Professional Documents
Culture Documents
Music Week 1-Q3
Music Week 1-Q3
DISTRICT I
II. Paksa
Mga Anyo ng Musika
III. Pamamaraan
A. PanimulangGawain
1. Balik-Aral
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ito sa iyong sagutang
papel.
1. Ito ay isang mahalagang elemento ng musika. Ang mga tono nito ay nakasulat sa
isang staff. (melody)
2. Ito ang kumakatawan sa bawat tono ng isang melody. Ito ay ginagamitan ng mga
titik ng Alpabetong C, D, E, F, G, A, B. (NOTE)
3. Ito ay ang taong lumilikha ng musika. (kompositor)
4. Ito ay isang uri ng sining na gumagamit ng mga tunog. (musika)
5. Ito ay pangunahing bahagi ng isang awitin na pangkaraniwang sinusundan ng
chorus. (verse)
2. Pagganyak
Awitin ang “Bahay Kubo” habang ipinapalakpak ang mga kamay sa ritmo
nito. Sagutin ang mga tanong na nasa sa ibaba at isulat ang sagot sa sagutang
papel.
B. PagpapayamangGawain
1. Paglalahad
Ang anyo ay isa sa mga elemento ng musika na tumutukoy sa kayarian ng isang
komposisyon batay sa kaanyuan o pagkakabuo ng mga parirala nito.
May dalawang anyo ang musika. Ang anyong unitary at strophic. Ang unitary ay isang
anyo ng musika na tumutuon sa disenyo o istruktura na may isang berso lamang na di
inuulit ang pag-awit. Madalas ang mga maiikling awitin o mga awiting tulad ng nursery
rhymes ay nasa anyong unitary.
Makikita mo rin sa iskor ng awit na ito ay mayroon lamang iisang saknong o verse
ng titik o lyrics. Ang simbolong ginagamit para sa awit na nasa anyong unitary ay ‘A’.
Halimbawa: Twinkle, Twinkle Little Star, Happy Birthday
Isa pang simpleng anyo ng musika ay ang strophic. Ang isang awitin o musika ay
maituturing na may anyong strophic kung ito ay mayroong iisang melodiya na paulit-ulit sa
bawat berso ng buong awit. Kahit magbago ang mga titik ng awit, ang melodiya nito ay
mananatiling pareho lamang sa buong awit.
‘A’ din ang ginagamit na simbolo para sa mga awit na nasa anyong strophic. Pero ito
ay inuulit-ulit depende kung ilang beses mong inulit ang melody ng awit. Halimbawa, apat
na beses inulit ang melody ng ‘Leron, Leron Sinta’ kaya ang simbolo ng anyo nito ay apat na
A o ‘AAAA’. Kung ang melody ay dalawang beses mong inulit ang simbolo nito ay ‘AA’ at
kung tatlong beses naman ay ‘AAA’
2. Pagtalakay
1. Ano ang anyo o form?
2. Ano ang anyong unitary?
3. Ano ang anyong strophic?
4. Magbigay ng halimbawa ng nasa anyong unitary? Stropic?
SDO BATANGAS CITY
DISTRICT I
3. Pagsasanay
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pag-aralan ang iskor ng awiting “Pilipinas kong Mahal.”
Sagutin ang mga tanong ukol dito. (https://www.youtube.com/watch?v=PmP5jfwKCII)
6. Pagtataya
Panuto:Tukuyin ang uri ng anyo sa sumusunod na mga awitin sa
pamamagitan ng paglagay ng U kung unitary at S kung strophic.
________ 1. Bahay Kubo (S)
________ 2. Silent Night (S)
________ 3. Twinkle Twinkle, Little Star (U)
_________4. Paruparong Bukid (U)
_________5. Ako ay Nagtanim (U)