Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sa probinsya, mga 7:30 o 8:00 o’clock pa lang ng gabi ay tulog na ang lahat ng tao.

Kadalasan
nakapangilabot pakinggan ang alulong ng aso sa pagsapit ng bilog na buwan. Ang bahay nila ay yari
sa bubong na kawayan kaya kung sakaling may masamang tao na gustong pumasok sa bahay mo
talagang magtatagumpay ito. Isang gabi 7:30 pm, kakatapos lang ng maghapunan nina Lita at siya na
rin ang nagliligpit ng pinagkainan nila. Bago matulog si Lita ay gawi na niya ang magpahinga sa may
terasa nila na yari sa kawayan. Maliwanag kasi dun gawa ng nagbigay ng liwanag ang puno ng akasya
sa tapat ng bahay nila na inaaligiran ng mga alitaptap. Nagpaalam muna si Lita sa Nanay niya na
magpahangin sa labas pero di ito pumayag dahil may dinaramdam si Lita sa sarili. Pero di nagpapigil
si Lita.“Anak magpahinga ka na wag ka ng magtambay pa d’yan sa labas at ang lamig ng panahon at
kita mo bilog ang buwan di ka ba natatakot?” ang sabi ng Nanay na nag-alala sa kalagayan ni Lita kasi
medyo masama ang pakiramdam ni Lita.“Nay... saglit lang po ako dito at saka maaga pa naman po
eh!” ang sagot magalang na sagot ni Lita.“O sige, pero baka makalimutan mong pumasok dito ha?
Mauna na akong matulog sayo at yong Tatay mo ay mamaya pang hatinggabi ang dating nun?” ang
Nanay ni Lita.“Sige po Nay, susunod na lang po ako mamaya, di pa po kasi ako inaantok.” ang sagot
ni Lita.Nang pumasok na sa loob ang Nanay ni Lita ay inumpisahan na ni Lita ang dati niyang gawi,
ang kumakanta habang pinapanood ang mga alitaptap na nagliliparan at umaaligid sa palibot ng
punong akasya. Masayang-masaya si Lita at ramdam niyang nawawala ang sakit ng ulo niya at di nito
namalayan na maghahatinggabi na pala. Nakakailang kanta na si Lita at nang panghuli niyang kanta
ang siyang nagbibigay-takot sa kanya na halos hihimatayin na siya sa takot nang makita niya ang di
inaasahang makita. Kinapa niya ang kanyang puso at pinakikiramdaman ang sarili na baka nanaginip
lang siya sa kanyang nakita. Pero buhay na buhay talaga ang isip at diwa ni Perlita. Lalo siyang
natulala nang kausapin siya ng napakagandang babae na mahaba ang buhok halos sayad hanggang
lupa. Napakaganda niya, nakakabighani talaga siya kung sino mang lalaki ang makakakita sa kanya
dahil sa kakaiba niyang kagandahan ngunit gayunpaman, ay natakot pa rin si Lita dahil sa bigla
niyang pagpapakita at lalo siyang hihimatayin nang kakausapin siya nito...“S-sino ka?! Saan ka ba
nanggaling? At kung anuman ang sadya mo sa akin?” ‘ika ni Lita habang nangangatog na ang dila nito
sa takot na halos di na makapagsalita.“Huwag kang mag-alala, isa akong kaibigan, kaya ako
nagpapakita sayo sa isang dahilan dahil malapit na akong lilipat ng tirahan. Gusto ko lang
magpapaalam sayo kaibigan, kung hindi dahil sa mga iniaalay mong kanta sa akin matagal na akong
namamatay sa lungkot dito sa bahay ko.” Malungkot na sabi ng babae na kung tawagin ay
Engkantada.“Ah…e... kung ganon matagal mo na pala akong sinusubaybayan? Ibig mong sabihin
iwanan mo na ang punong akasya na yan?” ang tanong ni Lita sa kanya at medyo nalungkot din
ito.“Oo, nasa ibang lugar ang Amang Hari, maysakit siya kaya kailangan kong pumunta sa kanya para
ako ang mag-aalaga. Alam mo, hindi talaga kita makakalimutan, salamat sa lahat napakabusilak ng
puso mo.” Seryosong sabi ng mabait na Engkantada. “Hindi na ako magtatagal at mahalaga ang
bawat oras ng mga tulad naming nilalang, paalam kaibigan...” Unti-unting naglaho ang
Engkantada.“Sandali lang! Hintayin mo ko! Gusto kong makilala kung sino ka! Sandali!” nasa ganong
sitwasyon si Lita nang biglang dumating ang Tatay niya.Galit na galit ang Tatay ni Lita sa Nanay niya
dahil hatinggabi na pala pero nasa labas pa ito. Ginising si Lita ng Tatay niya dahil nagsasalita ito
habang natutulog pero kahit anong gising ng Tatay niya ay hindi talaga ito magigising kaya pinapalo
na lang ito ng unan sa ulo( pamahiin sa probinsya ng taong nanaginip na di magising). Sa sobrang
lakas ng palo ng Tatay ni Lita ay nagising din ito, hingal ng hingal. Tinanong siya ng Tatay niya kung
ano ang nangyari sa kanya at kung ano ang napapanaginipan niya pero umiiling lang ito dahil kahit
siya di niya kayang ikuwento sa kanila ang mga nangyayari. Baka sabihin nilang nagbibiro lang si Lita
at bunga lang yon sa sakit ng ulo niya.Kinabukasan maaga siyang gumising at nagwawalis sa bakuran
nila at isinama na rin ang puno ng akasya. Malinis na malinis ang paligid ng puno ng akasya kahit
maliit pa ito, makikita mo ang hatid na kagandahan ng puno lalo na sa gabi. Kinagabihan nagpaalam
ulit si Lita sa Nanay niya na mamahinga sa terasa nila pero ewan ba niya, ramdam niya noon ang labis
na kalungkutan sa gabing yon. Paglabas ni Lita ng bahay ay kaagad itong naupo sa terasa at
pinapanood ang puno ng akasya at sa time na yon nagtataka na siya kung bakit di siya nakaramdam
ng takot. Pinagmasdan niya ang puno, laking panlulumo na lang niya na wala na ang mga alitaptap
doon. Madilim na ang buong paligid ng puno at noon, napagtanto ni Lita na totoo pala ang nangyayari
sa kanya nung nakaraang gabi hindi lang isang panaginip. Naglaho na ang kagandahan at liwanag ng
punong akasya, isa lang ibig sabihin at pumasok sa isip niya, na lumipat na ng tirahan ang mabait na
Engkantada kung kaya nagawa niyang kausapin sa panaginip si Lita para magpapaalam. Siguro may
kapangyarihan sila na hindi puweding gawin ng isang normal na tao na tulad ni Lita dahil bago
mangyari ang aktuwal na pagkikita nila ng Engkantada ay ramdam ni Lita sa sarili niya na gising
talaga ang isip at diwa niya at hindi siya nananaginip.“Totoo palang may ENGKANTADA? sambit ni Lita
sa sarili na puno ng kalungkutan dahil di man lang niya nagawang kausapin ang ENGKANTADA sa
puno ng akasya.

You might also like