Parusa

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Parusa

Naunahan ng paggising at pag-iinat ng daungan ang pagsikat ng araw. Makakapal pa ang


mga aninong buong higpit na yumayakap sa mga pintungang nangaroon ay nagsimula na
ang mga yabag na payao't dito, ang anasang unti-unting nagkatinig hanggang sa maging
ingay, hanggang sa makiisa sa matinis na sipol ng kadadaong na bapor.

Nag-unahan sa andamyo ang mga bata ni Salamin. Nakatitiyak ang kanilang mga hakbang.
Sapagkat ang mga bata ni Salamin ay mga bata ng Big Boss. Ang Big Boss ang nakaaalam
sa mga bapor na lumabas-pumasok sa daungang yaon.

"Oras na nakapit ka kay Salamin ... buhay ka na!"

"E ang Big Boss ... hindi ko na ba kailangang makilala ang ... "

"Bahala na si Salamin doon! Bago ka pa nga rito, oo!"

Malakas ang halakhak na isinagot ng Big Boss sa ikinuwentong iyon ni Salamin sa kanya
isang araw. Samantalang buong inip silang naghihintay na maiahon ng kanilang mga
tauhan ang mga kalakal ng kadadaong na bapor.

"Mabuti naman at nalalaman nila!"

"Mabuti na ang maliwanag antemano, boss. Mahirap nang masingitan pa ang katalo. Kung
sa bagay e, ano naman ang magagawa ng maski sino, kung sakali?"

Nagtinginan nang matagal ang dalawa. May mahiwagang liwanag na kumislap sa kanilang
mga mata. Biglang inalis ng Big Boss ang tabako niya upang hindi maibuga ng
madagundong sa halakhak na yumanig sa namimintog niyang tiyan.

"Sigurado ka bang hindi ka masisingitan ng pakawala?"

"Mahirap na, Boss! Sakali mang makasingit, ano naman ang delito niya, aber? Sa payroll,
anim na piso ... may pirma siya!" Tumikhim muna sandali si Salamin. "Kung may reklamo
siya, aba, magsumbong siya sa

Hinintay ni Salamin ang muling pagyanig ng namimintog na katawan ng Big Boss sa isa
pang madagundong na halakhak. Nagtaka siya nang ito'y ngumiti lamang nang bahagya,
alanganin, dinampot ang malamig na inumin sa baso, lumagok nang makalawa, ibinaba
ang baso, marahang iginuhit-guhit ang hintuturo sa malamig na "pawis" ng baso.
"Bago ako naging pangulo ng unyon ng mga trabahador, naging estibador ako, Salamin;
bago iyon, nagtrabaho ako sa daan, at

Biglang ipinukpok ng Big Boss ang baso ng inumin sa hapag. Lumigwak ang laman nito.

"Sa bawat isa niyon, sinamantala ako!"

Natapos ang hapong iyon nang walang imikan.

muli Nag-alala kinabukasan si Salamin ay na naroon baka na nagdamdam naman ang sa


ngiting kanya humalili ang Big Boss. sa tabakong Ngunit saglit nang na magkita inalis
silangniyon sa labi.

"Ikaw na nga pala ang bahala muna sa ilang bata natin sa unyon, Salamin.
Magbabakasyon ako sandali."

"Siyanga pala, Boss, kilala mo na ba si Ventura, ang bago nating bata rito sa piyer? Kasapi
na sa Unyon e."

Ngunit ang Big Boss ay di dapat abalahin sa maliliit na bagay, gaya ng isang bagong
tagapasan o ng isang bagong kasapi sa unyon.

Ang mahalaga'y kabilang na si Ventura sa "palakad". Nakayungyong na sa kanya ang


dambuhalang "palakad": anim na piso isang araw sa payroll, limang piso sa bulsa - ang
piso pang hindi niya maiuuwi kalianman ay maaaring tuntunin - marahil - kung lalapit siya
sa unyon. Ang pangulo ng unyon ay ang Big Boss.

Sasabihin sana niya sa Big Boss: "Boss, ang Venturang iyon, baka makatulong natin sa
unyon, mukhang matalino e. Tiningnan ko ang record. Nag-aral. Hindi nga lamang
nakatapos sapagkat nag-asawa agad. Empleyado sana ngunit nabawas. Matagal na
walang mapasukankaya'tnaglaborer na lamang. Matagal na hindi kumibo nang ipaliwanag
ko ang "palakad". Ngunit pagkatapos ay pumirma rin sa anim na piso. Ngayon, ang gusto
kong sabihin sa iyo, Boss, baka natin magamit si Ventura. Mabi-build-up natin sa unyon. E
di pakikinabangan natin pagkakandidato mo sa pulitika. Hindi ba 'ka mo iniisip mong
magkandidato, total, sigurado ang botante mo dahil sa unyon?"

Matagal nang nakabalik ang Big Boss buhat sa pagbabakasyon nang mabuksan ni Salamin
ang tungkol kay Ventura.

Pinagtiyagaan muna ni Salamin ang pakikinig at paghanga sa maraming bihag ng Big Boss
sa huling lakad nito. Naulit na naman ang pagtatanong niya kung talagang hindi na ito
lalagay sa tahimik: kung paano ito magkakaroon ng anak na sinasabing ibig na ibig nito?
Sa unang tanda ng pagkapagod nito sa pagbabalita'y maingat ngunit mabilis na ipinasok ni
Salamin sa salitaan ang tungkol kay Ventura. Ipinakita niya sa Big Boss ang record card ng
bago nilang tauhan. Patuloy ang pagbabalita ng Big Boss habang tinitingnan ang record
card

Ni Ventura. Biglang

Biglangnaputol angpagsasalita nito at napatitig nang walang-kurap sa kanyang


hawak.Biglang

ko!""Akalainmo,Salamin?Akalainmo?AngmisisngVenturangitoay isa sa mga naging bata

siya Ventura. Ayaw sa na maaaring Nais sana niya ni Salaming mangyari. itong makausap.
ipagpatuloy Ngunit Makilala. ang ang Big mungkahi Boss Nais dinngayon niyangniya ang
tungkol makabalitamapilit: kay nais Ventura. tungkolniyang saNag-alala maybahaymakita
rinsi

nito. Hindi sa ano pa man. Kuryusidad lamang.

Ipinatawag ng Big Boss si Ventura. Ibig niyang makita ang sinasabi ni Salaming bagong
tauhan sa daungan, ang bagong kasapi sa unyon, sapagkat ito ay matalino; sapagkat ito ay
di gaya ng karaniwang tagapasan nila roon, sapagkat maaari niyang mapakinabangan ito
kung sakaling matuloy ang binabalak niyang pagkakandidato, ngunit lalo sa lahat, sapagkat
ito ang napangasawa ni Neneng.

Nagkunwari si Salaming nakalimot sa ipinagbilin ng Big Boss. Sumisidhi ang pag-aalala


niya sa maaaring balakin nito sa maybahay ni Ventura. Ipinagpaliban niya ang pagsasama
rito sa Big Boss, hanggang sa hindi na niya maipagpaliban pang muli.

Nang iwan ni Salamin si Ventura sa harap ng Big Boss, ito'y mapitagang nakatayo sa harap
ng hapag na kinauupan ng Big Boss. Pinagmamasdan ng mga naniningkit na mata ng Big
Boss ang nakatayo sa harap ng kanyang hapag.

Walang pagkagulat ang ng Big Big Boss Boss; sa kanyang hindi makisig
kabaligtarannakita: hindi itong nakakatawag-pansin, talaga ang uri ng lalaking tahimik,
maiibiganhindiniya. ni Neneng, ang naisip kagugulatan:

tungkol siyang

kinatagpuan pa Matagal rin sa sa nang - harap maaari gaya ang niya nakalabas kamatayan
ng ng kay pa di malaki nitong Neneng, na sa niya gawin ng kanyang niyang mabilang
noong bukod hapag. tanggapan ito'y ngayon sa pagpapasan maniwala Saglit si kung
nag-uugat Ventura, ilan. sa sa kanya daungan, nagbalik, Saan matagal ang ng
nagwawakas bagong lubusan, ang sa na lalawigan Big niya paniniwala? Boss umibig, itong
ang ay - pag-asa nakausapnakaupodoon umasa,

nagsisimula naghintay pananalig? Kailan pagmamahal? bagong

"Kuryusidad lamang," ang patawang sinabi sa record ng Big card Boss ni kay
Ventura.Salamin, nang magpadaan ito sa kanyang tsuper sa direksiyong nakatala

Ngunit ang kuryusidad na iyo'y pinagmulan ng mga disukat akalain: ang mga nasasabik na
tanong ni Salami'y nakatagpo ng di-inaasahang katahimikan; ang Big Boss ay kinapansinan
ng pagwawalang-kibo, pagsusungit, pag-iinit ng ulo; si Ventura ay bigla na lamang
nagpapaalam kay Salamin - nagyayaya raw pilit ang kanyang maybahay na umuwi sa
lalawigan, sa di niya malamang kadahilanan.

Napagtulungan nina Salamin at Big Boss ang paghimok kay Venturang magpatuloy sa
gawain sa daungan, gawaing tuntungan lamang sa pagtaas, paghawak ng mataas ng
tungkulin sa unyon, pag-unlad, pagtatagumpay.

Si Salamin ay nasisiyahan bagaman nagtataka sa mga pangyayari.

"Ano ang sabi ko sa iyo, Boss, matalino si Ventura at pakikinabangan natin sa hinaharap."

"Sayang at matigas ang kanyang asawa!" Sa tinig ng Big Boss ay may gumagapang na
pagbabanta.

Matagal bago napag-alaman ni Salamin ang mga pangyayari. Unti-unti.

Nabigla nang gayon na lamang ang maybahay ni Ventura nang unang dumalaw sa tahanan
nila ang Big Boss. Nagkahalo rito ang pangamba, ang poot, ang lamig at tigas ng bakal.
Wala na ni munting bakas ang lumipas.

Ang laki ng mga tagumpay ng Big Boss sa maraming bagay ay nakatagpo ng


walang-hanggang kabiguan kay Neneng: lubusan ang pagkapinid ng pinto sa kamalian, sa
kabulagan ng kahapon: walang-kapantay ang pagmamahal, ang paggalang ni Neneng kay
Ventura - walang makapagpapabago rito, ni ang pangamba sa mga pagbabanta, ni ang
panganib ng sumpa't pagtalikod ng kabiyak, kung sakali. Lalong di-nagkabisa ang maririkit
na pangako ng tagumpay, kariwasaan, kasaganaan - para kay Neneng at Ventura,
lalung-lalo na sa kaisa-isa nilang anak.
Ang minsang kabiguan sa isang nahirati sa mga tagumpay ay nagpapaulol dito. Nakikita ni
Salamin sa mga mata ng Big Boss ang unti-unti ngunit tiyak na pagbabaga ng ulol na
pagnanasa sa di-mangyayari.

Natiyak ni Salaming sadyang masama ang nangyayari sa Big Boss nang ito'y maglalagi sa
kanila - upang kalaruin, upang sundan-sundan ng tingin ang kanilang anak. Alam nilang
lahat sa daungan ang matinding pagnanasa nito sa isang anak, ang kawalan nito ng
pamilya, ang walang-hanggang paghahanap nito sa mga ugat ng tunay na kaligayahan.

Napag-alaman din ni Salaming nabubuhos ang loob ni Big Boss sa kaisa-isang anak nina
Ventura at Neneng - habang lalong ipinipinid nitong huli ang ano mang daan ng kanilang
pagkikita. Ang totoo, kung kasama lamang ni Ventura ang Big Boss sa kanilang tahanan
napipilitang pakihirapan ito ni Neneng. At nasasaksihan ng Big Boss ang buhay-mag-anak
na kailanma y hindi naging bahagi ng malalaki niyang tagumpay.

Lalong natiyak ni Salaming sadyang palubha nang palubha ang nangyayari sa Big Boss.

"Isama mo si Ventura sa ating ... uhum ... 'paluwagan"."

Kaya't nang hapong iyo y ipinarinig niya kay Ventura ang tungkol sa
"paluwagan".Dali-daling lumapit si Ventura kay Salamin at sa kausap nito. Bago umuwi si
Ventura ay nakahiram ito ng limampung pisa buhat sa "paluwagang" may patubong beinte
porsiyento.

May sakit ang kaisa-isang anak ni Ventura.

Patuloy ang paglagda ni Ventura sa anim na piso isang araw sa payroll, sa pag-uuwi ng
lima, sa paghihintay na mataas ng tungkulin sa

daungan, sa unyon, sa pahina nang pahinang pangungunyapit sa mga gilid ng humihigop


na "paluwagan".

Nanatiling tuwid at maigting ang guhit ng mga labi ng Big Boss.

"Boss," ang minsa'y napangahasang simulang sabihin ni Salamin, "kung talagang matigas
ang asawa ni Ventura, mabuti pa kaya'y ... total, marami ka namang iba riyan at ... "

"Ngayon pa," ang putol ng Big Boss, "ngayon pang naglulubha ang kanilang anak at baon
na baon na sa utang si Ventura? Tingnan ko ang kasupladahan ng babaing iyon! Tingnan
ko kung hindi maglulumuhod sa akin para siya ay tulungan!" Kakaiba ang tinig ng Big Boss.
Hindi nakilala ni Salamin ang tinig ng Big Boss.
Ngunit nagpatuloy na nag-uulol ang baga ng kabiguan sa mga mata ng Big Boss.

Tanghali na'y wala pa si Ventura sa daungan, isang araw. Nang dumating ito'y tuloy-tuloy sa
Ngunit tanggapan kung maaari. ang ng pagkukulang Big Ngunit Boss. iyon Nakiusap, niya
ay roo'y labag naglumuhog, umabot sa palakad. na sa hanggahang Sana, upang makakuha
makuha ipinahihintulot nang pang maaga muli ng ang sa palakad. "paluwagan".suweldo
Dali-niya daling umalis si Ventura. Litung-lito.

Agaw-buhay sa pagamutan ang kaisa-isang anak nina Ventura.

Matagal na napatingin si Salamin sa Big Boss sa kabila ng hapag. Tangan ng huli ang
sobre ng suweldo ni Ventura na madaling nakuha ni Salamin sa kahero sa utos ng Big
Boss.

"Akala ko, Boss, ibibigay mo iyan?"

"Sana nga, kaya, ipinakuha ko sa iyo, ngunit nagbago ang loob ko"

Lalong tumuwid at umigting ang guhit ng mga labi ng Big Boss.

"Darating siya! Darating siya!" ang anas na nanggaling sa tuwid at maigting na guhit.

Nagsimulang humihip ang hangin sa mga durungawan ng tanggapan. Ang mga ingay sa
daungan ay unti-unti nang ginagapi ng palakas na salpok ng mga alon. Pahaba na nang
pahaba ang mga daliri ng sari-saring aninong yumuyungyong sa mga pintungan.

Isang katok ang biglang nagpatayo sa Big Boss buhat sa kanyang hapag.

"Siya na!"

"Tuloy! Bukas iyan!" ang malakas niyang sabi. Pumasok si Salamin.

"Boss, dumating ang kumpare ni Ventura. Patay na raw ang anak niyon. Hindi naman pala
anak ni Ventura iyon e; anak ng maybahay niya - sa una."

Anak ng maybahay niya - sa una. Sa una. Sa una! Sa una!

You might also like