Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

1

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

SARILING LINANGAN KIT

ARALING PANLIPUNAN
8
Pamagat ng Aralin:

PAGSIBOL NG NASYONALISMO SA
IBA’T IBANG BAHAGI NG DAIGDIG

Pamanuhunan Blg.: 3 MELC Blg.: 9

MELC:
Naipapahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng
Nasyonalismo sa Europe at iba’t ibang bahagi ng daigdig

Pangalan ng Guro: AGUSTINA M. BAGASALA


Paaralan: BELEN NATIONAL HIGH SCHOOL
2

PAMANAHUNAN BILANG 3
GABAY NG MAG-AARAL
SA PAGKATUTO 9
BILANG/LINGGO

TUNGKOL SA GABAY NG MAG-AARAL SA PAGKATUTO

Ang Self Learning Kit na ito ay ginawa para sa iyo upang malinang ang iyong
kakayahan sa pag-unawa sa mga paksa sa ating kasaysayan. Mapag-aaralan sa Sariling
Linangan Kit na ito ang mga pagpapahalaga sa pag-usbong ng nasyonalismo sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig.
Ipinapaalala na sana ingatan mo ang SLK na ito at sikaping maglaan ng panahon na
mabasa at maintindihan ang mga nilalaman nito. Unawaing mabuti ang mga panuto at
gumamit ng ibang papel para sa mga sagot.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Nailalarawan ang paraan ng pakikipaglaban ng mga
pinuno ng iba’t ibang bansa para sa kanilang kalayaan,
2. Naipahahayag ang paghanga sa ipinakitang galing, tapang
at talino sa pagkamit ng kalayaan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig;
at
3. Nakasusulat ng isang awitin na may temang
pagkamakabayan.

PAGTALAKAY SA ARALIN
3

BALIK-ARAL

Panuto:Sa pamamagitan ng circle organizer, bumanggit ng apat na


bansa sa Europe na naapektuhan ng Napoleonic War

Mga bansa sa
Europe na
naapektuhan ng
Napoleonic War

Dahil sa rebolusyong Amekano at Pranses ay nagkaroon ng


malaking bunga sa kaayusang politikal ang mga bansa sa daigdig.
Isang siglo matapos ang mga ito ay ramdam pa rin ang bakas ng mga
ideyang ipinaglaban. Tuklasin ang halaga nito sa pagsibol ng
damdaming nasyonalismo.

MAIKLING PAGTALAKAY

PAGSIBOL NG NASYONALISMO SA IBA’T IBANG


BAHAGI NG DAIGDIG
Isang proseso ang paglinang at pag-unlad ng nasyonalismo,
hindi maaaring biglaan. Kailangan itong madama, at paghirapan ng
mga tao upang matutuhan nilang mahalin ang kanilang bansa. Sa iba
ang kahulugan nito ay damdamin ng pagiging matapat at mapagmahal
sa bansa. Sa iba, ito ay pagsasakripisyo pati ng buhay.
Kakambal ng nasyonalismo ang kawalan ng kasiyahan ng
mamamayan. Hangad ng mga tao na may ipagmamalaki sila bilang
isang bansa. Habang tumitindi ang kanilang paghahangad, higit nilang
nararamdaman ang pagiging makabayan.

Dumaraan ang lahat ng bansa sa iba-ibang pamamaraan kung paano


nadama ng mga tao ang pagiging makabayan. Habang ipinaglalaban nila ang
kanilang bansa, may mga pangyayari na kung minsan ay nagpapasidhi ng
kanilang damdamin na humahantong sa digmaan.
Ang Nasyonalismo – ay ang masidhing damdamin na nagtutulak sa
4

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Soviet Union


Ang Soviet Union o Russia ang pinakamalaking bansa sa daigdig. Isa itong
malawak na lupain na sumasakop sa dalawang lupalop ng Asya at Europe. Halos
doble ang laki nito sa Estados Unidos. Noong 988, ipinalaganap ni Vladimir I sa
Russia ang Kristiyanismong Griyego (Orthodox) (CE) kaya tinawag siyang
Vladimir The Saint.
Ika-13 siglo, dumating ang mga Tartar o Mongol mula sa Asia at sinakop ang
mga mamamayan ng Russia nang mahigit sa 200 taon. Nag-iwan ng bakas sa
pananalita, pananamit at kaugalian ng Ruso ang nasabing panahon ng pananakop.
Naging tagapagligtas ang Russia, tumalo, at nakapagpabagsak sa mga Tartar sa
labanan ng Oka at si Ivan The Great.

Himagsikang Ruso

Isa sa mga himagsikang nakagimbal sa daigdig ang rebolusyon ng mga Ruso


na naganap noong unang bahagi ng ika-20 na siglo.
Bago nagkaroon ng himagsikan, Ang Russia ang pinakamalaking burukrasya
sa mundo, kontrolado ito ng mga maharlika at pulisya. Magsasakang nakatali sa
lupa ang apat sa bawat limang Ruso, walang karapatan at laging nakabaon sa
utang. Maging ang mga industriya ay nasa ilalim ng pamamahala ng czar.
Nakahikayat sa mga manggagawa ang pagtatayo ng mga pagawaan upang
pumunta sa mga bayan at lungsod. Dito sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-
aral. Dahil sa paghihigpit ng pulisya, lumikas ang mga intelektuwal na Ruso patungo
sa kanlurang Europe at doon nila nakatagpo ang mga disipulo ni Karl Marx at
Friedrich Engels. Nagtatag ang mga ito ng dalawang partido.
Nagkaroon ng alitan ang pinakamasugid na tauhan na sina Josef Stalin at
Leon Trotsky tungkol sa kahalili ni Lenin at kung aling alituntunin ang dapat sundin
ng Russia.

Si Trotsky ang may paniniwalang dapat ikalat agad ang komunismo sa


pamamagitan ng rebolusyong pandaigdig.
5

Samantala, ayon naman ky Stalin, hindi ito napapanahon dahil mahina pa ang
Russia. Nagtagumpay si Stalin at napilitang tumakas si Trotsky. Nanirahan siya sa
Mexico at doon namatay noong 1940.
Pinasimulan ang October Revolution ng mga komunistang Soviet. Sa unang
pagkakataon, nagkaisa ang mga Ruso, nagapi ang mga czar at nagwakas ang
aristokrasya sa bansa. Napalitan ito ng diktadurya ng Partido komunista. Noong
Unang Digmaang Pandaigdig, sumanib ang bansa sa Alyado. Noong 1923, naging
Soviet Union ang pangalan ng bansa. Namatay si Lenin at naghari si Stalin.

Nasyonalismo sa Latin America

Pagkatapos makamit ng United States ang kanilang kalayaan sa Great


Britain, nag-alsa ang mga lalawigan sa Latin America laban sa Spain.
Nagkabuklod-buklod sila sa kanilang pagkamuhi sa awtokrasyang Espanyol,
katiwalian sa pamahalaan, walang kalayaang magpahayag ng mga batas na
naghihigpit sa pangangalakal.
Nakatulong ang heograpiya ng Latin America sa pagpapaliwanag kung bakit
ito umunlad bilang hiwa-hiwalay na bansa. Inihihiwalay ang Chile sa hanay ng
Bundok Andes at ng Disiyerto ng Atacama.
Nakalubog ang Paraguay sa malalim na gubat. Nahahati ng mga talampas at
bulkan ang Bolivia mula kanluran. Nahihiwalay sa isa’t isa ang Colombia, Venezuela,
at Ecuador, ng mga bahagi ng Bundok Andes.

Mapa ng South America na nasakop ng Spain at Portugal

Source: https://www.infoplease.com

Ang bawat isa sa 20 bansa sa Latin America ay pinamayanihan


ng makabansang damdamin. May ilang mga tao ang nagkakamaling
tawaging bansa ang Latin America. Hindi ito nakapagtataka. Maraming
Latin Americans ang nagsasalita ng Espanyol at may
6

Pagkakaiba ng Lahi bilang Salik ng Nasyonalismo

Halos lahing Europeo ang populasyon ng mga bansa sa Latin America tulad
ng Argentina, Uruguay, Costa Rica, at Chile. Ang populasyon ng iba tulad ng
Ecuador, Peru, Bolivia, at Paraguay ay halos American Indians. Sa Dominican
Republic, itinuturing ang ibang lahi na mababang uri. Ang populasyon ng Brazil ay
lahing Aprikano, Indian at mga nanggaling sa Portugal, France, Spain, Germany, at
Italy. Maraming Europeo ang naninirahan sa ibang bansang Latin America ngunit sa
Brazil lamang nagkaroon ng pag-aasawahan ang iba ibang lahi at nasyonalidad.
Hindi tulad ng 13 kolonya sa United States, nag-alsa ang mga kolonya ng
mga Espanyol sa iba-ibang panahon at sa ilalim ng iba-ibang pinuno. Nais ng mga
bagong republika na mabigyang halaga ang kanilang mga naiambag gayundin ang
kanilang mga bayani.Sa Latin America, gumamit ang mga rebolusyonaryo ng dahas
sa mga katiwalian ng monarkiya laban sa republika. Nagbigay-diin ito sa mga
pagkakaiba ng mga bansang Latin American. Maraming himagsikan ang
nagpasiklab sa kanilang pambansang pagkamuhi.

Ang mga Creole

Tinatawag na creole ang mga ipinanganak sa Bagong Daigdig na may


lahing Europeo. Minamaliit ang mga bansang Latin America na creole ang
populasyon, tulad ng Argentina na may populasyong Indian at Iba-ibang lahi. Sa
magkahalong populasyon, kasama ng mga mestizo, (Espanyol at Indian), zambo
(Indian at ibang lahi), at mulatto (puti at ibang lahi).

Ang pagkakaiba sa wika ang nagbigay ng kakaibang katangian sa mga


bansang Latin America. Halos lahat ng Latin Amerikano ay nagsasalita ng Espanyol.
Ngunit ang mga taga Brazil ay nagsasalita ng Portuges. Ang mga taga-Haiti ay
7

nagsasalita ng Pranses at maraming Indian ang nagsasalita ng kanilang katutubong


wika.

Mga Sagabal sa Nasyonalismo

Maraming naging sagabal sa pag-unlad ng nasyonalismo sa Latin America.


Naging pansarili ito kaya maraming mahihirap at mangmang ang hindi nakikilahok sa
mga makabayang pag-aalsa noong nagsimula ang ika-19 na siglo.
Pinaghati-hati ng mga haring Espanyol sa kanilang mga paborito ang
malalaking lupain at nagsisilbi lamang sa mga estado ng mga maharlikang
Espanyol. Marami ang nakabaon sa utang kaya sila ay nanatiling nakatali sa lupa at
sa pagkakaalipin. Nakilalang peones ang mga taong ito. Ito ang uri ng
piyudalismong umunlad sa Latin America at nakasagabal sa kanilang nasyonalismo.
Ang mga bansang Latin Amerikano, ay napabayaan ang nasyonalismo
sapagkat napatagal bago sila nagkaroon ng panggitnang uri ng lipunan. Itinuturing
na mababang uri ng gawain ang pangangalakal o iba pang gawain. Higit na
mahalaga sa kanila ang pag-aari ng lupa, kaya marami sa kanila ang mahihirap.
Pumunta ang mga Espanyol sa Bagong Daigdig hindi upang magtayo ng
tahanan o magparami ng pamilya kundi upang magkamit ng kayamanan. Maraming
mga Indian ang pinilit na maghanap ng ginto sa mga minahan ng Mexico at Peru.
Ang katutubong tao sa Peru, Ecuador, at Bolivia ang tumira sa bundok upang
mapalayo sa pamamahala ng banyaga

Si Bolivar – Ang Tagapagpalaya

Simon Bolivar- isang creole na nagnais na palayain ang


South America laban sa mga mananakop. Ang mga
pagnanais na ito ay pagpapatuloy lamang sa mga
nasimulan ni Francisco de Miranda.

Francisco de Miranda – isang Venezuelan na nag-alsa


laban sa mga Espanyol noong 1811 ngunit hindi siya
nagtagumpay na matamo ang kalayaan ng Venezuela
Source:https://www.britannica.com mula sa Spain. Siya ay namatay noong 1816 na may
sama ng loob sa isang bartolina ng mga Espanyol. Sa pagkamatay ni Miranda,
pinamunuan ni Bolivar ang kilusan para sa kalayaan sa hilagang bahagi ng South
America.

Noong 1819, pagkatapos na mapalaya ang Venezuela, ginulat ni Bolivar ang


mga Espanyol nang magdaan sa Andes ang kaniyang hukbo. Ang kanyang
tagumpay ay humantong sa pagtatatag ng Great Columbia (ang buong hilagang
pampang ng South America). Tinawag siyang tagapagpalaya o liberator at
8

pagkatapos, naging pangulo.Limang taon ang nakalipas, tinalo ng kanyang heneral,


na si Antonio Jose de Sucre, ang mga Espanyol sa labanan ng Ayacucho sa
Peruvian Andes.
Kung si Bolivar ang naging bayani sa South America, si Jose de San Martin
(1778-1850) naman ang sumunod sa pagtataboy sa mga Espanyol sa Argentina.
Katulad din ni Bolivar, namuno si San Martin sa kanyang grupo sa Andes. Tumulong
ito sa liberasyon ng Chile, gayundin sa Peru. Mayroon din siyang heneral na tulad ni
Bernardo o’Higgins, isang Chileno. Naging malungkot ang mga huling taon ng buhay
ni Bolivar. Maraming tao ang naghinala na nais niyang maging diktador. Binalak
naman ng iba na patayin siya. Nasira ang kanyang pangarap na magtayo ng isang
nagkakaisang South America nang mahati ito sa tatlong republika – ang Venezuela,
Columbia at Ecuador.

Ang Demokrasya at Nasyonalismo sa Latin America

Maraming pinuno ang Latin America na gumawa ng mga hakbang sa


pagpapaunlad ng demokrasya na sinalungat naman ng mga diktador. Halimbawa, si
Nivadavia, isang pinuno sa Argentina mula noong 1820-1827, siya ang nagtaguyod
ng edukasyon, nagsikap na matamo ang karapatang bumoto para sa lahat, at
gumawa ng paraan upang magkaroon ng makatarungang sistemang legal. Nawalan
ng saysay ang mga ito dahil sa pananakot, pagpapahirap, katiwalian, at mga
pagpatay na isinagawa ni Juan Manuel de Rosas, ang sumunod na namahala sa
Argentina hanggang 1852.

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Africa

Ang Sahara ang naghihiwalay sa black at Caucasoid Africa. Ang mga


kayumangging Bushman ng Kalahari at ang mga Pygmy ang sinasabing unang tao
sa Africa. Naitaboy sila ng mga higit na maunlad na mga lahing itim sa kanluran at
mga Bantu sa silangan. Hindi naglaon, nakipamuhay sila sa mga Bushman at
Pygmy.
Binuo ang mga lahing puti ng mga mangangalakal na Arab, mga Asyano, at
mga Europeo. Lumikha ang pakikisalamuha ng kulturang masalimuot. Samantalang
ang puting minorya (2% ng populasyon) ay nagtatamasa sa kayamanan ng Africa,
ang nakararaming lahing itim (98% ng populasyon) namn ay naghihirap.

Pinaghati-hatian ang kontinente at binalangkas ang ekonomiya ayon sa


kanilang sariling kapakanan. Nagtayo sila ng mga daang bakal at industriya upang
mapangalagaan ang kanilang kapangyarihan. Ang pagkakaiba-iba ng mga kultura ng
mananakop ang naging dahilan ng magkakaibang pag-unlad.
9

Bago nagsimula ang 1914, tatlo lamang ang malalayang bansa sa Africa-
Ethiopia, Liberia, at Republic of South Africa. Sinasabing nagsimula ang una sa
pamamahala ni Haring Solomon at ng Reyna ng Sheba. Itinatag ang ikalawa noong
1810 sa tulong ng America at ipinangalan ky Pangulong James Monroe ng United
States ang kabisera ng Monrovia. Naging kasapi ng British Commonwealth of
Nations ang ikatlo noong 1910.
Lumaganap ang nasyonalismo pagkaraan ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Maraming bansa ang naging malaya nang walang karahasan. May mga
bansang dumanak ang dugo bago nakamtan ang kalayaan tulad ng Congo (Zaire) at
Algeria. Ang Rhodesia at Nyasaland ang naging Zimbabwe at Malawi. Lumaya ang
Angola, Mozambique, at Guinea Bissau noong 1975.

Kaugnayan ng Rebolusyong Intelektuwal sa Paglinang ng


Nasyonalismo

Ang nasyonalismo, bagaman masalinuot na damdamin, ito ay nag-


uugat sa pagkamulat sa mga kaisipang pinalalaganap ng pilosopo at nagmumulat sa
katotohanan na ang bawat tao ay isinilang na may karapatang mabuhay, lumaya, at
maging maligaya. Ang pagkakaroon ng kamalayang sila pala ay nasisikil ay
nagbubunga ng pagnanais na wakasan ang pang-aapi ng mga mananakop.
May mga bansang nakamtan ang kalayaan sa pamamagitan ng mapayapang
paraan subalit marami ding mga bansa na may mga buhay na ibinuwis upang
lumaya tulad ng mga Pilipino, Amerikano, Hindu, at iba pa. Ang pagnanais na
makamtan ang kalayaan ang pinakamatibay na taling bumibigkis sa mamamayan
upang magkaisa sa pagkakamit ng layunin. Nakahanda silang magbuwis ng buhay
upang mapangalagaan ang prinsipyong ipinaglalaban.

HALIMBAWA

Ang pagmamahal sa kalayaan ay ipinamalas nang buong tapang at talino ng mga


bayaning Pilipino laban sa mga mapag-imbot na dayuhan. Mababakas sa ating
kasaysayan ang ginawa nilang pagpupunyagi at pagbubuwis ng buhay upang maging
ganap na malaya ang bansa. Halimbawa, si Dr. Jose Rizal at iba pang mga bayani ay
ginamit ang kanilang katalinuhan sa pamamagitan ng panulat upang makamit ang
kalayaan mula sa mga dayuhan. Si Lapu-Lapu at ang mga bumubuo ng Katipunan tulad
nila Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, Emilio Aguinaldo at iba pa na
nakipaghimagsikan para lamang makamit ang kalayaan ng ating bansa.

PAGSASANAY

Para masubok ang iyong kaalaman sa halaga ng pagsibol ng


nasyonalismo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig narito ang mga
pagsasanay na inihanda para sa iyo. Sikaping sagutin ito nang may
husay sa hiwalay na papel.
10

PAGSASANAY 1

PANUTO: Sa pamamagitan ng fact storming web, tukuyin ang tatlong malalayang bansa sa
Africa bago nagsimula ang 1914. Kopyahin ito sa study notebook at isulat ang mga sagot sa
mga habilog.

Binabati kita at nasagot mo ng maayos ang gawain. Tiyak ko na


sa mga susunod ay lalo mo pang paghusayan.

PAGSASANAY 2

Panuto: Suriin ang mga pahayag sa ibaba at isulat sa patlang ang mga konsepto at
personalidad na tinutukoy nito. Kompyahin ito at isulat ang sagot sa study notebook.
11

_____________ 1. Ang humalili kay Vladimir Lenin bilang pinuno ng USSR.


_____________ 2. Masidhing damdamin na nagtutulak sa isang taong ipaglaban ang
kanyang kalayaan, karangalan at karapatan.
_____________ 3. Ang tinaguriang tagapagpalaya ng South America.
_____________ 4. Tawag sa mga ipinanganak sa Bagong Daigdig na may lahing Europeo.
_____________ 5. Sila ang naging lihim na taga-suporta ng mga rebeldeng Amerikano
laban sa mga British.

Ano ang naramdaman mo sa iyong pagsagot? Nahirapan ka


ba? O madali lang ba para sa iyo ang inihandang gawain?
Kung ganoon, tiyak kung mas madali pa para sa iyo ang
susunod na mga gawain.

PAGSASANAY 3
Panuto: Sa pamamagitan ng tatlo hanggang limang pangungusap, ipaliwanag ang
pahayag sa ibaba. Isulat ito sa sagutang papel.
“Paano nakatulong ang Rebolusyong Intelektuwal sa paglinang ng
Nasyonalismo?”
RUBRIK SA PAGMAMARKA NG ESSAY
MGA 5 4 1 PUNTOS
KRAYTERYA

Mahusay na Hindi gaanong Hindi naipaliwanag


naipaliwanag ang naipaliwanag ang paksa
Nilalaman
paksa ang paksa

Angkop ang Hindi gaanong Hindi angkop ang


paliwanag sa tema angkop ang paliwanag sa tema
Kaangkupan sa
paliwanag sa
Tema
tema

Kalinisan Malinis at maayos Hindi gaanong Hindi malinis at


ang pagkakasulat malinis at maayos ang
maayos ang pagkakasulat
pagkakasulat

Kabuuang Puntos

PAGLALAGOM

Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa ideaya ng pagkamakabansa o


pagmamahal sa bansa na bunsod ng pagkakapareho sa lahi, wika,
relihiyon, kultura at pagpapahalaga.
Ang Nasyonalismo ay isang sistema ng kaisipang pampolitika na
nagsasaad sa karapatan ng isang bansa na maging malaya sa
12

PAGLALAGOM

APLIKASYON

Panuto: Sumulat ng tatlong saknong na awitin na may temang


pagkamakabayan. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

RUBRIK SA PAGGAWA NG AWITIN


Pamantayan Napakahusay(5) Mahusay(3) Kailangan pang Puntos
pagbutihin (2)
Nilalaman/Paksa Angkop ang Angkop ang tema Angkop ang tema sa
tema sa paksa, sa paksa, paksa, hindi
napakahusay ng mahusay ang masyadong malinaw
pagkakabuo ng pagkakabuo ng ang pagkakabuo ng
awitin awitin awitin
Organisasyon Organisado ang Hindi gaanong Hindi organisado
tema sa paksa organisado ang ang tema sa paksa
tema sa paksa
Kalinisan Malinis at Hindi gaanong Hindi malinis at
maayos ang malinis at maayos maayos ang
pagkakasulat ang pagkakasulat pagkakasulat
Kabuuang Puntos

PAGTATAYA

PAGTATAYA 1
13

Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap. Piliin at


isulat ang titik ng tamang sagot. Gumamit ng ibang papel para sa kasagutan.
1. Damdamin ng pagiging matapat at mapagmahal sa bansa.
A. Industriyalismo B. Kapitalismo C. Nasyonalismo D. Imperyalismo
2. Ito ay isang malawak na lupain na sumasakop sa dalawang lupalop ng Asya at
Europe.
A. France B. Russia C. Poland D. Portugal
3. Kaninong populasyon ang lahing Aprikano, Indian, at mga nanggaling sa Portugal,
France, Spain, Germany at Italy?
A. Brazil B. Bolivia C. Argentina D. Colombia
4. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa ipinanganak sa Bagong Daigdig na may
lahing Europeo?
A. Creole B. Mulatto C. Zambo D. Mestizo
5. Siya ang nagnais na palayain ang South America laban sa mga manankop.
A. Jose de Sucre B. Jose de San Martin
C. Simon Bolivar D. Bernardo o’ Higgins

PAGTATAYA 2

Panuto: Piliin mula sa mga salita/grupo ng mga salita na nasa loob ng kahon ang
tinutukoy ng pahayag sa ibaba. Isulat ang sagot sa study notebook.

America
Bolivia Indians Paraguay Peones Amazon

1. Nakalubog sa malalim na gubat.


2. Nahahati ng mga talampas at bulkan
3. Ang pinakamalaking ilog sa daigdig
4. Ang populasyon ng Ecuador, Peru, Bolivia at Paraguay
5. Mga taong nakabaon sa utang at nanatiling nakatali sa lupa at pagkaalipin

PAGTATAYA 3
14

Panuto: Isulat ang kinakailangang impormasyon sa patlang upang mabuo ang


pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Noong 1819, pagkatapos na mapalaya ang Venezuela, ginulat ni Bolivar ang mga
Espanyol nang magdaan sa Andes ang kaniyang hukbo. Ang kanyang tagumpay ay
humantong sa pagtatatag ng ____________ (ang buong hilagang pampang ng
South America).
2. Noong ___________, dumating ang mga Tartar o Mongol mula sa Asia at sinakop
ang mga mamamayan ng Russia nang mahigit sa 200 taon.
3. Maraming pinuno ang ____________ na gumawa ng mga hakbang sa
pagpapaunlad ng demokrasya na sinalungat naman ng mga diktador.
4. Ang pagkakaiba-iba ng mga __________ ng mananakop ang naging dahilan ng
magkakaiba ng pag-unlad.
5. Ang pagnanais na makamtan ang __________ ang pinakamatibay na taling
bumibigkis sa mamamayan upang magkaisa sa pagkakamit ng layunin.

SANGGUNIAN

Books
Grace Estela C. Mateo, Ph.D.,Rosita D. Tadena, Ph.D., Mary Dorothy dl. Jose,
Celina E. Balonso, Ph.D., Celestina P. Boncan, Ph.D., John N. Ponsaran,
Jerome A. Ong, pahina 296, 303, 305 . Kasaysayan ng Daigdig: Batayang
Aklat sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon, pahina. 413.

Online Referrences:
pt.slideshare.net, https://www.infoplease.com, https://brainly.ph, https://www.britannica.com,
https://www.infoplease.com, https://www.britannica.com

ANOTASYON

Ang mga Icons ay hindi pag-aari ng may-akda.

SUSI SA PAGWAWASTO

Balik-Aral Pagsasanay I
Austria, Russia, Germany, Poland, Spain, 1. Ethiopia
Portugal, Great Britain 2. Liberia
3. Republic of South Africa
15

Pagsasanay 2
Pagsasanay 3
1. Josef Stalin
(Inaasahang kasagutan)
2. Nasyonalismo
Nakapukaw ito ng damdaming
3. Simon Bolivar
makabansa na siyang naging dahilan ng
4. Creole mga kaliwa’t kanang pagtuligsa.
5. Pranses

Pagtataya 2
Pagtataya I
1. Paraguay 4. American Indians
1. C 4. A
2. Bolivia 5. Peones
2. B 5. C
3. Amazon
3. A

Pagtataya 3
1. Great Columbia
2. Ika-13 siglo
3. Latin America
4. Kultura
5. Kalayaan
16

You might also like