Mass Media (Soap Opera)

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Sulating Sining at Disenyo

Mass Media
Mass Media (Midyang
Pangmasa)
▪ midyang nakakaabot sa maraming tao
(Halimbawa: radyo, internet, telebisyon,
pahayagan, komiks atbp.)
▪ daluyan ng iba’t ibang impormasyon
mula sa anyong nakalimbag o
nababasa, napakikinggan, at
napapanood
▪ kabuhol ng kulturang popular (pop
culture) kung saan iniluluwal ang mga
produkto o programang tatabo sa
takilya/tatangkilikin ng mamamayan
▪ may malaking gampanin sa lipunang
Pilipino
(teleserye, gameshow, showbiz balita, pelikula
atbp.)
Maituturing na umiikot na
ang buhay ng mga Pilipino sa
iba’t ibang media upang
paghanguan ng balita,
impormasyon at iba pang
bagay na makatutulong sa
pang-araw-araw na agos ng
buhay. (Villanueva et al.)
SOAP OPERA at TELESERYE

• programang pantelebisyon
• madaling tangkilikin at
pasikatin ang mula sa
banyagang oryentasyon
• naging tuntungang bato rin ito
ng maraming artistang
Pilipino upang makilala sa
industriya
• Hal: Judy Ann Santos-Agoncillo
“Teleserye Queen”
• Kathryn Bernardo “Teen Queen”
• Marian Rivera “Primetime Queen”
SOAP OPERA
• nagmula sa ibang bansa mula sa
tradisyonal na paraan ng
pagtatampok nito sa mga tauhang
nagpapamalas ng matinding
emosyon.
• una’t ang pangunahing
tagapagtangkilik ay ang mga
maybahay na madalas naiiwan o
namamalagi sa mga tahanan
• Naging pangunahing libangan ito
ng mga noong dekada ’40 sa
Pilipinas
• Mexicanobela, Koreanobela, Asianobela
SOAP OPERA
Ang dubbing ay isang proseso ng
pagsasalin ng mga banyagang
palabas gaya ng telenobela ng Latin
America, Japanese anime o Asian
drama series sa wikang Filipino sa
pamamagitan ng paglapat ng bagong
tunog/boses sa diyalogo ng mga
makikitang actor/aktres sa screen.
Mahalaga sa dubbing ang
singkronisasyon o ang pagsabay ng
maririnig na boses/tunog sa
makikitang buka ng bibig ng mga
aktor/aktres.
SOAP OPERA
Ang subtitling ay isang proseso ng
pagsasalin na may aplikasyon ng
teletext o may paglalagay ng saling
teksto sa bandang baba ng
audiovisual na screen upang
maunawaan ng target audience ang
dayalog ng mga aktor/aktres sa isang
pelikula o audio-visual na palabas na
nasa banyagang wika. Mahalaga ang
subtitling ang singkronisasyon o
ang pagsabay ng nababasang
teletext sa ibabang bahagi ng
screen.
SOAP OPERA
Tinangkilik ang mga ito dahil sa
mga paksang madaling
nakauugnay ang maraming
mamamayan. Madaling
makaugnay ang mga manonood
kagaya ng mga kuwentong pag-
ibig kasama ang paghihiganti,
pagtatagumpay, pagbabalik at
marami pang iba na bibihag sa
mga manonood.
SOAP OPERA
Epektibong produkto ng mass media ang
iba't ibang soap opera o teleserye sa
Pilipinas. Bahagi na ito ng isang
nangungunang industriya upang
magbigay ng produkto at serbisyo upang
kumamal ng kita. May sinusundan itong
padron o hulagway kaya't sistematiko ang
paraan ng pagsasalansan ng mga
sagisag at pananagisag upang mapabisa
ang totalidad ng palabas o programang
pantelebisyon.
Sanggunian
Galeon, Kristine Joy S. (2016). Filipino sa Piling Larangan: (Sining). Malabon City: Jimczyville Publications
Garcia, Fanny et al. (2017). Filipino sa Piling Larangan: (Sining at Disenyo). Manila: Rex Bookstore
Villanueva, Voltaire M. et al. (2016). “Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan”: (Akademik at Sining). Quezon City: Vibal
Group, Inc.
Dickey, Christopher. (2013-Sep-27). Social Change Through Soap Operas. [Larawan] Mula sa http://bit.ly/3taTusa
Cavena.com. (n.d.) Subtitling Overview - Cavena Image Products. [Larawan] Mula sa http://bit.ly/3taTdFE
Novelandias. (n.d.) Rosalinda | Thalia, Best face products, Gorgeous redhead. [Larawan] Kinuha mula sa
http://bit.ly/3rN6l3s
OutsideSeoul. (2013-Aug-8) Outside Seoul: Drama review: Meteor Garden (2001). [Larawan] Kinuha mula sa
http://bit.ly/2Ngrvbn
Sy, Azl N. (2020-Apr-26). 10 Old-School K-Dramas That We Used to Love. [Larawan] Kinuha mula sa http://bit.ly/3rPXzBS
Morgan Magazine. (2019-Sep-18). JUDY ANN SANTOS Returns to TV as ANTAGONIST in “STARLA”. [Larawan] Kinuha
mula sa http://bit.ly/3cnXEpW
Tunac, Hermes Joy. (2020-Feb-11). Kathryn Bernardo: Long may she reign! [Larawan] Kinuha mula sa
https://peopleasia.ph/kathryn-bernardo-long-may-she-reign/
Geli Bianca. (2019-Aug-2). Marian Rivera looks stunning in recent selfie with Zia. [Larawan] Kinuha mula sa
http://bit.ly/3vjkzvc

You might also like