Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PAGBASA AT PAGSULAT

Gawaing nakasulat 1
1. E.Naratibo 3. A.Impormatibo 5. C.Persweysib
2. B.Deskripto 4. D.Argyumentatibo

GAWAING PAGGANAP 1

S URI NG TEKSTO KATANGIAN NG URI NG TEKSTO

Ang tekstong impormatibo ay isang babasahing di piksyon. Ito ay isang uri ng


TEKSTONG IMPORMATIBO pagpapahayag na ang layunin ay makapagbigay ng impormasyon. Naglalahad ito ng
malinaw na paliwanag sa paksang tinatalakay. Sinasagot nito ang mga tanong na ano,
kailan, saan, sino at paano. Sa ibang terminolohiya, tinatawag din itong “ekspositori”.
.Sa pagsulat ng tekstong impormatibo, ang mga manunulat ay gumagamit ng iba’t ibang
pantulong upang magabayan ang mga mambabasa para mas mabilis nilang maunawaan
ang impormasyon.

Ang Tekstong Deskriptibo ay nagtataglay ng mga kaukulang detalye sa katangian ng isang


tao, lugar, bagay, o pangyayari. Naglalayon itong bumuo ng malinaw na larawan sa isip ng
mga mambabasa upang mapalutang ang pagkakakilanlan nito
TEKSTONG DESKRIPTO karaniwang gumagamit ang may-akda ng pang-uri at pang-abay.
May dalawang paraan ng paglalarawan upang makamit ang layon ng tekstong deskriptibo.
OBHETIBO O KARANIWAN-Pagbubuo ito ng malinaw na larawan sa isipan ng mambabasa
sa tulong ng pinagbatayang katotohanan. Walang kinalaman dito ang sariling kuro-kuro at
damdamin ng naglalarawan.
SUBHETIBO O MASINING - Nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin
at pangmalas ng may-akda. Ang mga detalyeng inihahayag dito ay nakukulayan ng
imahinasyon, pananaw at opinyong pansarili ng naglalarawan.

Ang Tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring hinango


sa totoong pangyayari sa daigdig (di-piksyon), o nanggaling lamang sa kathang-isip ng
TEKSTONG NARATIBO manunulat (piksyon). Ang pagsulat nito ay maaring batay sa obserbasyon o nakita ng may
akda, maaari din namang ito ay nanggaling mula sa sarili niyang karanasan.
mga halimbawa ng tekstong nagkukuwento na nabibilang sa akdang piksyon ay nobela,
maikling kwento, at tulang nagsasalaysay. Ang halimbawa naman ng hindi piksyon ay
talambuhay, balita at maikling sanaysay. Lahat ng halimbawang nabanggit ay nagtataglay
ng pagsasalaysay gamit ang wikang puno ng imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon sa
mga mambabasa, at nagpapakita ng iba’t ibang imahen, metapora at mga simbolo upang
maging malikhain ang katha.

Ang tekstong prosidyural ay binubuo ng mga panuto upang masundan ang mga hakbang
ng isang proseso sa paggawa ng isang bagay. Nagsasaad din ito ng impormasyon o mga
direksiyon upang ligtas, mabilis, matagumpay, at maayos na pagsasagawa ng gawain.
TEKSTONG PROSIDYURAL pagpapaliwanag kung paano gumagana o paano pagaganahin ang isang kasangkapan
batay sa ipinapakita sa manwal.
Magagamit ang tekstong prosidyural sa tatlong iba’t ibang pagkakataon.
- pagsasabi ng hakbang kung paano gawin ang isang bagay o gawain tulad ng makikita sa
mga resipi, mekaniks ng laro, alituntunin sa kalsada at mga eksperimentong siyentipiko.
- sa paglalarawan kung paano makakamit ang ninanais na kalagayan sa buhay, tulad
halimbawa ng kung paano magiging masaya, kung paano magtatagumpay sa buhay.

Layunin ng isang tekstong persuweysib ang manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng


teksto. Ang tekstong persuweysib ay may subhetibong tono sapagkat malayang
ipinahahayag ng manunulat ang kanyang paniniwala at pagkiling tungkol sa isang isyung
TEKSTONG PERSUWEYSIB may ilang panig. Taglay nito ang personal na opinyon at paniniwala ng mayakda.
Inilarawan ng Griyegong pilosopo na si Aristotle ang tatlong paraan ng panghihikayat o
pangungumbinsi. Ito ay ang sumusunod:
Ethos - Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat. Dapat makumbinsi ng isang
manunulat ang mambabasa na siya ay may malawak na kaalaman at karanasan tungkol sa
kanyang isinusulat, kung hindi ay baka hindi sila mahikayat na maniwala rito.
Pathos - Tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang
mambabasa. Ayon kay Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay madaling madala ng
kanilang emosyon. Ang paggamit ng pagpapahalaga at paniniwala ng mambabasa ay isang
epektibong paran upang makumbinsi sila.
Logos – Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa.
Kailangang mapatunayan ng manunulat sa mga mambabasa na batay sa mga
impormasyon at datos na kaniyang inilatag, ang kaniyang pananaw o punto ang siyang
dapat paniwalaan.
GAWAING NAKASULAT 2

PANUTO: tukuyin ang kahulugan at katangian ng mga salitang ginamit sa teksto at nakasulat ng madiin sa
bawat bilang.

1. Ang sumusunod ay mga babasahing di piksyon talambuhay, balita, artikulo sa magasin. Batay sa mga
halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o katangian ang maibibigay mo para sa di piksyon
And di piksyon ay mga pangyayari na totoong nangyayari sa mundo o naglalaman ng impormasyon na
tama at makatotohanan.

2. Ang sumusunod naman any mga babasahing piksiyon maikling kwento, tula, nobela Batay sa mga
halimbawang ito, anong pagpapakahulugan o katangian ang maibibigay mo para sa mga babasahing
piksiyon?
Batay sa halimbawa, ang piksyon ay mga d pangkatotohanan na mga pangyayari. Nagmumula ito sa
imahinasyon o kathang isip lamang nang isang manunulat.

3. Ang salitang impormatibo, ay nagmula sa salitang Ingles na inform. Batay sa pinagmulan ng salita,
anong kahulugan ang maibibigay mo para sa tekstong impormatibo?
Batay sa salitang ingles na inform, ang impormatibo ay naglalaman ng mga impormasyon at kaalaman
upang maintindihan ang isang bagay.

4. May iba't ibang pananaw o punto de-vista ang tekstong naratibo, unang panauhan, ikalawang
panauhan, ikatlong panauhan. Batay sa mga nabanggit na mga pananaw ano anong kahulugan ang
maibibigay mo para sa unang panauhan?
Isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng kwento, ibinabatid nito ang kanyang nararanasan o kanyang
mga nakikita at nararamdaman

5. May dalawang paraan kung paano inilahad o ipinapahayag ng mga tauhan ang kanilang diyalogo,
ang direkta o tuwirang pagpapahayag, o di direkta o di tuwirang pagpapahayag. Batay sa mga
nabanggit na paraan, anong kahulugan ang maibibigay mo sa di direkta o di tuwirang
pagpapahayag?
Ang tagapagsalaysay ang iniisip o sasabihin ng tauhan.

PANUTO: PUMILI NG ISANG PATALASTAS NA NASA TEKSTONG NAGLALARAWAN. MAGSULAT NG ISANG


PAGLALARAWAN. PAGLALARAWAN TUNGKOL SA PATALASTAS BATAY SA TIYAK NA KATANGIAN NITO

a. Mga kaalamang inihanay


Ang patalastas na ito ay tungkol sa kahalagahan
ng paginom ng gatas hindi lamang para sa mga
bata pati na din para sa matatanda. Ang
bearbrand ay naglalaman ng mga importanteng
nutrisyon katulad ng calcium, phosphorus,
vitamin b, vitamin d at protein. Ang paginom ng
gatas sa araw- araw nakakatulong upang
makaiwas tayo sa tinatawag na bone fractures

nakakatulong din ito para sa iyong


kalusugan.

b. Paraan ng pagkakalahad
Impormatibo, ang paraan ng
pagkakalahad ay natutugma sa tekstong
impormatibo dahilibinabatid nito kung
ano at bakit mahala ang gatas sa isang
bata o matanda. Malinaw din ang
pagkakasabi ng mga bitaminang
makukuha sa gats na isa sa
mahahalagang detalye ng nasabing
patalastas. Idagdag pa ang mga masasamang sakit na maiiwasan kapag ikaw ay regular na
uminom ng gatas o nasabing produkto.

You might also like