Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Detalyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IX

I. Mga Layunin
Pagkatapos ng 30- minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. matutukoy ang kahuluganng mga impormal na sektor.
2. mailalahad ang iba’t- ibang mga anyo ng impormal na sektor.
3. maipaliwanag ang mga katangian ng impormal na sektor.
4. makapagbibigay ng mga dahilan ng pagkakaroon ng mga impormal na sektor.
5. masusuri ang epekto ng impormal na sektor sa ekonomiya.

II. Mga Paksang Aralin


Paksa: Mga Impormal na Sektor
Sanggunian:Ekonomiks 10 Araling Panlipunan- Modyul para sa Mag- aaral, Unang
Edisyon 2015., pahina 430- 445.
Mga Kagamitan: Laptop, mga larawan, Game format
Pamamaraan: Powerpoint presentation, talakayan, laro

III. Pamamaraan ng Pagturo

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


A. Paghahanda
a.1 Pang araw- araw na gawain
Panalangin
Magsitayo ang lahat. Bago natin simulan Ama, gabayan niyo po kami sa araw na ito.
ang ating klase, Tinatawagan ko si Ashley Nawa’y makakuha po kami ng madaming
upang pangunahan angating panalangin. aral mula sa aming tatalakayin. Ito ang aming
dalangin sa matamis na pangalan ni Hesus.
Amen.

Pagsasaayos ng silid- aralan


Ngayon, maari ba na iayos muna ng lahat (Inayos ng mga mag-aaral ang kani-kanilang
mga upuan at pinulot ang mga kalat sa
ang kanilang mga sarili. Ihanay ng mabuti
kanilang paligid)
ang mga upuan at pulutin ang mga kalat.
Pagbati Magandang umaga rin po!
Magandang umaga saating lahat!
Maaari nang umupo ang lahat.

Pagtatala ng mga lumiban sa klase


Rina, sino ang lumiban ngayon sa ating Maam/Sir, wala pong lumiban ngayon sa
klase? ating klase.

Ako ay nagagalak at kumpleto kayo sa


inyong klase.

a.2 Pagbabalik- aral


Bago natin simulan ang ating panibagong
aralin, gusto ko munang matiyak kung
natatandaan nyo pa ba ang ating mga
natalakay noong huli tayong magkita
saating klase. Ang atin pong napag- aralan noong huli po
Ano na nga ang ating huling aralin? Maari tayong nagkita ay ang Sektor ng
mo bang ibigay kung ano ito, Gab? Paglilingkod.

Tama!

Ngayon, Sino ang makapagbigay kung Ang sektor ng paglilingkod po ang


ano ang kahulugan ng Sektor ng gumagabay sa buong proseso ng produksyon,
Paglilingkod? Maari mo bang ibigay ito, distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo ng
Lyka? mga produkto sa loob o labas.

Mahusay ang iyong pagsagot, Lyka.

Ang mga sektor tulad ng industriyal at


agrikultura ay nakakagawa ng mga
produkto siyang naibebenta sa mga
mamimili. Sa sektor ng Ang naibebenta po sa sektor ng paglilingkod
naman
paglilingkod, ano ba ang naibebenta? ay ang serbisyo ng mga mangagagwa.
Maari mo ba itong sagutin, Charry?

Magaling.
(Nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral na
a.4 Pagganyak na Gawain mayroong sari- sari store.)
Ngayon naman, maari ko bang malaman
kung sino ang may mga sari- sari store o
tindahan sakanilang mga tahanan? Maam/Sir, may tinda po kaming mga
softdrinks at mga biskwit.
Maari mo bang ibigay saamin kung ano ang
mga ibinibenta ninyo sainyong tindahan,
Rafael?

(Nagtaas ng kamay ang mga mag-aaral na


Maraming salamat sa pagsagot.
mayroong sari- sari store.)

Ngayon naman, sino ang nagbebenta dito, o


tumutulong sa pagbebenta ng mga paninda
Maam/Sir, nagtitinda po kami ng mga damit
nila sa internet?
at iba pang kasuotan gamit ang internet.

Ano ang mga ibinebenta nyo online, Ella


Mae?

Maraming salamat sa pagsagot.


Wala po, maam/sir.

Sa mga may ari ng mga sari- sari store at


nagbebenta online, meron ba kayong mga
lisensya o business permit, Oliver?

Maraming salamat.

Naitanong ko ito dahil may konekta ito sa


bagong paksa na ating tatalakayin ngayon.
Ngunit bago natin ituloy ang ating talakayan,
may inihanda akong mga larawan na Opo, maam/sir.
ipapakita sainyo at nais kong bigyan ninyo
ito ng interpretasyon. Tatawag ako ng ilang
mag- aaral na magbibigay ng kanilang
interpretasyon sa mga larawan. Maliwanag
ba ito?

1
2.

3. Hanay po ng mga nagbebenta ng mga


streetfood at mga mamimili po na bumibili
po sa kanila.
Ngayon naman, maari mo bang
bigyan ng interpretasyon ang unang larawan,
Catherine? Isa pong labandera, maam/sir. Mukha pong
pagod na po siya base po sa larawan na
Magaling. nakaharap, maam/sir.

Ito namang ikalawang larawan, Johnson?

Maam/Sir, yung ikatlo pong larawan ay


Mahusay na interpretasyon, Johnson. nagpapakita ng isang tao na nahihhirapan
pong makawala dahil po may pula pong tape
Ngayon naman, maari ba naming marinig na nakapalibot po sakanya.
iyong interpretasyon sa ikatlong larawan,
Romeo?

Tumpak ang iyong sagot, Romeo.

B. Pagtalakay sa paksa Ang impormal na sektor po, maam/sir.


Ang ating gawain kanina ay may kinalaman
sa paksang ating tatalakayin ngayong araw.
Sa inyong palagay, ano ang paksang ating
tatalakayin? Maari mo bang ibigay ito, Jay
Romeo?

Mahusay.

Ngayon naman, para sa pagpapatuloy ng


ating diskusyon, naghanda ako ng isang Opo, maam/sir.
gawain para sa klase. Mayroon ditong mga
numero mula 1-10 na mayroon mga larawan.
Ngayon naman, mamimili ako ng sampu
sainyo na magbibigay ng deskripsyon sa mga
larawan. Ayos ba ito sainyo?

1.)

2.)

3.)

4.)

5)

6.)

7.)

8.)

Maam/Sir, larawan po ng sari- sari store.

Larawan po ng mga serbisyong pantahanan.

Mga street vendors po, maam/sir.


9.)
Online Selling po ang ipinapakita sa larawan,
Maam/Sir.

Mga nangangalakal po, maam/sir.

Larawan po ng siya ng prostitusyon.

10.)
Mga nagnanakaw po ang ipinapakita,
Ngayon naman, ano ang nakikita mo sa
maam/sir.
unang larawan, Neal?
Tama.
Maam/Sir, mga nagbebenta po ng mga iligal
tulad po ng droga.
Ngayon naman, sa ikalawang larawan. Ano
ang napansin mo, Denise?
Magaling.
Maam/Sir, mga sugalan po.

Sa ikatlong larawan, Von?


Mahusay. Maam/Sir, ang ipinapakita po sa huling
larawan ay tungkol sa pagbebenta ng mga
Ngayon naman, sa ika-apat na larawan,
pirated optical media gaya ng mga compact
Olivia?
disc (CD) at digital video disc (DVD).
Tumpak!

Ano naman ang meron sa larawang ito, Mayroon pong mga ligal at hindi ligal na
Rhea? trabaho at pamamaraan ng negosyo.
Tama.

Ngayon sa larawang ito, ano ang nakikita


mo, Chynna? Maam/Sir ang mga ligal po na anyo ng
Tumpak. impormal na sektor ay ang sari- sari store,
mga serbisyong pantahanan, street vendors,
Sa larawang ito naman, Leo Ver? online selling, at ang pagkalakal po.
Tumpak.
Sa larawang ito, Amanoma?
Mahusay. Ang mga tinutukoy po na serbisyong
pantahanan ay mga serbisyo po tulad ng mga
Ngayon sa larawang ito, ano ang nakikita serbisyo po ng paglalaba, at mga kasambahay
mo, Catherine? po.
Tama.

Ngayon naman sa ikahuling larawan, ano ang Maam/Sir, yung mga tulad po sa mga junk
ipinapakita rito, Beulah? shop po at mga bakal- bote na umiikot po sa
mga lugar.

Eksakto!
Maraming salamat sa inyo. Ngayon naman, Ang mga iligal na gawain po maam/sir ay
ano ang napansin ninyo saating listahanan? ang prostitusyon, pagnanakaw, pagbebenta
Jade Earl. ng iligal gaya ng pirated optical media at
Tumpak ang iyong sagot. kontrabando, at ang mga sugalan po,
maam/sir.
Maari mo bang ituro ang mga ligal na gawain
sa listahan, Sharleen?
Maam/Sir, ito po yung mga produkto po
tulad ng iligal droga at mga pinipirata pong
mga palabas, sir.

Ngayon naman, ano sa tingin nyo ang mga


serbisyong pantahanan na tinutukoy, Mac? Maam/Sir, dahil po may mga batas po na
naitatag para po mapigilan ang paglaganap
ng mga gawain na ito na nagbibigay po ng
pahamak saating lipunan.
Maraming Salamat.
Ano naman ang mga tinutukoy na kalakal
saating listahan, Jenina?
Dahil po nagiging paraan po ito upang
matustusan po nila ang kanilang mga
Magaling. pangangailangan dahil po sa hirap ng buhay
na meron po ang bansa natin.
Ngayon naman maari bang maibigay ang
mga iligal na gawain sa listahan, Aldenn?
Maam/Sir, ang mga nasa impormal na sektor
Mahusay. po ay hindi nakarehistro saating ahensya ng
pamahalaan.
Ano naman ang mga iligal at kontrabando
ang kanilang inilalako, Erina?

Tama. Maam/Sir, sa mga ahensya po tulad ng DTI


at BIR. Pati na rin po sa mga local
Paano naman ito naging iligal ang mga government unit po.
gawaing ito, Jerome?

Tumpak.

Ngayon naman, bakit may mga nakasamang Hindi po, maam/sir.


iligal na mga gawain sa impormal na sektor,
Joshua?

Wala po, maam/sir.

Maraming salamat.
Ang mga larawan na inyong nakita ay ang
mga anyo ng impormal na sektor. Ngayon
Mga benepisyo po tulad ng SSS at Philhealth
naman, sa tingin nyo, ano ang pagkakapare-
po ang walang benepisyo po sa mga
pareho ng mga ito? Ricel?
impormal na sektor, maam/sir.

Tama.
Maam/Sir, hindi po.
Maari nyo bang ibigay kung ano ang mga
Maam/Sir, dahil po hindi sila rehistrado sa
ahensya at sektor ng ating pamahalaan ang
mga nabanggit po kanina na ahensya at mga
hindi narerehistro ang mga impormal na
local government units.
sektor? Ashley?

Tama.
Kung hindi sila rehistrado sa mga ahensya at
salik ng pamahalaan tulad ng nabanggit,
naisasama ba sa kabuuang GDP o Gross
Domestic Product ang kita ng mga nasa
sektor na ito, Romeo?
Tama.
Ngayon, kung hindi sila rehistrado, may mga
benepisyo ba silang natatanggap, Monique?

Tama.
Nabanggit din ang kawalan ng mga
Maam/Sir, mga dahilan po ng mga impormal
benepisyon sa mga Impormal na sektor, ano
na sektor.
ang mga benepisyong ito, Gab?

Tumpak.
Ngayon naman, nakakapagbayad ba sila ng
buwis? Lyka?
Bakit naman?

Dahil po sa kahirapan maam/sir at sa maliit


na kita po mula sa negosyo o trabaho na
Tama.
kanilang ginagawa po.
Ngayon naman, magbibigay ako ng listahan
ng mga salita na may konekta sa ating paksa.

Kahirapan

Maliit na puhunan Dahil po madali pong makapagtayo ng maliit


na negosyo na tutugon po sa
Kawalan ng Oportunidad
pangangailangan ng mga tao. Lalo na po
Bureaucratic Red Tape kapag gipit sila.
Hindi napapatupad ng maayos ang
batas
Makaligtas sa pagbabayad ng Maam/Sir, dahil nagiging sanhi po ng

buwis paggawa ng mga tao ang kahirapan upang


matugunan po ang pangangailangan nila kaya

Ano sa tingin mo ang mga salitang nakalista, kahit po iligal ang gawain, pinapasok nila.
Dorothy?

Nagiging dahilan po ang red- tape dahil po


Magaling.
nadagdagan po ang ginagastos ng mga

Ito ang mga dahilan ng pagkakaroon ng mamamayan dahil po sa mga dagdag na


impormal na sektor. Nabanggit sa dulo ng gastusin po para matalaga ang isang negosyo
ating listahan na dahilan ay ang pagkaligtas bilang ligal, at dahil na rin po sa rami ng
sa pagbabayad ng buwis. Bakit naman hindi dapat matapos at mapuntahan na ahensya na
sila nagbabayad ng buwis? Angelica Joie? syang nagpapabagal naman po ng pag- usad
ng negosyo.

Mahusay.

Nasama rin dito ang kahirapan at ang maliit Dahil po mayroon pa rin mga batas na hindi
na puhunan. Bakit kasama ang maliit ang pa rin napapatupad ng tuluyan na nagiging
puhunan, Harvey? dahilan po ng pagpapatuloy po ng mga
patakaran tulad po ng red- tape.

Tumpak. Dahil po sa kawalan ng oportunidad,


nagkakaroon ng mga mamamayan na wala at
Bakit naman dahilan ang kahirapan, Kyle? nawawalan po ng trabaho at ang impormal na
sektor po ang sumasalo sa kanila upang
matugunan po ang mga pangangailangan nila
at ng kanilang pamilya.
Tama.
Ngayon naman, bakit kasama sa listahan na
ito ang sinasabi nilang “red- tape”? Rafael?

Sinasalo po nito ang mga mamamayan na


nawawalan po ng oportunidad na magkaroon
po ng regular na trabaho.

Nagbibigay po ito ng oportunidad para


kumita para po sa mga mamamayan na may
mahigpit na pangangailangan at mahihirap.
Magaling.

Paano naman nakaapekto ang hindi maayos


na pagpapatupad ng mga batas sa
pagkakaroon ng impormal na sektor, Nicole?

Tama.

Paano naman naging dahilan ang kawalan ng


oportunidad, Ella Mae?
Magaling. Nakakatulong po sa mga mamimili ang
impormal na sektor dahil po mas mura po
Ngayon naman, ano ang nagiging ang mga produkto at serbisyo na maari pong
kahalagahan ng impormal na sektor? Maari makuha sa mga ito, maam/sir.
ka bang magbigay ng isa, Oliver.

Tama.
Isa pang dahilan, Charry?
Maam/Sir, bumababa po ang buwis na
nalilikom na maari pong magamit sa mga
Korek. proyekto po ng gobyerno.

Ngayon naman, maari ka bang makapagbigay Dahil po hindi nakarehistro ang mga negosyo
ng kahalagahan para sa mga mamimili, Neal? at hanapbuhay na nasa ilalim po ng impormal
na sektor, maam/sir.

Tumpak.
Maaari pong mapahamak ang mga mamimili
Kung mayroon mang mga kahalagahan, po ng impormal na sektor tulad po ng mga
mayroon din naming mga epekto ito sa ating banta sa kalusugan at kaligtasan.
bansa at ekenomiya. Maari ka bang
magbigay, John Leo Ver?
Maam/Sir, hindi po kasi sila nakarehistro
Magaling. kaya wala pong maaaring maatasan na
Bakit naman ito bababa, Amanoma? manigurado ng kalidad ng mga produkto at
serbisyo na ibinibenta ng mga nasa impormal
na sektor.
Magaling.
Maam/Sir, maari pong mas lumaganap ang
Maari ka bang magbigay ng isa pa, Mary mga iligal na gawain sa mga impormal na
Kate? sektor.

Maraming Salamat. Dahil po wala pong regulasyon at dahil na rin


po sa kahirapan na siyang nag- uudyok sa
Bakit naman may mga ganitong pagbabanta, mga tao na pumasok at gumawa ng mga
Olivia? gawain na labag po sa ating batas.
Maam/Sir, impormal na sektor ay ang sektor
Tumpak. ng ekonomiya na salat o walang pormal na
Maari ka bang magbigay ng isa pa, Alec? dokumentong kailangan sa pagsagawa ng
kabuhayan.

Tama.
Bakit naman mas lalaganap ang mga iligal na
gawain, Chynna?

Tumpak.

Kung gayon, ano ang ibig sabihin ng


impormal na sektor? Geneva?

Magaling.

C. Paglalapat
Ngayon naman, para makita kung may
natutunan kayo sa ating diskusyon, naghanda
ako ng isang laro na sana’y magustuhan ng
lahat. Ang tawag sa larong ito ay “Family
Feud”. Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo,
ang grupo ng mga babae sa kanan at grupo
ng mga lalaki sa kaliwa. Kung sino ang
unang makakasagot, sakanya mapupunta ang
puntos. Ayos lang ba na mahati kayo sa
dalawang pangkat sa pamamagitan ng inyong
Opo, maam/sir.
kasarian?
Sige. Para naman sa mga miyembro ng
Unang round ng laro:
LGBTQIA+ saating klase, maari kayong
Kategorya: Ano ang mga Anyo ng Impormal
pumunta sa pangkat na nais nyong puntahan
na Sektor?
base sainyong SOGIE.

Bago natin simulan ang ating laro, gusto


kong sabihin na ang mananalong pangkat ay
makakatanggap ng premyo na aking ibibigay
sa susunod nating pagkikita. Kaya sana,
Sari- Sari Store 35
galingan ng bawat representante dahil nasa
Mga Serbisyong 30
inyo nakasalalay kung magkakapremyo ba
Pantahanan
ang inyong pangkat o hindi.Ngayon kung
Street Vendors 25
handa na ang bawat isa, simulan na natin ang
Online Selling 20
laro.
Kalakal 15
Prostitusyon 10
Pagnanakaw 5
Pagbebenta ng 3
Iligal at
kotrabando
Sugalan 2

Kategorya: Ano ang mga katangian ng


Impormal na Sektor?

Hindi 25
nakarehistro sa
pamahalaan
Hindi 19
nagbabayad ng
buwis
Walang mga 15
benepisyo na
natatanggap
mula sa
pamahalaan
May mga iligal 8
na porma.

Ikatlong round
Kategorya: Mga dahilan ng pagkakaroon ng
impormal na sektor.

Kahirapan 50
Maliit na 40
puhunan
Kawalan ng 30
Oportunidad
Bureaucratic 20
Red Tape
Hindi 15
napapatupad ng
maayos ang
batas
Makaligtas sa 10
pagbabayad ng
buwis

(Tatlong palakpak, Tatlong padyak)


Maraming salamat sa huling pangkat ng mga
Congratulations!)
manlalaro. Ngayon naman, base sa mga
naging resulta ng tatlong round ng ating laro,
ang panalong pangkat ay ang pangkat ng
_________! Maari ba natin silang bigyan ng
Congratulations clap. Maam/Sir, ang impormal na sektor po ay
sektor ng ekonomiya na walang pormal na
dokumento sa pagsagawa ng ekonomiya at
D. Paglalahat hindi po nabibilang ang kanilang kita sa
Ngayon tapos na ang talakayan, maari GDP.
bang banggitin mo ang paksa at ibigay kung
ano ang kahulugan ng impormal na sektor,
Mary Kate? Ang tatlo sa anyo ng impormal na sector ay
Sari-sari store, kalakal at street vendor.

Tama.
Maari ka bang magbigay ng kahit tatlong
anyo ng impormal na sektor, Jerome?
Maraming salamat.

Maari ka bang magbigay ng kahit dalawang Ang kahirapan at makaligtas sa pagbabayad


katangian ng impormal na sektor, Ricel? ng buwis ay dahilan ng pagkakaroon ng
impormal na sektor.
Maraming Salamat.

Ngayon naman, maari ka bang magbigay ng


dalawang dahilan ng pagkakaroon ng
impormal na sektor, Oliver?

Maraming Salamat. Magaling

IV. Pagtataya
Maari bang maglabas ang lahat ng ½
crosswise at sagutin ang mga sumusunod.

Panuto: Ibigay ang mga hinihingi ng bawat


numero
1-3. Magbigay ng tatlong anyo ng
impormal na sektor
4-6. Ibigay ang tatlong katangian ng
impormal na sektor
7-8. Magbigay ng dalawang dahilan
na pagkakaroon ng impormal na sektor
9-10. Ibigay ang kahulugan ng
Impormal na sektor.

Mga kasagutan
1-3) Sari Sari Store, Mga Serbisyong
pantahanan, Streetvendors, Online Selling,
Kalakal, Prostitusyon, pagnanakaw,
pagbebenta ng iligal na kontrabado, at
sugalan
4-6) Hindi nakarehistro sa pamahalaan, Hindi
nagbabayad ng buwis, Walang mga
benepisyo na natatanggap mula sa
pamahalaan at May mga iligal na porma.
7-8) Kahirapan, Maliit na puhunan, Kawalan
ng Oportunidad, Bureaucratic, Red Tape, Opo, maam/sir.
Hindi napapatupad ng maayos ang batas, at
Makaligtas sa pagbabayad ng buwis. (Ipapasa ng mga mag- aaral ang kanilang

9-10) Ang impormal na sektor ay ang sektor papel papunta sa harapan.)


ng ekonomiya na walang pormal na
dokumento sa pagsagawa ng ekonomiya at
hindi nabibilang ang kita sa GDP.

Tapos na ba ang lahat?

Kung gayon, ipasa ang papel mula sa likod


papunta sa harap at kokolektahin ko ito.

V. Takdang- Aralin

Para naman sa ating takdang aralin, maari


bang ilabas ng lahat ang kanilang mga
kwaderno upang maisulat ninyo ang takdang
aralin.
1. Maghanap ng tatlo hanggang
limang batas na tumutukoy sa mga impormal
na sektor.
2. Ilagay ang buong pangalan ng
batas at magbigay ng deskripsyon na hindi
bababa sa tatlo at hindi tataas sa limang
pangungusap.
3. Sa iyong pananaw, naipapatupad
ba ng mabuti ang mga batas na ito? Bakit? Opo, maam/sir.
5. Kung bibigyan ka ng pagkakataon
na bumuo ng batas o programa para sa
impormal na sektor, ano ito at paano ito Wala na po, maam/sir.
makakatulong?
Isulat ito sa isang buong papel. Maari
kayong makakita ng mga batas sa internet.

Ibibigay ang takdang aralin sa


susunod nating pagkikita sa ating klase.
Malinaw ba iyon?
Goodbye, Maam/Sir
Mayroon pa bang katanungan?

Kung gayon, maraming salamat sa inyong


pakikinig. Sana’y marami kayong natutunan
sa ating klase at sana’y patuloy ninyong
pahalagahan ang mga napag-aaralan.
Maraming salamat at pagsilbihan natin ang
ating bayan. Mag- iingat ang lahat.

Goodbye Class!

You might also like