Ang Hindi Inaasahang Pagbabago

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Ikapitong Pangkat (Group 7) 11 Stem 12 – Masagana

Ang Hindi Inaasahang Pagbabago


Matagal ng magkakilala si Brando at Damara, ngunit hindi sila mag kasundo dahil sa hindi
magandang asal na ipinapakita ni Brando kay Damara. Nagtagpo ang kanilang landas
sa kanilang baryo dahil kilala si Brando bilang isa sa mga siga at mapang api sa kanilang
lugar, at dahil isang maliit at inosente lamang si Damara siya ang madalas na puntirya ni
Brando at ng mga kaibigan nito. Laging iniisip ni Damara ang dahilan kung bakit ganoon
na ang pagtrato sa kanya ni Brando.

Si Brando ay isang pusa na hindi kagandahan ang pag uugali, siya ay walang
kinatatakutan at mahilig mangmaliit ng kanyang kapwa, dahil wala ng gumagabay sa
kanya simula ng mawala ang kaniyang mga magulang. Labing anim na taong gulang
palamang si Brando ng masangkot sa isang aksidente kaniyang mga magulang, simula
noon siya ay namuhay na magisa, napabarkada at napariwara ang buhay.

Samantala si Damara, siya ang kabaliktaran ni Brando. Si Damara ang munting daga na
mayroong napakabuti at mapagpatawad na puso. Siya ay matalik na kaibigan noon ni
Brando, ngunit sa mga karanasang napagdaanan ni Brando nag iba ang kanilang
samahan, dahil nagiba na rin ang paguugali ni Brando.

Isang araw, napadaan si Damara sa tirahan ni Brando at napansin niyang mukhang


walang tao sa loob ngunit mayroong usok na nanggagaling sa likod na bahagi ng tahanan
nito. Nabigla si Damara ng makita niya ang nagbabagang apoy sa likod ng bahay ni
Brando, agad niyang kinuha ang fire extinguisher at sinubukang puksain ang nagliliyab
na apoy. ‘Di kalaunan tumawag na siya ng tulong upang mapuksa ang nag liliyab na apoy
na nag mula sa tahanan ni Brando. “Tulungan niyo ako nasusunog ang likod bahay ni
Brando, tulungan nyo akong mapatay ang apoy para hindi na ito kumalat!” ang
pagpapanik na sabi ni Damara. Agad namang tumulong ang mga kapitbahay ni Brando
upang mapuksa ang nagbabagang apoy, ‘di nagtagal napatay na nila ang apoy na muntik
nang kumalat sa kanilang baryo.
Makalipas ang ilang oras dumating si brando at nagulat s’ya sa kanyang naabutan, dahil
muntik na maging abo ang nagiisang iniwanan na alaala ng kaniyang mga magulang.
Agad na lumapit si Damara at ipinaliwanag ang mga nangyari.

Hindi makapaniwala si Brando sa katapangang ginawa ni Damara, dahil sa kabila ng


hindi magandang pagtrato niya kay Damara, hindi siya nagdalawang isip na puksain ang
apoy sa tahanan ni Brando. Nakatulala lamang si Brando habang iniimbistigahan ng mga
bumbero ang kaniyang bahay, at kinakausap ni Damara ang mga ito.

Tila hindi maisip ni Brando ang susunod na mangyayari sa kanya kung hindi siya
tinulungan ni Damara, nang lumapit si Damara kay Brando, binigyan nya ng isang
mahigpit na yakap si Damara at nagpasalamat siya. Bukod sa pagpapasalamat, humingi
s’ya ng tawad sa hindi magandang pagtrato niya kay Damara, at sinabi ang dahilan kung
bakit niya ito nagagawa sa kanya.

Sa lungkot na dala ng pagsubok sa buhay ni Brando, hindi niya napapnsin ang mga taong
nagmamalasakit sa kanya, kaya naman ang kanyang paguugali ay nagiba, at unti unti
niyang itinitulak ang mga taong gusto lamang siyang tulungan, ngunit sa isang sitwasyon
siya ay nagising na lamang sa katotohanan, na hindi siya nagiisa at mayroong mga
nagmamahal sa kanya, na gusto siyang suportahan at samahanan, kahit na pilit nyang
itinutulak ang mga ito palayo sa kanyang buhay.

Simula ng kaganapang iyon, muling naging magkaibigan si Brando at Damara at


namuhay na ng normal at malayo sa gulo si Brando. Sa ating buhay hindi dapat natin
antayin pang may mangyaring hindi maganda bago natin buksan at palawakin ang ating
puso’t isipan, dahil kadalasan nasapaligid na natin ang mga mayroong malasakit sa atin
ngunit hindi natin ito napapansin, dahil hinahayaan natin na ang problema ang magwagi
sa pagkontrol ng ating pamumuhay sa araw araw.
Miyembro ng grupo:
Bumuo at Nagbasa ng kwento: Princess Lucky Flores
Nagisip at Nagbasa ng kwento: Jashana Venisse Mercader
Nagisip ng kwento: Nicole Escorial
Nagisip ng kwento: Justine Kerby Gabin
Nagisip ng kwento: Jonnalyn Morada

You might also like