Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Globalisasyon: Ang Panimula

Activity: “Pag-unawa sa Globalisasyon”


Layunin:
 Mabigyan ng kahulugan ang globalisasyon
 Maunawaan ang epekto ng globalisasyon sa mga produkto at serbisyong
inaasahan ng mga mag-aaral sa pang-araw-araw na buhay

Panuto:
1. Tingnan ang loob ng inyong bag, ang mga tag sa damit niyo, at maging ang
inyong mga cellphone.
2. Tukuyin ang gamit/produkto kung saan ito ginawa: sa Pilipinas o sa ibang
bansa? Anong mga materyales gawa ang gamit/produkto? Paano ba ito
ginawa?
3. Isulat sa manila paper ang mga natuklasan ninyo. Sundin ang format sa
ibaba.

Gamit/Produkto Gawa sa Anong materyales Paano ito


Pilipinas o sa gawa ang ginawa
ibang bansa gamit/produkto

4. Maaaring gumamit ng internet para mag-research ng inyong kasagutan.


5. Ang lahat ng miyembro ay kailangan tumulong sa pagbuo ng tsart. Kapag
natapos na ang tsart, pumili ng mag-uulat ng inyong ginawa.
6. Isulat sa ¼ na papel ang miyembro ng inyong grupo. Ang mga miyembro na
hindi tumulong ay HINDI ISUSULAT ANG PANGALAN.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang alam natin tungkol sa bawat bansa/rehiyon kung saan ginawa ang
mga gamit/produkto na ito?
2. Para sa mga hindi gawa dito sa Pilipinas, bakit sa palagay mo ginawa ang
mga gamit/produkto na ito sa ibang bansa?
3. Sino ang kumikita sa mga gamit/produkto na ito na ginawa sa ibang bansa
ngunit ibinebenta dito?
4. Sino sa tingin mo ang nakikinabang sa mga ito?
5. Bakit sa palagay mo ang ating ekonomiya ay nasa ganitong paraan?

You might also like