Life of Rizal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1.

Sa Panahon ni Rizal laganap ang pang-aabuso ng mga prayle; ang pamemera ng mga ito at
pangangamkam nito ng mga lupain. Tiwalig ang pag papatupad ng Sistema ng hustisya. Si Dona
Teodora ay inaresto at pinakulong kahit wala naman itong ginagawang masama. Si Rizal mismo
ay ipinatapon noong Hulyo 1892 sa Dapitan kahit wala siyang kasalanan.

2. Si Dr. Jose Rizal ay isang doctor, makata, mandudula, mananalaysay, manunulat, arkitekto,
pintor, eskultor, edukador, lingwista, musiko, naturalista, etnolohista, agremensor, inhenyero,
magsasakang negosyante, ekonomista, heograpo, kartograpo, pilolohista, folkorista, pilosopo,
tagapagsalin, imbentor, manihero, humorista, satirista, polemisista, manlalaro, manlalakbay, at
propeta.

3. Si Jose Rizal ay isinilang sa gabing maliwanag ang buwan, Miyerkules ika-19 ng Hunyo 1861 sa
baybaying ng bayan ng Calamba, Laguna. Muntik ng mamatay ang kanyang ina sa panganganak
dahil malaki ang kanyang ulo. Mabuti na lamang daw ay namanata ang kanyang ina sa Biren ng
Antipolo. Bininyagan siya sa Simbahang Katoliko ng kanyang bayan noong ika-22 ng Hunyo sa
edad na tatlong araw. Si Padre Rufino Collantes ang nag binyag kasama ang kanyang ninong na
si Padre Pedro Casanas. Siya ay pinangalanan na “Jose” dahil deboto ang kanyang ina kay San
Jose.

4. Ama ni Rizal at tinawag niyang “Huwaran ng mga ama” na si Francisco Mercado Rizal.
Siya ay isinilang sa Binian, Laguna, noong Mayo 11, 1818. Siya ay nagaral sa Kolehiyo ng San Jose
sa Maynila ng Latin at Pilosopiya. Siya ay masipag, biharang mag salita ngunit marami ang
nagagawa, maayos ang pag iisip at malakas ang pangagatawan
Ang ina ni Rizal ay si Teodora Alonso Realonda ay isinilang sa Maynila noong Nobyembre
08, 1826 at nakapag aral sa Kolehiyo ng Santa Rosa. Siya ay mabini kung kumilos, may talino sa
panitikan, negosyo, at katatagan ng babaeng Sparta. Siya ang unang guro ni Rizal
Saturina (1850-1913) panganay sa mag kakapatid. Ang palayaw ay Neneng.
Paciano(1851-1930) nakakatandang kapatid na lalaki ni Rizal at katapang na loob ni Jose
Rizal. Siya ay naging Heneral at sya ay nag retiro upang maging isang magsasaka.
Narcisa(1852-1939) palayaw ay Sisa at kinasal siya kay Antonio Lopez
Olimpia(1855-1887) ang kanyang palayaw ay Ypia. Ikinasal kay Silvestre Ubaldo.
Lucia(1857-1919) ikinasal kay Mariano Herbosa.
Maria(1859-1945) Biang ang kanyang palayaw. Ikinasal kay Daniel Faustino Cruz.
Jose(1861-1896) pinakadakilang Bayaning Pilipino at henyo. Ang kanyang palayaw ay
Pepe.
Conception(1862-1865) ang kanyang palaway ay Concha. Namatay siya sa edad na 3,
ang kanyang pagkamatay ay unang naranasan na kalungkutan ni Rizal.
Josefa(1865-1945) ang kanyang palayaw ay Panggoy. Siya ay namatay na walang naging
anak at asawa sa edad na 80
Trinidad(1868-1951) Trining ang kanyang palayaw. Namatay din siyang matandang
dalaga sa edad na 83.
Soledad(1870-1929) bunso sa mag kakapatid. Choleng ang kanyang palayaw.

5. Ang apelyidong Rizal ay pinag halong lahi, sa kanyang ugat ay nananalaytay sa kanyang dugo ang
ng Silangan at Kanluran. Negrito, Indones, Malay, Tsino, Hapon, at Espanyol. Pero mas
nangingibabaw ang Malay. Ang tunay na apelyido ng mga Rizal ay Mercado, na ginamit sa taong
1731 ni Domingo Lameo na isang Tsino. Si Jose Rizal lamang ang gumamit ng Rizal na apelyido.

6. Ang bahay na tinirhan ng mga Rizal ay Bahay na Bato sa Calamba, Laguna. Meron itong
dalawang palapag, parihaba ang hugis, gawa sa batong adobe at matigas kaya katangitangi ang
kanilang tirahan. Ito ay nakaka tatag sa mga natural na pangyayari tulag ng bagyo at lindol. At sa
likod ng kanilang bahay ay merong manukan at sila ay nag aalaga ng pabo. Malawak din ang
kanilang hardin meron itong mga namumungang kahoy tulad ng atis, balimbing, tsiko, makopa,
papaya, santol at iba pang punong kahoy. Naging masaya ang pamumuhay ni Rizal ngunit hindi
sya pinalaki sa layaw ng kanyang mga magulang. Naging istrikto silang magulang kay Rizal upang
mag karron ito ng magandang asal at may takot sa Diyos. Pinanpalo sila ng kanilang magulang
pag sila ay makukulit. Sila ay naniniwala sa kasabihang ”Kung papaluin ang bata, lalaki ito sa
layaw.”

You might also like