Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

IKALAWANG MARKAHAN SA MAPEH (Arts) 5

Unang Linggo

I. Layunin
Naipaliliwanag ang halaga ng mga magagandang tanawin sa bansa, maipagmalaki ang
mga magaganda at maksaysayang lugar at makaguhit ng napili mong magandang tanawin.

II. Paksa
Mga Magagandang Tanawin sa Bansa

Sanggunian: PIVOT MELC p.379, ADM-CO_Q1_Arts 5_Module 1 p. 1, youtube


PIVOT Module pp.1-9, ADM Region X pp. 6-10
http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html
https://www.pinterest.ph/pin/232779874459843104/
Kagamitan: powerpoint presentation, Modyul, mga larawan, video

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Panuto: Punan ng tamang sagot ang patlang. Pumili sa loob ng kahon.

2. Pagganyak
Panuto: Tukuyin at pangalanan ang mga larawan na nasa ibaba. Piliin ang wastong
kasagutan na nasa kahon at isulat ito sa bawat linya na nakalagay sa ibaba ng bawat
larawan.

A. Pagpapaunlad na Gawain
1. Paglalahad
Sa ating bansa, tunay na naiiba at sari-sari ang angking ganda nito. May mga likas
na tanawin at may mga makasaysayang pook na maaaring ipagmalaki ng mga
mamamayan sa mga dayuhan, kung saan ang iba ay kinikilala bilang isa sa mga World
Heritage Site. Ilan sa mga ito ay ang Rice Terraces in Banaue, Batad; Paoay Church;
Miag-ao Church; Landscape of Batanes; Callao Caves in Cagayan; Old House in Vigan
and Torogan in Lanao. Ang mga lugar na ito ay nakapagsisilbing inspirasyon at paksa
sa paglikha ng pagpinta at mga gawaing sining.
Pag-aralan ang mga larawan na nasa ibaba.
2. Pagtalakay

1. Ano-ano ang mga natural at tanyag na mga makasaysayang lugar sa Pilipinas?


2. Paano ito na nakakaapekto sa turismo at ekonomiya ng Pilipinas?
3. Maraming magagandang tanawin sa ating bansa. May napuntahan ka na ba sa mga
ito? Anong magandang tanawin ito at saan ito matatagpuan?
4. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapahahalagahan ang mga makasaysayang lugar
sa ating bansa?

3. Paglinang na Gawain
Ipapanood at talakayin ang video:
https://www.youtube.com/watch?v=gL-C4c_jH48&t=95s

4. Pagsasanay
Direksiyon: Tukuyin ang isinasaad ng bawat katanungan. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Saang probinsiya ng Pilipinas matatagpuan angChocolate Hills?
A. Probinsiya ng Pangasinan C. Probinsya ng Bohol
B. Probinsiya ng Misamis D. Probinsiya ng Zamboanga
2. Ito ay isa sa mga makasayasayang lugar na gawa ng tao na tinaniman ng mga palay
na pahagdanhagdan ang anyong bundok.
A. Ozamiz Rice Terraces C. Negros Rice Terraces
B. Banaue Rice Terraces D. Bohol Rice Terraces
3. Saang lugar matatagpuan ang pinakamataas na tulay sa Pilipinas na tinatawag na
Tulay ng San Juanico?
A. Samar at Leyte C. Sorsogon
B. Palawan Island D. Baguio City
4. Saan matatagpuan ang Luneta Park?
A. Cebu City C. Pagadian City
B. Davao City D. Metro Manila
5. Ano ang makasaysayang simbahan na matatagpuan sa Ifugao?
A. Miagao Church C. Quiapo Church
B. Basilica Church D. Cathedral Church

5. Paglalahat

Dapat nating pahalagahan ang mga magagandang tanawin sa ating bansa sa


pamamagitan ng pagbisita natin muna dito bago pumunta sa ibang bansa. Kung
tatangkilikin natin ang sariling atin makikilala tayo sa buong mundo.

6. Paglalapat
Lumikha ng isang landscape painting,pumili sa mga larawan na inyong tinalakay.
Kulayan ito at lapatan ng kaakibat na puntos gamit ang rubrik.

IV. Pagtataya
A. Panuto: Pangalanan ang sumusunod na mga natural at makasaysayang mga larawan sa
ating bansa. Isulat ang iyong sagot sa mga linyang nakalagay sa ibaba ng bawat
larawan.

B. Punan ang mga patlang upang makabuo ng makabuluhang pahayag tungkol sa aralin.

You might also like