Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 27

10

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Sanaysay, Talumpati at
Editoryal
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Sanaysay, Talumpati at Editoryal
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon XI, Pilipinas.


Regional Director: Evelyn R. Fetalvero
Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ian Rey Z. Rosillo
Editor: Marlyn A. Publico, Amparo May E. Lontok, Delsie L. Porras
Tagasuri: Gloria C. Sabanal, Penie O. Vasquez, Ana Lorma A. Dahiroc
Tagaguhit: Ian Rey Z. Rosillo
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Technical Support: Rosalie D. Panlaan
Tagapamahala:
Evelyn R. Fetalvero Dee D. Silva
Mary Jeanne B. Aldeguer Eduard C. Amoguis
Analiza C. Almazan Ernie M. Aguan/Marilyn E. Sumicad
Ma. Ceilo D. Estrada Lourdes Navarro
Mary Jane M. Mejorada Marlyn A. Publico

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Davao del Norte Division

Office Address: Mankilam, Tagum City


Davao del Norte
Telefax: (084) 216 0188
E-mail Address: depeddavnor.lrms@deped.gov.ph
10
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Sanaysay, Talumpati at
Editoryal
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat
pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga kasagutan
mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga
gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa, pagsagot
at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa
susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng
mga gawain.
Kung mayroon kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang
gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o tagapagdaloy.
Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa
pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang isang makabuluhan,
masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang
pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Isang mapagpalang araw sa iyo kaibigan! Sa linggong


ito pagtuunan naman natin ng pansin ang paksang
Sanaysay bilang isang talumpati at editoryal.

Ang araling ito ay naglalaman ng paksang sanaysay bilang isang


akdang pampanitikan na naglalahad ng opinyon ng isang manunulat tungkol
sa isang paksa. Nailalahad din sa modyul na ito kung bakit napabilang ang
isang talumpati at editoryal sa isang sanaysay.
Nakasusuri rin ng isang napanood na balita batay sa paksa at paraan
ng pagbabalita. Bilang karagdagan sa modyul na ito nahihimok ang mag-
aaral sa pagbibigay ng sariling opinyon sa napapanahong isyu sa isang
talumpati.
Sa pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang mahuhubog ang mga
pangkasanayang dapat matamo lalo na sa usaping sanaysay, talumpati at
editorial.
Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga
sumusunod:

Mga Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)


1. Sanaysay:Naiuugnay nang may panunuri sa sariling saloobin at
damdamin ang naririnig na balita, komentaryo, talumpati, at iba pa
(F10PN-IIg-h-69)
2. Naiuugnay ang mga argumentong nakuha sa mga artikulo sa
pahayagan, magasin, at iba pa sa nakasulat na akda (F10PN-IIg-h-69);
3. Nabibigay ang sariling pananaw o opinyon batay sa binasang anyo ng
sanaysay (Talumpati o editorial) (F10PB-Iii-j-71);
4. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang di lantad ang kahulugan sa
tulong ng word association (F10PT-IIg-h-69);
5. Nasusuri ang napanood na pagbalita batay sa: paksa, paraan ng
pagbabalita at iba pa (F10PD-IIg-h-68); at
6. Naipapahayag ang sariling kaalaman at opinyon tungkol sa isang paksa
sa isang talumpati (F10PS-IIg-h-71).

Ihanda ang sarili kaibigan, dahil sisimulan mo na ang mga


gawain sa araling kapupulutan ng aral.

1
Subukin Natin

Bago tayo tutungo sa naturang aralin mga kaibigan,


subukin at sukatin mo muna ang ating kaalaman sa
pamamagian ng pagsagot sa mga katanungan sa baba.

PAUNANG PAGTATAYA

A. Panuto: Basahin ang mga gabay upang mabuo ang palaisipan.

1.
2.

4.

3.

5.

Pahalang:
2. Isang uri ng komposisyon na naglalaman ng mga kuro-kuro o opinyon
ng may akda.
3. Kalimitang nababasa ang mga balita, opinyon at lathalain.
4. isang lathalain sa pahayagan o magasin na nagsasaad ng puna ng
editor.

2
Pababa:
1. opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita
sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao.
5. isa sa layunin ng pagtalumpati na makapagbigay-aliw at maging
kawili-wili sa mga tagapakinig.

Napakagaling kaibigan! Nasagutan mo nang buong husay


ang cross word puzzle. Ipagpatuloy pa natin ang ating
paglalakbay sa araling ito.

3
Aralin Natin
Pag-aralan din ang tungkol sa paksang talumpati at ang kaibahan
nito sa editorial at lathalain bilang isang sanaysay.
Basahin at unawain ang isang Talumpati ukol sa Nation Address of President
Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) Pandemic.

Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao


na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga
pangkat ng mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran,
magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang
paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang
paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig. Ang panandaliang
talumpati (extemporaneous speech) ay ang agarang pagsagot sa paksang
ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling
pananaw. Maaaring may paghahanda o walang paghahanda ang
talumpati. Tinatawag na impromptu sa wikang Ingles ang talumpating
walang paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng
pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.
Maaaring binabasa, sinasaulo o binabalangkas ang talumpati. Sa
binabasang talumpati, inihanda at iniayos ang sinusulat muna ang
talumpati upang basahin nang malakas sa harap ng mga tagapakinig.
Samantalang ang sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo para bigkasin
sa harap ng mga tagapakinig. Habang naghahanda ng balangkas ng
kanyang sasabihin ang binalangkas na talumpati kung saan nakahanda
ang panimula at wakas lamang.
Samantalang ang sanaysay ay isang sulating gawain na kung saan ito’y
kadalasang naglalaman ng mga pananaw, kuro-kuro, o opinyon ng isang
awtor o akda. Maipapahayag ng may akda ang kanyang damdamin sa
mga mambabasa, Ito rin ay isang uri ng pakikipag-komunikasyon na ang
ukol nito ay maipabatid ang inyong saloobin sa isang paksa o isyu. Ang
Ingles na salin nito ay essay.

4
Ang mensaheng ipinapahayag ng manunulat ay nakakarating sa
mga tao sa pamamagitan ng pagsulat. Kadalasan ay hindi ito binabasa
sa harapan ng publiko.

Sunod, ang isang sanaysay ay higit pang mahaba kaysa talumpati.


Ito rin ay opinyon o personal na pananaw ng may-akda sa isyung
tinatalakay. Ito rin ay may dalawang uri, pormal at di pormal.

Ang Impormal na Sanaysay ay mga pananalita na parang pinag


uusapan lamang. Ito ay maihahambing na parang simpleng pag uusap
ng mga magkaibigan ang may akda at ang magbabasa.

Samantala, ang layunin ng isang pormal na sanaysay ay ang


paghikayat, o pagturo, o magpaliwanag. Bukod rito, ang tono rin nito ay
pormal at seryoso. Ito ay hindi lamang opinyon ay may basehan.

Paano ang pagsulat ng mabisang talumpati?

Ang unang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati ay ang


pagpili ng paksa. Nakasalalay sa paksa at sa mananalumpati ang
ikatatagumpay ng isang pagtatalumpati.

Dapat taglayin ng paksa ng isang talumpati:

1. Tumutugon sa layunin- naisasagawa ang pagtatalumpati dahil sa


sumusunod ng layunin: magturo, magpabatid, manghikayat,
manlibang, pumuri, pumuna, bumatikos.
2. Napapanahon- ang paksa ng talumpati ay napapanahon kung may
kaugnayan sa okasyong ipinagdiriwang.

5
Paano naiiba ang talumpati sa iba pang uri ng sanaysay?

May mga uri ng sanaysay na karaniwang nababasa natin na


nakasulat sa pahayagan. Halimbawa nito ay ang editorial at lathalain.

Editoryal-ito ay isang mapanuring pagpapakahulugan ng


kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay ng
kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa mambabasa.

Lathalain- ay isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na


nagtataglay ng mga pagpapaliwanag, sanligan at impresiyon ng sumulat.
Hindi ito kathang-isip lamang. Bilang isang karaniwang sanaysay,
nagtataglay ito ng madamdamin, personal o mapagpatawang ideya o mga
pananaw. Pangunahing layunin nito na manlibang kahit maaari ring
magpabatid o makipagtalo.

Ang tatlong uri na nabanggit: talumpati, editorial at lathalain ay


naglalayon na magbigay-kaalaman sa mga mambabasa. Ang tanging
pagkakaiba ay nasa priyoridad na rin ng bawat uri. Tandaan lamang na
ang talumpati ay isinulat upang bigkasin ng mananalumpati sa harap ng
publiko sa paraang masining, madaling masundan, at maunawaan ng
mga tagapakinig.

The World News. “Kaibahan ng Talumpati at


Sanaysay at iba pa.” Last modified Oktubre 7, 2020.
https://theworldnews.net/ph-news/kaibahan-ng-sanaysay-at-
talumpati-pamaraan-layunin-at-iba-pa

6
Nation Address of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus
Disease 2019 (COVID-19) Pandemic

Mga kababayan kong Pilipino, I am addressing you once again about


the problem of COVID pandemic.

It is getting worse. So once again I’m telling you the seriousness of the
problem and that you must listen.

We are waiting for God’s blessing na magkaroon tayo ng vaccine either


from sino diyan na bright boy: China, Russia, America. I’m sure na kung
meron na sila, they will share it with the rest of the world.

In the meantime, habang naghihintay tayo, marami hong problema na


pumuputok na. Hirap na nga tayo, wala ng trabaho, walang negosyo, and
there are people really — you know you… You try to mess up with ‘yung
kakaunti nating…

Ang ating suplay hanggang diyan lang ‘yan ‘yung inabot kasi hindi
natin alam ganun kabilis. In two days’ time, patay ka. So, we are trying to
manage na lahat magkaroon equally. Equally is equally, pera pati pagkain.
Ano ‘yung parte ko, parte mo ‘yan.

Pero maghintay kayo. Huwag ninyong gamitin ang pwersa. I am


addressing the left na ‘yung pambabastos ninyo ‘yung slamming about the
distribution. Remember kayong mga left: You are not the government.
Naintindihan ninyo ‘yan? Hindi kayo nasa gobyerno and you cannot be a part
of what we are planning to do for the nation.

Intindihin ninyo ‘yan. Kaya huwag kayong mag gawa ng kalokohan at


mag-riot-riot diyan because I will order you detained at bibitawan ko kayo
pagkatapos na wala na itong COVID.

Huwag ninyo… Huwag ninyong subukan ang Pilipino. Do not try to test
it. Alam mo we are ready for you. Gulo o barilan o patayan, I will not hesitate
my soldiers to shoot you. I will not hesitate to order the police to arrest and
detain you.

Ngayon, ‘pag kayo ang na-detain, bahala kayo sa pagkain ninyo. Kaysa
ibigay ko doon sa mga loko-loko, kagaya ninyo panggulo, ibigay ko na lang
‘yon sa mga matino pati nangangailangan.

7
Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gulo kasi kung gusto talaga ninyo
ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin tutal wala pa namang pagkain.
Kung gusto ninyo nung barilan, eh ‘di sige. Gusto ninyo ng pukpukan, sige. I
will not hesitate.

My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay na pagka ginulo
at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa
alanganin, shoot them dead.

Naintindihan ninyo? Patay. Eh kaysa mag-gulo kayo diyan, eh ‘di ilibing


ko na kayo. Ah ‘yung libing, akin ‘yan. Huwag ninyo subukan ang gobyerno
kasi itong gobyerno na ito hindi inutil.

Ngayon, tinanggal ko sa politiko kasi maraming reklamo. Tinanggal ko


sa politiko ‘yung distribution ng pera pati ang bigas na pagkain. Ibinigay ko
kay Secretary Bautista lahat na ‘yan kasi itong DSWD may sariling
distribution network na ‘yan, ‘yung Pantawid. So meron. Idagdag na lang nila
doon sa matatanggap doon sa recipient ng Pantawid. Idagdag mo na lang ang
pera na ‘yan doon sa kanila kasi kanila ‘yan.

Iyong pera na ‘yan, inyo ‘yan. Kaya lang hindi ko man maibibigay lahat
unevenly kaya ako na ang — kami na sa gobyerno ang mag-ano mag dis —
distribute pati to determine how much.

Huwag kayong — huwag kayong… Do not entertain doubts about


dishonesty and corruption. Hindi panahon na ‘yan ngayon. Not this time. Ako
mismo nagsasabi.

Kasi ‘yung iba nagdi-distribute kina-cutting. Instead of seven gawain


ninyong five doon sa itaas sa repacking. Kaya ngayon DSWD na at ‘yung pera
DSWD pati si Secretary Galvez.

Naintindihan ninyo ‘yan? Wala na kayong pakialam. Tinanggal ko na


ang politiko. Puro na ito sa gobyerno. Mga military ito pero retired. Civilian
na ‘yan.

Iyong mga goods, bigas, kung ano pang iba ibigay ng gobyerno, bilisan
ninyo at pagkain ‘yan. At meron tayo sabi ko, mayroon tayong ginawang mga
hakbang na to sustain us but only if there is order in the society. Kasi ‘pag
magulo, walang order, walang distribution na mangyari kasi inaagaw, ina-
ambush. Kaya mapipilitan ako na sabihin: Huwag na huwag ninyong gawin
‘yan kasi I will not hesitate to order to shoot you.

8
‘Yun namang mga repacking, well anyway it’s DSWD. But everybody
else connected with the exercise of preparing the food and money, huwag
ninyong kaltasan, huwag ninyong kunan.

I will not — hindi ko kayo… Huhulihin ko kayo and I will detain you.
Makalabas lang kayo pagkatapos ng COVID kung dadating.

Kung may — walang magdating na pang-kontra ng COVID, then


hanggang matapos itong mundong ito diyan ka sa kulungan. ‘Yan ang gusto
mo, nag-warning na ako gagawain mo pa rin. Eh ‘di gusto mo. Hiningi mo
‘yan eh. Hiningi mo ‘yan.

Ang pera, dadating. Ang pagkain dadating, huwag lang kayong magulo
para smooth — sa Bisaya pa, hapsay. Ayaw og hadloka ang gobyerno. Do not
intimidate government. Do not challenge government. Matatalo kayo,
sigurado.

Magtiis na lang siguro kayo ng delayed delivery pero dadating ‘yan at


hindi ka magugutom. Hindi ka mamamatay sa gutom.

Ito namang isa, itong mga trabahante, mga doktor, mga nurse, health
workers, attendants and all, eh hindi makauwi ng bahay, tinatapunan ninyo
ng kung ano-anong mga chemicals na nakakasira ng katawan. Mas una
silang mamatay kay ‘yung sa pasyente doon sa COVID.

‘Yung mga tao na gumagawa ng ganun, I am ordering the police to go


around. Huwag kayong mag-istambay diyan sa istasyon. Maglakad kayo,
tandem, at maghanap kayo ng mga taong bastos. At kung mahuli mo, kung
ano ‘yung binubuhos niya doon sa health worker o sa doktor, ibuhos mo rin
sa kanya para tabla. Eh bakit? Ikaw lang ba ang marunong? ‘Di tikman mo
rin ‘yung ginagawa mo and see if it would make you happy.

‘Yung mga frontliners, huwag kayong mag-alala. I will support and


defend you.

Ulitin ko: Ngayon, DSWD na kasi sanay na sila sa distribution ng pera


pati bigas. Secretary Galvez will help in the distribution of the money or he
can handle the distribution of the money while leaving Secretary Bautista to
attend to other matters.

‘Yan ang warning ko sa inyo ha. ‘Yung distribution, huwag ninyong i-delay.
Huwag ninyong — sabi ko.

Meron na akong ipinakulong kung makinig kayo sa radyo. At ‘yung sa


TV, baka magkamali ako. Baka lang magkamali ako. This is the caveat: Baka

9
magkamali ako. May nakita akong traffic enforcer na lumapit siya doon sa
tricycle na puno ng goodies at pinilit niyang kinuha ‘yung isang balot at
lumakad siya. I don’t know if it was a joke or if he really — it was really
intended for him, inuna lang niya.

Pero kung pinilit niyang kinuha ala nakaw. Nakita ko sa ABS-CBN and
na-retrieve ko ‘yung — na-retrieve ko ‘yung footage, ipakulong ko siya. Kasali
rin siya doon sa ano.

Kayong mga Kadamay, hindi — walang, wala ng awa-awa. Diyan na


kayo. Ang nahuli, wala.

I will not tolerate ‘yang sabihin mo na bitawan mga politiko, bitawan.


Do not play hero at this time because you would abet or is it that word — to
encourage people to violate the law.

Now is the time to set an example to everybody. Hindi kasi ako sanay
ng takut-takutin mo. Not me.

So let this be a warning to all. Follow government at this time because


it is really critical that we have order. And do not harm the health workers,
the doctors, and everything because that is a serious crime.

At sabi ko sa pulis, siguro bawal man ‘yan pero ako na ang sasagot.
Ibuhos mo uli doon sa nagbuhos sa mga doctor pati nurses. O kung kaya mo,
ipainom mo lahat para matapos na ang problema natin.

Maraming salamat po.

Presidential Communication Operation Office. “Nation Address of President Rodrigo


Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) Pandemic.” Last modified
Oktubre 6, 2020. https://pcoo.gov.ph/presidential-speech/nation-address-of-
president-roa-duterte-on-coronavirus-disease-2019-covid-19-pandemic/

10
Sagutin Natin!

Gawain 1: Talasalitaan

Panuto: Magbigay ng mga salitang maaaring maiugnay sa mga binigay na


salita. (Word association)

Frontliners

11
Politiko

Gawain 2: Unawain

Panuto: Unawaing mabuti ang mga katanungan at sagutin ang mga ito.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Tungkol saan ang talumpati?


2. Ano ang nais ipahatid ng talumpati sa kanyang tagapakinig?
3. Ano ang layunin ng talumpati?
4. Ilarawan ang mga suliraning kinakaharap ng bansang Pilipinas ayon
sa talumpati ng pangulo.
5. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng bansang Pilipinas, paano mo
sososlusyunan ang mga nabanggit na problema?

12
Gawin Natin

Panuto: Magbigay ng sariling pananaw o opinyon tungkol sa mga pahayag na


binanggit sa talumpati na tinutukoy sa sumusunod na bilang.

Pahayag Pananaw
1. We are waiting for God’s
blessing na magkaroon tayo ng
vaccine either from sino diyan
na bright boy: China, Russia,
America.
2. Huwag ninyong gamitin ang
pwersa. I am addressing the
left na ‘yung pambabastos
ninyo ‘yung slamming about
the distribution. Remember
kayong mga left: You are not
the government.
3. My orders are sa pulis pati
military, pati mga barangay na
pagka ginulo at nagkaroon ng
okasyon na lumaban at ang
buhay ninyo ay nalagay sa
alanganin, shoot them dead.
4. Do not entertain doubts about
dishonesty and corruption.
Hindi panahon na ‘yan ngayon.
Not this time. Ako mismo
nagsasabi.
5. I will not tolerate ‘yang sabihin
mo na bitawan mga politiko,
bitawan. Do not play hero at
this time because you would
abet or is it that word — to
encourage people to violate the
law.

13
Sanayin Natin

Manood ng isang balita. Suriin ang napanood na pagbabalita batay sa


hinihingi sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pamagat ng balita: ____________

Nilalaman ng Layunin
Paksa
balita

Tandaan Natin
Panuto: Sabihin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Talumpati,
Editoryal at Lathalain gamit ang venn diagram. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

Talumpati

Editoryal Lathalain

14
Suriin Natin

Panuto: Basahin at unawain ang isang editoryal. Suriin ito at bigyang


reaksiyon ayon sa iyong damdamin at saloobin. Isulat ang iyong kasagutan
sa inyong sagutang papel.

Pangalawang problema: Edukasyon

Walang bakuna, walang pasok. Natatandaan ba ninyo ang pahayag na


ito ni President Duterte? Hindi siya sang-ayon sa regular na pasukan kung
saan magsasama-sama ang mga mag-aaral sa isang silid-aralan. Para saan
pa ang pag-iingat kung ganyan lang ang gagawin at sa mga bata pa? Pero
matutuloy ang pagsimula ng pasukan sa Agosto 24, 2020 na
pinagkasunduan ng IATF-EID at DepEd.

Maraming alituntunin ang ilalatag para sa pagbukas ng klase.


Papayagan lang ang tinatawag na face-to-face learning kung saan pisikal na
papasok ang mga mag-aaral kapag natukoy na mababa na ang posibilidad na
mahawa sa COVID-19. Hindi ito pare-pareho sa bawat paaralan o kolehiyo.
Magiging mahigpit rin sa kalinisan ng bawat mag-aaral. Dapat pag-aralan din
ang iba’t-ibang pamamaraan ng pag-aaral tulad ng tinatawag na blended
learning, videoconferencing, homeschooling at iba pa. Simula Hunyo 1,
kailangang magseminar ang mga guro sa iba’t ibang pamamahagi ng pag-
aaral na dulot nga ng new normal. Nagsimula na rin ang enrollment nong
Hunyo 1.

Hindi pa nag-aaral ang aking kambal, pero may mga pamangkin akong
pumapasok pa. Kita mo ang dismaya nila sa magiging bagong pamamaraan
ng pag-aaral ngayon. Ang pagpasok nga naman sa paaralan ay hindi para sa
pag-aaral lamang kundi para makasama ang mga kaklase’t kaibigan at para
sa karanasan. Hindi ko maisip kung paano mapapatupad ang mga subject
kung saan maraming laboratoryo kung hindi papasok sa paaralan. Sa totoo
lang hindi ko maisip kung paano makapag-aaral nang maayos ang mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan. Naiintindihan ko ang homeschooling pero
may limitasyon din ito. At paano ang mga walang gadget o internet?
Maaasahan ba ang internet sa bansa?

15
At ganundin, lahat iyan ay puwedeng magbago kung sisipa ang bilang
ng COVID-19 sa paaralan. Ang delikado dito ay mga bata na ang hahawahan.
Kung hindi pinayagang lumabas ang mga bata noong quarantine, ligtas na
kaya ngayon o sa Agosto? Maraming nagbabala sa tinawang na second wave.
Huwag sanang magmula sa mga paaralan.

Pilipino Star Ngayon. “Pangalawang Problema: Edukasyon.” Last modified Oktubre


6, 2020. https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon/2020/06/08/2019295/pangalawang-problema-edukasyon

Ang aking reaksiyon sa editorial na ito ay


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________

16
Payabungin Natin

Panuto: Gumawa ng sariling sanaysay gamit ang larawan. Ilahad ang


iyong opinyon tungkol dito, sikaping lantad ang paksa nito. Isulat ang
sanaysay sa sagutang papel. Isaalang-alang ang pamantayan sa
pagmamarka sa baba.

https://www.google.com/search?q=editoryal+pagbubukas+ng+pasuka
n&tbm=isch&source=lnms&sa=X&ved=0ahUKEwiKhrDJ-
KHsAhXIxYsBHUN-
BIMQ_AUIDygB&biw=1920&bih=969&dpr=1#imgrc=oo46Um7sE1vkaM

17
18
Pamantayan sa pagmamarka:

Napakahusay Napakagaling MagalingKailangan pa


(10) (8) (6) ng konting
pagsisikap
(4)
Pamagat Kakaiba ang Naagaw ang Walang Hindi nag
piniling atensyon ng problema sa tugma ang
pamagat at mga nakikinig pamagat at pamagat sa
kinuha agad sa mahusay na nilalaman nilalaman ng
ang atensyon pagpili ng ng unang unang
ng mga pamagat at pahayag. pahayag.
nakikinig sa unang
unang linya pahayag
pa lamang ng
pahayag
Nilalaman May buhay Ang istorya ay Ang Hindi
at ang istorya at magkakaugna pagkakaugn magkakaugn
pagkakasul magaling ang y at natural ay ng ay ang
at pagkakaugna ang istorya ay nilalaman ng
y ng mga pagkakahayag nag-iwan ng istorya at
pahayag at ng mga palaisipan walang
nagpamalas salaysay at pinilit konklusyon
ng kasiya- lagyang ng na naganap o
siyang konklusyon pinilit lagyan
konklusyon. . ng
konklusyon
sa huli.

19
Pagnilayan Natin
Ang talumpati ay isa sa pinakamabisang paglalahad ng opinyon sa
isang paksa sa harap ng maraming tao. Nakasaad sa pananalita ng
isang tagapagtalumpati ang kanyang damdamin at saloobin sa isang paksa.
Na tila bang binubuhos niya ang kanyang damdamin.
Ang tanging layunin nito ay ang makahikayat ng mga tagapakinig sa
malinaw at maayos na paglalahad ng mga katwiran. Ito ay may apat na
bahagi, ang Panimula na sinasabing hudyat ng talumpati na hihikayat sa
kawilihan ng tagapakinig, kung saan inilalahad ang layunin, kaagapay na
ang istratehiya upang kunin ang atensyon ng madla. Maaaring simulan ito
ng pagtatanong, pagbibigay ng mahalagang detalye, pagsasalaysay at iba pa.
Ikalawa, ang Katawan, kung saan ito ay tinuturing na pinakakaluluwa ng
talumpati, nararapat na ito ay sunod-sunod upang makakuha ng puntos.
Ikatlo ay Paninindigan, ito ang bahagi ng talumpati kung saan
pinapatotohanan ng mananalumpati ang kanyang sinabi sa bahagi ng
katawan. At panghuli, ay Konklusyon, kung saan ang buong talumpati ay
binubuod. Nasabi ring may dalawang uri ng talumpati, ang Daglian o Biglaan
na hindi nabigyan ng sapat na panahon upang paghandaan at ang Handa,
na kung saan ito ay karaniwang nagaganap sa pormal na okasyon at may
sapat na haba ng panahon upang paghandaan.
Sa kabuuan, sinasabing ang pagsulat ng talumpati ay mahalaga
sapagkat sa pamamagitan nito ay maaari mong maipahayag ang iyong mga
naisin sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga ideya ukol sa isang bagay. Sa
pamamagitan nito, maipapakita ang masining na paglalahad ng mga ideya sa
madla sa pamamagitan ng pananalumpati, pagbibigay ng mga saloobin at
magpapakita ng iyong pansariling konklusyon.

Natutuwa ako sa ipinakita mong kahusayan.


Nalampasan mo ang lahat ng mga ibinigay na gawain.

Hanggang sa susunod na lingo kaibigan, lalo mo pang


paghusayan. Paalam!

20
21
GAWIN NATIN: (keyword lamang ang mga ito)
1. Nangangarap ng pagkakaroon ng pag-asa
2. Hinahamon ang nasa kaliwa na huwag gumawa ng gulo
3. Mabigyang proteksiyon ang mga frontliners
4. Ang pagiging matapat at pagkakaroon ng dedikasyon sa serbisyo
Paghahamon sa mga politiko
GAWAIN 2
1. Tungkol sa problema ng COVID pandemic
2. Kung paano masolusyonan ang problemang kinakaharap ng bansa.
3. Layunin nitong ipabatid ang saloobin tungkol sa suliraning
kinakaharap
4. Ang kakulangan sa pondo.
5. (nakadepende sa sagot ng bata)
Gawain 1: politiko Gawain 1: Frontliners
1. Pinuno 5. Nars
2. Tagagawa ng batas 6. Manggamot
3. tagapagbantay 7. Guro
4. nagpapatupad ng 8. Mga manggawa
batas
(maaring may iba pang
(maaring may iba pang kasagutan
kasagutan
G
N
A
B I
I L A Y R O T I 5.E D
L A
N A G A Y A H 3.P A
A M
4.M U
L
Y A S Y A N 2.S A
1.T
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Departmet of Education. Panitikang Pandaigdig: Filipno 10


The World News. “Kaibahan ng Talumpati at Sanaysay at iba pa.” Last modified
Oktubre 7, 2020. https://theworldnews.net/ph-news/kaibahan-ng-sanaysay-at-
talumpati-pamaraan-layunin-at-iba-pa
Presidential Communication Operation Office. “Nation Address of President Rodrigo
Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) Pandemic.” Last modified
Oktubre 6, 2020. https://pcoo.gov.ph/presidential-speech/nation-address-of-
president-roa-duterte-on-coronavirus-disease-2019-covid-19-pandemic/
Pilipino Star Ngayon. “Pangalawang Problema: Edukasyon.” Last modified Oktubre
6, 2020. https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon/2020/06/08/2019295/pangalawang-problema-edukasyon

22
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI

F. Torres St., Davao City

Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147

Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

23

You might also like