag-aalsa ng mga Itneg (1625-1627)


• Pinamumunuan nina Miguel Lanab ng Cagayan at Alababan ng Apayao
• Pinugutan ng ulo ang dalawang misyonerong Dominican at hinikayat
ang mga Itneg na magnakaw, dumumi sa mga imahen ng santo at
sunugin ang mga lokal na simbahan bilang protesta sa sapilitang
pagbibinyag sa kanila sa Kristiyanismo.
• Nasupil noong 1627 sa utos ni Gobernador-Heneral Fernando de Silva.

Pag-aalsa ni Tapar sa Panay (1663)


• Pinangunahan ni Tapar ng Iloilo na naghahangad na magtayo ng
bagong sangay ng Kristiyanismo sa bayan ng Oton kung saan ay
kilalanin siya bilang “Diyos na Makapangyarihan”.
• Agad na nasupil at pinatay ang mga lumahok sa rebelyon.

6
Pag-aalsa ng mga Magtangaga ng Cagayan (1718)
• Pinamumunuan ni Francisco Rivera na ninais na matawag na “Papa
Rey” (Papa o ‘pope’, at hari)
• Pinigilan niya ang mga katutubo ng Tuguegarao na ipagpatuloy ang
pagtangkilik sa Kristiyanismo at hinimok ang pagsasauli sa mga prayle
ng ibinigay nilang mga rosary at iskapularyo
• Marami sa mga kasapi ang tumalikod sa marahas na pamumuno ni
Rivera, at agad ding nasupil ang rebelyon ng mga sundalong Espanyol.

Pag-aalsa ni Francisco Dagohoy sa Bohol (1744-1829)

• Itinuturing na pinakamahabang pag-aalsa sa


Pilinas ang pinamunuan ni Francisco Dagohoy
sa Bohol noong 1744. Simula nang magpataw
ng mga bagong patakarang pang-ekonomiya
ang mga Espanyol ay mahigpit na itong tinutulan
ni Dagohoy. Higit na nagpaalab sa galit ni
Dagohoy ay ang pagtutol ng kura na bigyan ng https://tinyurl.com/y6ml2ysw
marangal na libing ang kaniyang konstableng kapatid.

Pag-aalsa ni Apolinario dela Cruz sa Tayabas (1840-1841)


• Nagalit si Apolinario dela Cruz o Hermano
Pule dahil tinanggihan siyang maging pari at TULONG-KAALAMAN
kilalanin ang kaniyang samahang Cofradia de Cofradia de San
San Jose Jose-isang kapatirang
panrelihiyon na
• Dinakip at pinatawan ng kamatayan. kinabibilangan ng mga
indo.
Mga Pag-aalsang Ekonomiko
Mahigpit na tinutulan ng mga katutubong Filipino ang mga patakarang
pangkabuhayan na ipinapatupad ng mga banyaga sa kanila gaya ng
pagbubuwis, sapilitang paggawa, monopolyo, at kalakalang galyon.
Pinakatanyag sa mga pag-aalsang ito ang isinagawa ni Diego Silang at ang
ilan pang pag-aalsang may motibong ekonomiko ay ang mga sumusunod:

Pag-aalsa ni Magalat (1596)


• Kasama ang kaniyang kapatid, tinutulan ni Magahat, isang rebelde mula
Cagayan, ang di-makatuwirang paniningil ng buwis ng mga Espanyol.
• Ipinapatay ng mga Espanyol sa mga indio na nakilahok sa pag-aalsa ni
Magalat.

Pag-aalsa ni Ladia sa Malolos, Bulacan (1643)


• Pinamunuan ni Pedro Ladia-isang Moro na taga –Borneo na naniniwalang mula
siya sa lahi ng Lakandula.

7
• Kinumpiska ang kaniyang ari-arian ng mga Espanyol na nagtulak sa kaniya na
mag-alsa laban sa mga mananakop
• Dinakip at dinala sa Maynila kung saan siya sinentensiyahan ng kamatyan

Pag-aalsa ni Sumuroy (1649-1650)


• Pinamunuan ng Waray na si Agustin Sumuroy ang pag-aaklas laban sa
polo y servicio sa Samar. Taliwas sa patakaran
ng polo, ang mga Waray ay ipinadala sa mga TULONG-KAALAMAN
pagawaan ng barko sa Cavite, malayo sa Polo y servicio- ay
kanilang tirahan sapilitang
pagtratrabaho ng mga
• Sumiklab ang pag-aalsa sa Cavite at umabot sa kalalakihang Pilpino
Mindanao, Bicol, Cebu, Masbate, Camiguin, noong 1580.
Zamboanga, at hilagang Mindanao.
• Humina ang pag-aalsa hanggang sa tuluyang masupil nang madakip at
ipapatay ng mga Espanyol si Sumuroy at iba pang lumahok sa pag-alsa.

Pag-aalsa ni Maniago (1660-1661)


• Pinamunuan ni Francisco Maniago ng Mexico, Pampanga
• Pagtutol ng mga Kapampangan sa sapilitang paggawa sa mga galyon
at sa hindi pagbabayad ng pamahalaan sa mga biniling palay mula sa
mga magsasaka
• Nasupil ni Gobernador-Heneral Sabiniano Manique de Lara gamit ang
“divide and rule policy”.

Pag-aalsa ni Malong sa San Carlos, Pangasinan (1660-1661)


• Pinamunuan ni Andres Malong
• Nag-ugat sa hindi pagbabayad ng mga Espanyol ng kaukulang sahod
sa libo-libong katutubong nagtatrabaho sa pagawaan ng barko
• Kinalaban ang mga opisyal na Espanyol lamang at hindi ang kaparian o
ang simbahan
• Agad nasupil ng mga Espanyol

Pag-aalsa ni Almazan sa San Nicolas, Loaga, Ilocos Norte (1661)


• Pinamunuan nina Don Pedro Almazan--isang mayamang pinuno ng
Laoag na kinoronahan noong 1660 bilang Hari ng Ilocos--at Juan
Magsanop--pinuno ng Bacarra, Bangu.

Pag-aalsang Agraryo sa Katagalugan (1745-1746)


• Malawakang pag-aalsa ng mga magsasaka ng rehiyon ng Katagalugan,
sa pangunguna ng mga lalawigan ng Batangas, Laguna, at Cavite dulot
ng pangangamkam ng mga prayle sa kanilang lupa
• Hindi nagtagumpay, bagkus ay walang lupang naibalik sa mga
magsasaka.

8
Pag-aalsa ni Diego Silang at Gabriela Silang (1762-1763)
• Nag-alsa si Diego Silang dahil sa buwis at pagnanais na palayasin ang
mga Espanyol. Pinatay ng kaniyang kaibigang si Miguel Vicos.
• Ipinagpatuloy ni Gabriela Silang ang ipinaglalaban ng asawa. Nahuli si
Gabriela at binitay.
Pag-aalsang Basi (1807)
• Pinamunuan ng isang Pedro Ambaristo sa
kasalukuyang Piddig, Ilocos, Norte.
• Nag-ugat sa paghihigpit ng mga Espanyol sa
produksiyon at pagbebenta ng basi--isang uri ng
alak mula sa tubo.
• Ipinagbawal ang pribadong produksiyon ng alak.
Dahil dito, napilitan ang mga Ilocano na bumili ng
basi sa pamahalaan sa higit na mataas na halaga. https://tinyurl.com/y6df47gj
• Makalipas ang ilang linggo ng pag-aalsa, nasupil din agad ito ng mga
Espanyol.

PAG-USAPAN NATIN

1. Bakit kaya napakaraming pag-aalsa ang naganap


noon sa iba’t ibang rehiyon laban sa mga Espanyol?
2. Paano naipakita ng iba’t-ibang rehiyon at sektor ang kanilang
pakikibaka para sa bayan?
3. Paano nakatulong sa mga Pilipino ang naging pag-aalsa ng iba’t-ibang
rehiyon at sektor ng lipunan?
4. Ano ang ating natutunan sa kabayanihan ng mga Pilipino laban sa mga
Espanyol?
5. Sa panahon ngayon, paano ipinapakita ang pag-
aalsa? Makatarungan ba ang ginagawang pag-
aalsa? Bakit? Bakit hindi?

9
Pagyamanin

Gawain
A. Tukuyin kung ito ay pag-aalsang panrelihiyon, ekonomiko, o politikal
ang mga sumusunod. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

_________ 1.Pag-aalsang Basi

_________ 2.Pag-aalsa ng mga Datu ng Tondo


_________3.Pag-aalsa ni Diego Silang

__________4.Pag-aalsa ng mga Itneg


__________5.Pag-aalsa ni Bancao

B. Pagtambalin. Piliin sa Kolum B ang namuno na inilarawan sa Kolum A.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno..

Kolum A Kolum B

1. Nagalit siya dahil tinanggihan ang A. Francisco Dagohoy


hangarin niyang maging pari at B. Lakandula
kilalanin ang kanyang samahan. C. Tamblot
D. Magalat
2. Siya ang pinuno ng
E. Apolinario dela Cruz
pinakamahabang pag-aalsa sa
Pilipinas.
3. Siya ang huling hari ng Maynila.
Pinamumunuan ang pag-aalsa
dahil hindi tumupad sa pangako
ang mga Espanyol na hindi
pagbabayarin ng buwis at polo ang
kanyang mga kaanak.
4. Isang dating Boholanong babaylan
na tumutol sa Kristiyanismo
5. Mula Cagayan na tinutulan ang di-
makatuwirang paninigil ng buwis.

10
Isaisip

Bilang kabataan, paano mo maipamamalas ang iyong pagmamahal sa bansa? Paano


mo rin mahihikayat ang kabataang tulad mo na isakatuparan ang kanilang mga
tungkulin bilang mamamayan ng bansa?

Isulat ng patalata ang iyong sagot. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Rubrik sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Mahusay na naisulat ang buong kaisipan ukol sa paksa 5
Nasunod ang tamang pamantayan sa pagbuo ng talata ukol 3
sa paksa
Malinis at malinaw ang pagkagawa o pagkasulat ng talata 2
ukol sa paksa
Kabuuang Puntos 10

Isagawa
Panuto: Ipakita ang kabayanihan ng ating mga katutubong Pilipino sa
pakikibaka laban sa mga Espanyol sa pamamagitan ng pagbuo ng isang tula
o awit.Gawin ito sa iyong kuwaderno.

11
Rubrik sa Paggawa ng Tula o Awit

PAMANTAYAN
5 4 3 2 1
(Napakahusay) (Mahusay) (Katamtaman) (Di-gaanong (Sadyang di-
mahusay) mahusay)
Naipakita ng Naipakita sa Bahagyang Kunting- Hindi naipakita
lubusan ang nabuo ang naipakita sa kaunti sa nabuo ang
kabayanihan ng kabayanihan nabuo ang lamang ang kabayanihan
ating mga ng ating mga kabayanihan naipakita sa ng ating mga
Katutubong Katutubong ng ating mga nabuo ang Katutubong
Pilipino sa Pilipino sa Katutubong kabayanihan Pilipino sa
pakikibaka pakikibaka Pilipino sa ng ating mga pakikibaka
laban sa mga laban sa pakikibaka Katutubong laban sa mga
Espanyol. mga laban sa mga Pilipino sa Espanyol.
Espanyol. Espanyol. pakikibaka
laban sa
mga
Espanyol.

Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa iyong kuwaderno.

1. Sino ang pinuno ng kauna-unahang naitalang Pilipino na nagpakita ng


pagtutol sa pananakop ng mga Espanyol?
A. Diego Silang C. Tamblot
B. Lapu-lapu D. Francisco Dagohoy

2. Pinamumunuan niya ang Basi Revolt sa Ilocos dahil sa paghihigpit ng mga


Espanyol sa produksyon at pagbenta ng pribadong sektor ng alak.
A. Pedro Alamzon C. Gabriela Silang
B. Pedro Ambaristo D. Hermano Pule

3. Ang mga sumusunod ay parte ng Pilipinas na hindi nasakop ng mga


Espanyol maliban sa___.
A. Cordillera C. Laguna
B. Mindanao D. Cebu

12
4. Ano ang kaparusahan sa mga pinuno ng hindi nagtagumpay na pag-aalsa?
A. Binitay C. Inalipon
B. Pinagsabihan D. Pinalayas

5. Paano isinagawa ng mga Itneg ang kanilang pag-aalsa?


A. Malinis na paraan C. Pagpugot sa ulo ng mga pari
B. Hindi pagbayad ng buwis D. Pinatay ang Heneral

6. Ang pagkamatay ni Diego Silang ay hindi naging sagabal upang matigil ang
layunin na masugpo ang pagmamalabis ng mga Espanyol. Ito ay
pinagpatuloy ng kanyang asawa na si ___.
A. Gregoria Silang C. Marcela Agoncillo
B. Teresa Magbanua D. Gabriela Silang

7. Ang pag-aalsa ni Dagohoy ang tinaguriang painakamahabang pag-aalsa.


Bakit kaya nagtagal ito?
A. Marami siyang tauhan
B. Marami syang armas
C. Nahirapan ang mga Espanyol na tugisin
D. Hindi siya nawalan ng loob at pag-asa sa pakikipaglaban
8. Ang mga sumusunod ay dahilan ng pag-aalsa Maliban sa___
A. Hindi makatarungon polo y servicio
B. Tributo
C. Pamimigay ng mga lupain
D. Pagpatay

9. Ang sumusunod ay dahilan ng pagkakabigo ng mga unang pag-aalsa ng


mga Filipino laban sa mga Espanyol Maliban sa ____
A. Topograpiya ng Pilipinas
B. Kakulangan sa pondo
C. Kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma
D. Kakulangan sa pagkakaisa

10. Pinagtatrabaho ng mga Espanyol ang mga katutubo tulad ng paggawa sa


sasakyang pantubig, walang pahinga at ipinadadala sa malayong lugar.
Kumukolekta sila ng buwis sa mga bata, matatanda at sa mga alipin. Ano
ang ipinahihiwatig nito?
A. pang-aabuso sa mga katutubo
B. pagpapatupad ng tuntunin
C. pagbibigay laya sa mga katutubo
D. pagdidisiplina sa mga katutubo

13
Karagdagang Gawain

Panuto: Gamit ang tsart, isulat ang mahahalagang pangyayari sa mga naunang
pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa Espanya.Gawin ito sa iyong notbuk.

Namuno Pangyayari
Pag-aalsa ni Francisco Dagohoy

Basi Revolt

Pag-aalsa ni Lakandula at Sulayman

Pag-aalsa ni Sumuroy

Pag-aalsa ni Maniago

Pag-aalsa ni Apolinario dela Cruz

Pag-aalsa ni Pedro Almazan

Pag-aalsa ni Tapar

Pag-aalsa ni Datu Bancao

Pag-aalsa ni Tamblot

14
Susi sa Pagwawasto
Subukin
Isaisip
1. D
2. C (Iba- ibang kasagutan ng mga bata.)
3. A Isagawa
4. B
5. B Iba-iba ang sagot ng mga bata.
6. A
7. C Tayahin
8. A
1. B
9. D
10. B
2. B
3. B
Balikan 4. A
1. / 5. C
2. / 6. D
3. / 7. D
4. X 8. C
5. / 9. A
6. X 10. A
7. /
8. X Karagdagang Gawain
9. X
10./ Iba-iba ang maaaring sagot ng mga
Pagyamanin bata.

Gawain

A.
1. Ekonomiko
2. Politikal
3. Ekonomiko
4. Relihiyon
5. Relihiyon
B.

1. E
2. A
3. B
4. C
5. D

15
Sanggunian

Aklat
Gabuat, Maria Annalyn P. et al. Araling Panlipunan. Pilipinas Bilang Isang Bansa. Batayang
Aklat, Ikalimang Baitang. Quezon City: Vibal Group Inc., 2016.

http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-4-lms.html

Internet

https://tinyurl.com/yxnrnced
https://tinyurl.com/yyqzat2q
https://tinyurl.com/yxvywth2
https://tinyurl.com/y6ml2ysw
https://tinyurl.com/y6df47gj
https://tinyurl.com/y56aptra

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like