Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

A. Ian De Leon, ikinuwento ang naging laban sa depresyon at kung paano niya ito nalagpasan.

B. Impormatibong Teksto
C. Jamil Santos
D. Pag-unawa
1.) Ano nga ba ang depresyon? Ano-ano ang mga epekto sa mga taong nakakaranas nito? Sa
isinulat ni Jamil Santos sa kaniyang Report sa GMA News noong Agosto 6,2022, mababasa
doon ang balita tungkol sa isang artista na si Ian De Leon na nakaranas ng depresyon.
Ikinuwento ng aktor na maging siya ay nahirapan ng siyay nagka depresyon at ibinahagi nito ang
kaniyang pakikipaglaban sa depresyon at kung paano niya ito nalagpasan sa tulong ng kaniyang
asawa at ng kaniyang pamilya. Sinabi niya rin na tatlong taon niya raw itong pinaglabanan at
pansamantala muna siyang humiwalay sa kaniyang pamilya. May mga punto rin raw na nalilito
siya sa kaniyang buhay at hindi niya alam kung sino ang kaniyang kakausapin. Gayunpaman,
ipinaramdam ng kaniyang pamilya, lalo na ang kaniyang mga kapatid, na naroon lamang sila sa
kaniyang tabi habang siya ay may pinagdadaanan. Nagpasalamat din si Ian sa kaniyang asawa na
si Jennifer Orcine, na hindi nilisan ang kaniyang tabi. Napagtanto ni Ian na kailangang
magpakatatag at harapin ang mga problema sa buhay at ibinahagi niya ang lahat ng kaniyang
natutunan sa kaniyang karanasan at sinabi niya rin na lagi tayong magdasal sa ating mahal na
panginoon.
2.) Ang artikulong ito na tungkol sa naging epekto ng depresyon sa isang artista na si Ian De
Leon ay mahalaga dahil nagbibigay ito ng malinaw na pag unawa at kaisipan tungkol sa
depresyon. Ito ay nagbibigay ng mga gabay at alituntunin sa bawat indibidwal na hindi dapat
magpaapekto sa ganitong mga kalagayan dahil hindi natin alam kung anong pwedeng maging
epekto nito sa ating mga sarili at sa ibang tao.
E. Pagsusuri at Pagpapakahulugan
1.) Mga Batayan ng pagsusuri
a. Ang artikulo tungkol sa depresyon na naranasan ng artistang si Ian De Leon ay
napapanahon dahil sa panahon natin ngayon ay marami ng mga taong nakakaranas ng depresyon
at karamihan dito ay mga kabataan. Grabe na ang mga epekto ng depresyon ngayon at ang iba
nga ay nagpapakamatay dahil hindi na nila nakakaya ang ganitong karamdaman.
b. Base sa nabasang teksto, tapat at makatuwiran ang mga kaisipan at kaalamang ibinigay dahil
hindi lamang kaalaman sa depresyon ang mababasa sa artikulong ito. Ipinapahayag din dito na
ang depresyon ay maraming pwedeng maging epekto sa isang tao at minsan ay hindi na ito
nagiging mabuti at humahantong na sa di magandang pangyayari.
c. Sa pagbibigay ng impormasyon ng may-akda sa mambabasa ay makikitang maayos ang unang
bahagi ng tekstong ito hanggang sa huli at hindi nagbago ang paksa. Malinaw ang pagkakalahad
ng mga mahahalagang impormasyon sa artikulong ito na tungkol kay Ian De Leon na ikinuwento
ang kaniyang naging laban sa depresyon at kung paano niya ito nalagpasan. Inilalahad dito ang
tungkol sa depresyon at ang naging epekto nito sa isang tao katulad ni Ian De Leon na talagang
nakapagpabago sa kaniyang buhay. Ipinapakita ng artikulong ito ang kahalagahan ng
pagkakaalam ng isang indibidwal kung ano talaga ang depresyon para malaman ng mga taong
nakakaranas nito ang dapat nilang gawin para maiwasan at malagpasan ang ganitong sitwasyon
sa kanilang buhay.
d. Madali lamang na maunawaan ang nilalaman ng akda tungkol sa naging karanasan ng isang
aktor sa pagkakaroon niya ng depresyon dahil sa mga salitang ginagamit na mga simple lamang
at madaling maintindihan at ito rin ay nagsisilbing malinaw at gabay sa mga tao sa tamang
paraan ng pag hawak ng ganitong uri ng sitwasyon. Sa pamamagitan ng mga simpleng paliwanag
at mga halimbawa, naipapakita nito kung ano ang mga rason at epekto ng depresyon sa isang tao.
e. Para sa akin, ang akdang ito ay angkop sa lahat ng tao lalong lalo na sa mga taong nakakaranas
ng depresyon. Ang mga salitang ibinibigay sa akda ay nagsisilbing gabay upang maiwasan ang
pagkaranas ng depresyon sa pamamagitan ng pagpapakatatag sa sarili at sa pamamagitan ng
hindi pagpapaapekto sa mga negatibong bagay sa paligid. Ang mga epekto ng depresyon sa isang
tao na naibahagi sa akda ay nagsisilbing solusyon upang masigurong wala ng maaapektuhan ng
dahil dito at para matulungan ang mga taong nakakaranas nito. Bukod pa dito, ang mga pahayag
at tagubilin sa akda batay sa mga rekomendasyon ng mga eksperto para mapanatiling matatag
ang sarili kahit na nakakaranas ng depresyon ay nagbibigay ng tiyak at kapani-paniwalang gabay
sa mga tao sa tamang paraan ng pag-aalaga ng kalusugan at sarili.
f. Madali lamang basahin ang akda o balitang ito dahil detalyado na ang mga paliwanag at
gumagamit ng mga madaling salita ang manunulat.
g. May malaking pakinabang na ibinigay ang tekstong ito sa mga tao dahil sa pamamagitan ng
pagbasa sa balitang ito na tungkol sa depresyon ng aktor na si Ian De Leon ay malalaman dito
kung paano na lagpasan ng aktor ang kaniyang depresyon na makakatulong ng Malaki sa mga
taong nakakaranas rin nito dahil ito ay magsisilbing gabay para sa kanila.
F. Pagpapahalaga
1.) Pagpapahalaga
a. Ang akdang ito na tungkol kay Ian De Leon na nakaranas ng depresyon at kung paano niya ito
nalagpasan ay mahalaga dahil nagbibigay ito ng gabay sa bawat taong nakakaranas rin nito.
Nagiging inspirasyon nila ito na kahit may depresyon man sila ay dapat silang bumangon,
lumaban at magpatuloy sa kanilang buhay katulad ng aktor sa tekstong ito na kahit ilang taon
siyang nalayo sa kaniyang pamilya dahil sa kaniyang naranasan ng dahil sa kaniyang depresyon
ay makikita mo ngayon ang pagbabago sa kaniyang sarili at para na rin sa mga taong nakapaligid
sa kaniya.
b. Mabuting aspeto
- Maraming matutulungan na mga tao lalong lalo na ang mga nakakaranas ng depresyon dahil
magsisilbing gabay ang pagbasa ng akdang ito na may mga nakasulat na pwedeng makatulong sa
kanila para malampasan ang ganitong sitwasyon sa kanilang buhay katulad ni Ian De Leon na
kung saan siya ay nakaranas ng depresyon at napagtagumpayan niya itong nalagpasan sa tulong
ng kaniyang pamilya at nang panginoon.
Mahinang Aspeto
- Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng depresyon sa isang tao ay maaari itong maging resulta sa
hindi magandang bagay o pangyayari at makakaimpluwensiya sa isang tao na gumawa ng
masama kung kaya’t ang ibang tao na nakaranas nito ay tinatapos nila ang kanilang buhay dahil
hindi na nila ito nakaya at hindi ito mabuti lalong lalo na sa mga kabataang may depresyon.
c. Sa akdang ito ay walang nabanggit na mga detalye tungkol sa mga kulturang Pilipino o
pangkabuhayan ng mga Pilipino sapagkat ang akdang ito ay tumatalakay lamang sa dahilan at
epekto ng depresyon sa isang indibidwal na nakakaranas nito at batay sa isinulat ni Jamil Santos
na siyang sumulat sa akdang ito, ang depresyon ay may iba’t-ibang epekto sa isang tao katulad
nalang kay Ian De Leon na nakaranas rin nito at ito ay kanyang nalampasan sa tulong ng
kaniyang pamilya lalong lalo na ng kaniyang asawa at nang panginoon.
G.Pagpapalawak
1.) Natuklasan ko na mahalaga na malaman natin kung ano talaga ang depresyon at kung paano
natin ito maiiiwasan. Bukod dito, natuklasan ko rin ang iba’t-ibang epekto ng depresyon kung
ikaw ay nakakaranas nito at masasabi kong hindi talaga Madali ang pagkakaroon ng ganitong uri
ng sakit dahil malaki talaga ang magiging epekto nito hindi lamang sa iyong sarili kung hindi ay
pati na rin sa ibang taong nakapaligid saiyo.
2.) Ang masasabi ko sa karanasan ni Ian De Leon noong siya ay nakaranas ng depresyon sa
kaniyang buhay ay alam kong hindi ito naging madali para sa kaniya dahil kahit na sa kaniyang
mga ikinuwento ay malalaman mo talagang hindi basta basta ang pagkakaroon ng ganitong
pangyayari sa buhay. Ako ay namangha sa aktor dahil kahit na nakaranas siya ng depresyon ay
hindi siya nagpatalo dito at ito ay kaniyang nalampasan.
3.) Ang rekomendasyon ko para sa mga taong nakakaranas ng depresyon ay dapat silang
manatiling matatag katulad ni Ian De Leon na nakalagpas nito. Hindi sapat ang pagkakaroon ng
depresyon para sumuko sa buhay at mas maiging magpatuloy sa buhay at manalig sa Diyos dahil
walang imposibli sa kanya. Maraming mga hakbang ang maaaring gawin upang mapigilan ang
pagkakaroon nito at depende lang talaga sa tao kung paano niya ito panghahawakan at para sa
mga taong nakakaranas na depresyon, ang masasabi ko lang na hindi dapat na magpaapekto ng
sobra at para naman sa mga taong walang nararanasang depresyon sa kanilang buhay ngayon,
upang maiwasan ang pagkakaroon nito, panatilihin lang ang pagkakaroon ng positibong pananaw
sa mga bagay-bagay. Huwag din kalimutang mayroong Diyos na gumagabay sa atin sa araw-
araw. Magdasal lang palagi sa Kanya na tulungang malampasan ang mga problemang dinaranas
sa buhay at iyon ang pinakamainam na solusyon.
H. Istruktura
Ang istrukturang ginamit ditto ay sanhi at bunga sapagkat malalaman at mababasa mo rito ang
iba’t-ibang dahilan at epekto ng depresyon. Ang depresyon na nararanasan ng isang tao ay may
malalim na mga sanhi at bunga. Hindi pa talaga alam ang malinaw na mga sanhi ng depresyon,
bagama’t isa sa mga maaaring rason kung bakit nagkakadepresyon ang isang tao ay ang
pagpapanatili ng problema sa sarili. Maraming kadahilanan ang nag-aambag sa depresyon.
Maaaring kabilang dito ang mga epekto ng kapansanan tulad ng sakit, pagkapagod, pagbabago
ng imahe sa katawan, kahihiyan, at pagkawala ng kalayaan. Maaaring maapektuhan ang mga tao
sa lahat ng edad ng depresyon. Ang mga tiyak na dahilan sa pagkakaroon ng depresyon ay iba
para sa bawat tao. Maaaring magkaroon nito dahil sa pisikal, sikolohikal, pangkapaligiran at
genetikong mga kadahilanan. Kung minsan ang eksaktong dahilan ay hindi alam. Madaming
mga epekto ang depresyon sa isang indibidwal kagaya nalang ng isang aktor na si Ian De Leon
na nakaranas ng depresyon. Mababasa mo sa tekstong ito ang mga naging epekto ng depresyon
sa aktor at hindi ito naging madali para sa kanya. Ang epekto ng depresyon ay nasasangkutan ng
pagbabago sa mood, sa pananaw, sa ambisyon, sa paglutas ng problema, sa antas ng aktibidad at
sa mga proseso ng katawan kagaya ng sa pagtulog, enerhiya at gana sa pagkain. Ang depresyon
ay nakakaapekto sa pangkalahatang kalusugan at mabuting pangangatawan kaya dapat huwag
tayong masyadong magpaapekto sa depresyon dahil hindi natin alam kung ano pa ang maging
epekto nito hindi lang sa ating sarili pati na rin sa ibang taong nakapaligid sa atin.
Ian de Leon, ikinuwento ang naging laban sa depresyon at kung paano niya ito nalagpasan
Agosto 6, 2022 7:00pm GMT+08:00
ISINULAT NI: JAMIL SANTOS,GMA News

Ibinahagi ng aktor na si Ian de Leon ang kaniyang pakikipaglaban sa depresyon, at kung paano
niya ito nalagpasan sa tulong ng kaniyang asawa at pamilya.

Sa podcast na Surprise Guest with Pia Arcangel, ikinuwento ni Ian na maging siya ay nakaranas
ng depresyon sa kaniyang buhay.

"When I hit rock bottom talaga, I was searching for answers eh. I strayed away from family for a
while. I didn't want to see anyone, I didn't want to talk to anyone. I didn't want anyone asking
me how I am," saad ng aktor.

Tatlong taon niya raw itong pinaglabanan, kung saan pansamantala muna siyang humiwalay
mula sa mga mahal sa buhay.

"I just had that spiraling depression moment in my life where it took me three years to get over
it, and it was a really dark and difficult time for me. I forgot about God, I forgot about people
who cared for me, people who loved me and I just shut myself off from the world.

May mga punto raw na nalilito siya sa kaniyang buhay at hindi alam kung sino ang kaniyang
kakausapin.

"What was going on sa buhay ko during that time was I felt so empty and depressed that I
couldn't feel anymore. I woke up one night thinking 'What is wrong with me? What is going on?
What should I do? Who should I go to? Who should I talk to? I don't want to talk to anyone, I
don't want to see anyone."

Gayunman, ipinaramdam ng kaniyang pamilya, lalo ang kaniyang mga kapatid, na naroon
lamang sila sa kaniyang tabi habang siya ay may pinagdadaanan.

Nagpasalamat din si Ian sa kaniyang asawa na si Jennifer Orcine, na hindi nilisan ang kaniyang
tabi.
"But I am so blessed with my wife right now because she stuck with me through those dark
times. 'Di ba nga sabi nila, malalaman mo kung sino ang totoong tao sa'yo at magmamahal
sa'yo kung at the very darkest moments of your life, you will see only the people who are there
for you," saad ng aktor.

Hanggang sa dumating ang isang gabi na naisipan ni Ian na magdasal nang taimtim.

"I started praying, and I think it was a call during that time. I prayed really hard. I didn't pray
with words, I didn't pray with any sentences in my thoughts. I just prayed with intentions from
my heart. Doon ko na-realize, if you want to communicate with our good Lord, it has to be pure
intention and pure from your heart talaga. No words can truly express kung paano mo gagawin
ang prayer na iyon."

Napagtanto ni Ian na kailangang magpakatatag at harapin ang mga problema sa buhay.

"It was just like that na all sorts of information, in words, na sinasabi Niya, 'No one can teach
you how to live your life but yourself. If you give up right now, it's your choice. The power of
choice is in your hands. You have to be strong, you have to move on from whatever it is that's
going on in your life right now, you have to move on. Pull yourself back together. I'm here. I'm
holding your hand. Look at Me, listen to Me, feel Me in your life," lahad niya.

Ibinabahagi ngayon ni Ian ang kaniyang mga natutunan tungkol sa buhay at kung paano
haharapin ang mga problema sa kaniyang YouTube channel na "Ian de leon Official."

Sa mga nagnanais na may makausap, maaaring tumawag sa National Center for Mental Health
hotline 1553 o sa mga numerong 09178998727, 09663514518, at 09086392672. —LBG, GMA
News

You might also like