Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

.

Topic-

Filipino- URI NG PANGNGALAN


 
2. Content-

Pantangi
Pambalana
 
3. Goals: Aims/Outcomes-

Malalaman ang pagkakaiba ng pantangi at pambalana.


 
4. Objectives-

1.Natutukoy ang dalawang uri ng pangngalan.


2.Nakakapagbigay ng halimbawa sa mga uri ng pangngalan.
3.Nakikiisa nang may pagkukusa sa mga gawain.
 
5. Materials and Aids-

Flashkard
Paket-tsart
larawan
Picture Stand
Tsart
 
6. Procedures/Methods-

A. Introduction-

1.Anong pangalan ng paborito mong artista?


2.Anong brand ng sasakyan ang gusto mong mabili?
3.Magbigay ng mga unit ng selfon.
 
B. Development-

1.PANTANGI = pangngalang tumutukoy sa tiyak at tanging ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop,
gawain at pangyayari. Ito ay nagsisimula sa malaking titik.
Halimbawa: Romel, Sony, Pilipinas, Tarsier

2.PAMBALANA = balana o pangkaraniwang ngalan ng mga bagay, tao, pook, hayop at


pangyayari. Ito ay pangkalahatan, walang tinutukoy na tiyak o tangi.
Halimbawa: lalaki, telebisyon, bansa, puno
 
C. Practice-

Isulat sa patlang ang T kung ang uri ng pangngalan ay pantangi; B kung pambalana at L kung
lansakan ang salitang nasa loob ng panaklong.

______ 1. Ang mga (Amerikano) man ay nanakop din sa Pilipinas.


______ 2. Ang mga (timawa) ay may pag-aari at hindi naglilingkod bilang alipin.
______ 3. Mga (hukbo) ng mga Pilipino at Amerikano ang lumaban sa mga Hapon.
______ 4. Si (Ferdinand Magellan) ang nakatuklas sa Pilipinas.
______ 5. Ang (koponan)ng mga Hapon ay natalo sa pagbabalik ng mga Amerikano.
 
D. Independent Practice-

Bilugan ang pangngalan sa pangungusap at isulat sa patlang ang PB kung ito ay pambalana at PT
kung pantangi.
_____ 1. Sa Unibersidad ng Sto. Tomas sila nag-aaral.
_____ 2. Dentista ang mga magulang niya.
_____ 3. Nakita niya ang mga binili ng dalaga.
_____ 4. Ang Kalakhang Maynila ay maunlad ngunit magulo.
_____ 5. Sa isang maliit na karindirya sila kumain ng hapunan.
 
F. Checking for understanding-

1.Ano ang dalawang uri ng pangngalan?


2.Ano ang pagkakaiba nito?
3.Paano natin masasabi kung ito'y pantangi o pambalana?
 
G. Closure-

1.Naiintindihan niyo ba ang dalawang uri ng pangngalan?


2.May mga katanungan pa ba kayo?
 
7. Evaluation-

Isulat sa patlang kung ang lipon ng mga salita ay parirala, sugnay o pangungusap.
______________ 1. masigasig na nagtatrabaho
______________ 2. dahil delikado ang panahon ngayon
______________ 3. kumuha ka ng tubig
______________ 4. kung nag-aaral ka
______________ 5. tara na
 

Banghay-Aralin (Lesson Plan)

Mala-Masusing Banghay Aralin


Sa
Filipino 3
1.   Layunin:
a.    Nalalaman ang katuturan ng pangngalan at ang mga uri nito.
b.   Mabigyang ng pagpapahalaga ang mga pangngalan ng tao, pook, lugar at pangyayari.
c.    Nagagamit ng tama ang mga pangngalan sa iba’t-ibang aspeto.
11. Paksang-aralin
          a. Paksa: Katuturan at Uri ng Pangngalan
          b. Sanggunian: Daloy at mithi 3. Pahina 68-70
          c. Kagamitan: Libro
d. Pagpapahalaga: Kahalagahan ng pangngalan sa komunikasyon
111. Pamamaraan
          A. panimulang Gawain
                   1. panalangin
                   2. Pagtala sa mga lumiban
                   3. Balik-aral
          B. Panlinang na Gawain
                   1. Pagganyak
          Ipapabasa sa mga mag-aaral ang tekstong “Atbp.” At pupulutin nila ang mga salitang may
salungguhit.
                   2.Paglalahad
a. Matapos makapagbigay ng pagganyak ang guro ay magtatanong ito kung ano ang kanilang
dating kaalaman sa pangngalan at sa mga uri nito
          b. Ipaliwanag ano ang kahalagahan ng pagbibigay ng pangngalan sa bawat tao, bagay,
lugar, at pangyayari.
          c. paglalahat
-Ang pangngalan ay maaaring tumukoy sa ngalan ng tao, pook, bagay, hayop, kaisipan o
pangyayari. Ito ay may dalawang uri, ang pangngalang pambalana at pangngalang pantangi. Ang
pangngalan ay may apat na katuturan, a. basal b. lansak c. hango d. patalinghaga.
          d. Paglalapat
1V. Pagtataya
          Panuto: Isulat ang sa patlang kung ano ang katuturan ng bawat pangngalan.
            1. Lipi
             2. kalapati
              3. kalayaan
             4. grupo
            5. tribo
V. Takdang-Aralin
1.   Paano natin malalaman kung ang isang salita ay pangngalan o hindi?
2. Ano ba ang kahalagahan ng pangngalan bilang bahagi ng
pananalita?
Paksa: Pangngalan

Mga Layunin:
1. Matukoy ng mga mag-aaral kung ano ang pangngalan sa kanilang paligid
2. Malaman ang kahulugan ng pangngalan

Mga Kasangkapan:
1. kahon
2. lapis
3. dahon
4. tsokolate
5. bulak
6. mga sasagutang papel

Mga Pamamaraan:
1. Panimulang Gawain
Magpalaro sa mga mag-aaral ng "Hulaan Natin". Tumawag ng isang mag-aaral sa harap.
Hahawakan ng mag-aaral ang mga gamit sa loob ng kahon ngunit hindi ito pahihintulutang
tignan ang mga ito.
Base sa pagkakahawak ng mag-aaral, sasabihin nito sa mga kaklase ang hugis, laki o liit, lambo o
tigas. Huhulaan ng mga kaklase ang nasa kahon at bibigyan lamang sila ng 2 minuto.
2. Paglalahad ng paksa
Narito ang mga gamit na nasa loob ng kahon. Mayroong tawag sa wikang Filipino. Ito ay ang
Pangngalan.
3. Paglinang sa Aralin
Ang Pangngalan ang tawag sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari.
4. Aplikasyon
Magpalaro sa klase. Kailangan lumibot ng mga mag-aaral sa loob ng klase at isulat ang mga
pangngalan na kanilang nakikita. Ang may pinakamaraming maisulat sa loob ng 5 minuto ang
tatanghaling panalo.
5. Pagsusulit
Magbigay ng 7 halimbawa ng pangngalan para sa 5 kategorya.
Tao
Hayop
Lugar
Bagay
Pangyayari
6. Takdang-aralin
Gumupit ng mga larawan ng mga Pangngalan mula sa mga magasin o dyaryo. Ipagkit ito sa
kwaderno.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1443816#readmore


 
NW BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO
I.
MGA LAYUNIN:
 Matapos ang aralin, ang mga bata ay inaasahang: Unang Baitang a) Malaman ang kahulugan ng
salitang pangngalan b)
Matukoy ang iba’t
-ibang pangngalan ng bawat bagay o tao c) Mapangkat-pangkat ang bawat pangngalan
Pangalawang Baitang a) Magbalik-tanaw sa ngalan ng tao, bagay, hayop at pook. b) Matukoy
ang mga dalawang uri ng pangngalan c) Maintindihan ang gamit ng pangngalan Pangatlong
Baitang a) Maipaliwanang ang ibig sabihin pangngalan b) Magamit ang mga uri ng pangngalang
pantangi at pambalana c) Malaman ang mga pangngalan sa tulong ng mga pananda II.
PAKSANG ARALIN:
 Paksa: Gintong Diwa 3 Libro: Pahina 119
 –
 120 Pamagat: Uri ng Pangngalan Ugali: Matutong pahalagahan at igalang ang bawat pangngalan
ng tao o bagay III.
MGA KAGAMITAN:
 Plaskards ng mga salita Materyales para sa pangkatang Gawain Mga tunay o larawan ng tao o
bagay IV.
PAMAMARAAN
 Panimulang Gawain: 1. Pangunang Dasal 2. Checking of attendance 3. Checking the orderliness
of the classroom  A. Motibasyon: Hello Song B. Paghahanda

You might also like