Ang Talambuhay Ni Emilio Aguinaldo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ANG TALAMBUHAY NI

EMILIO AGUINALDO
Hindi madali ang maging Pangulo ng Unang Republika ng
Pilipinas at mamuno sa rebolusyon laban sa Espanya at Estados
Unidos pero 'yan ang ginawa ni Heneral Emilio Aguinaldo.
Si Emilio ay ipinanganak noong Marso 22, 1869 sa Kawit,
Cavite. Anak siya ni Don Carlos Aguinaldo at Dona Trinidad Famy.
Nasa ikatlong taon lang siya ng mataas na paaralan sa Colegio
de San Juan de Letran nang mamatay ang kaniyang ama kaya
huminto siya sa pag-aaral at namahala sa kanilang malawak na
pataniman.
Upang hindi manilbihan bilang katu-katulong ng mga sundalong
Espanyol, nanungkulan siya bilang Cabeza de Barangay. Gulat ang
mga taong nasasakupan niya. Mahusay kasi siyang mamuno.
Nang ipatupad ang Batas Maura, si Emilio ang unang napiling
maging Capitan Municipal ng Kawit noong Enero, 1895. Bilang
pinunong katipunero ng Cavite ay namahala si Emilio upang
makuha sa mga kamay ng mga Kastila ang mga bayang Kawit,
Imus at Bacoor sa lalawigang ito. Sa sobrang galit ng mga
Espanyol sa matapang na Caviteno, lagi nila itong inaabangan
upang ikulong sa piitan. Subalit laging nakaiiwas si Emilio.
Sa kumbensiyon ng mga katipunero sa Tejeros noong Marso,
1897 ay nagkalaban ang grupong Magdalo ni Emilio Aguinaldo at
ang grupong Magdiwang ni Andres Bonifacio. Bagamat wala roon si
Emilio ay nahalal itong pangulo.
Bilang bagong presidente ng katipunan, nagdesisyon si Emilio
na ilipat ang Punong Tanggapan niya una sa Batangas at ikalawa
sa Bulacan kung saan itinayo niya ang Pamahalaang Rebolusyonaryo
sa Biak na Bato.
Sa pagkakaroon ng giyera sa Cuba ay lito ang isipan ng mga
Kastila kahit napakarami nitong sundalo. May laban na sa
Pilipinas, may laban pa sa Cuba.
Sa pakikipag-usap ni Pedro Paterno, emisaryo ng mga
Espanyol, ay inihain kay Emilio ang Pact of Biak na Bato. Sa
kasunduan, bibigyan ng pangkalahatang amnestiya ang lahat ng
rebolusyonaryo; hahandugan ng P800,000 ang pamunuan at
P900,000 ang mga Pilipinong sinalanta ng digmaan. Kasama ng
mga piling tauhan, naging exile si Aguinaldo sa Hongkong. Namalagi
siya roon ng 3 buwan lamang.
Tamang-tamang nagsisimula na noon ang digmaang Kastila-
Amerikano. Sa Amerika pumanig si Emilio. Nang magbalik sa
Pilipinas ay iprinoklama niya ang kalayaan sa Kawit, Cavite.
Nakuha niya ang simpatiya ng maraming rebolusyonaryo at ang
mga probinsiya ay hawak na ng mga sundalong Pilipino. Tanging
ang Maynila ang sakop pa rin ng mga Kastila. Nang mapaligiran
nina Emilio ang Maynila ay napilay ang mga Kastila. Susuko na
sana ang mga Kastila nang utusan ng Espanya ang mga sundalo
nito na sumuko hindi sa mga Pilipino kung hindi sa mga
Amerikano.
Sa panlalansi ng Amerika, ang digmaang pinanalunan sana ni
Emilio ay nawalang parang bula.
Nagsimula na ang labanang Pilipino-Amerikano. Sa hirap na
dinanas ni Emilio, naging matatag pa rin siya. Naitindig niya ang
Revolutionary Congress at naipasulat ang Konstitusyon sa Malolos
subalit sumang-ayon ang Espanya sa Treaty of Paris na ibigay ang
Pilipinas sa mga Amerikano sa halagang 20 milyong dolyar. Hindi
inaasahan ng mga Amerikano na higit na malaking halaga ang
pinsalang magagawa ni Emilio sa pag-aalsa.
Humigit kumulang sa 75,000 sundalong Amerikano ang
ipinadala sa Pilipinas. Maraming namatay na Pilipino. Marami ring
namatay na mga Amerikano. Tindig bayani si Emilio. Palipatlipat
siya ng lalawigan kayakap ang pamahalaang rebolusyonaryo.
Nakubkob siya ng mga Amerikano sa pamumuno ni General
Funston sa Palanan, Isabela noong Septiyembre, 1900.
Ang Chief Justice of the Supreme Court na si Cayetano
Arellano ang nakiusap kay Emilio na makipagtulungan sa mga
Amerikano. Napahinuhod ang dakilang lider kaya nanawagan siya sa
lahat ng rebolusyonaryo na magsisuko alang-alang sa
pangkalahatang kapayapaan.
Ang lubos na katuwaan ni Emilio ay naganap noong 1962
nang ipahayag ng Pangulo ng Pilipinas na ang Hunyo 12, 1898 ay
tunay na Araw ng Kalayaang dapat ipagdiwang ng mga Pilipino
sapagkat sa araw na ito nanindigan si Emilio Aguinaldo na tayo ay
ganap nang malaya bilang isang bansa.
Namatay si Emilio Aguinaldo noong Pebrero 6, 1964.
Matagal din siyang biniyayaang mabuhay upang makitang ganap ang
bunga ng kaniyang ipinakipaglaban sa larangan ng digmaan.
PROYEKTO
SA
HEKASI V
IPAPASA KAY:
GINOONG LORETO PEÑALUSA

IPINASA NI:
MARIA MAE KYLA B. PASCUA

You might also like